Home / Romance / His Dangerous Desire / Season 4 Chapter 181

Share

Season 4 Chapter 181

Author: zeharilim
last update Last Updated: 2025-08-13 21:35:25

Third Person's POV

"So, ngayon na unti-unti nang bumabalik ang dati sa lahat. Ano hong plano niyo?" tanong ni Vince kay Ms. L. "Are you going to show yourself to Theo? Nabanggit sa akin ni Samantha na nagkausap kayo kahapon. Balak niyo na ho bang ibulgar ang katotohanan sa mga Buendia kung bakit pinapasok niyo si Samantha sa buhay nila?"

Humigop muna ng kape si Ms. L bago nagsalita. "Yes, nag-usap kami kahapon. But that call was purposely for her. Gusto ko lang siyang kamustahin at alamin kung ano na ba ang kalagayan niya. That's it."

Marahang tumango si Vince kasunod niyon ay ang paghigop din niya ng kanyang kape. Matapos niyon ay inilapag niyang muli ang kanyang mug sa coffee table ngunit imbes na harapin ang kausap ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Kung tutuusin ay matagal niya nang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Nandoon pa lamang sila sa California ay gusto niya nang makausap si Ms. L. Gusto niyang alamin kung ano ba ang susunod na plano nila sa oras na matapos na ang la
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Dangerous Desire   Chapter 183 Curious

    Theo's POV "Sigurado ka ba na hindi ka na kita sasamahan?" paninigurado kong tanong kay Samantha. "I could give you a ride. Magagawa naman sigurong makapaghintay ni kuya Irigo. Saka isa pa, hindi naman ganoon kaimportante ang pag-uusapan namin."Umiling siya sabay tapik sa balikat ko. "Pwede bang wag mo 'kong problemahin? Kaya ko ang sarili ko. And don't worry dahil kapag nakarating na 'ko sa pupuntahan ko ay ite-text kita kaagad."Tumango ako at bahagyang tumango. Matapos niyon ay lumapit ako sa kanya sabay halik sa kanyang noo. Hindi ko lang kasi maiwasang hindi mag-alala lalo na sa naging kalagayan namin noon. Oo at sinigurado ni Vince na nahuli na ang lahat ng mga taong konektado kay Carlo. Pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko na baka muling mangyari ang paghihiwalay namin dahil sa pagdukot sa kanya ni Karlo. I don't want it to happen again. At tulad ng sinabi ko sa kanya ay hindi na ako muling papayag pa na mangyari iyon. "Are you still thinking about it?" maya-maya'y tano

  • His Dangerous Desire   Chapter 182

    Samantha's POVNatigil ako sa ginagawa ko nang mabaling ang tingin ko kay Theo na lumabas mula sa banyo. Nakatapis lamang siya ng twalya at wala siyang suot na pang-itaas na damit.Napalunok ako habang tahimik kong pinagmamasdan ang katawan niya na medyo basa pa sa mga sandaling iyon. Abala siyang nagpupunas ng kanyang buhok habang nakatuon ang tingin sa salamin. Ngunit hindi kalaunan ay naputol ang pagpapantasya ko sa kanya nang mapadpad ang tingin niya sa akin. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin at minabuting ituon ko ang atensyon ko sa binabasa kong digital comics. I was also reading a male lead as hot as Theo. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay hindi ko mapigilan ang hindi mapalunok habang binabasa ko ang comics na iyon. Bukod pa roon ay tila ba lumabas ang lalaking iyon mula sa binabasa ko at napunta sa harapan ko. "What are you doing?" maya-maya'y rinig kong tanong niya. "Mukha yatang busy ka."Tumango ako na hindi man lang tumitingin sa kanya. Hindi kalaunan ay natigil ako

  • His Dangerous Desire   Season 4 Chapter 181

    Third Person's POV "So, ngayon na unti-unti nang bumabalik ang dati sa lahat. Ano hong plano niyo?" tanong ni Vince kay Ms. L. "Are you going to show yourself to Theo? Nabanggit sa akin ni Samantha na nagkausap kayo kahapon. Balak niyo na ho bang ibulgar ang katotohanan sa mga Buendia kung bakit pinapasok niyo si Samantha sa buhay nila?"Humigop muna ng kape si Ms. L bago nagsalita. "Yes, nag-usap kami kahapon. But that call was purposely for her. Gusto ko lang siyang kamustahin at alamin kung ano na ba ang kalagayan niya. That's it."Marahang tumango si Vince kasunod niyon ay ang paghigop din niya ng kanyang kape. Matapos niyon ay inilapag niyang muli ang kanyang mug sa coffee table ngunit imbes na harapin ang kausap ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Kung tutuusin ay matagal niya nang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Nandoon pa lamang sila sa California ay gusto niya nang makausap si Ms. L. Gusto niyang alamin kung ano ba ang susunod na plano nila sa oras na matapos na ang la

