Alas tres ng hapon nang makauwi si Aella sa mansyon nila. Eksakto rin na tumila ang ulan. Matapos niyang bihisan at patulugan ang anak ay bumaba muna siya para timplahan ito ng gatas. Nananaog siya ng hagdan nang masalubong si Theodore–ang asawa niyang pinaglihi yata kay snowman. Hinagisan siya ulit ng malamig na tingin at kunot na kunot ang noo na parang inipon lahat ng hinanakit sa mundo.
Ayaw n'ya sanang pansinin kaso napukaw ang atensyon niya sa batang kasama nito. Ang batang lalaki na nam-bully sa kanyang anak kanina. Ang lakas ng loob niyang dalhin ang anak ni Scarlet dito... Umigting ang panga niya. Napansin iyon ng asawa subalit hindi naman pinaliwanag kung bakit dinala nito ang bata sa mansyon. He remained indifferent, and he just gave orders,"ikaw, bantayan mo si Jaspher." Nanlaki ang mata niya. "H-Hindi ko naman anak iyan—" "Anak mo man o hindi ay responsibilidad mong bantayan siya dahil asawa mo ako," putol nito. "Pero alam ba ng Mama niya. B-Baka mamaya—" “‘Wag nang maraming satsat. Bantayan mo sabi eh. They just returned home, and his mother has gone to handle the property procedures. Hindi naman siguro mahirap ang ipagagawa ko?” Nawalan siya ng gana tumutol. Lupaypay niyang tinapos ang pagbaba sa hagdan. Hindi lang siya pinalayas kanina sa libing at inalipusta, kundi dinala pa talaga ngayon ang anak ng first love nito at ipapaalaga pa sa kanya. Hindi niya pa rin makalimutan kung paano nito ininsulto si Angelica kanina. Humugot siya ng malalim na hininga. "May lagnat si Angel, at hindi sapat ang oras at lakas ko para mag-alaga ng anak ng iba. Saka may yaya naman tayo, hindi na niya ako kailangan," lakas loob niyang rason. Pinahayag sa mukha ang pagkamuhi sa bata. Sa halip na sagutin siya ni Theodore ay mas lumamig ang mukha nito. Ginulong niya ang mga mata bago ito tinalikuran. Parang hinahati ang puso niya sa dalawa habang naglalakad patungong kusina. Anak niya rin si Angelica ha. Umiyak ito ng husto kanina, pero hindi lang naman nag-bother na kamustahin ito. Mas pinagtutunan mo pa ng pansin ang anak ng iba. Sana mali ang duda ko na anak mo rin ito... sa loob-looban niya. Theodore Larson looked at her back as she left. Bagaman dismayado ay hindi na niya pinilit ang asawa. Bumaling siya kay Jaspher Dixon at banayad niyang ginulo ang buhok. "Jas, pwede kang maglaro mamaya sa children's playground doon sa itaas." "Talaga ho?" "Oo. Maglaro ka mag-isa doon at sa'yo na ang buong playground. Pupunta lang ako sandali sa study room para asikasuhin ilang bagay. Naiintindihan mo?" Jaspher nodded, with a very docile and well-behave expression. "Naiintindihan ko po, tito. Pwede na po kayong mauna at magtrabaho. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Noong sa US nga kami ni Mommy ay palagi niya akong iniiwan sa playground. Kaya sanay na po ako." Gumaan ang loob ni Theodore sa pagiging mabait at masunurin nito, kaya dumeretso siya ng may peace of mind sa kanyang study room. Nang umalis na ang lahat ay dumiretso si Jaspher sa playground. Ang lugar na pinagawa mismo para lang kay Angelica Marie Larson ng yumao nitong lola at ng ina nitong si Aella Larson. Hindi normal na bata si Angelica gaya ng iba. Gusto nito palaging mag-isa kaya maingat na pinili ng dalawa ang karapat-dapat na laruan para rito. Nalungkot si Jaspher nang masilayan ang playground nito. "Ha! That fool actually has such a big children's playground!" aniya. Humaba ang nguso niya at mabilis na sinira ang lahat ng bagay na mahahawakan sa playground hanggang sa nagmukha iyong parang dinaanan ng bagyo. Nagtagal ng dalawang oras ang ingay na ginagawa nito sa second floor ng mansyon. Nagtaka si Aella Larson nang marinig ang ingay sa ikalawang palapag kaya dali-dali siyang tumungo roon para alamin. Natuod siya nang bumalagta sa kanya ang magulong playground. Angelica's most precious possession, her favourite paradise, was in a mess. Nagkalat ang sirang Christmas tree at mga putol na ulo ng rag dolls. Ang masaklap pa, nabuwal at nahkapira-piraso ang block castle na pinaghirapan buhuin ng anak niya. Naalala niya ang kasiyahan nito ng ilang araw. Pero ngayon... "Sino ang nagpapasok sa'yo?" Umuusok