Home / Romance / His Abandoned Wife Sweetest Comeback / chapter 1–Affair at the Funeral

Share

His Abandoned Wife Sweetest Comeback
His Abandoned Wife Sweetest Comeback
Author: Winter Red

chapter 1–Affair at the Funeral

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-06-13 08:12:56

Kinuyom ni Aella ang mga palad habang tinatanaw mula sa malayo ang asawa niyang si Theodore Larson na naglalakad palapit sa burol ng yumao nitong lola. Tinawagan siyang mahuhuli ito dahil may importante pa itong gagawin pero ang totoo ay nakipaglampungan pala kasama ang first love nito. Magkahawak kamay ang dalawa na tinutungo ang pwesto nila.

Makulimlim ang panahon ngunit maraming guest ang dumalo para magpaalam kay Benigna Larson—ang dating CEO ng Larson E-Commerce company at ang maimpluwensiyang babae sa panahon nito.

May ilang sikat na personalidad din gaya ng mga politiko at mga negosyonte, syempre, hindi rin mawawala ang media, na laging nauuna pagdating sa tsismis.

Inirapan niya ang mga photographer na walang humpay sa pagpitik ng mga camera ng mga ito. Lalo siyang nangangalit sa ingay at liwanag ng flashes.

She was drowning in her own grief, desperately trying to hold herself together—yet these insufferable people kept shattering her fragile silence, dragging her deeper into a torment she never asked for.

Kinagat niya ang ibabang labi, tumingala at pilit na binalewala ang mga tao lalo na ang asawa niya.

Naalala niya noong nabubuhay pa si Mrs. Larson ay hindi ito nagkulang sa pagkalinga at pagmamahal sa kanya. Nandyan palagi ito lalo na noong pinagbubuntis niya si Angelica Marie. She personally cooked her favourite cream of mushroom soup for her and massaged her whenever she had a headache or fever. Palagi itong nag-aalala sa kalusugan niya.

Noong ipinanganak si Angelica Marie at na diagnose itong may autism ay hindi siya nito kinamuhian. Instead, she dotes on her and wants to give her the best in the world.

In fact, si Benigna ang naging tagapagtanggol niya sa pamilya Larson lalo na sa kanyang biyenan na si Gisella Larson, na todo kontra sa kanya simula pa noong kinasal siya kay Theodore. She keeps comparing her to his first love. At ang masakit pa ay nakisawsaw rin ang ibang kapamilya nito. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay pinili niyang talikuran ang pagiging makapangyarihan niya para sa lalaking mahal niya.

Sa ngayon na wala na ang lola nito ay nalugmok siya sa kalungkutan at nawalan ng pag-asa manatili sa mundo ng mga ito.

Sinikap niyang pigilan ang mga luha. Hindi pwedeng magpatianod sa kumunoy ng sitwasyong ito.

Muntik siya mawalan ng balanse nang bigla siyang binangga sa braso ni Gisella. Nandyan na naman ang mother in-law niyang mapang-api May hawak itong pamaypay, mapupula ang labi, nakatali ng mataas ang buhok at makapal ang pekeng eyelashes nito. Kinatitigan siya mula paa hanggang ulo. "Huh! Tingnan natin kung makatatagal ka pa sa pamilyang ito ngayon na wala na ang tagapagtanggol mo."

Hindi siya sumagot.

Matunog na ngumisi ang pinsan nito. "Alagaan mong mabuti ang anak mo, baka mamaya pumunta pa sa ibang nanay," sarkastiko nitong usal.

Samantala, tumanghod sa kanilang harapan si Theodore. Sandali nitong pinagmasdan ang mga lalaki na abala sa paglagay ng lupa sa butas saka nilipat ang atensyon sa kanila. Hinila nito pababa ang itim na suit, kahit hindi ito magsalita ay ramdam na ang pagiging malamig nito.

Blangko ang gwapong mukha nito maliban sa makakapal nitong mga kilay na eksaktong hinugis para sa mukha nito na pinapahiwatig ang pagiging malungkot.

Mabilis iyon nagbago nang tumabi ang pinakamahalagang babae sa buhay nito—si Scarlet Dixon. She looked like an angel, innocent and smart.

Naging malambot ang mga mata nito nang makapiling ang dalaga. Malayong-malayo sa madalas niyang nakikita tuwing magkasama sila. Naging ibang tao ito sa babaeng gusto nito.

"Wait, is that the legendary Mrs. Larson? She and Mr. Larson looks really good together. Walang duda pinagtagpo talaga sila ng tadhana." Huling-huli niyang bulong ng lalaki sa grupo ng mga media.

"Hindi 'yan sanay si Mrs. Larson magpakita ng mukha. Alam niyo ba na may tsismis na hindi siya pwedeng lumabas sa publiko. Matindi mang-gatekeep iyan si Mr. Larson," ani ng isa.

"Tama ka! Natatakot siya na baka agawin ang asawa niya. Tingnan mo nagkadahaba ang mga leeg ng mga lalaki rito habang pinagmamasdan siya. Siya ang literal na golden goose inside the golden house!"

