Kinagabihan, pagod na umuwi si Theodore sa kanilang mansyon. Hinatak nito pababa ang suit jacket habang naglalakad papasok ng sala. Tinanggal nito ang necktie at kaswal na pinatong sa kanyang balikat.
Dalawa sa mga butones ng white shirt nito ay nakabukas. His face looked dignified and well-defined, and his long legs appeared especially slender in his trousers. Nang makapasok ay kaswal nitong pinatong ang coat sa armrest ng sofa. Huminto sa pagkain ng macaroni salad si Aella nang maamoy niya ang matapang at kakaibang perfume ng lalaki. Tila iluluwa niya ang kinakain, at saktong balak niyang lumisan ng kusina nang tumunghay ito. Nagbukas ito ng refrigerator, kumuha ng tubig at sinalin sa baso. "Angelica's condition has been unstable lately, so I want you to resign as marketing manager—effective immediately," he announced coldly, his voice as frigid as ice. Umigting ang panga niya saka matapang itong hinarap. "Kaya ko naman gawin ang trabaho ko ha—" Lalong lumalim ang kalamigan sa abuhing mga mata nito. "I don't need your explanation. Mayroon na akong ipapalit na mas magaling pa sa'yo. Ang isipin mo lang ngayon ay alagaan ang anak mo." Para siyang tinakasan ng ulirat. Nanghina ang mga tuhod, nawalan ng pwersa at tila sasabog siya. Hindi rin mahanap ang mga tamang salita na pwede imutawi ng bibig. Binuka niyanang bibig, magrarason sana pero muli itong nagsalita. "The Larson and Dixon families have reached a strategic partnership. And to show my sincerity, I’ve decided to let Scarlet take over the marketing department. She’s worked for major companies overseas—she has far more experience than you." Napabuntong hininga siya. Ramdam sa tono nito na binababalaan siyang 'd'yan ka lang sa tabi', hindi seryosong usapan ng mag-asawa para sa kabutihan ng pamilya nila. He made all the decisions without her, as if her opinion meant nothing. She would never matter to him—not now, not ever. Naikuyom niya ang mga kamay sa gilid, parang sinaksak ng maramin kutsilyo ang kanyang puso, at nalulunod siya sa sobrang higpit ng kanyang emosyon. Hindi siya pwedeng maging full-time housewife. Pumasok siya sa Larson E-Commerce company para sa marketing at paglalago ng kompanya ayon sa kagustuhan ni Theo. She led countless marketing and promotional projects, with her team working tirelessly late into the night. Para siyang pina-force evict sa bahay ni Kuya sa desisyon nito. Ni hindi nito na-appreciate ang matinding effort niya noon. Originally, may sarili siyang karera. Isa siyang fashion designer, may sariling clothing line company. Dating sikat na nilibing sa limot dahil ipinaubaya ang sarili sa asawa. Hindi niya inaasahan na ididispatsya na na parang basura at basta kinalimutan ang paghihirap niya noon. Para siyang basahan na kapag ayaw na ay tinatatapon na. This one man he ever loved... how could he be so cruel? "Naiintindihan mo ba ako?" Tinaasan siya ng kilay. Parang siyang sinasakal at hindi niya makontrol ang panginginig ng katawan niya. Dati dismayado siya na nagpakasal siya sa taong ito dahil sa neglections, cold treatment sa kanyang anak pero ngayon gumuho ang kastilyong buhangin na binuo niya sa kanilang mag-asawa. Her love was worthless and was trampled to the ground. Ito na ang senyales na tatapusin niya ang role bilang Mrs. Larson. Nangilid ang mga luha sa namumula niyang mga mata. Lumunok siya't inangtan ito ng tingin. "Theodore, gusto ko..." ....gusto kong mag-file ng anulment! Sasabihin niya sana ang kasunod na kataga pero mukhang nawalan ng pasensiya makinig si Theodore. "Tigilan mo ang kadramahan mo, Aella. Buo na ang desisyon ko matapos kong pag-isipan ito ng matagal." "Pero—" Tinaas nito ang kamay. "You were too distracted by work to care for your daughter properly—and that’s exactly why she never got better. Gawin mo ng maayos ang responsabilidad mo bilang isang ina. Kaya hindi na magbabago ang desisyon ko." Tinakasan siya ng mga salita. Matapos nitong inumin ang tubig ay nilampasan siya't muling nagpahayag. "Aakyat lang ako para mag-shower. Kumalma ka." Hindi siya umalma. Hinayaan lamang ito na umalis. "Kumalma? Tingnan natin kung ano ang reaksyon mo sa araw na sasabihin kong maghiwalay na tayo," aniya sa sarili. Sa pagiging mahigpit ng nararamdaman niya sa bahay na ito ay pinili niyang dalhin si