Home / Romance / His Abandoned Wife Sweetest Comeback / Chapter 28–Tall, dark and Handsome Friend

Share

Chapter 28–Tall, dark and Handsome Friend

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-06-22 22:16:22
Eksaktong alas tres ng hapon ay dumating si Aella sa Villa della Peonie Café kung saan sila magkikita ng dati niyang kaibigan. Kinabahan pa nga siya dahil baka hinintay siya nga lalaki.

Natagalan siya dahil kay Angelica pero nang mapakalma ito ay agad niyang binigay sa yaya nito. Nakahingi siya ng maluwag dahil hindi pa dumating si Raffaelo.

Pagdating niya ay um-order muna siya ng cappuccino at naghintay ng ilang sandali.

Kapagkuwan ay tumunghay sa kanya niya ang matangkad na bulto at umupo sa tapat niya.

He wore a black custom-made suit that hugged his tall, athletic frame perfectly. He's like a greek god because his sun-kissed olive skin and dark sculpted features. Mapupungay ang kulay castañas na mga mata at makapal ang mga kilay, matalim ang perpektong hugis na panga, at sumasabog sa aura nito ang pagiging maawturidad na tila isang aristocrat.

Subalit malamig at blangko ang gwapong mukha nito. Iritable itong nakakunot-noo.

Inangat nito agad ang kamay para sulyapan ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 28: After All [END]

    Huminga ng malalim si Sandra habang nakadipa ang mga kamay. Nakatayo siya sa dalampasigan. Nakatingala na dinadama ang sariwang simoy ng hangin na banayad na pinapalid ang suot niyang puti at bulaklakin na bestida. Sandaling pinakingan ang banayad na huni ng nga ibon at pagsampa ng mga alon sa buhaning. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sabay dilat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak na kalangitan--nag-aagawan ang kulay dilaw, lila, asul at rosas. Senyales ng bukang-liwayway. Bagong araw, bagong pag-asa. Hudyat para harapin muli ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Subalit para sa kanya ay ito ang bagong simula. Bagong simula kasama ang kanyang minamahal. Mistulang panaginip ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Kaya naniniwala siya ngayon na kung kayo talaga ang tinadhana, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo ay kayo pa rin sa huli. Sa kabila ng pighati at suliranin ay lalong pinapatibay ang kanilang samahan. Araw-araw siya nagpapasalamat sa Poon Maykapal dahil hind

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 27: To The Rescue

    Chapter 27: Rescue MeMabibigat ang yabag ng mga paa ni Raffaelo nang pumasok siya sa loob ng warehouse. Pumapagting ang mahinang ingay sa kabuuhan ng gusali. Makapal sa ere ang magkahalong amoy ng kalawang, langis at nabubulok na mga bagay, na para bang matagal ng kinalimutan ang lugar na ito.Hindi siya huminto. Hindi lumingon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pero matatag siyang ipagpatuloy na harapin ang pagsubok na ito. Ramdam niya ang presinya ng SWAT team—nagtatago sa dilim at naghihintay umatake. Hindi gagalaw ang mga ito unless magbibigay siya ng signal. Hindi muna sa ngayon. Mamaya na.Bumagsak ang malamig na butil ng kanyang pawis mula noo nang eksaktong umagaw sa kanyang atensiyon ang liwanag ng bombilya. Nag-iisang liwanag, nakabitin sa lumang lubid, banayad na sumasayaw. Hindi gaano kaliwanag pero sapat lang para matindihin niya kung sino ang nasa ibaba nito.Nandoon ang kanyang anak.Nakaupo ito. Yakap-yakap ang mga tuhod pero nakatali ang mga kamay. May bakas ito ng

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 26: Dangers

    Nagpalitan ng tingin sina Raffaelo at Sandra matapos niyang ibaba ang cellphone. Nagtaka siya sa biglaang pagpatay nito ng tawag, ngunit sigurado siyang kasabwat ito ng madrasta niya. Nagulat siya sa pagkaroon nito ng konsensiya at binuko pa kung saan dinala ang anak niya.“Sigurado ka ba? Baka mamay niloloko lang pala tayo,” nakasalpok ang kilay na saad ng kanyang asawa. Ginagap niya ang kamay nito at banayad na pinisil.“Wala naman siguro mawawala kung susubukan natin,” tugon niya.Sumandal ito sa kanyang balikat. “Natatakot ako. Paano kung sinaktan nila si Antoine. Hindi mo papatawad ang madrasta mo. Ano ba ang ginawang kasalanan ko sa kanya kaya gusto niya tayong sirain?”He cupped her face. Sumasakit ang lalamunan niyang pinapanood itong tahimik na humihikbi. “Huwag kang mag-alala. Malalampasan din natin ito.”Niyakap niya ito ng mahigpit. Kararating lang nila sa Manila. Parehong pagod sa byahe pero hindi nila magawang magpahinga sa tindi ng pag-aalala sa kanilang anak. Kilaunan,

