Noong gabing iyon ay hindi umuwi si Theodore. Sanay na si Aella sa ganitong gawain ng asawa pero masama ang loob niya ngayon.
Tinabihan niya si Angelica sa pagtulog buong gabi, at naging malamig siya ng sandaling iyon. Tila nakalimutan ng asawa na may lagnat ang kanilang anak. Kinabukasan, nagiging hyper si Angelica buhat noong nagising kaninang umaga dahil hindi ito nakatulog ng maayos kagabi. Labis siyang nag-alala na baka lumala ang autism nito kaya pinasya niyang magpa-appointment sa katiwala nilang psychologist na si Dra. Ursula Jensen. She was personally hired by Theodore at a high salary rate. She's a returned overseas student with a PhD. in psychology. Her abilities have been recognized by many authoritative organisations in the industry. Napag-usapan nila na alas dyes ng umaga sila magkikita. Maaga silang dumating sa clinic nito pero hindi ito dumating ng tamang oras. Nang oras na para pumasok sa silid nito, ay naging iritable at arogante si Ursula. "Didn't I tell you not to let the child too stimulated? Ano ka klaseng ina, palagi mo siyang pinababayaan at puro ka takbo rito tuwing nagkakasakit ang anak mo? Maging responsible ka naman!" sikmat nito. Nalaglag ang panga niya, hindi pa rin sanay sa pagiging maldita nito. Ganito ito palagi pero tinitiis niya lang dahil sa kalagayan ng anak niya at nagpanggap siya na hindi iyon naririnig. Kapagkuwan'y pumasok sila sa silid nito. Tiningnan ni Dra. Ursula si Angelica—nakayuko ito na tila hindi nakikinig. Naubusan ng pasensya si Dra. Ursula, at inangat ang boses. "Angel, sagutin mo ang lahat ng tanong ko. Bilisan mo!" Sumimangot siya nang nanginig ang anak niya dahil sa gulat. Ito ang unang beses na nasaksihan niyang pinipwersa ng psychologist ang pasyente nito. "Doktora, hindi stable ang anak ko. Nakikiusap sana ako na huwag niyo siyang takutin?" aniya. Ngumiwi ito. Arogante siyang inirapan. "Mrs. Larson, please don't interrupt me or ask me while I'm treating your daughter. Do you get it?" Agad nitong binalik ang atensyon sa kanyang anak. "Angelica Marie, answer me immediately!" Lalong lumukot ang mukha niya. "Doktora, matagal na ang ginagawa mong therapy sa kanya pero napansin ko na hindi epektibo," panggugulo niya ulit. Sumiklab ang apoy sa mga mata nito pero bahagyang pinigilan ang inis. "Are you a psychologist, or am I a psychologist? Nakalimutan mong personal mismo akong kinuha ni Mr. Larson para gamutin ang anak mo? Sino ka ba para kwistyunin ako?" Tinago niya ang inis. "Hindi kita kinikwistyon, gusto ko lang sabihin na hindi pa rin bumubuti ang kondisyon ni Angelica. Wala ba akong karapatan mag-usisa bilang ina niya? Akala ko ba professional ka?" Naputol ang litid ng pasensiya nito at dagling tumayo. "Mrs. Aella Larson, kung wala kang tiwala sa trabaho at pagiging professional ko, pwes humanap ka ng iba na pwede kang tulungan. Hindi ko na gagamutin ang anak mo." "H-Hindi ganoon ang ibig kong sabihin." "Hindi ako nagsasayang ng oras sa ganitong bagay. Busy akong tao at kung ayaw niyo sa akin ay pwede kayong humanap ng iba." Pagkatapos nitong sabihin ay wala itong modong iniwan sila. Padabog na pumapagting ang heels nito sa sahig. Pumalatak siya't kinabig ang anak niya. Hindi niya akalain na ganoon ka-immature ang prominenteng doktor. Napapansin din niya na hindi ito seryoso sa paggamot sa anak niya. Kung ganitong uri ng doktor ang mag-aalaga sa anak niya, baka malagay lang ito sa panganib. Nagtataka siya sa pagiging hostile nito sa kanya kahit na wala naman siyang ginawa o sinabing masama. Winaksi niya 'yon sa isipan at kiniling ang ulo sa anak. Huli niyang natanto na nanginginig ang maliit nitong katawan at namumutla ang mga labi. Tila may kinatatakutan ito. Kinabahan