Share

His Devoted Wife
His Devoted Wife
Author: Etherealczeslawa

Prologue

last update Last Updated: 2023-02-16 21:34:01

“Rain, tama na ’to. Hindi na tama ang pabayaan mo ang sarili mo. Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibabalik pa.”

Mula sa picture frame na hawak ay napaangat ang ulo ko para tingnan ang matalik na kaibigan. Napailing ako nang makita ang awa at pag-alala sa mukha niya habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain.

“Tama na? Hindi, Wize. Wala pa akong nakikitang dahilan para tumigil. Ayokong pagsisihan sa huli na sumuko na lang ako bigla.” 

Muli kong ibinalik ang paningin sa litrato namin ng asawa ko. Iyon ang picture namin nang kinasal kami. Nakapaskil sa mga mukha namin ang saya. Kahit sa litrato ay makikitang masaya talaga kami sa araw na iyon.

Saya na hindi ko inaasahan na agad din naman palang magtatapos nang mawala siya.

“Pero ilang ulit ba kailangan ipaintindi sa'yo na wala na talaga, Rain?” Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. “Dalawang buwan na ang nakakalipas. Sinuyod na natin ang buong karagatan para hanapin siya, pero ano? Wala tayong napala!” 

Tumalim ang tingin ko hanggang sa hindi ko maiwasang mapahikbi dahil sa sinabi niya. “A-Ano ang gusto niyong gawin ko, Wize? Tumigil at sumuko na lang? P-Para niyong inutos sa akin na magpakamatay na lang!” 

Nakita ko ang pagtiim bagang niya. Alam kong naiinis na siya sa ’kin pero hindi ko nagawang intindihin pa iyon. Gusto nilang tumigil ako, iyon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. 

“Kapag pinagpatuloy mo pa itong ginagawa mo ay ang anak mo ang mapapahamak. Isipin mong mahina ang kapit ng bata, Rain. Nag-iisip ka pa ba, ha?” 

Naitikom ko ang bibig. Napayuko ako nang sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko maiwasang himasin ang tiyang may maliit ng umbok. 

Dalawang buwan na akong buntis at dalawang beses na rin akong dinala sa hospital dahil dinugo, masilan ang pagbubuntis ko. Masyado akong stress nitong nagdaang buwan.

‘Anak, sorry kung sobrang tigas ng ulo ng Mommy mo. Patawad kong napapabayaan na kita.’

Mariin kong ikinuyom ang mga kamay. Pinipigilan ang sariling huwag magalit lalo dahil alam kong sasabayan ni Wize ang galit ko. Hindi kami magkakaintindihan. 

Kapag nangyari iyon ay baka mapikon siya. Kilala ko siya, mahihirap akong kausapin siya kapag galit. Mauubos ang gamit namin sa bahay sa kakasira niya.

“Anong magagawa ko kung ayaw pa ding sumuko ng puso ko? Alam ko Wize... nararamdaman kong buhay pa ang asawa ko.” Napalabi ako at pilit pinipigilan ang mapahikbi. Bahagya pa akong umiling. “T-Titigil lang ako kapag may hinarap kayong bangkay sa akin. Hangga't wala akong nakikitang bangkay ni Ghon, hindi ako titigil...hindi ako susuko.” 

Hindi ko lang matanggap na paulit-ulit nilang sinasabi na wala na ang asawa ko pero ni bangkay niya ay wala silang mahiharap sa akin. Ghon is my husband and I know he's still alive. 

At nangako ang asawa ko na bubuo kami ng pamilya, alam kong tutuparin niya iyon. Hindi ugali ni Ghon ang baliin ang pinangako nito.

“Rain, maawa ka naman sa—”

Pinaglapat ko ang mga labi at paulit-ulit na umiling. Pinunasan ko ang mga luha at dahan-dahang gumapang sa kama patungo sa higaan.

Ayaw kong marinig ang sasabihin niya.

“Kung wala kang magandang sasabihin ay mabuting umalis kana muna, Wize. Kung pagod na kayong maghanap sa kanya, ako ang gagawa.” Nahiga ako at tinalikuran siya.

Hindi ko ito narinig na sumagot pa. Ngunit nakita ko ang paglagay niya ng tray sa mesang katabi ng kama. 

