Share

chapter 5- Beg Her

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-06-13 08:16:56

Pinili ni Aella magbulag-bulagan kesa mag-away ulit sila.

Dumiretso ito sa gawi niya. Naamoy niya ang pamilyar na perfume nito. "What on earth are you trying to do, Aella? Bakit mo pinagtabuyan si Dra. Jensen?"

Binuka niya ang bibig. "Ang totoo hindi epektibo ang therapy ni Angelica. At for your info, hindi ko siya pinagtabuyan, may sinabi lang ako tungkol sa panggagamot niya at ewan kung bakit biglang nagalit at nag-walk out. Sino ba ang sisihin ko?"

"Minsan ipreno mo 'yang bibig mo. Now, you're doubting her ability, which is recognized by the industry? Akala ko ba gusto mong pagalingin ang anak mo?" Sinapo nito ang noo at pinanlisikan siya ng tingin. "Go, call Dra. Jensen immediately to apologize and invite her here!"

Mistulang tinusok ng karayom ang puso niya. Simula't sapol ay wala itong pakialam sa anak nila. Ni hindi tinanong ang rason kung bakit hindi epektibo ang therapy.

"I can't apologize to her. Ina ako ni Angelica at may karapatan akong pumili kung sino ang gagamot sa anak ko!" matapang niyang bwelta.

He raised his hands in mocked surrender. "Okay, okay, okay! Gumagana na naman ang kadramahan mo! Palagi mong sinasabi na para ito kay Angelica, pero tignan mo ang ginawa mo! Ayusin mo 'to bago maubos ang pasensya ko!"

Malamig siya nitong tinalikuran. Malungkot niyang pinagmasdan ang naglalahong bulto nito sa malayo. Ni hindi niya pinuna ang hindi nito pag-uwi kagabi. Labas-masok ito sa mansyon na para bang hotel. Marahil mas matatawag nitong tahanan ang nasa labas.

Napawi ang kalungkutan niya nang kinalabit siya ng anak. Inaabot nito ang isang pirasong cookie. Yumukod siya't kinuha 'yon.

"Cookies... sarap, mommy...eat na..."

"Okay, mommy will eat... Thank you my baby." Pinigilan niya ang paparating na mga luha.

Lumiwanag ang mata ni Angelica at pumaskil ang ngiti sa maliit nitong labi. Ang marupok at maganda nitong mukha ay bigla nagkaroon ng sigla.

Lumambot ang puso ni Aella sa hilatsa ng anak. Sandali nilang kinain ang cookies at pagkatapos ay plano niya itong bihisan.

Tyempong pag-apak niya sa sala ay nasalubong niya si Theodore, hindi niya inaasahan na agad itong babalik, at ngayon ay kasama si Dra. Ursula Jensen.

Magalang itong nakikipag-usap sa asawa niya. "I examined the child this morning and confirmed that the previous diagnosis was correct. Your daughter needs to continue with the treatment. Otherwise, the condition will continue to worsen..."

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa tungkol sa kalagayan ni Angelic pero binalewala siya ng mga ito. He felt disgusted, but she tried her best to ignore it.

Dismayado pa rin si Theodore sa pananaboy ng kanyang asawa sa doktor kanina. Bumaling siya kanyang asawa. "Alam kong narinig mo ang sinabi ng doktor. Aakyat muna ako sa itaas para asikasuhin ang trabaho ko. I remind you to cooperate with your daughter's treatment. I hope you won't make the same mistake again."

Matapos niyang sabihin iyon ay pumunta na siya sa kanyang study room na walang lingon.

As soon as Theodore left, nagbago ang ekspresyon ni Ursula at naging arogante ulit. "Oh, Mrs. Larson, bumalik ako para sa asawa niyo. Kung hindi niya 'yon ginawa kahit lumuhod ka at magmakaawa sa harap ko ay hindi na ulit ako aapak dito."

Hindi niya ito pinansin.

Sino ba siya para magpakaawa ako? Mamatay siya! Sabi niya sa isip.

Inirapan siya nito na tila ba nanalo sa lotto, bago umupo sa sofa at tinawag ang anak niya. Naging malambing ito ngayon. Pero ramdam niya na naiinis pa rin si Angelica rito. Kitang-kita niya sa paninilim ng mukha nito.

Ngunit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba kaya minabuti niyang obserbahan ito ng maigi. Ursula only recorded Angelica's condition, provided emotional guidance, and finally prescribed medicine. Wala naman kakaiba doon.

Saktong natapos ni Theodore ang trabaho nang matapos din ng doktora ang treatment. Agad itong nagsalita nang makita ito.

"Mr. Larson, your daughter's treatment ends today. These medicines must be taken everyday, otherwise she will easily get sick and make a fuss."

"Thank you for your hard work, Dr. Jensen." Kalmado itong tumango.

She smiled charmingly and said, " aba, dapat lang. Since you trust me so much, I must go all out... That's all for today, Sir. I'm going back first."

Tumango ito, mayamaya'y bumaling ang malalamig nitong mata sa kanya. "Please send Dr. Jensen off."

