Home / Romance / His Abandoned Wife Sweetest Comeback / chapter 6–for my daughter

Share

chapter 6–for my daughter

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-06-14 14:22:13

"Aella, nand'yan ka pa ba?"

Muli siyang bumalik sa hwesyo nang tinaas ng kaibigan ang boses. Natutulala siya sa realisasyon sa kaganapan. Suminghot siya at pinunasan ang luha sa pisngi.

"Okay ka lang ba? H'wag ka ng umiyak, please..." untag ni Sandra. Pagak ang boses sa kabilang linya.

"O-Okay lang ako. Don't worry about me. Humihiwa kasi ako ng sibuyas kaya umiyak ako," rason niya.

"Hmm, by the way, how's my baby Angel recently? Is she feeling better?" she asked, full of concern.

Umiling siya sabay sabi ng, "nagkataon na napatawag ka kaya sadyain ko magtanong, tutal marami kang kilala, kung sakali man—may kilala ka bang mahuhusay na mga psychologist? Hindi umi-improve ang kalagayan ni Angelica. Ang totoo nababahala na ako."

Sandali itong natahimik, nag-isip kung may kakilala nito. Mayamaya'y tumikhim at malumanay na nagsalita, "may kilala ako!"

"Talaga? Pwede mo ba akong i-recommend sa kanya?" nasasabik niyang tanong.

Pumiyok ang boses nito. "I'm afraid that's not possible... narinig ko lang na may isang taong mahusay sa ganyang larangan dito sa Pilipinas at sadyang sikat siya. Pinag-aagawan siya ng maraming bansa, pati ang military ay gusto rin siya i-hire... kaloka!"

"Ganoon ba?"

"Pasensiya na. Masyado siyang misteryoso at walang sino ang nakakaalam sa whereabouts niya, hindi ko rin alam kung paano siya contact-in. Aella, 'wag kang mag-aalala kasi hahanap ako ng paraan para makausap siya. Syempre para na rin kay baby Angel noh?"

"S-Salamat," nauutal niyang sambit. Namamasa ulit ang mata.

"Laban lang, Ella. Nandito kami para tulungan ka!" Pilit nitong hinihila siya paitaas. Laking pasasalamat niya sa kaibigan dahil hindi ito ng iiwan sa ere sa kabila ng buhay na tinahak niya. Pati ang pamilya nito ay mabait din sa kanya.

"S-Salamat ulit, Sandra," aniya sa ipit na boses. Hinipo ang ulo ng anak na natutulog sa kanyang bisig.

She originally felt a little hope, but it was now extinguished. Kung totoo ngang sikat ang taong binanggit ni Sandra, paano niya kaya maha-hire ang taong iyon?

"Ella, hahanap pa rin ako ng iba kahit hindi iyong sikat. Don't worry, I will always be here to help you. And if there is any news, I will tell you as soon as possible, okay?" Sandra said, full of hope.

Dahil dito ay nabuhayan ulit siya ng loob. "At this point, all we can do is wait," anas niya.

"It's the only way." She smacked her lips.

"I hope everything will be fine soon," turan niya.

Tumingala siya sa kisame. Kailangan niya ng mahabang pasensiya dahil hindi pwedeng inumin ni Angelica ang gamot na niresita ni Dra. Jensen. Makakahanap rin siya ng paraan. Nagpatuloy sila sa kwentuhan hanggang sa nauna itong umalis.

Kinabukasan, sinamahan niya si Angelica para sa reaction training nito sa children's playground. Sandali niyang binuksan ang cellphone at nagkataon na may lumitaw na balita sa notification.

She didn't care at first but accidentally glanced at the picture of Theodore Larson and Scarlet Dixon. Kumunot ang noo niya saka binuksan iyon.

A bold headline came into view: LARSON'S GROUP AND DIXON'S GROUP FORM A STRATEGIC PARTNERSHIP.

Natuod siya sa kinauupuan. Nanginig ang kanyang labi. Kung naalala niya ng mabuti, si Scarlet ang head ng pamilya Dixon na kakauwi lang ng Pilipinas.

Such big news, she didn't know anything about it beforehand.

Pinanood niya ang video. Magkatabi sina Theodore at Scarlet na nakatayo sa harap ng press. Ramdam niya ang pagiging malapit ng dalawa.

Ganito ang eksena ng dalawa sa libing ng lola nito. Pinahahayag sa mundo na may relasyon ang mga ito.

Ngumuso siya. Tsaka kaswal na pinindot ang comment section at laking gulat niya nang mabasa ang pagkakahumaling ng netizens kaysa i-bash ang mga ito.

