“What happened to your daughter?” Agad na napaangat ng tingin si Lucinda nang marinig ang pamilyar na boses ni Bernard Galwynn. “Tito…” Mahina niyang sambit. Siya ang tumawag kay Bernard, pinaalam niya ang ginawa ni Arsen, ngunit hindi niya inaasahan na pupunta ito sa ospital para malaman ang sitwasyon ni Arsen. Parehong napalingon si Alvi at Ara sa bagong dating. Punong-puno ng galit at frustrasyon si Alvi, at wala siyang ibang mapaglabasan, kaya't nang makita niya si Bernard ay para siyang sumabog na bulkan. Lumayo siya kay Ara at hinarap ang chairman. “She tried to commit suic*de because of your son, Bernard!” Buga ni Alvi sa lalaki. “My daughter is in love with your son, she fights for her love despite the fact that he married another woman! And for your son, she gave him the most precious years of her youth! Ngayon na kumakalat na ang balita tungkol sa kanilang engagement, ngayon pa talaga nawalan ng bayag ang anak mo at iniatras ang engagement?!” Humakbang si Alvi
Sa First District Hospital, sa labas ng emergency room ng west wing. Nasalinan na ng dugo si Arsen, ngunit nanganganib pa rin ang buhay nito dahil sa dami ng dugong nawala. Nagtagal din bago ito natagpuan ni Arabella kaya ikonsiderang kritikal ang kalagayan nito pagkasugod sa ospital at kailangan na patuloy na obserbahan ng maayos sa emergency room upang makasigurado na walang ibang organ ang naapektuhan sa ginawa nito. The doctors are still running rest for Arsen. Nang dalhin si Arsen sa ospital, ang kanyang buong mukha ay sobrang putla at ang mga labi ay halos mangitim na. Ang hiwa sa kanyang pulso ay nakakapangilabot at malalim. Sa hallway, naroon ang mag-asawang Espejo, pabalik-balik sa paglalakad si Ara. Hindi siya mapirmi dahil sa pag-aalala kay Arsen. Kabadong-kabado siya lalo pa't kanina pa sa loob ng emergency room ang kaniyang anak at ang mga doktor. Naroon din si Lucinda, nakaupo at tahimik na naghihintay na lumabas ang doktor nang malaman nila kung ano ang resulta
"Dito ka."Hinila niyang muli si Anniza hanggang sa magpalit na sila ng pwesto. Siya na ang nasa gitna at ito naman ang nasa sulok. Sa likod ng kaniyang isip, may bumubulong na huwag silang sumabay sa lalaking ito. Na umalis na sila roon hangga't hindi pa sumasara ang pinto ng elevator.Ngunit matangkad at medyo malaki ang pangangatawan ng lalaki. Nakaharang ito sa may pinto at tila sinasadyang harangan ang pinto.Nakita niyang pinindot ng lalaki ang fourth floor. Sa tenth floor pa sila. Mauunang lumabas ang lalaking ito.Agad niyang inisip kung ano ang meron sa fourth floor. Hindi niya maalala kung ano ang meron do’n. Hindi siya gaanong familiar sa hotel na pinuntahan nila, dahil ang tanging sigurado lamang siya ay nasa tenth floor ang mamahaling restaurant ng hotel.Doon niya kikitain ang kaniyang date.Sumara ang pinto ng elevator. Huli na para lumabas pa. Dumagundong ang dibdib ni Aeverie, hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa pag-aalala para kay Anniza.Malakas ang kutob niy
Alas nuebe y media, nasa labas na silang tatlo nila Juanito. Sa kaniyang kamay ay apat na paper bag ng mga damit at alahas. Samantalang si Anniza ay may anim na paper bag ng mga damit at sapatos. Ngiting-ngiti ang babae at hindi maitago ang kagalakan sa mukha pagkatapos silang ilibre ni Juanito. Dapat ay sasamahan lamang nila ang lalaki na magshopping at tutulungan nila ito sa pagpili ng mga damit na dadalhin sa Boracay. Ngunit sila pa yata ang nakarami sa pamimili.Dahil gabi na masyado at may naghihintay pa sa kaniyang date, nagpasya siyang magpaalam na kay Juanito. Si Juanito rin ay may pupuntahan pa kaya pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay lumulan na ito sa sasakyan at agad na nagmaneho paalis.Nakatayo si Anniza sa tabi ni Aeverie, masayang kumakaway sa paalis na sasakyan ni Juanito. Ang ngiti sa kaniyang mukha ay hindi mabura.“I like him, Aeve.” Bigla'y sabi niya.“I relate to him so much. Hindi ba't sabi mo nag-iisa siyang anak ni Tita Pauline at hindi na nagpakasal si
Ala sais kuwarenta y otso na nang tingnan ni Silvestre ang kaniyang relo. Mahigit isang oras na siyang nakatayo at pabalik-balik sa labas ng opisina ni Aeverie. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sa kaniya nagpapakita ang babae.Narinig niya kanina sa baba na may meeting si Aeverie kasama ang subordinates nito, ngunit kanina pa iyon, hindi ba? Bakit hindi pa bumabalik ang babae?"Excuse me?" Isang matinis na boses ang nagpalingon sa kaniya.Nakasuot ito ng uniform ng hotel, may dalang mga folder, at ilang kagamitan. Naglakad palapit ang babae at sinipat siya ng tingin."Why are you on this floor, Sir?"Nakasuot ng makapal na salamin ang babae. Inayos iyon bago muli siyang hinagod ng tingin, na para bang nagdududa sa kaniya."I'm waiting for Aeverie Cuesta. I have to discuss an important matter with her." Buo ang boses niyang sagot.Ngunit ang totoo, kinabahan siya ng kaunti, lalo pa't tumakas lamang siya para makarating sa palapag na ito. Eksklusibo ang palapag ng opisina ni Aever
"Kailangan mo kamo ng maisusuot at ipangreregalo?" Ngumiti siya, bigla'y may naisip. "Nakakapagod naman talaga ang pagsho-shopping lalo na kung mag-isa ka." Tumango si Juanito. Suko na siya sa paghahanap ng disenteng damit sa mga department store. Minsan ay ilang store pa lang ang napupuntahan niya ay nawawalan na siya ng gana. Hindi iyon ang hilig niya at wala rin siyang interes. Maliban sa pagpipiloto at pag-ma-manage ng hotel, wala na siyang ibang ginagawa, kaya hindi naman ganoon kahectic ang schedule niya. Naisip niyang hindi naman niya kailangan ng sekretaryo o assistant kaya tuloy, ngayon, walang mag-sho-shopping para sa kaniya. Naisip niyang saka na lamang siya kukuha ng empleyado kapag napili na niyang i-prioritize ang kaniyang mga hotel. "Anniza is here in the Philippines." Nakangiting anunsyo ni Aeverie. "She could help you. Mahilig din iyong magshopping kaya sigurado akong matutulungan ka no’n. And you won't get bored around her, Juanito." Naalala niya ang s