So ayon, dalawa ang update.
Natigilan si Silvestre nang makita siya. Tumayo naman siya ng matuwid. Napatitig ito sa kaniya at unti-unting nagsalubong ang kilay. Hinagod siya nito ng tingin na siyang naging dahilan para mapakunot-noo rin siya. "I left your clothes in the bed. Hindi mo ba nakita?" Humakbang siya palapit. Napansin niyang may pagkain na sa island counter. Mayroon na rin isang pitsel ng orange juice. "Those were too expensive." Sagot niya nang hindi tinitingnan si Silvestre. Nagluto ito ng hotdog, fried egg, bacon, at fried chicken breast. Napakunot noo siya, masyado naman yatang marami ang niluto nito para sa dalawang tao? O baka may bisita itong darating? Masyadong marami ang pagkain. Kung may inaasahan itong bisita dapat lang na umalis na siya bago pa may makakita sa kaniya rito. Baka kung ano ang isipin. Wala sa sariling napasulyap siya sa niluluto nito. Mayroon pa ba siyang ihahain maliban sa nasa island counter? "What do you mean those were too expensive?" Humakbang palapit ang la
Pagkatapos niyang maligo ay parang gumaan ang kaniyang pakiramdam, ngunit patuloy na kumikirot ang kaniyang sentido. Hindi pa nakakatulong na maraming katanungan ang tumatakbo sa kaniyang isip at wala siyang makuhang sagot. Itinali niya ang roba sa kaniyang bewang at saka naglakad palabas ng shower para humarap sa malaking salamin. Gamit ang kaniyang palad ay pinunasan niya ang salamin na lumabo dahil sa namuong hamog. Nang maging malinaw na ang salamin ay bumungad ang repleksyon ng kaniyang maputlang mukha sa salamin. Saglit siyang natigilan nang makita ang mukhang iyon. Aeverie's pale bareface is Avi's face. Kapag wala siyang makeup, kapag hindi nakaayos ang kaniyang buhok, kapag maputla ang kaniyang mukha ay saka niya naaalala at nakikita si Avi. Hindi naglalagay ng makeup si Avi. Palagi itong maputla, ni ang maglagay ng kaunting face powder ay hindi nito ginagawa. Palagi rin nakatali buhok nito para hindi agad pagpawisan kapag maglilinis na ng bahay o magluluto sa kusina. H
Tulala si Aeverie nang maupo siya sa kubeta. Mas lalong tumindi ang pagkirot ng kaniyang sintido sa tuwing naiisip niya ang kahiya-hiyang pangyayari. Tinakpan niya ang kaniyang mukha at sunod-sunod na malalalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Gusto niyang murahin ang kaniyang sarili dahil sa nangyari. Nag-iinit ang kaniyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Hindi kailanman nakita ni Silvestre ang hubad niyang katawan. Kahit noong mag-asawa sila ay hindi nito nakita ang katawan niya. Tapos ngayon na maghihiwalay na sila ay saka naman nangyayari ang mga ganitong bagay? Ano ba'ng kamalasan ang nasalo niya para mangyari ito sa kaniya? Sunod-sunod na katok ang halos magpatalon sa kaniya. Napaangat siya ng tingin sa pinto ng banyo saka napalunok. Siguradong si Silver na iyon. "Matagal ka pa ba?" Agad na kumalabog ang kaniyang dibdib at para siyang sinisilaban ng apoy dahil lang sa tanong nito. Ayaw niyang ipakita na apektado siya sa taong ito, pero pagkatapos ng nangy
"You need to change your clothes, first." Mariin na sabi ni Silvestre. Medyo malabo ang ekspresyon ng mukha ng lalaki, ngunit malinaw niyang nakikita ang kaniyang sarili. Pulang-pula ang kaniyang mukha, medyo magulo ang kaniyang buhok, basa ang kaniyang noo dahil sa pawis, basa rin ang kaniyang dress at tila may mantsa iyon. Kung hindi lamang itim ang kulay nito ay mapapansin niya agad ang mantsa. "No, I'm going home..." Umatras siya, ngunit pinalibot ni Silvestre ang mga kamay sa kaniyang bewang. Gusto niyang isipin na pinipigilan siya nitong matumba, ngunit sa lapit nilang dalawa ay parang sinasamantala lamang nito ang pagkakataon na magkalapit sila. "You're staying here." Bulong nito. "No—" "I said, you'll stay here! You're not going back to that f*ck*ng club." Napakurap siya. Parang totoo ang sigaw nito kahit na alam niyang fragments na lamang iyon ng kaniyang alaala. Napaawang na naman ang kaniyang bibig nang makitang walang kahirap-hirap na binuhat ni Silvestre a
"No. No. No. Please, no. This is not true." Ilang beses iyong ibinulong ni Aeverie, sa pagsusumikap na itanggi ang mga nangyayari. This is too much. Imposible. Hindi ito nangyayari. Nang malinis ni Silvestre ang mga bubog ay naglakad ito paalis ng kuwarto. Samantalang kinapos lalo siya ng hininga nang makita ang malapad at maskulado nitong likod. Napaiwas siya ng tingin saka muling itinaas ang kumot hanggang sa maging ang kalati ng kaniyang mukha ay natatakpan na. Nag-iinit ang kaniyang pisngi at para siyang lalagnatin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata sabay muling bumulong ng mga katagang, "No, please, no. This is not true." Hindi niya maalala kung paano siya napunta sa ganitong sitwasyon. Wala siyang ideya kung bakit sila magkasama. Mariin niyang itinikom ang bibig at patuloy na ipinikit ang mga mata, nagbabakasakaling may makuha siyang sagot kung sakaling magko-concentrate siyang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Magkasama sila ni Anniza. Plano niyang uminom silang dala
Aeverie's head is spinning. Literal na kumikirot ang kaniyang sentido at parang pinukpok ng martilyo ang likod ng kaniyang ulo. Mahapdi ang kaniyang sikmura at parang namamalat ang kaniyang lalamunan. Nakapikit pa siya, pero ramdam na niya na umiikot ang mundo at tila gumagalaw ang kaniyang kapaligiran. Marahan siyang napaungol at dahan-dahang gumilid sa kama. D*mn it. Nasusuka siya, at kung hindi niya kakayaning bumangon ay masusukahan niya lang ang kaniyang kama. Kailangan niyang bumangon at dahan-dahang maglakad papunta sa banyo para maiwasan na magkalat sa kaniyang kuwarto. Unti-unti niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Noong una'y madilim at nanlalabo pa ang kaniyang paningin, pero ilang kurap lang ay unti-unti na ring naging malinaw ang kaniyang paligid. Bumati sa kaniyang paningin ang makapal na drapers. Black gray. Heavy. Thick. Kumunot ang kaniyang noo, kumirot ang kaniyang sentido, ngunit nanatili ang pagtataka sa kaniyang isip. Kailan pa siya nagkaroon ng ganiyang ku