Aella stood in awe, overwhelmed with joy, as she surrendered herself—body and soul—to the one man who had captured her heart.
Ang lalaking pinakasalan niya dahil sa kahilingan ng lola nito at ang lalaking bumuntis sa kanya. Ang ama ni Angelica Marie Larson na tatlong taong gulang na ayaw tanggapin ng lahat dahil sa sakit nito maliban sa yumao nitong lola. Tiniis niya ang ilang sandaling pag-alipusta ng mga ito. Theodore's cold eyebrows moved and finally paid some attention to her. Matalim siyang tinitigan bago ito lumapit sa kanya. "Bantayan mo ng maigi ang anak mo dahil maraming media ngayon dito. I don't want anything to be wrong at grandma's funeral. Do you get it?" Magaling lang ito magbigay ng reminders at warnings pero walang ambag sa anak nito. Binalewala niya ang nagmamasid na mga tao, na para bang normal na sa lahat na may kabit ito at tinik lang siya sa relasyon ng dalawa. Ang malambing nitong mga mata kanina ay naging malamig at malayo sa kanya. Tila dinudurog ang puso niya habang nakipagtagisan ng tingin dito. Kinagat niya ang ibabang labi at piniling tumahimik. Iniwas niya ang tingin at bumaling sa puntod ng yumao niyang grandmother in-law at nanalangin na sana payapa itong tumungo sa piling ng Diyos. Mayamaya'y kinuha niya ang kamay ni Angelica. Nais niyang magpakalayo para humugot ng sariwang hangin. Akma siyang aalis nang bumuntong hininga si Theodore. Kumunot ang noo nito at halata ang pagkadismaya. Saglit ay bumalik ito sa tabi ni Scarlet. Natilihan siya nang mapuna ang mapupulang mata nito dahil sa pag-iyak at mukhang kawawa. Inabot ni Theodore ang malinis nitong panyo sa dalaga na nakangiti naman nitong tinanggap. Hayagan ang pagiging sweet ng dalawa sa harapan ng madla kaya nakuha ang atensyon ng lahat. Sa pagkatulala niya ay di niya napansin na binitawan niya ang anak at tumakbo ito. Gulat niyang hinabol pero huli na ang lahat nang mabangga nito ang paparating na batang lalaki. Nanginig ito, halatang natakot. Hinatak niya patayo ang anak at inirapan ang bata na masama silang pinasadahan ng tingin. Then, he opened his mouth and said, "kilala kita... anak ka ni Dad 'di ba? Sabi nila, may problema ka daw sa utak, tama?" Nanlaki ang mga mata niya, hindi niya inaasahan na ganito ka bungangero ang isang three years old. "Sino ka ba? Ang talas ng dila mo ha!" "Anak lang naman ako ni Scarlet Dixon! May problema?" Kumibit balikat ito. "And my dad... is Theodore Larson!" Bumilis ang tibok ng puso niya. So, matagal na pala siyang tinatrayidor ng dalawa at may anak pa. "Abnormal ba ang anak niyo? Ba't di makapagsalita? P**e ba? Tanga? O may sayad sa utak?" Matapos siya tadtarin ng tanong ay muli ito nagsalita. "No wonder everyone dislikes her..." "You..." Muntik na niya itong sigawan ngunit biglang nag-tantrum si Angelica. "No... hindi... totoo 'yan..." hiyaw nito. "Angelica..." mangiyak-ngiyak niyang pinantayan ang anak at niyakap ito para patahanin. "Tahan na anak, 'wag ka maniwala sa sinasabi niyan. Ikaw kaya ang pinakamatalino at masunurin kong baby sa buong universe." Imbes na kumalma ay lalo itong umiyak dahil hindi nito naririnig ang sinasabi niya. Iyon din ang dahilan para makuha ang atensyon ng media. Nagkarerahan ang mga ito na lumapit sa kanila at tinutok ang camera. Saka niya natanto noong tumikhim si Theodore. Nawala sa isip niya na nasa libing pa pala siya. He looked down at her and yelled angrily. "Ano'ng kalokohan ito? Kasasabi ko lang sa'yo na bantanyan mo 'yang anak mo. Kahit kailan ay wala talaga kayong ginawang matino!" Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa kanyang anak, itinago ang magkahalong galit at pangamba. "Hindi naman sinasadya ni Angelica." "Hindi sinasadya? Halata naman na gumagawa kayo ng eksena eh. Sa dami-dami ng araw ngayon pa talaga nag-tantrum iyan!" "Ininsulto ng batang iyan ang anak mo! Sa palagay mo hindi siya maiirata sa ginawa nito?!" "Away bata lang iyan. Pinapatulan mo pa!" "Ang talas ng dila ng bata—" Kumunot ang noo nito at malamig na pinutol ang pagsasalita niya. "Kakauwi lang ni Jaspher sa Pilipinas at ngayon niya lang nakilala si Angelica. Ba't niya naman ito iinsultuhin? If you want to find an excuse, find a reasonable one!" "Nagsasabi lang ako ng totoo, Theo." Tumayo siya't binuhat ang anak. "Tapos na ang libing ni lola, mabuti pa umuwi na kayo kaysa gumawa ulit kayo ng eskandalo rito!" Naiinis siya sa pagiging walang tiwala nito sa kanya. Mayamaya'y dumating ang masasahol nitong kamag-anak. "Oy, nagpapasikat ulit?" sabad ni Tyler Larson—ang nakababatang kapatid ni Theodore. Isa rin ito na may matinding hinanakit sa kanya. Nakapamulsa itong lumapit sa kanya at muling nagsalita. "Saka bilib ako sa talent mo ha. Para mapansin ni kuya ay ginagamit mo pa mismo ang anak mo. Alam mo nagbibigay ka lang ng kahihiyan sa libing ni Lola. Tama si Kuya, umuwi ka na at pagnilayan ang kalokohan mo." "Hindi ako—" Hindi niya natapos ang pagsasalita nang bigla siyang tinalikuran at padabog na nilampasan ang mga tao. Bumuntong hininga si Aella. Kahit saan siya magpunta ay sinusundan pa rin siya ng mga taong ayaw sa kanya. "Ano'ng tinutunganga niyo? Umuwi na kayo!" taboy ni Theodore bago sila tinalikuran. Tiniis niya ang kirot habang marahan na humahakbang palayo ng sementeryo. Wala rin siyang masakyan na kotse kaya napilitan siyang lumabas at maghintay ng taxi. Sa kasamaan palad ay naabutan siya ng ulan. Bagaman nangangatog hatid ng malamig na hangin at ulan ay tiniis niyang maghintay sa gilid ng daan hanggang sa may humintong taxi. Nanginginig din ang kanyang anak na pulang-pula ang mga mata. Hinalikan niya ito sa ulo bago sumakay ng kotse. Mahimbing itong natutulog dahil sa sobrang pagod sa pag-iyak kanina. Di niya inaakala na ang pamilya ng matandang kumupkop at nagmahal sa kanya ay mas masahol pa sa hayop ang ugali. Nais niya lamang magpaalam sa matanda, hindi ang masaksihan kung paano siya pagtaksilan at bitawan ng masasakit na salita ng kanyang asawa sa harap ng ibang tao. Pipi siyang umiyak habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.Hindi ini-expect ni Aella na iimbitahan siya ni Matthias sa Palawan ngayong weekend. Tutal day-off niya naman kaya walang problema. Pero nagulat siya nang binigyan siya ng one week off ni Raffaelo. Nagkataon na natapos niya ang limang damit. Tuloy-tuloy na talaga ang bakasyon nila. Sikat ang Palawan at maraming turista ang dumadayo taon-taon lalo na tuwing sabado at linggo. May sarili pribadong resort si Matthias at doon sila mamalagi. Hinugot niya ang cellphone dahil kinakabahan siya na baka nagkamali sila ng address. Sabi kasi nito sa Coron pero hindi siya sigurado kung tama ba ang Villa na nasa harap nila. D-in-ouble check niya at tama mismo ang address. Magtitipa sana siya ng text message nang biglang umugong ang rumaragasang elisi ng helicopter mula sa malayo. Tumingala siya at hayun, lumilipad ng mabilis patungo sa gawi nila. Pagkatapos ay pumwesto sa compound ng villa at dahan-dahan na lumanding sa helipad. Bumilis ang tibok ng puso niya, nangangatog kung sinong mafia
Nakasalpok ang kilay ni Theodore habang binubura ang pictures sa camera ng detective saka sinunog din ang pictures na nasa bag nito. Binigyan niya ito ng amnesty at hinayaang umalis. Pagkatapos umalis ng lahat ay lumabas ng banyo si Scarlet suot lamang ang bathrobe. Nagtaka ito at nag-usisa. "Hmm, I seemed to hear a conversation just now. Nahuli ba nila ang sumusunod sa atin?" Naging kalmado ang mukha ng lalaki. "Minsan, gusto lang akong bwesitin ng mga kalaban ko. Just forget it, this problem has been resolved." Tumango siya. Saglit ay naging honey sa tamis ang kanyang boses. It's time to get down to business... aniya sa sarili. Kaunwari nahihiya siyang tumingin dito sabay ikot ng mg mata. "Then... Theo, do you want to take a bath? Minsan lang tayo mapupunta sa hotel na ito at narinig ko may jacuzzi sila. Do you want to stay for a night before leaving?" Naalala niya noon, mabilis itong naakit sa kagandahan niya lalo na sa sexy niyang katawan. Malaman siya, malaki ang puwet at d