"Look at the way they look at each other... it is obvious that they have deep feelings for each other, right?"

"Ay, nakakakilig!"

"Bilis! Kunan natin sila ng picture! Siguradong magiging headline ang legendary family na ito!"

Nabibingi ulit siya sa ingay ng mga pitik ng camera at nasisilaw sa flashes nito.

Mayamaya'y sumingit ang isang guest mula sa upper class. "You stupid, that's not the young mistress of the Larson family, that's one beside Madam Gisella."

"What? Sigurado ka? Ang losyang naman niyan!"

"At sino naman ang katabi ni Mr. Larson? Huwag mong sabihin na kabit?"

"Maghunos dili ka!" Singhal nong mayaman na taga-upper class. "She is Scarlet Dixon and Mr. Larson's first love. A few years ago, she went abroad and built a high-status reputation. Now, she has launched her own clothing line and recently settled in the Philippines for good."

"Balita ko pinilit daw ni Mrs. Larson ang Lola nito para magpakasal dito. Lakas talaga ng loob ng babaeng iyan, di naman kagandahan ha. Siya rin ang dahilan kaya nalungkot si Miss Scarlet at nangibang bansa," ani ng babae na tila nakisali lang sa burol.

"Ang kapal ng mukha. Dapat pala si Miss Dixon ang nasa pwesto niya eh," sabi ng kaibigan nito.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman siya welcome sa pamilya nito," tugon nito.

Napalunok siya nang bigla siyang tiningnan ng masama ng lahat. Namawis ang palad niya, namutla ang mukha at hindi alam ang gagawin.

It was indeed Benigna Larson who facilitated her marriage with her grandson Theodore.

Patay na patay siya rito noong high school pa lamang sila at nagkaroon siya ng opportunity na makalapit dito nang na-car accident ito, dahilan para malumpo at naging depressed. Nag Prisinta siya kay Benigna na siya ang mag-aalaga sa apo nito. Ginawa niya ang lahat para tulungan itong bumalik sa dati hanggang sa isang gabi ay nagkaroon ng party bilang pasasalamat sa paggaling ni Theodore. Naalala niya ang gabing iyon, lasing ito at nagdedeliryo. Hindi rin matigil sa pagsigaw ng pangalang 'let-let' habang inaalalayan niya.

Nangingilid ang luha niya ng matanto na ang 'Let-Let' na sinisigaw nito noon ay ang babaeng katabi nito ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ysanne Cross
go miss a!
goodnovel comment avatar
Ellainef06
hay... pambihira!
goodnovel comment avatar
Winter Red
before continuing: This story is slow burn romance with a long process of annulment. if you like this theme... go on!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 28: After All [END]

    Huminga ng malalim si Sandra habang nakadipa ang mga kamay. Nakatayo siya sa dalampasigan. Nakatingala na dinadama ang sariwang simoy ng hangin na banayad na pinapalid ang suot niyang puti at bulaklakin na bestida. Sandaling pinakingan ang banayad na huni ng nga ibon at pagsampa ng mga alon sa buhaning. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sabay dilat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak na kalangitan--nag-aagawan ang kulay dilaw, lila, asul at rosas. Senyales ng bukang-liwayway. Bagong araw, bagong pag-asa. Hudyat para harapin muli ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Subalit para sa kanya ay ito ang bagong simula. Bagong simula kasama ang kanyang minamahal. Mistulang panaginip ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Kaya naniniwala siya ngayon na kung kayo talaga ang tinadhana, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo ay kayo pa rin sa huli. Sa kabila ng pighati at suliranin ay lalong pinapatibay ang kanilang samahan. Araw-araw siya nagpapasalamat sa Poon Maykapal dahil hind

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 27: To The Rescue

    Chapter 27: Rescue MeMabibigat ang yabag ng mga paa ni Raffaelo nang pumasok siya sa loob ng warehouse. Pumapagting ang mahinang ingay sa kabuuhan ng gusali. Makapal sa ere ang magkahalong amoy ng kalawang, langis at nabubulok na mga bagay, na para bang matagal ng kinalimutan ang lugar na ito.Hindi siya huminto. Hindi lumingon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pero matatag siyang ipagpatuloy na harapin ang pagsubok na ito. Ramdam niya ang presinya ng SWAT team—nagtatago sa dilim at naghihintay umatake. Hindi gagalaw ang mga ito unless magbibigay siya ng signal. Hindi muna sa ngayon. Mamaya na.Bumagsak ang malamig na butil ng kanyang pawis mula noo nang eksaktong umagaw sa kanyang atensiyon ang liwanag ng bombilya. Nag-iisang liwanag, nakabitin sa lumang lubid, banayad na sumasayaw. Hindi gaano kaliwanag pero sapat lang para matindihin niya kung sino ang nasa ibaba nito.Nandoon ang kanyang anak.Nakaupo ito. Yakap-yakap ang mga tuhod pero nakatali ang mga kamay. May bakas ito ng

