Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire

Chasing By My Ex-husband Beast Billionaire

last updateLast Updated : 2025-08-26
By:  Vintage RheaOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
117views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

They said being married to someone is one of the most beautiful event happen to your life, but for Roxana Greco that is the worse thing happen in her life, being married to Mikhail Marino—the ruthless, cold hearted person billionaire. They don't feel love for each other but they got married for a certain event and she's living hell since then. Roxana ran away from him because she cant endure the pain physically, mentally and emotionally. She live peacefully for 5 years. After she came back to the Philippines her life turn up side down again. The all mighty Mikhail Marino wants her back and he'll do anything to get his wife back, by hook or by crook. "I want my wife back I want my everything back."

View More

Chapter 1

Chapter 1

Huminga nang malalim si Roxana pagkalabas nila ng kaibigang si Justine ng airport. Matapos magpaalam sa isa't-isa ay naghiwalay na rin sila ng landas. Inalok pa si Justine na sumama sa bahay nila, pero tinanggihan ni Roxana dahil sobra-sobra na ang naitulong sa kanya ni Justine sa loob ng nagdaang limang taon na kasama niya ito.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa condo kung saan siya mamamalagi, dahil wala pa naman siyang sariling bahay. Ang condo na iyon ay regalo pa ng magulang ng dati niyang asawa noong pagkagraduate niya ng kolehiyo.

Ayaw niya sanang tanggapin, pero sinabi ng mga ito na hindi na siya papansinin kapag tumanggi siya. Wala siyang nagawa at tinanggap iyon, kahit pinangako niya sa sarili na pagkatapos niyang magtapos ng kolehiyo, hindi na siya aasa sa kanila at hindi tatanggap ng kahit ano mula sa kanila.

Nang mawala ang mga magulang niya, sila na ang sumagot sa lahat ng gastusin kahit na sinabi niya na kaya niya. Sinabi niya kasing magtatrabaho na lang siya para mabuhay at matupad ang lahat ng pangarap niya, pero nagpumilit ang mga ito na sila na ang bahala sa lahat. Malaki rin ang naitulong nila kahit noong buhay pa ang mga magulang niya. Ang mama kasi ni Roxana ang mayordoma ng bahay nila at ang papa naman niya ang family driver. Matagal nang nagtratrabaho ang pamilya nila sa kanila kaya nang humingi sila ng pabor pagkatapos niyang grumaduate, hindi siya makatanggi kahit masakit para sa kanya.

"Ma'am, nandito na po tayo," saad ng driver kaya bumalik siya sa realidad.

"Salamat, kuya. Ito na po ang bayad," sagot ni Roxana at iniabot ang pera bago lumabas ng taxi. Tinulungan pa siya ng driver sa maleta kaya nagpasalamat siya.

Papasok na sana siya sa loob ng building nang mapahinto at mapalingon-lingon sa paligid. Parang may nakamasid sa kanya. Kanina pa niya iyon nararamdaman mula nang lumapag sila sa Pilipinas, pero hindi niya alam kung totoo ba o guni-guni lang. Napailing siya at sinaway ang sarili. Siguro pagod lang siya.

"Roxana, masaya akong nandito ka na!" masayang bungad ni Teddy, sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Napatawa siya. Ang clingy talaga ng baklang ito.

Hindi pa man siya nakakapasok sa coffee shop ay sumalubong na agad si Teddy. Nag-message kasi siya sa kanilang tatlo kasama si Marga na dumating na siya, kaya napagkasunduan nilang sa shop na lang sila magkikita para makapagkwentuhan.

May isa pa siyang kaibigan na si Perrie, isang wedding planner, at tinutulungan din si Teddy nito.

"I miss you, bakla," saad ni Roxana sabay yakap din dito.

Pagkapasok nila sa loob, bumungad agad ang matinis na boses ni Perrie.

"Oh my God gracious, Roxana! Nandito ka na nga! I miss you so, so much!" sigaw nito sabay yakap sa kanya nang mahigpit. Halos matumba pa siya.

"Grabe ka, Perrie. Akala mo naman hindi tayo nag-video call nung isang araw," komento ni Teddy sabay irap dito. Gumanti rin ng irap si Perrie kaya napatawa si Roxana.

Ever since high school, ganyan na talaga ang dalawa. Minsan nag-aasaran, minsan naman magkasabwat sa kalokohan.

"Siguro kung hindi ako ikakasal, hindi ka talaga uuwi," saad ni Marga na kakapasok lang, may luha pa sa mata nang makita siya.

Nakangiti itong lumapit sa kanila at niyakap siya bago tuluyang umiyak, dahilan para pagtawanan sila nina Teddy at Perrie.

"Sorry kung ngayon lang ako. I miss you guys," sabi ni Roxana habang yakap ang mga kaibigan. Natawa pa siya sa ka-dramahan nila.

Iba ang halaga ng mga kaibigan niya. Simula pa noong high school, sila na ang kasama niya sa lahat.