Umiigting ang panga ni Theodore, nakabusangot at walang gana magsalita. How dare this woman kiss him on public? Magiging katapusan na talaga nila. Scarlet clenched her fingers, naging tahimik s'ya matapos singhalan ni Theodore sa mapangahas niyang galawan kanina. She keeps on apologizing, and she doesn't know if he forgives her. Pakiwari niya'y mayroon malaking gap sa pagitan nila. Matapos ang insidente sa pool ay lumalambot ang puso nito sa legal na asawa. Nagpatay malisya siya. "Theo, will you come to my place tonight? Nami-miss ka na ni Jaspher eh, at may lagnat s'ya ngayon. If he sees you, he will definitely get better. Hindi rin s'ya na enjoy noon sa amusment park at gusto n'yang mamasyal kayo ulit..." Hinila nito ang necktie at pinutol ang pagsasalita niya. "I have some unfinished business tonight, so I won't go over there. Alam mo namang abala ang kompanya ngayon, kaya wala akong oras para gawin ang gusto ng anak mo," anito saka buntong hininga, "Let's go, I'll take you home
Ang sunod na lumabas ay ang antikong herbal capsule. Ang Ashwagandha, known for cognitive and neurological supprot. Ito na ang matagal na inaabangan ni Aella. "And now, ladies and gentlemen, we present a rare battle of organically cultivated Ashwagandha root extract-known for centuries to support mental clarity, balance, and calming the nervous system. A prized herb in Ayurvedic healing," anunsyo ng auctioneer. "Malamang ito ang sinasabi ni Doc. Sullivan. Ito ang kailangan ng anak ko para mapakalma siya," she murmured. Banayad na ngumiti si Raffaelo. "Then we're not leaving without it." Kinagat niya ang ibabang labi. May tinabi naman siyang pera, siguro sapat na para makuha ang herbs. "Bidding starts in 20 thousand pesos!" anunsyo ng Actioneer. She crossed her arms, dinadalaw na s'ya ng pangamba. Tinaas ni Aella ang paddle. "Twenty thousand!" "Fifty thousand!" matalim na sigaw ni Theodore. Walang ibang gustong komontra sa kanila kundi ito lang. "Sixty thousand!" saba
"Are you ready?" masuyong bulong ni Raffaelo kay Aella. Biglang pumintig ng mabilis ang puso niya sa kakaibang tono ng pananalita nito. Saka ngayong gabi ay napakagwapo nito—tila model na hinugot sa men's magazine. Tumango siya sabay libot ng tingin sa lahat na naka-full glam. Abala ang mga waiters sa paghatid ng champagne. Nakaupo siya ngayon katabi ang charismatic boss niya. Kiniling niya ang ulo at nagkataon na nasipat niya si Theo, nakaupo sa kabilang banda kasama ang kalaguyo nito. Bumalik siya sa pagsandal at dinertso ang tingin. Ilang sandali ay lumabas sa stage ang auctioneer at nilabas ang centerpiece ngayong gabi. Ito ay isang Céleste Daimond Necklace. Purong puting ginto na may 50 carats walang palyang dyamante at binuksan ang bid na 20 million pesos. Tulalang nag-ingat ang lahat. Bumaling si Raffaelo kay Aella na may bahid ng ngiti sa labi, di maitago ang excitement. "Natatandaan ko mahihilig ka sa diamond?" napaisip niyang turan. Napamulagat ito saka bumuntong hi
Nagulat si Aella nang dumating ang mga magulang niya. Gusto lamang alamin nito ang kalagayan niya, ngayon na may bagong bahay siya at wala na sa puder ng asawa niya. Huminga ng maluwag ang mag-asawa nang malaman na maayos sila. Kaso isa pa rin pagsubok ang pagkaroon ng trauma ni Angelica. Matagal-tagal pa ang proseso bago pahupain iyon kaya minsan na-a-anxiety na s'ya na bago bumalik sa dati. Umaasa s'ya na hindi lumalala ang autism nito. Kumakain sila ng hapunan nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo s'ya't sinagot ito. "Yes, sir?" pormal niyang sagot. Bumuga ng hangin si Raffaelo sa kabilang linya. "Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na bawal maging pormal. By the way, I wanted to talk to you about something... special." Binuka niya ng bahagya ang bibig. "May problema ba sa formula ng perfume?" "No. Hindi pa nga tapos ang pagpaplano 'non," sabi nito, " ah, there's a charity auction tomorrow night. I'd like you to come with me." "Ah, ako?" hindi niya makaniwalang tanong. Sumima