Lumabi si Aella. Nagkunwari siyang hindi ito narinig at kinuha ang gamot ng kanyang anak. "Baby, tutulungan ka ni Mommy inumin ito."

Lalong tumindi ang lihim nitong pagkamuhi sa kanya. Pero bago ito magsalita ay tumunog ang cellphone nito. Sinipat nito ang caller ID at walang atubiling sinagot.

Ilang sandali ang lumipas, bumalik ito para sabihin, "may emergency sa kompanya. Aalis muna ako."

Nagmamadali ulit itong umalis. Tinatamad na siyang isipin kung saan ito pupunta.

Pagkaalis ng dalawang tao ay dinala niya ulit si Angelica sa kusina. Nag-init siya ng tubig para painumin muna ng gamot ito.

Gayunpaman, pagkuha niya ng pills ay tinubuan siya ng matinding kutob na parang may mali.

Inamoy niya 'yon.

Why does it smell so much sedative?

Nalito siya at dinikit ng mabuti ang ilong sa gamot. Parang sedative nga 'yon. Kung sedative nga 'yon ay maaari ito ang dahilan kaya kalmado, matamlay at mabilis maantok ang anak niya. Kaya pala sinasabi ng bruhang doktor na effective ang treatment nito dahil may pampatulog iyon.

Her daughter's condition is not even at the stage where psychiatric drugs are needed! This medicine has serious side effects on the body!

Bagamat kilala at sikat na doktor si Ursula Jensen ay ni minsan di siya naniwala rito. Kahit anong mangyari ay dapat makahanap siya ng bagong doktor ng anak niya.

Dinampot niya ang nakatambay na laptop sa kusina para humanap sa Internet ng maaasahang doktor.

Hindi 'yon naging madali.

Na-diagnose na may autism si Angelica Marie noong isang taon gulang ito. Halos dalawang taon na rin na naghahanap ang pamilya Larson ng mga sikat na doktor sa buong bansa na umabot sa Estados Unidos para magamot ito pero wala pa rin nangyayari.

Matagal siyang naghanap hanggang sa makatulog ang anak niya sa kandungan niya.

Bigla siyang ginulo nang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang best friend niyang si Sandra Laxamana. Tumungo ito sa ibang bansa para isang business trip last week at nalaman nito na mamatay ang grandmother in-law niya kaya umuwi para tulungan siyang makabangon ulit.

"Kamusta ka na, Ella? 'Wag kang malungkot ha. Ayaw na ayaw ka pa naman makita umiiyak ng lola mo!"

Ngumuso siya nang maalalang tinaboy siya sa libing nito. Pinigilan niyang umiyak. "Okay lang ako at pangako hindi ako iiyak."

"Siguraduhin mo lang. Tandaan mo andito pa kami ni Baby Angel kahit wala na ang lola mo..."

Gumaan ang loob niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 199—It's been a while

    "Angelica, namiss ka ni daddy. Pwede ba kitang makasama kahit isang araw lang?" pakiusap ni Theodore.Sinubukan niyang kunin ang anak mula kay Aella subalit tumalikod ito at nilibing ang mukha sa balikat nito. Nakakasulasok s'yang pinagkatitigan ng dating asawa."Kung iniisip mo na sinusundan kita—""Don't talk to us casually. Nakalimutan mong malaki ang atraso mo sa anak mo. Wala rin akong pakialam kung hindi mo kami sinusundan o sinusundan. Get out of our way, Mr. Larson." umaalab na singhal ni Aella, nilampasan ito sabay bangga sa balikat. Nilakasan niya para maramdaman nito na totoo siyang galit.Naikuyom ni Theodore ang mga palad, pumait ang hilatsa ng mukha at sinundan ito. "Aella, you can hate me forever but give a chance to be with my daughter."Napatiim bagang s'yang huminto. "Kung gusto mong makasama ang anak mo, pwes magkita tayo sa husgado. Pero siguraduhin mong ipanalo mo ang kaso.""Oo gagawin ko mismo 'yun. Hihintay ko lang ang hudyat mo."Nabagot s'ya at minabuti niyan

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 198—New Love Interest

    Chapter 198—New Love InterestKanina pa masama ang tingin ni Sandra kay Aella. Hindi na siya komportable lalo na bala siya sa pagtatahi. Nalampasan niya ang confession ni Raffaelo kanina, aminado siyang nalungkot siya na saktan ang kaibigan pero kesa paasahin ito ay mabuti pang sabihin niya ang totoo. Matagal na pala itong may gusto sa kanya pero hindi niya magawang mahalin ito. Para sa kanya ay nakakatandang kapatid niya lamang ito. She will never be romatically attractive to him. Kahit ganoon ang nangyari ay tinanggap nito ang rejection niya at naging profesyonal ito. Sisikapin nitong hindi maaapektuhan ang trabaho. Nanatili s'yang nonchalant at aminado siyang may internal struggles siya. She can't figure out what her true feeling is to Matthias now. Ibang-iba ito tuwing makikita niya. Mas higit pa ang nararamdaman niya rito kesa kay Theodore.Speaking of his ex-husband, nabalitaan niyang sinisante nito si Scarlet."Aella, kaka-hiwalay mo lang. Nag-a-I love you ka na agad sa iba. T