siya't mas niyakap ito ng mahigpit. "Anak, nandito si Mommy. Promise, poprotektahan kita sa lahat ng monsters na lalapit sa'yo." Pinupog niya ito ng halik. "At hindi na rin tayo pupunta sa doktor. Gusto mo ipag-bake kita ng paborito mong chocolate chips cookies?" Lumiwanag ang mukha nito, marahan na sumandal sa kanyang balikat at tumango. Humugot siya ng malalim na hininga bago lumabas ng clinic nito. Sinimulan niya ang paggawa ng cookies nang umuwi sila. Sinusulyapan niya si Angelica na nakaupo sa kitchen table habang gumuguhit sa sketch pad nito. Hinahain niya sa anak ang bagong lutong cookies nang mapuna si Theodore na naglalakad papasok ng sala. Hindi ito umuwi ng buong gabi subalit iba na ang suot na damit. He’s wearing a handmade black shirt and trousers that accentuate his tall, slender frame—broad shoulders, narrow waist. His sharply defined, three-dimensional features are so striking, so flawless, that he seems carved from perfection itself. He radiates the quiet, magnetic charm of a mature man. And every time she looks at him like this, she finds herself falling all over again—just like the very first time they met. Logically speaking, ibang-iba ang suot nitong outfit gaya ng nakasanayan nitong outfit. Saka niya natanto na wala ganoong na damit ang asawa niya.Huminga ng malalim si Sandra habang nakadipa ang mga kamay. Nakatayo siya sa dalampasigan. Nakatingala na dinadama ang sariwang simoy ng hangin na banayad na pinapalid ang suot niyang puti at bulaklakin na bestida. Sandaling pinakingan ang banayad na huni ng nga ibon at pagsampa ng mga alon sa buhaning. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sabay dilat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak na kalangitan--nag-aagawan ang kulay dilaw, lila, asul at rosas. Senyales ng bukang-liwayway. Bagong araw, bagong pag-asa. Hudyat para harapin muli ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Subalit para sa kanya ay ito ang bagong simula. Bagong simula kasama ang kanyang minamahal. Mistulang panaginip ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Kaya naniniwala siya ngayon na kung kayo talaga ang tinadhana, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo ay kayo pa rin sa huli. Sa kabila ng pighati at suliranin ay lalong pinapatibay ang kanilang samahan. Araw-araw siya nagpapasalamat sa Poon Maykapal dahil hind
Chapter 27: Rescue MeMabibigat ang yabag ng mga paa ni Raffaelo nang pumasok siya sa loob ng warehouse. Pumapagting ang mahinang ingay sa kabuuhan ng gusali. Makapal sa ere ang magkahalong amoy ng kalawang, langis at nabubulok na mga bagay, na para bang matagal ng kinalimutan ang lugar na ito.Hindi siya huminto. Hindi lumingon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pero matatag siyang ipagpatuloy na harapin ang pagsubok na ito. Ramdam niya ang presinya ng SWAT team—nagtatago sa dilim at naghihintay umatake. Hindi gagalaw ang mga ito unless magbibigay siya ng signal. Hindi muna sa ngayon. Mamaya na.Bumagsak ang malamig na butil ng kanyang pawis mula noo nang eksaktong umagaw sa kanyang atensiyon ang liwanag ng bombilya. Nag-iisang liwanag, nakabitin sa lumang lubid, banayad na sumasayaw. Hindi gaano kaliwanag pero sapat lang para matindihin niya kung sino ang nasa ibaba nito.Nandoon ang kanyang anak.Nakaupo ito. Yakap-yakap ang mga tuhod pero nakatali ang mga kamay. May bakas ito ng
