Share

Chapter 221—Shame On You

Penulis: Winter Red
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-12 16:03:46

Nagising ang diwa ni Aella nang hinila s'ya papasok ng dating asawa. Nanatili s'yang matatag at pinakitang matapang sa lahat. Kinagat niya ang ibabang labi na hindi napapansin na kinurot ang braso ni Theodore.

Maasim ang mukha nitong napatitig sa kanya. Tinirikan n'ya ito ng mga mata. Mayamaya'y nasa mahabang lamesa na sila ng dinner room. Napangiwi si Aella sa sobrang palamuti ng lamesa. Kasama nilang nakaupo ang buong angkan ng mga Larson.

Halos sa gitna s'ya nakaupo, kanina pa nakaupo ng tuwid habang nasa kamay niya ang kamay ng anak. Namilog ang mga mata ni Angelica habang ginagala ang paningin sa mga estrangherong nakasuot ng elegante. Kumislot s'ya nang sumagi ang balikat ni Theodore sa kanyang balikat, pinaalala na hindi s'ya nag-iisa.

Nangibabaw ang tawa ni Tyler sa gitna ng mahinang konbersasyon ng kapamilya nito. "Argh! Talagang nakakahiya," pasimula nito. Inisang lagok ang hawak na vino at ang lakas ng boses nito sapat lang para marinig ng lahat, "nakakahiyang sa isan
Winter Red

Thank you for reading po :)

| 9
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 226—Be professional

    "Hindi naman masyadong malala ang nangyari sa paa ni Theodore. Makadadalo pa rin siya sa fashion show ngayon," ani Aella kay Sandra habang inaayos ang damit nito. Nasa venue na sila kung saan gaganapin ang fashion show for the cause ni Denise Mendez. Hindi n'ya mapalagay sa pagiging arogante at taranta ng dalaga. Hinahanda n'ya ngayon ang main gown na ginawa nila at ito ay susuotin ni Sandra. "Aella, always guard your heart. Ayokong makita kang nasasaktan ulit," paalala ulit nito. Di na n'ya mabilang kung ilang beses nitong inaalala. Talagang nag-aalala ang kaibigan sa kalagayan ng puso niya. Di gaya niya na ni minsan ay hindi ito tinanong kung kumusta na ang puso nito. "Totoo ba'ng narinig ko na nagkabalikan na kayo?" Sumulpot si Raffaelo sa tabi ng kaibigan. Nakasuot ito ng suit and tie na parang ikakasal at si Sandra naman ay mistulang trahe de boda ang gown. Tila nakikita n'ya na magiging end game ang dalawa pero parang malabo. "Co-parenting. We're doing co-

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 225—Her Enemy is Back

    "P-Paano ka nakatakas?" nauutal na wika ni Aella sabay tanggal ng bandana sa ulo ng babae. "How dare you!" Marahas nitong inagaw ang bandana sa kanya at tarantang binalot ang ulo. "Scarlet! Imposible..." natulalang saad ni Sandra. Hindi ito makapaniwala sa nakita. "Sandra, tawagan mo agad ang pulis bago ito makatakas!" nagmamadaling utos niya. Sinugod niya ito at buong lakas na nilupot ang kamay nito. "Let me go!" daing nito, pilit kumakawala sa kanya. Umuungol sa sakit nang pinulupot niya ang kamay nito kaso sadyang tuso ang babae, siniko siya sa dibdib at tinadyakan ang paa niya. Humiyaw siya at namulupot sa sakit. Napahawak siya sa hospital bed ni Theodore, nakasalpok ang kilay habang hinihuma ang kirot sa kanyang paa. "Sandra, bilisan mo!" Nanginginig itong nag-scroll pero mabilis si Scarlet. Hinablot nito ang cellphone, sinuntok sa tyan ang kaibigan niya at tumakbo palabas. "Walang hiya, argh!" Napatiim bagang si Sandra habang tutop ang tyan. Para itong sumasabog n