Angelica sa amusement park para sa rehabilitation training nito. Bagaman na autistic ang kanyang anak, pero sa kanyang puso ay hindi ito naiiba sa mga normal na bata. Nababagay ang lugar na ito para sa psychological recovery ng kanyang anak at kitang-kita niya na nagustuhan nito. Tumaba ang puso niya nang nangigil ito na makita ang disney princesses. Bumili siya ng ticket para makisali sa treasure hunting sa simulated cartoon forest. Pinili niya ito upang sanayin ang kilos at abilidad sa pag-iisip ni Angelica. Saka pumasok na sila. Magkasama muna silang naglaro dahil naiihiya ito sa di pamilyar na lugar pero unti-unting naging confident kaya hinahayaan niyang hanapin nito ang lahat ng kasagutan ng mga clue. Tahimik niyang pinagmamasdan ito. Kapagkuwan'y nasalubong nila ang ilang bata. May tatlong bata ang nakapansin sa cute niyang anak kaya lumapit ang mga ito at niyaya pa maglaro. "Gusto mong samahan ka namin? Kapag makakita kami ng clue ay bibigay namin sa'yo, okay?" anang ng isa. "Ang cute mo talaga, anong pangalan mo? Pwede ba kita maging kaibigan?" sabi ng isa sa maliit na boses. Maang lang nito tinitigan ang dalawa. "'Nak, h'wag kang matakot. Tignan mo, tutulungan ka nilang manalo. Go on..." pangungumbinsi niya. Tumango ito. Kinindatan niya ang mga bata. These three children are like little angels, completely different from Scarlet's vicious son. Hinawakan ng isa ang kamay ni Angelica at hinayaan ng mga ito maging leader. Ang sumunod na misyon ay kailangan nilang umakyat. Naunang umakyat ang tatlo at dumating ang turno ni Angelica kaya kinabahan siya. Matayog iyon at meron air cushion sa ibaba, subalit nag-aala pa rin sa anak niya. Sa kabilang dako naman, hindi kalayuan sa kanila ay may isang taong nanonood sa kanila. He wore a pair of gold-rimmed glasses on his straight nose. The eyes behind the lenses were narrow, deep, and tranquil—like the night sky. Nakasuot siya ng puting shirt, black trousers, mahabang itim na windbreaker at kumikinang ang kulay pilak na bracelet. Mala-aristocrat siyang tingnan. Hindi siya gumalaw pero sumasabog ang kakisigan niya na parang ang hirap niyang lapitan. Hindi na 'yon bago sa kanyang assistant na si Prescott Blancaflor. His master always comes to this kind of place after giving psychological counselling to patients. Hindi biro gamutin ang mga pasyente niya kaya tamang-tama ang amusement park para ma-relieve ang stress nito. Tahimik na nakatayo sa tabi si Prescott na di inistorbo ang boss niyang abala sa pagmasid sa munting bata.Huminga ng malalim si Sandra habang nakadipa ang mga kamay. Nakatayo siya sa dalampasigan. Nakatingala na dinadama ang sariwang simoy ng hangin na banayad na pinapalid ang suot niyang puti at bulaklakin na bestida. Sandaling pinakingan ang banayad na huni ng nga ibon at pagsampa ng mga alon sa buhaning. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi sabay dilat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang malawak na kalangitan--nag-aagawan ang kulay dilaw, lila, asul at rosas. Senyales ng bukang-liwayway. Bagong araw, bagong pag-asa. Hudyat para harapin muli ang mga pagsubok sa kanilang buhay. Subalit para sa kanya ay ito ang bagong simula. Bagong simula kasama ang kanyang minamahal. Mistulang panaginip ang nangyari sa kanya noong nakaraan. Kaya naniniwala siya ngayon na kung kayo talaga ang tinadhana, umulan man o bumagyo, gumuho man ang mundo ay kayo pa rin sa huli. Sa kabila ng pighati at suliranin ay lalong pinapatibay ang kanilang samahan. Araw-araw siya nagpapasalamat sa Poon Maykapal dahil hindi
Chapter 27: Rescue MeMabibigat ang yabag ng mga paa ni Raffaelo nang pumasok siya sa loob ng warehouse. Pumapagting ang mahinang ingay sa kabuuhan ng gusali. Makapal sa ere ang magkahalong amoy ng kalawang, langis at nabubulok na mga bagay, na para bang matagal ng kinalimutan ang lugar na ito.Hindi siya huminto. Hindi lumingon. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pero matatag siyang ipagpatuloy na harapin ang pagsubok na ito. Ramdam niya ang presinya ng SWAT team—nagtatago sa dilim at naghihintay umatake. Hindi gagalaw ang mga ito unless magbibigay siya ng signal. Hindi muna sa ngayon. Mamaya na.Bumagsak ang malamig na butil ng kanyang pawis mula noo nang eksaktong umagaw sa kanyang atensiyon ang liwanag ng bombilya. Nag-iisang liwanag, nakabitin sa lumang lubid, banayad na sumasayaw. Hindi gaano kaliwanag pero sapat lang para matindihin niya kung sino ang nasa ibaba nito.Nandoon ang kanyang anak.Nakaupo ito. Yakap-yakap ang mga tuhod pero nakatali ang mga kamay. May bakas ito ng