  • His Dangerous Desire   Chapter 180 Anywhere With You

    Samantha's POV Agad akong natigil sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki mula sa likuran ko. Namilog ang mga mata ko habang suot ang hindi mapatid na ngiti sa mga labi ko. I turned to him. At sa paglingon kong iyon sa kanya ay agad na nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Hindi kalaunan ay dali-dali akong tumakbo patungo sa kanya at sinalubong siya ng isang mahigpit na yakap. He hugged me back and then kissed me on my forehead. "I thought I lost you," anas ko sabay haplos sa kanyang magkabilang pisngi. "Are you okay? Anong nangyari sa 'yo roon sa loob? May ginawa ba sa 'yo si Carlo? Sinaktan ka ba niya? What took you so long?"Hindi siya umimik bagkus ay napangiti lamang siya habang hindi maalis-alis ang pagkakatitig niya sa akin. Maya-maya ay hinapit niya ang bewang ko kasunod niyon ay dinampian niya ako ng mapusok na halik sa labi na agad ko rin namang ginantihan. Sa pagkalas namin sa isa't-isa ay kapwa namin habol-habol ang hininga namin. Nguni

  • His Dangerous Desire   Chapter 179 The Storm Has Lifted

    Theo's POVMatapos mawalan ng malay ni Carlo at ng pamangkin nito ay agad nang kumilos ang team ni Vince. Dali-dali nilang hinuli ang ilan pang kasamahan ng mga ito na sa mga sandaling iyon ay nagbabalak pang magtanim ng bomba sa loob ng mall. Sa kabilang banda naman ay pumasok na rin ang ilan sa mga kapulisan at agad na inasikaso ang mga hostage. Agad silang pinalabas sa lugar na iyon at binigyan ng medical care lalong-lalo na ang mga taong nasugatan. Sa puntong iyon ay lubos na lamang ang pagpapasalamat namin dahil wala ni isa man sa mga taong nandoon ang nalagasan ng buhay. Except Neo's father. Hindi ko inaasahan na gagawin ni kuya Bino ang isakripisyo ang buhay niya para lamang sa kapakanan ng anak niya ganoon din ng mga mahal niya sa buhay. Kahit na hindi naging maganda ang pakikitungo namin sa isa't-isa ay nagawa pa rin niyang piliin ang nararapat. Habang inilalabas ang bangkay ni kuya ay tahimik lamang ding nakasunod dito si Neo. He might not show it, pero sigurado ako na l

  • His Dangerous Desire   Chapter 178 So Long

    Theo's POV "Are you sure about this?" bungad na tanong sa akin ni Vince. "Baka naman nabibigla ka lang sa mga desisyon mo? Pag-isipan mo ng mabuti, Theo. May iba pang paraan at magagawan pa natin ng paraan ang tungkol dito. Nandito ang team ko at handang hulihin ang team ni Carlo."Hindi ko siya sinagot bagkus ay binalingan ko ng tingin si Carlo ganoon din ang pamangkin nito. Nasa second floor sila at mataman kaming pinagmamasdan. Hindi kalaunan ay tinapunan ko ng tingin si Neo na sa mga sandaling iyon ay kunot-noong nakatanaw sa kinalulugaran namin. Muli kong hinarap si Vince. "Siguradong-sigurado na 'ko. Just trust me on this. Kahit ni minsan ay wala pa 'kong plano na pumalpak pagdating sa mga ganitong bagay."Napangisi siya at bahagyang natawa. Matapos niyon ay agad niyang iniabot sa akin ang hawak niyang mga papeles na kinuha niya mula kay kuya Irigo. Sa pagbukas ko ng envelope ay agad kong inilabas ang mga importanteng dokumentong nakalakip doon. Lihim akong napangiti habang i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status