“We didn't get tired, Rain. We just starting to accept the possibility that he was dead already. At mas lalong iniisip lang din namin ang kapakanan ng anak mo. Sana ay naisip mo din ang nakakabuti sa kanya.”

Napasinghap ako. Ano ang gusto niyang iparating? “Iniisip ko ang anak ko, Wize! Huwag niyo akong pagsabihan na akala niyo alam niyo na ang nararamdaman ko. Wala kayong alam.”

Narinig ko ang yapak niya papalayo. “Alam namin ang nararamdaman mo, Rain. Kaya ka namin sinasabihan dahil nag-aalala kami sa'yo! Hindi na tama ang ginagawa mo sa sarili mo. Kung wala kang pakialam sa kung anong mangyari sa‘yo isipin mo ang mangyayari sa anak mo kapag nagpatuloy ka sa ginagawa mo. We can‘t risk the Angeles heir, Rain.” Bumukas at sumara ang pinto na siyang tanda na lumabas na siya ng kwarto. 

Lalo akong napaiyak. Ilang minuto akong patuloy na umiyak. Nilabas ang lahat ng hinagpis na nararamdaman. Nang tumunog ang cellphone ay agad kong kinuha iyon. 

Tumatawag si Mommy. 

“M-Mom? May balita na po?” 

Natahimik ang kabilang linya. Matagal bago siyang nagsalita. Hanggang sa narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Sa gano'n ay agad nasagot no'n ang tanong ko. 

“Kamusta na ang pakiramdam mo? Ayos lang ba kayo ng apo ko diyan?” Ramdam kong iniiwasan niya ang tanong ko. 

Hindi ko mapigilan ang mapaiyak lalo. Pakiramdam ko ay ako na lang ang lumalaban... ang hindi naniniwalang patay na siya. Kahit ang magulang ni Ghon alam kong napapagod na din sila. Na unti-unti na nilang tinatanggap na wala na talaga ang anak nila. 

“B-Bakit ang dali para sa inyong sumuko na lang, Ma? Para niyo na rin namang anak si Ghon, pero bakit? Lahat kayo sumusuko na,” humihikbing saad ko. 

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko kaya agad ko ng pinatay ang tawag. Bumaba ako sa kama at dumeretso sa closet. Kinuha ko ang maleta at nilagay ang mga damit ko doon. 

If they want to stop then I'll going to continue it. Hahanapin ko ng mag-isa ang asawa ko. 

Pagkatapos kong ipasok ang mga damit ko ay hinila ko iyon at tinago sa ilalim ng kama ko. Hindi ko hahayaang pigilan nila ako sa gagawin ko. Hindi ko sila pipilitin kung talagang ayaw na nila. Pero ako... naniniwala pang buhay ang asawa ko. 

Hinintay kong makatulog si Wize bago ako nag-ayos. Siya ang naging kasama ko sa bahay ng mangyari ang trahedya. Ayaw kong umuwi sa bahay ng magulang ko dahil umaasa akong babalik siya rito sa bahay namin. 

I'm so sorry Wize, but I need to do this.

Kailangan kong hanapin si Ghon. Ayoko nang maghintay pa ng isang buwan nang hindi nakakasama ang asawa ko. Pakiramdam ko ay mababaliw ako dito. Lahat nang sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin sa kanya. I can't just stay here knowing that my husband was suffering somewhere. 

Dahan-dahan kong hinila ang maleta ko. Bago tuluyang makaalis ay nilibot ko ang paningin sa buong lugar. I'm going to miss this for sure. Baka matagalan akong mawala. Isang sulyap pa ang ginawa ko bago ako tuluyang umalis. 

Sa bus ako sumakay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dahil gabi na ay kaunti lang kami ang sakay no'n. 

Hindi ko maiwasang mapaiyak nang maalala muli ang asawa. Hindi pa ako nagsisimula pero nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung paano at saan magsisimula. Anong gagawin ko?

“Miss, ayos ka lang ba?” Isang ginang ang lumapit sa akin at tinanong ako. 

Pinunasan ko ang mga luha at tiningnan siya, bahagya akong yumuko nang makitang nakatitig siya. “I'm fine po! Sorry kung naistorbo kita.” 

Umiling ito at napasinghap. “Hindi mo ako naistorbo. Napansin ko kasing hindi ka okay kaya nilapitan kita.” 