ang ilong niyang sinugod si Jaspher. He just rolled his eyes. "This is not your home, and has no one ever taught you to be polite in someone else's home?" Dinuro niya ito. He shot her an indifferent look, and even deliberately made a face. "Ngee, ngee! Si Dad ang nagpapasok sa akin dito, paki mo! Ah, saka magiging akin din ang playground na ito sa susunod, lululu..." Di niya inaakala na ganito ka uneducated ang bata. Saka ramdam niya ang pagmamahal nito kay Theodore noong binanggit ang pangalan nito. Iyon din ba nararamdaman ng asawa? Nanginig siya pero kahit na totoo 'yon ay siya pa rin ang hostess ng pamamahay na ito. "Get out, you're not welcome here!" Hinablot niya ang kamay nito. "Let me go, I won't leave... why are you chasing me away... ahh!" "Tumahimik ka!" "Tito Theo... Tito Theo..." hiyaw nito. "What the hell are you doing, Aella?" Sumulpot si Theodore sa likod nila at habol ang hininga. "Ang bata—" Nagulo siya nang tumakbo ang umiiyak na si Jaspher dito. "Tito, she won't let me play there, she's kicking me out and I don't know why..." "Ganyan ka na ba ka desperada ngayon kaya pati bata ay pinapatulan mo, Aella?" Pinigilan niya ang galit. "Hindi mo ba nakikita ang ginawa ng batang iyan? Pumunta ka doon sa playground, tingnan mo!" Tumalima ito. Dumilim ang mukha nang bumalik at kinabig si Jaspher. "Tsk! Akala ko pa naman mabuti kang bata, Jaspher. Hindi mo na uulitin ito, okay?" Nagpanggap na mabait si Jasper. "Hindi ko po sinasadya, nadala lang ho ako sa sobrang kasiyahan. Promise, Tito, aayusin ko ho, wag na po kayong magalit sa akin at sana hindi niyo ako palayasin." Nakuha nito ang loob ni Theodore. Ibang-iba ang ugali nito kanina habang pinapagalitan niya. "Normal lang sa mga bata na maging pilyo. Tinapat na niya ang kasalanan n’ya kaya hindi mo na kailangan magalit sa kanya dahil lang sa maliit na bagay," anito sa malamig na tono sabay hipo ng ulo ni Jaspher. "At hindi mo na rin kailangan maglinis. Nandyan ang mga katulong, sila na ang gagawa." Dismayado si Aella habang minamasdan ang asawa na nilalambing ang bata. Pinikit niya ang mga mata para subukan kalimutan ang kaganapan saka dumiretso sa silid ng kanyang anak. Nang muli siyang lumabas ay nakita niyang pinasasakay ni Theodore sa kotse si Jaspher. Hindi niya mapigilan ang pagkamuhi rito."Angelica, namiss ka ni daddy. Pwede ba kitang makasama kahit isang araw lang?" pakiusap ni Theodore.Sinubukan niyang kunin ang anak mula kay Aella subalit tumalikod ito at nilibing ang mukha sa balikat nito. Nakakasulasok s'yang pinagkatitigan ng dating asawa."Kung iniisip mo na sinusundan kita—""Don't talk to us casually. Nakalimutan mong malaki ang atraso mo sa anak mo. Wala rin akong pakialam kung hindi mo kami sinusundan o sinusundan. Get out of our way, Mr. Larson." umaalab na singhal ni Aella, nilampasan ito sabay bangga sa balikat. Nilakasan niya para maramdaman nito na totoo siyang galit.Naikuyom ni Theodore ang mga palad, pumait ang hilatsa ng mukha at sinundan ito. "Aella, you can hate me forever but give a chance to be with my daughter."Napatiim bagang s'yang huminto. "Kung gusto mong makasama ang anak mo, pwes magkita tayo sa husgado. Pero siguraduhin mong ipanalo mo ang kaso.""Oo gagawin ko mismo 'yun. Hihintay ko lang ang hudyat mo."Nabagot s'ya at minabuti niyan
Chapter 198—New Love InterestKanina pa masama ang tingin ni Sandra kay Aella. Hindi na siya komportable lalo na bala siya sa pagtatahi. Nalampasan niya ang confession ni Raffaelo kanina, aminado siyang nalungkot siya na saktan ang kaibigan pero kesa paasahin ito ay mabuti pang sabihin niya ang totoo. Matagal na pala itong may gusto sa kanya pero hindi niya magawang mahalin ito. Para sa kanya ay nakakatandang kapatid niya lamang ito. She will never be romatically attractive to him. Kahit ganoon ang nangyari ay tinanggap nito ang rejection niya at naging profesyonal ito. Sisikapin nitong hindi maaapektuhan ang trabaho. Nanatili s'yang nonchalant at aminado siyang may internal struggles siya. She can't figure out what her true feeling is to Matthias now. Ibang-iba ito tuwing makikita niya. Mas higit pa ang nararamdaman niya rito kesa kay Theodore.Speaking of his ex-husband, nabalitaan niyang sinisante nito si Scarlet."Aella, kaka-hiwalay mo lang. Nag-a-I love you ka na agad sa iba. T