"Ang emotional mo, girl. Buntis ka ba?" natatawang tanong niya kay Marga. Natigilan ang tatlo at napatingin kay Marga. Nagkamot ito ng batok, naiilang, bago tumango.

Nanlaki ang mata nila sa sinabi nito.

"Hala, nag-jugjugan na pala kayo ni Ethan," saad ni Teddy kaya agad siyang hinampas ni Perrie sa balikat.

"Gaga ka talaga! Nagtanong ka pa. Natural nag-jugjugan na sila, alangan namang aksidenteng na-shoot sa ring, diba?" balik ni Perrie, dahilan para pagtawanan silang lahat.

"My God, ang hahalay talaga ng dalawang ‘to," bulong ni Roxana sabay tampal sa noo niya.

Pumunta sila sa dulong bahagi ng shop at doon naupo.

"Kahapon ko lang din nalaman na buntis pala ako, at siguro wedding gift ko ito kay Ethan," masayang saad ni Marga.

"I'm happy for you, Marga. Akala ko talaga fling lang kayo," sagot ni Roxana na natawa, dahilan para tumawa rin ang iba.

"Hay naku, nawa’y lahat buntis ako kaya," saad ni Teddy sabay kunot-noo na parang nag-iisip. Napatawa na lang si Roxana.

"Hindi ka mabubuntis, bakla. Makakabuntis ka lang. Si Perrie oh, buntisin mo," biro niya, dahilan para sila naman ni Marga ang matawa habang silang dalawa ay sinamaan siya ng tingin.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap hanggang dumating ang alas kuwatro ng hapon at umalis na sila. Pinasama na rin ni Roxana si Teddy kina Marga at Perrie dahil gusto nitong tumulong sa pag-oorganize ng kasal ni Marga.

Siya naman ay naiwan sa shop dahil siya ang gagawa ng wedding cake. Kailangan itong maging espesyal.

Nakilala na rin niya ang ibang crew: may isang cashier, dalawang waiter, at isang baker. Dala lang ang lalaki na waiter at baker. Dalawa na sila ngayon sa baking at siya rin ang inutusan ni Marga para sa wedding cake.

Ang business naman nila sa New York ay nakatalaga sa isang kaibigan ni Justine para mag-manage.

Ngayon ay siya muna ang nasa counter dahil inutusan niya si Jamie, ang cashier, na magdeposito ng pera. Habang inaayos niya ang kagamitan, narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi niya iyon binalingan.

Naamoy niya ang isang pamilyar na panlalaking pabango kaya napakunot ang noo niya.

"What is your order, sir—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang makita kung sino ang taong nasa harap niya. Kaya pala pamilyar ang amoy.

Naramdaman niya ang panginginig ng kamay at tuhod niya sa takot. Akala niya handa na siyang harapin ito, pero mali siya. Natatakot pa rin siyang baka saktan siya ulit. Pero hindi na siya papayag. Wala na silang koneksyon. Wala na itong karapatang saktan siya, at hindi niya hahayaan na mangyari iyon ulit.

"What is your order, sir," pinilit ni Roxana na gawing normal ang boses niya kahit nanginginig.

Nagsalubong ang makapal nitong kilay sa sinabi niya. Hindi pa rin ito nagbago. Kung gwapo siya noon, mas lalo siyang gumwapo ngayon. Mas matured na rin. Mula sa makakapal nitong kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong, mapupulang labi, hanggang sa perpektong panga.

Napailing siya sa iniisip niya. Nagawa pa niyang purihin ito kahit nanlalamig siya sa kaba.

"Sir, what is your—" Hindi niya natapos ang sasabihin nang marinig ang boses nito.

"Can I have Mrs. Roxana Greco-Marino as my order?"

Napalunok siya, bago ibinukas ang bibig para magsalita. "Hiwalay na tayo, Mikhail—"

"I didn’t sign the divorce paper, Roxana. Kasal pa rin tayo. Asawa mo pa rin ako. At hinding-hindi ako pipirma sa divorce paper."

Pakiramdam niya ay babagsak na siya. Sobrang nangangatog na ang mga tuhod niya. Napansin ata iyon ni Teddy kaya mabilis itong lumapit sa kanila at inilayo siya. Pero mabilis hinawakan ni Makhail ang kamay niya.

"Let her go," matapang na usal ni Teddy kay Mikhail.

Sarkastikong umismid si Mikhail. "You let her go. Huwag kang makialam sa usapan namin ng asawa ko."

Mabilis na dinuro ni Teddy si Mikhail, halatang galit na rin ito. "Hindi mo na nakikita na ayaw ka niya makausap—"

Hindi natuloy ni Teddy ang sasabihin nang bigla na lamang itong suntukin ni Mikhail. Nanlaki ang mga mata ni Roxana at marahas na hinila ang kamay niya kay Mikhail.

"Mikhail, ano ba! Umalis ka na! Hindi na kita gusto makita kahit kailan! Matagal na tayong tapos!"

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status