“I'm okay. I need to be okay!” wala sa sariling wika ko. “Kailangan kong maging okay para sa asawa ko. Mahahanap ko siya at magiging okay ang lahat.” 

Hindi ko man siya tiningnan ay alam kong naaawa siya sa akin. Pero hindi. Ayokong kinaawaan ako. 

“I don't need your sympathy.” Wala akong pakialam kung iisipin niyang wala akong galang. Pero hindi ko kailangan ng awa niya.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero gusto kong tulungan ka. Hindi ko lang alam kung sa paanong paraan.” 

Napatingin ako sa kanya. Hindi sinasadyang napahawak ako sa tiyan ko. Napayuko ako at mariing nakagat ang pang-ibabang labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Saan ba ang punta mo?” Naramdaman siguro niyang hindi ko masagot ang tanong niya kaya nagsalita siya ulit. 

Umiling ako. Kahit ako hindi alam kung saan pupunta. “Hindi ko alam. I just want to find my husband.” 

“Taga Palawan ako. Uuwi ako doon ngayon, kung gusto mo ay doon ka muna sa amin ng anak kong babae. Baka matulungan ka namin na makita ang asawa mo.” Naagaw no'n ang atensiyon ko. Pwede akong magsimula doon. Kaya bago pang magbago ang isip niya ay tumango na agad ako. 

Kung hindi ko siya mahanap ng ilang linggo doon ay aalis na siguro ako. Susubukan kong puntahan ang bawat Isla dito baka sakaling napadpad siya sa isa man doon. Ilang oras din ang maging byahe namin. Nakarating kami sa Palawan ng tanghali. Pinakilala sa akin ni Aling Nina ang anak niyang nag-aaral pa sa kolehiyo. Mabait silang pareho. 

“Lore!” 

Nangunot ang noo ko ng marinig ang sigaw na iyon. Mabilis akong napalingon kung saan nanggaling ang boses ngunit wala naman akong nakitang tao roon. Nasa tabing dagat kasi ako ng hapon na iyon. 

That voice. Kilala ko ang boses na iyon. Is he here? O baka nagha-hallucinate lang ako dahil sa pagkamiss sa kanya? 

Bumuntonghininga ako at bumalik na lamang sa bahay na pansamantala tinitirhan. Magpapahinga na lang muna ako dahil bukas magsisimula na akong nahapin ang asawa ko. 

Just wait for me, honey.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Devoted Wife    Epilogue

    Ilham POVPatungo pa lamang si Ilham noon sa Batangas noon para sa isang property na bibilhin niya. Kailangan niyang tingnan muna iyon bago pumirma ng kotrata sa kanila. Plano niya kasing gawing rest house iyon. He's readying for his future. Gusto niya kasing naka-settle na ang lahat para sa magiging pamilya niya para kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay may maiiwan siya para sa mga ito. “Pagkatapos ko sa Batangas ay babalik ako diyan. Hindi naman ako magtatagal. Tsk!” Kausap niya ang doktor niyang kaibigan sa Australia. He's also a Filipino kaya nakakaintindi ng Tagalog. “Make it sure, Ilham. The last time na sinabi mo iyan, dalawang linggo mong tinupad!” inis na sigaw nito sa kanya. Hindi maiwasang mapangisi si Ilham. Daig pa kasi nito ang babae sa tinis ng boses nito. Kasalanan ba niya kung may binabantayan siyang tao kaya siya nagtagal sa Pilipinas? Umiling-iling na pinatay niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Pagkarating niya ng Batangas ay agad niyang pinuntah

  • His Devoted Wife    Chapter 57

    Haera was smiling while looking at the sunset in front of her. The laugh and chitchatting of her family and kids was filled the whole place. Years has past, she's slowly accepting that Ilham Pratama was really gone forever. Hindi na niya ito mahahawakan o mayayakap pang muli.Ngunit sa nangyaring iyon, natutunan ni Haera na kahit sa sandaling mga sandali ng pagmamahal ay nag-iwan ng walang hanggang bakas, and her heart was thankful para sa maikling oras na kanilang ibinahagi sa isa't isa.In the intricate tapestry of life where moments are woven with delicate threads of memories, she discovered, with a heart heavy with both sorrow and love, that her time with Ilham, although painfully brief, shimmered with an intensity and depth that many might never experience in a lifetime, teaching her the bittersweet truth that sometimes, the most profound joys are those that are fleeting, yet they leave an indelible mark on the soul.Mahirap man nang una dahil nasanay siyang laging nakaalalay si