Sinundo ni Raffaelo si Aella sa apartment nito. Nakipagbangayan ulit s'ya kay Sandra nang makita ito. Dadaling siyang hinila palabas at nagpaalam sa anak nito. Lumipas ang ilang sandali ay nasa simbahan na sila. Panay ang sulyap ng lahat dahil nagkataon na matching ang suot nilang damit. Wala silang imikan sa seremonya ng kasal hanggang sa venue. Kinagabihan, hindi mapigilan ni Raffaelo na magpakalasing. Kumakanta s'ya habang pasuray-suray na naglalakad nang masalubong ni Aella. Nag-aalala ito sa kanya. Wala siya sa sarili na pinulupot ang mga kamay sa beywang nito at sininghot ang leeg nito.Nadatnan ni Aella ang sarili na naglalakad sa mabatong bakuran ng bahay ni Raffaelo. Malakas ang tibok ng puso n'ya, naiinis siya sa kalasingan ng kaibigan pero at the same time ay naaawa siya. Ibibigay niya sana ito sa sekretaryo nito subalit ayaw siyang pakawalan ng binata. "Naisip mo rin ba minsan kung... paano magtagpo ang lalaki at babae?" anito sa makapal na boses, makintab ang mga mata h
Lumipas ang isang linggo, gaya ng dati ay abala pa rin si Aella. Pero ibang proyekto na ito. Hindi kasi bigat gaya noong ini-sponsor ni Mr. Vandervilt. Isang simpleng christmas fashion gala na gaganapin sa Okada Manila bilang selebrasyon sa opening ng Aurelia Luxury Perfume and skin care collection.Abot tenga ang ngiti n'ya habang pinapanood ang bestfriend na todo bigay ang pagpo-pose sa picturial para sa advertisement ng Aella Perfume's Collection. "Kahit kailan ang OA ni Sandra," naiinis na wika ni Raffaelo. Muntik s'yang umiktad sa pagsulpot nito sa tabi n'ya na parang kabuti. "Mabuti na lang may maganda siyang mukhang ipagmamayabang."Mataman n'yang inirapan ito. "H'wag mo talagang iparirinig sa kanya kung ayaw mong ipakulam ka n'ya," biro niya."Ha!" pakli nito, saka siningkitan s'ya ng mga mata. "Available ka ba mamaya?"Kumunot ang noo niya. May kutob s'ya na may masama itong gagawin. "Samahan mo kong pumili ng damit para sa kasal ng kaibigan ko. Akala ko hindi n'ya ako inim
Napaisip ng malalim si Matthias matapos marinig ang saloobin ng best friend niya. Biglang tumindig si Andrew nang mapuna ang pagiging tahimik niya. Iniisip ni Andrew na si Matthias na mismo ang magsasabi ng totoong nararamdaman nito, hindi na niya kailangan sumawsaw pa. Mayamaya'y nagpaalam siya dahil marami pa siyang importanteng gagawin.Pagkaalis ng kaibigan, tinaas ni Matthias ang paningin kay Prescott at tinanong ito. "What do you think of what Andrew said to me just now? Talaga bang binibigyan ko ng special attention si Miss Ramirez?"Palagi s'yang naniniwala dahil ganito lang siya kay Angelica. Hindi inaasahan ni Prescott na mahahantong siya sa ganoong problema. Paano ba niya sasagutin ito? Saka, anong sagot naman ang gusto nito? Ilang sandali siyang nalilito at hindi niya alam kung paan magsisimula.Naging matalas ang mga mata ni Matthias. "Mahirap ba talagang sagutin? Kailangan ba talagang maging hesitant ka? Just say what you want to say," nauubusang pasensiya niyang angi
Sinara ni Andrew ang bibig nang matauhan. Alam n'ya ang tungkol sa contract marriage na ito. Isang antikong alyansa sa pagitan ng Sullivan Family at Marasigan Family. Nakakatawa ito para sa kanya. Anong era na ba sila ngayon? At bakit nauuso pa rin ang arrange marriages? Gayunpaman, mataas ang estado ng pamilyang sullivan at masyadong binibigyan halaga ang pagtitiwala kaya seryoso ang mga ito sa ganitong bagay. Kilala ni Matthias, hindi agad-agad nitong tatanggapin at hahayaan na manipulahin ng pamilya nito. His bestfriend never had any girlfriend due to this reason. Naka-lima na s'ya at heto single pa rin ito. Inikot n'ya ang mga mata at walang ginawa kundi ibahin ang usapan. "Bumubuti na ang kondisyon ni Angelica, huh. She's interacting now with those people she knows on a daily basis, almost like a grown up child. Salamat sa treatment mo." Huminto siya, naningkit ng mga mata. "Ah, napansin ko... napahaba yata ang stay mo sa Manila. May tatanungin sana ako pero hindi ako sigurad