Share

CHAPTER 6

CHAPTER:06

|Kalem Point Of View|

Pinanood ko lang si Western Union na sumakay ng motor niya at nang lingunin niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. Na iinis ako sa pagmumukha niya.

"Sakay na bata o baka naman gusto mong buhatin pa kita pasakay?" Walang gana niyang turan kaya sinamaan ko siya ng tingin at padabog na umangkas sa likuran niya

"Lumapit ka sa akin bata dahil baka mahulog ka." Muli niyang saad ng halos hindi ako dumikit sa kanya

"Can you please stop calling me KID?! I'm not a Kid!" Inis kong turan tsaka lumapit ng kaunti sa kanya.

Kanina niya pa ako tinatawag na bata.

Hindi naman siya sumagot at nagulat ako ng hatakin niya ang braso ko dahilan para mapalapit ako sa kanya at maamoy ko ang leeg niya.

Amoy pabango ng lalaki pero ang sarap sa pang-amoy.

Agad na nag-init ang pisnge ko ng ipulupot niya ang braso ko sa kanyang bewang tsaka niya binuhay ang makina ng motor niya.

"Kumapit kang mabuti." Wika niya pero wala akong balak na sundin 'yo---.

"Fuck!" Napamura ako ng bigla niyang paharurutin ang motor niya dahilan para mapayakap ako ng mahigpit sa bewang niya.

Fine! Binabawi ko na ang sinabi ko kanina! d>_

"Bagalan mo lang pwede ba?! Baka mabunggo tayo!" Sigaw ko para marinig niya at mabuti naman dahil sinunod niya ang sinabi ko.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba ng motor niya at walang imik na pumasok sa loob ng bahay at sakto naman na nakita ko si Nanay Andy.

"Nandyan ka na Pala ijo, Kumain ka na." Wika niya kaya ngumiti nalang ako

"Mamaya nalang po Nay, si dad po?" Usal ko

"Umalis ang dad mo ijo, may meeting 'ata siya eh." Sagot niya kaya napatango nalang ako

Napalingon ako sa labas ng bahay ng marinig ang pag-alis ng motor ni Western Union na siyang ikinakunot ng noo ko. Saan naman kaya pupunta ang babaeng 'yon? Pst! Nevermind, mas maganda na hindi ko nakikita ang mukha niya dahil kahit ngayon lang kami nagkakilala, Kumukulo agad ang dugo ko sa kanya.

Umakyat ako sa second floor kung nasaan ang kwarto ko tsaka agad na pumasok dito at pabagsak na humiga ng kama ko at inalala ang nangyari kanina.

Agad kong tinakpan ang mukha ko ng maalala kung paano dumampi ang mainit na hininga ni Western Union sa tenga ko matapos niya akong bulungan. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nairita ng ganito sa isang babae dahil madalas naman ay nakikipag-landian ako sa kanila pero Ewan ko ba, ayoko sa babaeng 'yon dahil kung umasta siya ay para naman siyang hindi babae.

Oo, aaminin kong ang astig niya no'ng nakipag-laban siya sa dalawang gago na nakaaway ko sa restaurant kanina pero kasi BABAE SIYA dapat hindi ganon ang kilos at asta niya. Pero hindi Bali dahil wala na ako do'ng pakialam.

Napasimangot ako ng maalala 'yong dalawang lalaki na 'yon. Habang nag-hihintay kasi ako sa pagdating ng order ko ay nakita ko silang may nilalagay sa pagkain nila tapos bigla silang umarte na akala mo ay hindi sila 'yong naglagay no'n. Siguro ay bagong modus 'yon ng mga gago. Hindi ko naman sila dapat pakikialaman pero kasi bigla nalang silang nang hingi ng pera do'n sa manager para daw hindi sila mag-reklamo at dahil ayoko sa mga kagaya nila ay nangi-alam ako.

Tumayo ako tsaka dumiretso sa banyo para maligo at habang sinasabon ang kaliwa kong braso ay napatitig ako sa tattoo na nandito. Isa iyong kulay pulang mata na may korona sa itaas na bahagi.

Ipina-tattoo 'to ni dad sa braso ko no'ng 7 birthday ko. At kung para saan 'to ay hindi ko alam, sa tuwing tinatanong ko naman si dad ay 'Wala lang' ang palagi niyang sagot kaya hindi ko na siya tinatanong pa.