  • His Devoted Wife    Chapter 56

    After the wedding ay nagtungo na sila sa reception. Labis ang saya at emosiyon ang naramdaman ni Haera sa oras na iyon, ganoon din si Ilham. Because she's finally a Mrs. Pratama, for real.Kaya hindi maalis ang ngiti sa labi nilang pareho. Nakasandal si Ilham sa kanya habang nilalaro nito ang kamay niya. She kissed his cheek everytime he was poking her hand.“After the reception, can we go somewhere else? In our favorite place,” he finally talk that make her stunned.Mula nang umalis sila sa simbahan ay panay lamang ang ngiti nito. Ngayon namang nagsalita ito ay mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik ito hanggang mamaya. She doesn't want to hear what he gonna say, dahil alam niyang hindi niya iyon magugustuhan.“Not now, Ilham please.” Nawala ang ngiti na kanina'y hindi mawala sa labi niya. Bumagsak ang balikat at malalim na bumuntonghininga.Pinagsalikop ni Ilham ang kamay nilang dalawa. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siya, natatakot siyang baka bigla na lamang siyang hum

  • His Devoted Wife    Chapter 55

    Nang gabing iyon ay hindi sila nagtabi ni Ilham sa pagtulog. Si Gelle ang tumabi sa Daddy nito samantalang siya ay natulog katabi nang Mommy niya. Kinaumagahan ay sunod-sunod na dumating ang mga mag-aayos sa kanya. Kaya habang naliligo ay hindi maalis sa kanya ang ngiti niyang mula pa yata kagabi. Pakiramdam niya mula pagtulog ay nakangiti pa din siya. “Ang blooming naman nitong anak mo, Mare!” Paglabas niya ng banyo ay iyon ang bumungad sa kanya.“Hindi kami mahihirapan dito, kahit simpleng makeup ay maganda na itong anak mo,” sabi naman ng makeup artist sa kanya. Bahagya siyang tumawa. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at sinimulan na siyang ayusan. Pati ang Mommy niya ay inayos na din ng mga ito. Her bridesmaid was Grace and Craine, at sa groomsmen ay ang kaibigan ni Ilham. Ayaw kasi si Wize dahil kaibigan din nito si Ghon. Hindi na niya iyon pinilit pa. “Si Ilham, Mom?” she asked. “May nag-aayos na sa kanya. He's with his groomsmen kaya huwag ka nang mag-alala.” Tumango siya

  • His Devoted Wife    Chapter 54

    Nagising si Haera kinaumagahan dahil sa pilit na mag-alis ni Ilham sa yakap niya. Pilit itong huwag maubo dahil ayaw siyang nagising nito. Nangunot ang noo ni Haera at mabilis na iminulat ang mga mata, na natuon naman agad iyon sa kanyang Fiance na sumusubok na tumalikod at doon umubo.Lumapit siya at hinaplos ang likuran nito. “Babe, are you okay?” nag-aalala siya. Ilham nodded, he can't speak because of his cough. Maluha-luha niyang hinaplos ang likuran nito ngunit nang lumakas at parang nag-iba ang klase nang pag-ubo nito ay tumayo siya at tinakbo ang pinto. Tuloy-tuloy na pagtulo ang luha niya dahil sa kaba ngunit pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili. “Doc, Mommy, si Ilham po!” she shouted loudly habang nasa hamba ng nakabukas na pinto. Bumalik siya sa kama nang marinig ang sunod-sunod at malakas na yabag patungo sa kwarto nila. Natigilan si Haera nang makita ang kung ano sa kamay nito. Tinatakpan ng kamay nito ang bibig habang umuubo ngunit nang tingnan nito ang kamay