Nagpalitan ng tingin sina Raffaelo at Sandra matapos niyang ibaba ang cellphone. Nagtaka siya sa biglaang pagpatay nito ng tawag, ngunit sigurado siyang kasabwat ito ng madrasta niya. Nagulat siya sa pagkaroon nito ng konsensiya at binuko pa kung saan dinala ang anak niya.“Sigurado ka ba? Baka mamay niloloko lang pala tayo,” nakasalpok ang kilay na saad ng kanyang asawa. Ginagap niya ang kamay nito at banayad na pinisil.“Wala naman siguro mawawala kung susubukan natin,” tugon niya.Sumandal ito sa kanyang balikat. “Natatakot ako. Paano kung sinaktan nila si Antoine. Hindi mo papatawad ang madrasta mo. Ano ba ang ginawang kasalanan ko sa kanya kaya gusto niya tayong sirain?”He cupped her face. Sumasakit ang lalamunan niyang pinapanood itong tahimik na humihikbi. “Huwag kang mag-alala. Malalampasan din natin ito.”Niyakap niya ito ng mahigpit. Kararating lang nila sa Manila. Parehong pagod sa byahe pero hindi nila magawang magpahinga sa tindi ng pag-aalala sa kanilang anak. Kilaunan,
Frustrated na binalik ni Evana ang atensyon sa bata. Yumukod siya para tanggalin ang plaster sa bibig nito. Hindi pa niya buong natatanggal iyon subalit muli itong sumigaw. Wala siyang magawa kundi ibalik ito. “Pasensiya na, pati ikaw nadamay sa gusot ng mga magulang mo. Kung may kakayahn lang sana ako itakas ka rito,” malumanay niyang bulong. Sinapo ang gilid ng sentido, tumayo at bumuga ng hangin. “Argh! I don’t want to get involved with this situation again! Nagging mabuting kaibigan ko ang dad mo. Kung hindi lang sa pera ay malamang masaya sana kayo. This is all my fault!” Nagpapadyak siya, naghi-hysterical na pumaroon at pumarito. “Antoine!” halos pabulong niyang tawag sa bata. Umupo siya para pantayan ito, sandaling luminga-linga para oserbahan ang mga gwardya. Ayon sa pagmumukha ng mga ito ay parang napilitan kagaya niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone. “Antoine, I'll make sure your dad will come to save you.” Sumalpok ang kilay nito. Lihim yata siyang sin
“Hindi ka ba natatakot sa desisyon mong ito?” nag-aalalang wika ni Evana. Kanina pa balik-balik sa paglalakad. Hindi mapakali dahil sa ginawang kalokohan ni Mrs. Conti–ang madrasta ni Raffaelo Conti na kasabwat niya sa lahat ng kalokohan nito. Ginagawa lang niya ito dahil sa pera pero nakokonsensiya na siya.Pumalatak si Mrs. Conti. “Just trust me. Everything will fall in the right place. Mapapasaiyo rin si Raffaelo.”Huminto siya’t inirapan ito ng matalim. Nagmistula siyang kontrabida sa buhay ng ibang taong nanahimik na namumuhay. Kung wala sana siyang malaking utang ay hindi niya itataya ang buhay niya rito. Malaki ang binayad nito noong napagtagumpayan niyang i-frame up si Raffaelo pero sapat lang para mabayaran ang utang ng mga magulang niya sa mga lintik na loan sharks na iyan! Kinagat niya ang kuku para pakalmahin ang sistema. “Ano na’ng gagawin niyo sa bata ngayon? Apo niyo rin siya, ‘di ba?”“Hindi ko naman siya kadugo. Gagawin ko lang naman siyang paon para maibigay ng buo n
"Parang mas gusto kong tumira rito kesa sa Makati. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwa ang simoy ng hangin," komento ni Aella nang sinumulan ang paghakbang papasok ng bahay nila.Tipid siyang ngumiti. "Pwede kayong mag-stay diro kung kailan niyo gusto, kahit buong taon pa kayo rito."Inakbayan siya ng kaibigan. "Are you really coming back to Manila? What if---?""Oo, kailangan kong sumama kay Raffaelo dahil nandoon ang negosyo niya---" Pinigilan niya ang bibig nito gamit ang hintuturo. "Pero hindi na ako babalik sa pagmo-model. Magpo-pokus na ako bilang housewife.""Palaging bukas sa'yo ang Aurelia.""Thank you so much!"Huminto sila sa paglalakad nang madatnan si Raffaelo. Pawisan itong naghahanda ng makakain ng mga bisita nila. "Tamang-tama ang pagdating n'yo! Come, sit! Nagluto ako ng paborito mong pansit palabok Aella!" anunsyo nito. Abot-langit ang tuwa nito. Lumabi si Matthias. Hinila ito ni Aella nang hindi agad umupo. Sinamahan niya ang mga kaibigan. Inubos nila ang oras sa pagk