เข้าสู่ระบบ“You know, the only reason why I can’t send her somewhere far away is because I don’t want to lose her again. Gustong-gusto kong ilayo si Aeverie sa’yo at sa lahat ng mga taong nasisiraan na ng ulo dahil sa’yo. But I just can’t do that… she’s my daughter and she belongs here.” “I know that you’re mad because it happened to her. But I didn't know anything about it—” “Of course, you didn’t know anything about it. Hahayaan ba ng babae mo na malaman mong kaya niyang pumatay para sa’yo?” Nagtagis ang kaniyang bagang. Halatang sa kaniya isinisisi ni David Cuesta ang lahat. “She wouldn’t tell you. Kahit ang pagbubuntis niya sa ibang lalaki, hindi ba’t hindi niya naman sa’yo ipinaalam?” David’s face was itched with pure annoyance, hate and disgust. Hindi lang para kay Arsen, kung hindi para sa kaniya. “I’ve heard things about you, Silvestre. Those things were good. Hindi ko itatanggi na magaling ka sa maraming bagay— trabaho at negosyo, maging sa pagiging sundalo ay kilala ka. You
Alas otso y media. Sa loob ng isang sikat na restaurant ay naghihintay si Silvestre. Nakasuot na siya ngayon ng dark blue na suit at asul na kurbata. Nagawa niya pang i-shave ang tumutubong bigote at balbas kaninang hapon habang naghahanda para sa dinner date nilang dalawa ni Aeverie. Gusto niyang maging presentable sa harap ng babae. Madalas niyang sulyapan ang suot na relo dahil kalahating oras nang late ang kaniyang hinihintay. Sisipot pa ba ito? O baka pinapaasa lamang siya? Bumalik ang waiter at nag-alok ng champagne sa kaniya. Tumango siya. Habang nagsasalin ng alak ang waiter ay inilabas niya ang kaniyang cellphone. Balak na niyang tawagan si Gino at pagalitan ito. Hanggang kailan pa siya maghihintay? Talaga bang maayos ang appointment nila kay Aeverie? O sila lang itong umaasa? Ngunit bago niya pa mapindot ang dial button, nasulyapan niya ang pamilyar na pigura ng babae. Natigilan siya. Malayo ang double door ng restaurant, ngunit dahil sa kakaibang aura ng b
Tumayo siya. Nanatiling blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Hindi mabasa ang kaniyang iniisip. Ngunit positibo si Fatima na tutulungan niya si Arsen. Hindi niya kailanman binigo si Arsen. “I’ll do as you say.” Aniya. Mas lalong nalukot ang mukha ni Gino. Napakuyom ng kamao ang sekretaryo. Hindi niya maintindihan kung bakit ang bilis magbago ng isip ni Silvestre Galwynn. Kaunting pakiusap lang at pagsusumamo ay nadadala ito agad.Ngumiti naman si Fatima, mas lalong nabuhayan ng loob. “But she needs to undergo certain tests, first. If it’s true that she got intimate with other men and she was impregnated by some bastard, then I might as well forget the lies we built in our childhood days.” Katahimikan ang agad na namayani pagkatapos ng sinabi ni Silvestre. Natigilan si Fatima at bakas ang gulat sa kaniyang mukha. Mabilis na npawi ang kaniyang ngiti. Unti-unting naglakad palapit si Silvestre sa gitna ng opisina para malapitan ang ginang. Malamig at malupit ang ekspre
Isang magandang balita ang dumating ng hapong iyon. Bumalik si Gino sa opisina na may maaliwalas na ngiti. “Pumayag si Aeverie, Mr. Galwynn.” Masaya nitong balita. It was weird to hear. Inaasahan niyang hindi ito papayag— pero kasalungat na naman ang nangyari. “Did you talk to her?” Umiling si Gino, pero ang ngiti sa labi ay hindi nabura. “Ang sekretaryo niya ang nakausap ko. Si Mr. Olchondra, si Blue. Nakiusap ako na isingit ang appointment ninyo kay Aeverie ngayong araw. Noong una, tumanggi siya, pero dahil nagmatigas ako at hindi umalis sa hotel nila ay bumaba siya ulit at sinabing e-i-schedule niya ang meeting mamayang gabi. Iyon lang kasi ang libreng oras ni Miss Cuesta.” Kumunot ang kaniyang noo, kasabay ng paghurumintado ng kaniyang puso. It feels wrong. Isip niya. Na para bang mas inaasahan niyang mahihirapan si Gino na magbook ng appointment kay Aeverie. Galit ito sa kaniya at halos isumpa na siya kaya natural na tatanggi ito sa lahat ng kahilingan niya— lalo na ang m
Maaga sa opisina si Silvestre nang araw na 'yon, wala pa ang mga empleyado ay naroon na siya para asikasuhin ang ilang minor na trabaho sa opisina. Tahimik siyang nagbabasa ng mga email at report, pilit niyang isinasantabi ang gumugulo sa kaniyang isipan. Gusto niyang pagtuunan ng pansin ang trabaho. Trabaho lang ang dapat na umukupa sa kaniyang isip at wala nang iba. Alas dyes ng umaga nang pumasok si Gino sa loob ng opisina. Maingat siya nitong pinagmasdan mula sa pinto bago tuluyang pumasok. “Mr. President.” Mababang bati ni Gino. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin mula sa kaniyang computer. Blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngunit magkasalubong ang kaniyang mga kilay. “What is it?” Sa disposisyon pa lamang ni Gino, ramdam na ni Silvestre na may balita itong dala. “Mr. Dela Rama has cancelled your meeting with him. May sudden flight daw siya papuntang Hong Kong, balita ng sekretarya niya ngayon lang.” Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang relo. Kung hindi siya nagkaka
Ang natatarantang kasambahay ay agad na kumuha ng telepono at tumawag sa ospital. Patuloy naman na niyayakap at niyuyugyog ni Arabella ang asawang hirap na hirap pa rin sa paghinga.Nangilid ang luha sa kaniyang mga mata."Breath, Hon. Breath." Iyak niyang pakiusap.Nakaawang naman ang bibig ni Alvi, pilit na hinahabol ang hininga ngunit dahil sa pagsikip at pagkirot ng kaniyang puso ay mas lalo siyang nahihirapan. Kita sa pagkunot ng kaniyang noo ang hirap sa ginagawa.Samantala sa villa ng mga Galwynn, si Fatima ay nasa hapag pa lamang ng mga oras na iyon at wala sa kaniyang isip ang nangyayari sa bahay ng mga Espejo.Kasama niya ang kaniyang pamilya na kumain ng almusal Kakaiba ang katahimikan na bumabalot sa kanila. Hindi niya maipaliwanag, para bang mabigat at malamig. Nang mag-angat siya ng tingin, tahimik at seryosong nakatingin ang kaniyang asawa sa pagkain nito. Si Lucinda ay tulala sa kawalan, parang malayo ang isip, habang sumusubo ng mabagal. Si Amanda lamang ang maay



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