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 26: Dangers

    Nagpalitan ng tingin sina Raffaelo at Sandra matapos niyang ibaba ang cellphone. Nagtaka siya sa biglaang pagpatay nito ng tawag, ngunit sigurado siyang kasabwat ito ng madrasta niya. Nagulat siya sa pagkaroon nito ng konsensiya at binuko pa kung saan dinala ang anak niya.“Sigurado ka ba? Baka mamay niloloko lang pala tayo,” nakasalpok ang kilay na saad ng kanyang asawa. Ginagap niya ang kamay nito at banayad na pinisil.“Wala naman siguro mawawala kung susubukan natin,” tugon niya.Sumandal ito sa kanyang balikat. “Natatakot ako. Paano kung sinaktan nila si Antoine. Hindi mo papatawad ang madrasta mo. Ano ba ang ginawang kasalanan ko sa kanya kaya gusto niya tayong sirain?”He cupped her face. Sumasakit ang lalamunan niyang pinapanood itong tahimik na humihikbi. “Huwag kang mag-alala. Malalampasan din natin ito.”Niyakap niya ito ng mahigpit. Kararating lang nila sa Manila. Parehong pagod sa byahe pero hindi nila magawang magpahinga sa tindi ng pag-aalala sa kanilang anak. Kilaunan,

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 25: Her Regrets

    Frustrated na binalik ni Evana ang atensyon sa bata. Yumukod siya para tanggalin ang plaster sa bibig nito. Hindi pa niya buong natatanggal iyon subalit muli itong sumigaw. Wala siyang magawa kundi ibalik ito. “Pasensiya na, pati ikaw nadamay sa gusot ng mga magulang mo. Kung may kakayahn lang sana ako itakas ka rito,” malumanay niyang bulong. Sinapo ang gilid ng sentido, tumayo at bumuga ng hangin. “Argh! I don’t want to get involved with this situation again! Nagging mabuting kaibigan ko ang dad mo. Kung hindi lang sa pera ay malamang masaya sana kayo. This is all my fault!” Nagpapadyak siya, naghi-hysterical na pumaroon at pumarito. “Antoine!” halos pabulong niyang tawag sa bata. Umupo siya para pantayan ito, sandaling luminga-linga para oserbahan ang mga gwardya. Ayon sa pagmumukha ng mga ito ay parang napilitan kagaya niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone. “Antoine, I'll make sure your dad will come to save you.” Sumalpok ang kilay nito. Lihim yata siyang sin

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 24: Accomplice

    “Hindi ka ba natatakot sa desisyon mong ito?” nag-aalalang wika ni Evana. Kanina pa balik-balik sa paglalakad. Hindi mapakali dahil sa ginawang kalokohan ni Mrs. Conti–ang madrasta ni Raffaelo Conti na kasabwat niya sa lahat ng kalokohan nito. Ginagawa lang niya ito dahil sa pera pero nakokonsensiya na siya.Pumalatak si Mrs. Conti. “Just trust me. Everything will fall in the right place. Mapapasaiyo rin si Raffaelo.”Huminto siya’t inirapan ito ng matalim. Nagmistula siyang kontrabida sa buhay ng ibang taong nanahimik na namumuhay. Kung wala sana siyang malaking utang ay hindi niya itataya ang buhay niya rito. Malaki ang binayad nito noong napagtagumpayan niyang i-frame up si Raffaelo pero sapat lang para mabayaran ang utang ng mga magulang niya sa mga lintik na loan sharks na iyan! Kinagat niya ang kuku para pakalmahin ang sistema. “Ano na’ng gagawin niyo sa bata ngayon? Apo niyo rin siya, ‘di ba?”“Hindi ko naman siya kadugo. Gagawin ko lang naman siyang paon para maibigay ng buo n

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 23: Lose

    "Parang mas gusto kong tumira rito kesa sa Makati. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwa ang simoy ng hangin," komento ni Aella nang sinumulan ang paghakbang papasok ng bahay nila.Tipid siyang ngumiti. "Pwede kayong mag-stay diro kung kailan niyo gusto, kahit buong taon pa kayo rito."Inakbayan siya ng kaibigan. "Are you really coming back to Manila? What if---?""Oo, kailangan kong sumama kay Raffaelo dahil nandoon ang negosyo niya---" Pinigilan niya ang bibig nito gamit ang hintuturo. "Pero hindi na ako babalik sa pagmo-model. Magpo-pokus na ako bilang housewife.""Palaging bukas sa'yo ang Aurelia.""Thank you so much!"Huminto sila sa paglalakad nang madatnan si Raffaelo. Pawisan itong naghahanda ng makakain ng mga bisita nila. "Tamang-tama ang pagdating n'yo! Come, sit! Nagluto ako ng paborito mong pansit palabok Aella!" anunsyo nito. Abot-langit ang tuwa nito. Lumabi si Matthias. Hinila ito ni Aella nang hindi agad umupo. Sinamahan niya ang mga kaibigan. Inubos nila ang oras sa pagk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status