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 224—Late at Night

    Sa bilis ng panahon ay di namalayan ni Aella na dumating ang araw ng fashion show for a cause nila. Umabot sa milyon ang collaboration na iyon at umabot din sa sukdulan ang pagtitiis niya kay Denise. Sa wakas ay makakahinga na rin siya. "Anong klaseng trip ito at gusto makipag-midnight snack sa kaibigan na hundred kilometer ang layo ng bahay?" sarkastiko n'yang sita kay Sandra na nahihirapan pumasok sa kanyang flat. May dinalang rocky road ice cream at buko pie si Sandra ngayon gabi kaya napilitan siyang bumangon at sinamahan itong kumain sa sala ng kanyang bahay. Nalilito s'ya sa biglang aparisyon ng kaibigan. Wala sa tamang oras ang pagka-carve nito, maski hating gabi ay ginugulo s'ya. "Aella, bigyan mo nga ako ng tips kung paano walain ang taong gumugulo sa isip ko. Para kasi s'yang mantsa na di mabura. Tulungan mo ko, please..." kumikinang ang mga mata nitong saad sabay patong ng kamay sa kanyang hita. Ngumuso s'ya. "Sino ba'ng gumugulo sa'yo? At bakit ka niya ginugulo?"

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 223—Denise's Desire

    Hindi na mabilang ni Denise kung ilang beses s'yang tumawag kay Matthias pero hindi naman nito sinasagot. Sigurado s'yang nasa Manila ito at abala sa sandamakmak na panggamot. Ang kinaiinisan n'ya ay kasali sa mga pasyente nito ang anak ni Aella Ramirez. Nalaman n'yang dati itong asawa ni Theodore Larson. Na-involve ito sa sandamakmak na skandalo na lalo n'yang kinagigil. Mahigpit n'yang kinuyom ang kamay na hawak ang kanyang cellphone. Namumula ang mga mata niya habang tinitingnan ang repliksyon sa vanity mirror. "It’s our second anniversary since our engagement…" napatutop siya sa dibdib, pilit pinipigilan ang paghikbi. "Bakit parang wala lang sa kanya? How could he be so heartless… talaga bang kinalimutan n'ya ako? Sana man lang alam niya kung gaano ko siya pinahalagaan. Talaga bang binabalewala na niya ako… just because of that woman?" Humugot siya ng hangin, kaso mas lalo bumigat ang sakit na nasa dibdib niya. "Masakit… sobra. Ganito na lang palagi, nagmamahal sa tao di

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 222— I care for you

    Mabagal na humugot ng malalim na hininga si Aella, pinilit ang sarili na h'wag magpatinag sa mabibigay na titig ng lahat. Pinaghandaan niya kanina ang mental health niya bago suungin ang lungga ng mga masasahol pa sa demonyo. Tahimik lamang ang mga kamag-anak nito pero alam n'yang pinapataya na s'ya sa isipan ng mga ito. Ginagap n'ya ang kamay ni Angelica upang pakalmahin ito. Narinig n'yang pumalatak si Theodore, nakatutok ang malamig nitong mga mata. "Pagod na pagod na ako sa panghihimasok mo sa buhay ko! Ginawa kong girlfriend si Scarlet dahil sa utos mo. Hinabol ko rin siya sa airport dahil sa utos mo. At dahil sa'yo na nalumumpo ako! Kung hindi nagboluntaryo si Aella na alagaan ako, malamang wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nasa sukdulan na ang pagtitiis ko sa inyo!" sigaw ni Theodore, nababasag ang boses niya sa galit. Umurong ang dila ni Gisella. Dinalaw s'ya ng realidad at biglang nagsisisi s'ya sa sinapit ng anak niya. Naghari ang nakakabinging katahimikan sa pagitan

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 221—Shame On You

    Nagising ang diwa ni Aella nang hinila s'ya papasok ng dating asawa. Nanatili s'yang matatag at pinakitang matapang sa lahat. Kinagat niya ang ibabang labi na hindi napapansin na kinurot ang braso ni Theodore. Maasim ang mukha nitong napatitig sa kanya. Tinirikan n'ya ito ng mga mata. Mayamaya'y nasa mahabang lamesa na sila ng dinner room. Napangiwi si Aella sa sobrang palamuti ng lamesa. Kasama nilang nakaupo ang buong angkan ng mga Larson. Halos sa gitna s'ya nakaupo, kanina pa nakaupo ng tuwid habang nasa kamay niya ang kamay ng anak. Namilog ang mga mata ni Angelica habang ginagala ang paningin sa mga estrangherong nakasuot ng elegante. Kumislot s'ya nang sumagi ang balikat ni Theodore sa kanyang balikat, pinaalala na hindi s'ya nag-iisa. Nangibabaw ang tawa ni Tyler sa gitna ng mahinang konbersasyon ng kapamilya nito. "Argh! Talagang nakakahiya," pasimula nito. Inisang lagok ang hawak na vino at ang lakas ng boses nito sapat lang para marinig ng lahat, "nakakahiyang sa isan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status