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 198—As A Friend

    Sinundo ni Raffaelo si Aella sa apartment nito. Nakipagbangayan ulit s'ya kay Sandra nang makita ito. Dadaling siyang hinila palabas at nagpaalam sa anak nito. Lumipas ang ilang sandali ay nasa simbahan na sila. Panay ang sulyap ng lahat dahil nagkataon na matching ang suot nilang damit. Wala silang imikan sa seremonya ng kasal hanggang sa venue. Kinagabihan, hindi mapigilan ni Raffaelo na magpakalasing. Kumakanta s'ya habang pasuray-suray na naglalakad nang masalubong ni Aella. Nag-aalala ito sa kanya. Wala siya sa sarili na pinulupot ang mga kamay sa beywang nito at sininghot ang leeg nito.Nadatnan ni Aella ang sarili na naglalakad sa mabatong bakuran ng bahay ni Raffaelo. Malakas ang tibok ng puso n'ya, naiinis siya sa kalasingan ng kaibigan pero at the same time ay naaawa siya. Ibibigay niya sana ito sa sekretaryo nito subalit ayaw siyang pakawalan ng binata. "Naisip mo rin ba minsan kung... paano magtagpo ang lalaki at babae?" anito sa makapal na boses, makintab ang mga mata h

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 197—Raffaelo's Feelings

    Lumipas ang isang linggo, gaya ng dati ay abala pa rin si Aella. Pero ibang proyekto na ito. Hindi kasi bigat gaya noong ini-sponsor ni Mr. Vandervilt. Isang simpleng christmas fashion gala na gaganapin sa Okada Manila bilang selebrasyon sa opening ng Aurelia Luxury Perfume and skin care collection.Abot tenga ang ngiti n'ya habang pinapanood ang bestfriend na todo bigay ang pagpo-pose sa picturial para sa advertisement ng Aella Perfume's Collection. "Kahit kailan ang OA ni Sandra," naiinis na wika ni Raffaelo. Muntik s'yang umiktad sa pagsulpot nito sa tabi n'ya na parang kabuti. "Mabuti na lang may maganda siyang mukhang ipagmamayabang."Mataman n'yang inirapan ito. "H'wag mo talagang iparirinig sa kanya kung ayaw mong ipakulam ka n'ya," biro niya."Ha!" pakli nito, saka siningkitan s'ya ng mga mata. "Available ka ba mamaya?"Kumunot ang noo niya. May kutob s'ya na may masama itong gagawin. "Samahan mo kong pumili ng damit para sa kasal ng kaibigan ko. Akala ko hindi n'ya ako inim

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 195-Paying Special Attention

    Napaisip ng malalim si Matthias matapos marinig ang saloobin ng best friend niya. Biglang tumindig si Andrew nang mapuna ang pagiging tahimik niya. Iniisip ni Andrew na si Matthias na mismo ang magsasabi ng totoong nararamdaman nito, hindi na niya kailangan sumawsaw pa. Mayamaya'y nagpaalam siya dahil marami pa siyang importanteng gagawin.Pagkaalis ng kaibigan, tinaas ni Matthias ang paningin kay Prescott at tinanong ito. "What do you think of what Andrew said to me just now? Talaga bang binibigyan ko ng special attention si Miss Ramirez?"Palagi s'yang naniniwala dahil ganito lang siya kay Angelica. Hindi inaasahan ni Prescott na mahahantong siya sa ganoong problema. Paano ba niya sasagutin ito? Saka, anong sagot naman ang gusto nito? Ilang sandali siyang nalilito at hindi niya alam kung paan magsisimula.Naging matalas ang mga mata ni Matthias. "Mahirap ba talagang sagutin? Kailangan ba talagang maging hesitant ka? Just say what you want to say," nauubusang pasensiya niyang angi

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 194—He Care for them

    Sinara ni Andrew ang bibig nang matauhan. Alam n'ya ang tungkol sa contract marriage na ito. Isang antikong alyansa sa pagitan ng Sullivan Family at Marasigan Family. Nakakatawa ito para sa kanya. Anong era na ba sila ngayon? At bakit nauuso pa rin ang arrange marriages? Gayunpaman, mataas ang estado ng pamilyang sullivan at masyadong binibigyan halaga ang pagtitiwala kaya seryoso ang mga ito sa ganitong bagay. Kilala ni Matthias, hindi agad-agad nitong tatanggapin at hahayaan na manipulahin ng pamilya nito. His bestfriend never had any girlfriend due to this reason. Naka-lima na s'ya at heto single pa rin ito. Inikot n'ya ang mga mata at walang ginawa kundi ibahin ang usapan. "Bumubuti na ang kondisyon ni Angelica, huh. She's interacting now with those people she knows on a daily basis, almost like a grown up child. Salamat sa treatment mo." Huminto siya, naningkit ng mga mata. "Ah, napansin ko... napahaba yata ang stay mo sa Manila. May tatanungin sana ako pero hindi ako sigurad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status