Wala sa sarili na napangiti ako ng maalala ang babaeng nakilala ko no'ng isang araw. Yong babaeng nag-ligtas sa akin, sayang lang dahil kahit anong pilit ko na isipin ang itsura niya ay hindi ko magawa. Tanging ang natatandaan ko lang ay ang nakakatakot subalit maganda niyang pula na mga mata na katulad ng tattoo ko, Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapa-isip kung may connect ba ang dalawa o nagkataon lang na pareho ang mga ito.

"Makikita pa kaya ulit kita Ms.Red eyes?" Tanong ko sa sarili tsaka bumuntong hininga

Noong magising ako ay nasa bahay na ako at siya ang unang hinanap ng mga mata ko pero hindi ko siya nakita. Nang tanungin ko ang mga tauhan ni dad kung nakita ba siya pero ang sabi ng mga ito ay hindi daw. Wala daw silang nakita na ibang tao doon bukod sa akin at sa tatlong ungas na humabol sa akin.

Siguro ay sinadya niyang hindi magpakita sa mga ito. Haist, sayang lang dahil nakalimutan kong itanong ang pangalan niya.

***

|Texana West Point Of View|

Napatingin ako sa rearview mirror ng motor ko ng mapansin na kanina pa sumusunod sa akin ang isang puti na van.

Tumaas ang sulok ng labi ko tsaka ngumisi. If I didn't mistake mga mafia 'tong sumusunod sa akin.

Kinabig ko patagilid ang aking motor papasok sa isang eskinita tsaka ito inihinto at nang makita na palapit sa akin ang van ay bumaba ako ng motor ko tsaka sumandal dito at nag-cross arms.

"Following me huh? What exactly do you need from me?" Malamig kong turan ng bumaba ang isang lalaki na sa tingin ko ay ka-edad lang ng ama ko na 42 years old

Napalingon ako sa likuran niya kung nasaan ang walo niyang tauhan na pawang mga nakasuot ng black suite at shades.

"Ikaw mismo ang kailangan ko Death Glass, Gusto kong sumali ka sa organization namin." Ngising sagot nito at blangko ko naman itong pinasadahan ng tingin hanggang sa huminto iyon sa likuran ng kanyang palad kung saan naka-tattoo ang isang black spider.

Black Spider Organization. Isa sa organization na gustong mapatalsik ang aking ama sa kanyang pwesto bilang Mafia Boss.

Kahit naman kasi ang ama ko ang mafia boss ay hindi niya mapipigilan kung may maga-aklas laban sa kanya.

"I guess you knew that I don't want to be a part of any organization." Wika ko "So, I decline your offer, and don't follow me again." Dagdag ko pa at tsaka sila tinalikuran.

Akmang sasakay na ako sa motor ko pero napatigil ako ng maramdaman ang malamig na dulo ng baril niya na nakatutok sa likuran ng ulo ko.

"You can't decline my offer Death Glass, Sa sitwasyon mo ngayon dehado ka kahit ikaw pa ang rank 3 sa underground, nakikita mo naman siguro ang mga tauhan na kasama ko, Magaling sila pagdating sa pakikipag-laban." Wika niya at kahit hindi ko siya nakikita alam kong sobrang laki ng ngisi niya.

Ang lakas ng loob nila na pilitin akong sumali sa organization nila. Kung sa bagay, hindi nila alam na ako ang MAFIA QUEEN na anak ng Mafia Boss na gusto nilang patalsikin.

Napabuntong hininga ako dahil sa pagkairita. Ano bang hindi niya naintindihan sa sinabi ko?

Mabilis akong kumilos at nilingon siya at sa isang iglap lang ay hawak ko na ang baril na kanina lang ay siya ang may hawak.

Nagkapalit ang sitwasyon namin ngayon. Siya naman ang tinututukan ko ng baril sa noo.

Nagulat siya dahil doon pero kalaunan ay ngumisi rin dahil ang walo niyang tauhan na nasa kanyang likuran ay nakatutok sa akin lahat ng baril.

"Huwag ka ng magmatigas pa Death Glass, Sumama ka nalang sa amin, dahil pagnag-matigas ka pa, MAMAMATAY KA." Ngisi niyang turan at ngumisi rin naman ako tsaka tiningnan ang mga tauhan niya na diretso ang tingin sa akin

But sadly, Naranasan nila ang bagsik ng isang DEATH GLASS.