Nagpalitan ng tingin sina Raffaelo at Sandra matapos niyang ibaba ang cellphone. Nagtaka siya sa biglaang pagpatay nito ng tawag, ngunit sigurado siyang kasabwat ito ng madrasta niya. Nagulat siya sa pagkaroon nito ng konsensiya at binuko pa kung saan dinala ang anak niya.“Sigurado ka ba? Baka mamay niloloko lang pala tayo,” nakasalpok ang kilay na saad ng kanyang asawa. Ginagap niya ang kamay nito at banayad na pinisil.“Wala naman siguro mawawala kung susubukan natin,” tugon niya.Sumandal ito sa kanyang balikat. “Natatakot ako. Paano kung sinaktan nila si Antoine. Hindi mo papatawad ang madrasta mo. Ano ba ang ginawang kasalanan ko sa kanya kaya gusto niya tayong sirain?”He cupped her face. Sumasakit ang lalamunan niyang pinapanood itong tahimik na humihikbi. “Huwag kang mag-alala. Malalampasan din natin ito.”Niyakap niya ito ng mahigpit. Kararating lang nila sa Manila. Parehong pagod sa byahe pero hindi nila magawang magpahinga sa tindi ng pag-aalala sa kanilang anak. Kilaunan,
Frustrated na binalik ni Evana ang atensyon sa bata. Yumukod siya para tanggalin ang plaster sa bibig nito. Hindi pa niya buong natatanggal iyon subalit muli itong sumigaw. Wala siyang magawa kundi ibalik ito. “Pasensiya na, pati ikaw nadamay sa gusot ng mga magulang mo. Kung may kakayahn lang sana ako itakas ka rito,” malumanay niyang bulong. Sinapo ang gilid ng sentido, tumayo at bumuga ng hangin. “Argh! I don’t want to get involved with this situation again! Nagging mabuting kaibigan ko ang dad mo. Kung hindi lang sa pera ay malamang masaya sana kayo. This is all my fault!” Nagpapadyak siya, naghi-hysterical na pumaroon at pumarito. “Antoine!” halos pabulong niyang tawag sa bata. Umupo siya para pantayan ito, sandaling luminga-linga para oserbahan ang mga gwardya. Ayon sa pagmumukha ng mga ito ay parang napilitan kagaya niya. Nanginginig ang mga kamay na kinuha ang cellphone. “Antoine, I'll make sure your dad will come to save you.” Sumalpok ang kilay nito. Lihim yata siyang sini
“Hindi ka ba natatakot sa desisyon mong ito?” nag-aalalang wika ni Evana. Kanina pa balik-balik sa paglalakad. Hindi mapakali dahil sa ginawang kalokohan ni Mrs. Conti–ang madrasta ni Raffaelo Conti na kasabwat niya sa lahat ng kalokohan nito. Ginagawa lang niya ito dahil sa pera pero nakokonsensiya na siya.Pumalatak si Mrs. Conti. “Just trust me. Everything will fall in the right place. Mapapasaiyo rin si Raffaelo.”Huminto siya’t inirapan ito ng matalim. Nagmistula siyang kontrabida sa buhay ng ibang taong nanahimik na namumuhay. Kung wala sana siyang malaking utang ay hindi niya itataya ang buhay niya rito. Malaki ang binayad nito noong napagtagumpayan niyang i-frame up si Raffaelo pero sapat lang para mabayaran ang utang ng mga magulang niya sa mga lintik na loan sharks na iyan! Kinagat niya ang kuku para pakalmahin ang sistema. “Ano na’ng gagawin niyo sa bata ngayon? Apo niyo rin siya, ‘di ba?”“Hindi ko naman siya kadugo. Gagawin ko lang naman siyang paon para maibigay ng buo ni
"Parang mas gusto kong tumira rito kesa sa Makati. Ang sarap sa pakiramdam. Sariwa ang simoy ng hangin," komento ni Aella nang sinumulan ang paghakbang papasok ng bahay nila.Tipid siyang ngumiti. "Pwede kayong mag-stay diro kung kailan niyo gusto, kahit buong taon pa kayo rito."Inakbayan siya ng kaibigan. "Are you really coming back to Manila? What if---?""Oo, kailangan kong sumama kay Raffaelo dahil nandoon ang negosyo niya---" Pinigilan niya ang bibig nito gamit ang hintuturo. "Pero hindi na ako babalik sa pagmo-model. Magpo-pokus na ako bilang housewife.""Palaging bukas sa'yo ang Aurelia.""Thank you so much!"Huminto sila sa paglalakad nang madatnan si Raffaelo. Pawisan itong naghahanda ng makakain ng mga bisita nila. "Tamang-tama ang pagdating n'yo! Come, sit! Nagluto ako ng paborito mong pansit palabok Aella!" anunsyo nito. Abot-langit ang tuwa nito. Lumabi si Matthias. Hinila ito ni Aella nang hindi agad umupo. Sinamahan niya ang mga kaibigan. Inubos nila ang oras sa pagk