"The power couple again! Wala talaga akong masabi kundi perpekto sa isa't isa sina Mr. Larson at Miss Dixon!!!"

"Para silang mag-asawa. Sana hindi pa kasal si Mr. Larson sa iba..."

"This is a powerful alliance of golden boy and a beautiful girl. I hope they're the end game."

"Uh-ho! Give me more of this kind of candy. I like to see them as a real couple showing their affection..."

She tightly clenched her phone, feeling ironic.

"Sarap pag-umpokin ang ulo niyong dalawa..." anas niya sa sarili. "It turned out that you had become a celebrity couple, huh? Sarap bigwasan ang ngiti mo, bwesit ka!"

Kahit nagmumura siya rito ay hindi niya maitago ang sakit na nararamdaman. Para siyang binalatan at dinuro sa asin. She thought that Theo has always been low-key and doesn't like to show up in public. But, now, he's parading around the town with his beloved first love.

Siya na naghirap ng tatlong taon para mapasaya ang asawa, kahit pagiging marketing manager ay pinasok niya para magustuhan siya nito. Inalay niya buong oras, puso't kaluluwa sa taong sarap na sarap sa piling ng iba. Saka tanging ang senior executives lang ang may alam sa relasyon nilang mag-asawa.

Ni hindi nito binabahagi ang ibang problema ng kompanya sa kanya at bawal din siyang manghimasok.

"May araw rin kayo," aniya sabay mariin na pinindot ang home screen button ng cellphone. Tumingin siya malayo, at nasilayan ang anak na tahimik na naglalaro.

Ang lakas ng tibok ng puso niya, kumikirot at namamanhid na.

"I should be immune to this kind of pain, you know..." he whispered to herself.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 28: After All [END]

    Huminga ng malalim si Sandra habang nakadipa ang mga kamay. Nakatayo siya sa dalampasigan. Nakatingala na dinadama ang sariwang simoy ng hangin na banayad na pinapalid ang suot niyang puti at bulaklakin na bestida. Sandaling pinakingan ang banayad na huni ng nga ibon at pagsampa ng mga alon sa buhaning. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sabay dilat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak na kalangitan--nag-aagawan ang kulay dilaw, lila, asul at rosas. Senyales ng bukang-liwayway. Bagong araw, bagong pag-asa. Hudyat para harapin muli ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Subalit para sa kanya ay ito ang bagong simula. Bagong simula kasama ang kanyang minamahal. Mistulang panaginip ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Kaya naniniwala siya ngayon na kung kayo talaga ang tinadhana, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo ay kayo pa rin sa huli. Sa kabila ng pighati at suliranin ay lalong pinapatibay ang kanilang samahan. Araw-araw siya nagpapasalamat sa Poon Maykapal dahil hind

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 27: To The Rescue

    Chapter 27: Rescue MeMabibigat ang yabag ng mga paa ni Raffaelo nang pumasok siya sa loob ng warehouse. Pumapagting ang mahinang ingay sa kabuuhan ng gusali. Makapal sa ere ang magkahalong amoy ng kalawang, langis at nabubulok na mga bagay, na para bang matagal ng kinalimutan ang lugar na ito.Hindi siya huminto. Hindi lumingon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pero matatag siyang ipagpatuloy na harapin ang pagsubok na ito. Ramdam niya ang presinya ng SWAT team—nagtatago sa dilim at naghihintay umatake. Hindi gagalaw ang mga ito unless magbibigay siya ng signal. Hindi muna sa ngayon. Mamaya na.Bumagsak ang malamig na butil ng kanyang pawis mula noo nang eksaktong umagaw sa kanyang atensiyon ang liwanag ng bombilya. Nag-iisang liwanag, nakabitin sa lumang lubid, banayad na sumasayaw. Hindi gaano kaliwanag pero sapat lang para matindihin niya kung sino ang nasa ibaba nito.Nandoon ang kanyang anak.Nakaupo ito. Yakap-yakap ang mga tuhod pero nakatali ang mga kamay. May bakas ito ng