  • His Devoted Wife    Chapter 53

    Pagdating nina Haera sa Australia ay agad na siyang dumeretso sa hospital na sinabi ni Grace. Hindi na inalintana ang pagod sa byahe. Sinundo sila ng tauhan ni Ghon. Doon niya lang nalaman na may bahay at business din pala ito doon. “Magpahinga muna kayo sa bahay mo,” pagod niyang wika kay Ghon na kanina pa napapansin niyang nakatitig sa kanya. “Puntahan niyo na lang ako mamaya dito. Let the kids rest muna. I will stay here and find Ilham.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang mga ito at lumabas na ng kotse. Mabuti na lang at tulog na ang mga bata. Walang lingon-lingong naglakad siya papasok sa loob. Ngunit hindi niya inaasahan na habang naglalakad ay binati siya ng mga nurse o mga nagtatrabaho doon. Gulat ang mga itong makita siya ngunit nagawa pa ring batiin siya.“Mrs. Pratama,” someone called him.That's it. Nakilala siya bilang asawa ni Ilham. Bahagya siyang napangiti at labis ang pagpipigil na huwag umiyak sa harap ng mga ito. “W-Where's my husband? Si Ilham?” Nang lumap

  • His Devoted Wife    Chapter 52

    Kakauwi lamang ni Ghon mula sa trabaho nang mapansin ang Mommy ni Rain sa living room, she look problematic to something. Wala na ang mga bata, paniguradong tulog na ang mga ito. Simula nang lumabas si Rain sa hospital ay pansamantala na mula silang nanatili doon. Lumapit siya at tumabi sa pangalawang Ina.“Mom, what happened?” Napapansin kasi nito ang pagka-problemado ng Ina ni Rain. Nanggaling ito sa pag-iyak, basi sa pamumula ng mata nito. Sofie look at him and sighed heavily. “She's crying whole day, hijo, ayaw niyang tumigil kahit na anong gawin namin. She's looking for him... she misses him so much that I can't stopped her from hurting.” Inaamin ni Ghon na nasasaktan siya. Lagi naman siyang nasasaktan kapag nakikitang mas mahal ni Rain si Ilham. If she's always looking at him... and hurting because he's not there beside her. Na sa pagmulat ng mga mata ay si Ilham agad ang hanap. Hindi niya mapigilang manlumo, dahil noon sa kanya ganoon ang dalaga ngunit ngayon ay sa iba na ito

  • His Devoted Wife    Chapter 51

    Ngayon lang napapansin ni Haera na laging namumula ang mata ng kanyang anak na si Gelle. Nakausap na din pala niya ang anak niya kay Ghon. They spent their days in hospital para makasama siya. They are very happy. Si Ilham naman ay nanatili sa tabi niya, dinadalhan din siya ng pagkain ng Mommy at Nanay Nina niya. Kung minsan ay si Ilham ang namimilit na ipagluto siya. Laging gabi din naman bumabalik kaya nagtataka siya. “Anak, wala pa ba ang Daddy mo?” mahinahong tanong niya sa anak niyang si Gelle na nakaupo sa sopa malayo sa kanya at bahagyang nakatulala. Tumingin ito sa kanya ng malungkot at umiling. “W-Wala pa po, Mommy. Let's call him na po?” Nangunot ang noo niya at umiling. “Lets just wait him. Ang sabi ng Daddy mo ay tatawag o mag-t-text naman siya.”Wala itong nagawa kundi ang tumango. Kaya ng tumunog ang cellphone niya ay mabilis niya iyong kinuha. Si Gelle ay agad na lumapit sa kanya. Sakto namang pagsakot niya ay ang pagpasok ni Ghon. Natigilan ito ng makita silang ma

  • His Devoted Wife    Chapter 50

    After what happened in that day, Ghon never show up in the hospital. She never asked ngunit sinabi pa rin ng Mommy niya na busy si Ghon sa kompanya nito. Dahil simula daw nang makita siyang muli ay hindi na ito bumibisita sa kompanya, hindi na nag-aattend ng mga meeting, nawalan na ito ng oras sa kompanya at tanging si Wize at ang Daddy ni Ghon na lamang ang nag-aasikaso no'n. “Do you want to eat, babe? Uuwi muna ako para kumuha ng damit mo, I'll cook for you,” Ilham said before fixing her bags. Iyon ang mga ginamit niya. Ang Mommy na sana niya ang magdadala no'n ngunit ayaw ni Ilham. Napapansin din ni Haera ang pamamayat ng fiance, namumutla din ito kung minsan. Hindi lang mapapansin dahil maputi ito. Hindi siguro nito alam na napapansin niya ang palaging pagtungo nito sa banyo. Sa katunayan ay napapansin na niya iyon simula nang nasa Palawan sila, ang umuwi ito galing sa business trip nito. Hindi na niya masyadong napansin iyon dahil busy ang isip niya sa ibang bagay. “Are you

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status