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 25: Her Regrets

    Frustrated na binalik ni Evana ang atensyon sa bata. Yumukod siya para tanggalin ang plaster sa bibig nito. Hindi pa niya buong natatanggal iyon subalit muli itong sumigaw. Wala siyang magawa kundi ibalik ito. “Pasensiya na, pati ikaw nadamay sa gusot ng mga magulang mo. Kung may kakayahn lang sana ako itakas ka rito,” malumanay niyang bulong. Sinapo ang gilid ng sentido, tumayo at bumuga ng hangin. “Argh! I don’t want to get involved with this situation again! Nagging mabuting kaibigan ko ang dad mo. Kung hindi lang sa pera ay malamang masaya sana kayo. This is all my fault!” Nagpapadyak siya, naghi-hysterical na pumaroon at pumarito. “Antoine!” halos pabulong niyang tawag sa bata. Umupo siya para pantayan ito, sandaling luminga-linga para oserbahan ang mga gwardya. Ayon sa pagmumukha ng mga ito ay parang napilitan kagaya niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone. “Antoine, I'll make sure your dad will come to save you.” Sumalpok ang kilay nito. Lihim yata siyang sin

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 24: Accomplice

    “Hindi ka ba natatakot sa desisyon mong ito?” nag-aalalang wika ni Evana. Kanina pa balik-balik sa paglalakad. Hindi mapakali dahil sa ginawang kalokohan ni Mrs. Conti–ang madrasta ni Raffaelo Conti na kasabwat niya sa lahat ng kalokohan nito. Ginagawa lang niya ito dahil sa pera pero nakokonsensiya na siya.Pumalatak si Mrs. Conti. “Just trust me. Everything will fall in the right place. Mapapasaiyo rin si Raffaelo.”Huminto siya’t inirapan ito ng matalim. Nagmistula siyang kontrabida sa buhay ng ibang taong nanahimik na namumuhay. Kung wala sana siyang malaking utang ay hindi niya itataya ang buhay niya rito. Malaki ang binayad nito noong napagtagumpayan niyang i-frame up si Raffaelo pero sapat lang para mabayaran ang utang ng mga magulang niya sa mga lintik na loan sharks na iyan! Kinagat niya ang kuku para pakalmahin ang sistema. “Ano na’ng gagawin niyo sa bata ngayon? Apo niyo rin siya, ‘di ba?”“Hindi ko naman siya kadugo. Gagawin ko lang naman siyang paon para maibigay ng buo n

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 23: Lose

    "Parang mas gusto kong tumira rito kesa sa Makati. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwa ang simoy ng hangin," komento ni Aella nang sinumulan ang paghakbang papasok ng bahay nila.Tipid siyang ngumiti. "Pwede kayong mag-stay diro kung kailan niyo gusto, kahit buong taon pa kayo rito."Inakbayan siya ng kaibigan. "Are you really coming back to Manila? What if---?""Oo, kailangan kong sumama kay Raffaelo dahil nandoon ang negosyo niya---" Pinigilan niya ang bibig nito gamit ang hintuturo. "Pero hindi na ako babalik sa pagmo-model. Magpo-pokus na ako bilang housewife.""Palaging bukas sa'yo ang Aurelia.""Thank you so much!"Huminto sila sa paglalakad nang madatnan si Raffaelo. Pawisan itong naghahanda ng makakain ng mga bisita nila. "Tamang-tama ang pagdating n'yo! Come, sit! Nagluto ako ng paborito mong pansit palabok Aella!" anunsyo nito. Abot-langit ang tuwa nito. Lumabi si Matthias. Hinila ito ni Aella nang hindi agad umupo. Sinamahan niya ang mga kaibigan. Inubos nila ang oras sa pagk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status