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 26: Dangers

    Nagpalitan ng tingin sina Raffaelo at Sandra matapos niyang ibaba ang cellphone. Nagtaka siya sa biglaang pagpatay nito ng tawag, ngunit sigurado siyang kasabwat ito ng madrasta niya. Nagulat siya sa pagkaroon nito ng konsensiya at binuko pa kung saan dinala ang anak niya.“Sigurado ka ba? Baka mamay niloloko lang pala tayo,” nakasalpok ang kilay na saad ng kanyang asawa. Ginagap niya ang kamay nito at banayad na pinisil.“Wala naman siguro mawawala kung susubukan natin,” tugon niya.Sumandal ito sa kanyang balikat. “Natatakot ako. Paano kung sinaktan nila si Antoine. Hindi mo papatawad ang madrasta mo. Ano ba ang ginawang kasalanan ko sa kanya kaya gusto niya tayong sirain?”He cupped her face. Sumasakit ang lalamunan niyang pinapanood itong tahimik na humihikbi. “Huwag kang mag-alala. Malalampasan din natin ito.”Niyakap niya ito ng mahigpit. Kararating lang nila sa Manila. Parehong pagod sa byahe pero hindi nila magawang magpahinga sa tindi ng pag-aalala sa kanilang anak. Kilaunan,

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 25: Her Regrets

    Frustrated na binalik ni Evana ang atensyon sa bata. Yumukod siya para tanggalin ang plaster sa bibig nito. Hindi pa niya buong natatanggal iyon subalit muli itong sumigaw. Wala siyang magawa kundi ibalik ito. “Pasensiya na, pati ikaw nadamay sa gusot ng mga magulang mo. Kung may kakayahn lang sana ako itakas ka rito,” malumanay niyang bulong. Sinapo ang gilid ng sentido, tumayo at bumuga ng hangin. “Argh! I don’t want to get involved with this situation again! Nagging mabuting kaibigan ko ang dad mo. Kung hindi lang sa pera ay malamang masaya sana kayo. This is all my fault!” Nagpapadyak siya, naghi-hysterical na pumaroon at pumarito. “Antoine!” halos pabulong niyang tawag sa bata. Umupo siya para pantayan ito, sandaling luminga-linga para oserbahan ang mga gwardya. Ayon sa pagmumukha ng mga ito ay parang napilitan kagaya niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone. “Antoine, I'll make sure your dad will come to save you.” Sumalpok ang kilay nito. Lihim yata siyang sin

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 24: Accomplice

    “Hindi ka ba natatakot sa desisyon mong ito?” nag-aalalang wika ni Evana. Kanina pa balik-balik sa paglalakad. Hindi mapakali dahil sa ginawang kalokohan ni Mrs. Conti–ang madrasta ni Raffaelo Conti na kasabwat niya sa lahat ng kalokohan nito. Ginagawa lang niya ito dahil sa pera pero nakokonsensiya na siya.Pumalatak si Mrs. Conti. “Just trust me. Everything will fall in the right place. Mapapasaiyo rin si Raffaelo.”Huminto siya’t inirapan ito ng matalim. Nagmistula siyang kontrabida sa buhay ng ibang taong nanahimik na namumuhay. Kung wala sana siyang malaking utang ay hindi niya itataya ang buhay niya rito. Malaki ang binayad nito noong napagtagumpayan niyang i-frame up si Raffaelo pero sapat lang para mabayaran ang utang ng mga magulang niya sa mga lintik na loan sharks na iyan! Kinagat niya ang kuku para pakalmahin ang sistema. “Ano na’ng gagawin niyo sa bata ngayon? Apo niyo rin siya, ‘di ba?”“Hindi ko naman siya kadugo. Gagawin ko lang naman siyang paon para maibigay ng buo n

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 23: Lose

    "Parang mas gusto kong tumira rito kesa sa Makati. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwa ang simoy ng hangin," komento ni Aella nang sinumulan ang paghakbang papasok ng bahay nila.Tipid siyang ngumiti. "Pwede kayong mag-stay diro kung kailan niyo gusto, kahit buong taon pa kayo rito."Inakbayan siya ng kaibigan. "Are you really coming back to Manila? What if---?""Oo, kailangan kong sumama kay Raffaelo dahil nandoon ang negosyo niya---" Pinigilan niya ang bibig nito gamit ang hintuturo. "Pero hindi na ako babalik sa pagmo-model. Magpo-pokus na ako bilang housewife.""Palaging bukas sa'yo ang Aurelia.""Thank you so much!"Huminto sila sa paglalakad nang madatnan si Raffaelo. Pawisan itong naghahanda ng makakain ng mga bisita nila. "Tamang-tama ang pagdating n'yo! Come, sit! Nagluto ako ng paborito mong pansit palabok Aella!" anunsyo nito. Abot-langit ang tuwa nito. Lumabi si Matthias. Hinila ito ni Aella nang hindi agad umupo. Sinamahan niya ang mga kaibigan. Inubos nila ang oras sa pagk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status