"A-anong nangyayari sa inyo?!" Naguguluhang tanong niya sa kanyang mga tauhan ng mapaluhod ang mga ito habang panay ang pag hiyaw.

Tila may kung anong tinatanggal ang mga ito sa mata nila hanggang sa magdugo na ang mga iyon dahil sa sobrang pagdutdot nila.

"A-anong ginawa mo sa kanila?!" Sigaw niya sa akin pero imbis na sumagot ay tinitigan ko rin siya sa mata at wala pang isang segundo ay nagaya na rin siya sa mga tauhan niya.

They're screaming in pain na sa totoo lang ay isa lang namang illusion at nagiging totoo lang sa tuwing sinusubukan nilang tanggalin ang mga 'yon.

Hindi ako tatawagin na DEATH GLASS kung wala lang. Dahil ang Eye glasses ko ay kayang pumatay sa isang iglap lang.

Sa oras kasi na magkaroon ka ng eye contact sa akin tapos suot ko ang salamin na 'to ay kaya kitang bigyan ng isang illusion.

Isang illusion kung saan mararamdaman mo ang mga bubog na bumabaon sa mga mata mo. Dahil isa itong high-tech eye glasses ay kaya nitong ma-apektuhan ang utak ng isang tao, nagagawa nitong ibigay ang reaction na dapat maramdaman ng biktima, kaya nakakaramdam sila ng sakit kahit hindi naman totoo ang nakikita nila.

Cool isn't it?

Inilabas ko ang silencer na palagi kong dala tsaka iyon itinutok sa mga men in black at walang kurap silang pinag-babaril sa ulo na agad nilang ikinamatay.

Nang balingan ko ng tingin si Nicholas Vicente na siyang pinuno ng B.S organization ay nakita kong umaagos na rin ang dugo mula sa mga mata niya na mukhang nabutas na dahil sa marahas niyang pagkutkot dito.

"A-ahhhh ano bang ginawa mo sa a-akin?!" Sigaw nito pero imbis na sumagot ay sinipa ko lang siya sa mukha dahilan para bumulagta siya sa lupa.

Inapakan ko siya sa dibdib tsaka itinutok ang baril sa kanyang noo.

"Kung pinabayaan niyo nalang sana ako, edi sana hindi mapapa-aga ang pagpunta niyo sa impyerno." Malamig kong turan at bago pa siya makapag-salita ay sunod sunod ko ng kinalabit ang gantilyo ng baril niya at nang maubos ang bala no'n ay tsaka ko itinapon sa lupa matapos alisin ang silencer.

Butas ang kanyang noo at lumabas pa mula roon ang kanyang utak at masaganang dugo.

Napailing ako bago tuluyang sumakay sa motor ko at luminga linga sa paligid. Tanghali palang pero mabuti nalang walang tao sa lugar kung nasaan kami kaya walang nakakita sa nangyari.

Binuhay ko ang makina ng motor ko tsaka pinaharurot paalis sa lugar na 'yon. Hayaan mong may maka-diskubre sa mga bangkay nila.

***

"Naka-balik ka na Pala, kamusta naman ang una niyong pagkikita?" Ngising wika ng ama ko ng makarating ako sa bahay namin pero imbis na sumagot ay dire-diretso lang ako na naupo sa sofa tsaka bumuntong hininga

"Not bad." Tipid kong sagot tsaka inalala ang lukot na mukha ni Kalem na akala mo ay may malaking atraso akong ginawa sa kanya tch.

"Anyway I already eliminated one of your enemy." Wika ko at kumunot naman ang noo niya

"Sino naman?"

"Nicholas Vicente, The Leader Of Black Spider Organization. He want me to join in his useless org. And when I decline his offer he pointed a gun on my head, So I killed him and his Eight men in black." Walang gana kong turan at ngumisi naman siya

"That's good. Thank you my daughter." Inirapan ko lang siya bago ako tumayo at dumiretso sa kwarto ko tsaka pabagsak na humiga sa kama ko.

Umuwi ako dito dahil bukas ko pa naman talaga balak simulan ang mission ko na protektahan si Kalem, pumunta lang ako sa kanila para sana makilala siya but who knows na nakilala ko na pala siya?

Hinubad ko ang salamin ko tsaka ipinatong sa bedside table ko bago pumikit at hinayaan na tuluyan akong lamunin ng dilim.

END OF CHAPTER:06

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status