MasukBigla’y tinamaan siya ng matinding kaba dahil sa sinabi ni David.It’s been a while since the last time she saw Aeverie. Ngayon na lang ulit niya ito nakita at may balak na naman si David na ilayo sa kaniya ang babae.Mukhang nakita ni David ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya kaya naman mapanuya itong ngumiti.“Aeverie deserves someone who can sacrifice himself as much as she can sacrifice herself. Ano nga ba ang kaya mong isakripisyo para sa anak ko?”He couldn't answer. Napatigil siya at natulala na lamang sa kausap.Ano nga ba ang kaya niyang isakripisyo para kay Aeverie?His engagement with Arsen. Bigla’y bulong ng kaniyang isip.He is a man of words. Bawat salita niya'y pinapahalagahan niya at bawat pangako’y pilit niyang tinutupad. Ayaw niyang matawag na sinungaling. Ayaw niyang dumating ang panahon na hindi na seryosohin ng mga tao ang mga sinasabi niya.Kaya naman, pinapahalagahan niya ang bawat salitang binibigkas niya.Ngunit nito lang, kahit noong hindi pa gaanong ma
“What we had was just arranged by my grandfather. Pinakasalan namin ang isa’t isa dahil sa kahilingan ni Abuelo. I promised the old man that I will keep my marriage with Aeverie for three years, and after that I will end it.” Dagdag niya. Hindi niya makakalimutan ang kasunduang iyon. Tatlong taon lamang ang talaan ng kanilang kasal, pagkatapos no’n ay tatapusin na niya ang kanilang pagsasama ni Aeverie. “Your daughter needs her freedom too. Hindi ko gusto na matali siya sa akin dahil lang sa isang kasunduan.” Mariin siyang tinitigan ni David Cuesta. Binabasa nito ang kaniyang ekspresyon. “Are you telling me that she was just forced by your Abuelo?” “No, Mr. Cuesta.” Marahan siyang umiling. God, no. If she was forced to marry me then that must be more of a betrayal to my part. Bulong ng kaniyang isip.Kung iisipin niya ngayon, mas masakit pala kung sakali na pinilit lamang ng kaniyang Abuelo si Avi na pakasalan siya. Mas mabuti pang isipin na kusa siya nitong piniling pakasalan d
“You know, the only reason why I can’t send her somewhere far away is because I don’t want to lose her again. Gustong-gusto kong ilayo si Aeverie sa’yo at sa lahat ng mga taong nasisiraan na ng ulo dahil sa’yo. But I just can’t do that… she’s my daughter and she belongs here.” “I know that you’re mad because it happened to her. But I didn't know anything about it—” “Of course, you didn’t know anything about it. Hahayaan ba ng babae mo na malaman mong kaya niyang pumatay para sa’yo?” Nagtagis ang kaniyang bagang. Halatang sa kaniya isinisisi ni David Cuesta ang lahat. “She wouldn’t tell you. Kahit ang pagbubuntis niya sa ibang lalaki, hindi ba’t hindi niya naman sa’yo ipinaalam?” David’s face was itched with pure annoyance, hate and disgust. Hindi lang para kay Arsen, kung hindi para sa kaniya. “I’ve heard things about you, Silvestre. Those things were good. Hindi ko itatanggi na magaling ka sa maraming bagay— trabaho at negosyo, maging sa pagiging sundalo ay kilala ka. You
Alas otso y media. Sa loob ng isang sikat na restaurant ay naghihintay si Silvestre. Nakasuot na siya ngayon ng dark blue na suit at asul na kurbata. Nagawa niya pang i-shave ang tumutubong bigote at balbas kaninang hapon habang naghahanda para sa dinner date nilang dalawa ni Aeverie. Gusto niyang maging presentable sa harap ng babae. Madalas niyang sulyapan ang suot na relo dahil kalahating oras nang late ang kaniyang hinihintay. Sisipot pa ba ito? O baka pinapaasa lamang siya? Bumalik ang waiter at nag-alok ng champagne sa kaniya. Tumango siya. Habang nagsasalin ng alak ang waiter ay inilabas niya ang kaniyang cellphone. Balak na niyang tawagan si Gino at pagalitan ito. Hanggang kailan pa siya maghihintay? Talaga bang maayos ang appointment nila kay Aeverie? O sila lang itong umaasa? Ngunit bago niya pa mapindot ang dial button, nasulyapan niya ang pamilyar na pigura ng babae. Natigilan siya. Malayo ang double door ng restaurant, ngunit dahil sa kakaibang aura ng b
Tumayo siya. Nanatiling blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi mabasa ang kaniyang iniisip. Ngunit positibo si Fatima na tutulungan niya si Arsen. Hindi niya kailanman binigo si Arsen. “I’ll do as you say.” Aniya. Mas lalong nalukot ang mukha ni Gino. Napakuyom ng kamao ang sekretaryo. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis magbago ng isip ni Silvestre Galwynn. Kaunting pakiusap lang at pagsusumamo ay nadadala ito agad.Ngumiti naman si Fatima, mas lalong nabuhayan ng loob. “But she needs to undergo certain tests, first. If it’s true that she got intimate with other men and she was impregnated by some bastard, then I might as well forget the lies we built in our childhood days.” Katahimikan ang agad na namayani pagkatapos ng sinabi ni Silvestre. Natigilan si Fatima at bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Mabilis na npawi ang kaniyang ngiti. Unti-unting naglakad palapit si Silvestre sa gitna ng opisina para malapitan ang ginang. Malamig at malupit ang ekspre
Isang magandang balita ang dumating ng hapong iyon. Bumalik si Gino sa opisina na may maaliwalas na ngiti. “Pumayag si Aeverie, Mr. Galwynn.” Masaya nitong balita. It was weird to hear. Inaasahan niyang hindi ito papayag— pero kasalungat na naman ang nangyari. “Did you talk to her?” Umiling si Gino, pero ang ngiti sa labi ay hindi nabura. “Ang sekretaryo niya ang nakausap ko. Si Mr. Olchondra, si Blue. Nakiusap ako na isingit ang appointment ninyo kay Aeverie ngayong araw. Noong una, tumanggi siya, pero dahil nagmatigas ako at hindi umalis sa hotel nila ay bumaba siya ulit at sinabing e-i-schedule niya ang meeting mamayang gabi. Iyon lang kasi ang libreng oras ni Miss Cuesta.” Kumunot ang kaniyang noo, kasabay ng paghurumintado ng kaniyang puso. It feels wrong. Isip niya. Na para bang mas inaasahan niyang mahihirapan si Gino na magbook ng appointment kay Aeverie. Galit ito sa kaniya at halos isumpa na siya kaya natural na tatanggi ito sa lahat ng kahilingan niya— lalo na ang m







