Two parts po muna. Habol ko mamayang gabi ang update. Nag-update me kasi sobra akong natutuwa sa suportang binibigay niyo kay Aeverie at Silvestre. Siguro panahon na para ipriority ko ang story nila.
Huminga siya ng malalim at sumabat, "I really don’t understand. You've already said, Mom, they have strong feelings for each other. What else can your niece be dissatisfied with? Why can’t she just be a sweet talker by Silver’s side? Bakit hindi siya ang makipag-usap kay Silver? Bakit hindi siya ang mag-alok ng kasal kay Silver?" Lahat ng mga mata ay napunta kay Lucinda. "Abuelo was really disappointed with Arsen last night. Hindi ba't gumawa siya ng eksena noong nagbubukas na ng mga regalo si Abuelo? I'm sure he was so upset last night by Arsen's improper behavior. Nakipagdebate pa siya na orihinal na painting ang dala niya. Nang maipit, ibinaling niya ang sisi kay Avi. At sa harap pa ni Abuelo, kahit na alam niyang si Avi ang totoong paborito." Sarkastikong ngumiti si Lucinda sa kaniyang pinsan. "Nakakaturn-off din naman kasi ang ginawa mo kagabi, Arsen. Maybe that's another factor for Silver to ditch you." "Lucinda!" Galit na sigaw ni Fatima. "What?" Lucinda lazily rolled her
Ngumisi si Lucio at nagbaba ng tingin sa kaniyang pagkain. Bumalik ang gana niyang kumain. "My grandson is loyal and infatuated in love, but he is not a fool, he can still see right from wrong! Miss Espejo, I thought you could at least pretend like you're a perfect girlfriend until you got married to Silver. But your true colors were showing now... I didn't expect that the fox tail could not be hidden so soon." Umangat muli ang sulok ng labi ni Lucio at sinipat ng tingin si Arsen. Naaawa siya para rito, wala na itong tinirang kahihiyan para sa sarili. Basta't maikasal lamang kay Silvestre ay talagang ipipilit nito ang gusto. Ang kaniyang mga tingin ay naibaling niya kay Fatima na ngayon ay nakatulala sa pagkain. Mag-tiyahin nga ang dalawa. Noon ay hindi rin siya boto kay Fatima, ngunit mapilit ito at nagawang pikutin ang kaniyang anak na si Bartolome. Kahit na hindi niya kagustuhan si Fatima ay naging parte pa rin ito ng kanilang pamilya. Ngayon, pamangkin naman nito ang nangangar
Ilang salita lamang, klarado at kalmado. Ngunit ang sakit nito'y parang humihiwa sa buong pagkatao ni Arsen. Namanhid siya ng ilang segundo at nang maintindihan ang ibig mangyari ni Silvestre ay agad na umakyat ang dugo sa kaniyang mukha. Namula siya na para bang makatanggap siya ng sampung sampal dahil sa labis na pamumula ng magkabilang pisngi.The elders were also dumbfounded.Tanging si Lucinda lamang ang may ngiti sa labi. Hindi siya nagulat sa desisyon ni Silvestre.Si Amanda ay patuloy sa pagkain dahil hindi gaanong naiintindihan ang nangyayari sa kaniyang paligid. Siya lamang ang hindi apektado sa mga nangyayari."W-what are y-you saying, Silver?" Puno ng panginginig ang boses ni Arsen at totoo na ang luhang namuo sa kaniyang mga mata."D-don't you want me anymore?" Arsen was shocked and scared. Gusto niyang tumayo at lapitan si Silvestre nang mayugyog niya ito. Baka may namumuong hamog sa utak nito para maisip na itigil ang engagement nila. Bumagsak ang mga luha sa kaniyang
Matinding katahimikan ang namayani. Napatigil na sa pagkain ang lahat at napasulyap kay Fatima. Natigilan din ito at nanlaki ang mga mata. Siya pa tuloy ang nalagay sa alanganin. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang pang-aalipin mo kay Avi? She did all the house chores! You made her your personal maid. You let her attend for all your needs. Hindi lang pang-aabuso ang ginawa mo, sinamahan mo pa iyon ng pagmamaltrato. Although I don't live with you, but I learned exactly what happened in the past three years to Avi." "Pa, huwag niyo naman pagsabihan ng ganiyan si Fatima." Hindi nakatiis si Bartolome at pinagtatanggol na ang asawa. "Si Avi ang nagprepresenta noon na tumulong sa gawaing bahay. Tyaka hindi minamaltrato ni Fatima si Avi. This is too much!" Umismid si Lucio. "Ipagtanggol mo pa ang asawa mo, Bart. Pero hindi niya maitatanggi ang mga nagawa niyang kasalanan noon kay Avi." May katiyakang tugon ni Lucio sa anak. Ibinaba ng matanda ang kaniyang kubyertos at sumandal s
Ngunit malas lamang si Arsen dahil hindi niya na muling natagpuan si Silvestre. Hindi na sila nakapag-usap pa. Kaya ang pananabik niyang makausap ito tungkol sa opisyal na pag-anunsyo ng kanilang relasyon at engagement ay mas lalong sumidhi sa kaniyang puso. Tapos na ang kaarawan ni Lucio, maaari na silang maging malaya na piliin ang isa't isa.Hindi ba't iyon naman ang naging kasunduan ni Silver at ng matanda? Maaari na silang magpakasal ni Silver kapag tapos na ang kaarawan nito. Kinabukasan, sabay-sabay na kumain ang mga Galwynn sa dining area ng malaking villa na nabili ni Bernard. Kasabay nila si Arsen na pinilit ang kaniyang Tiyahin na sa villa na siya matulog kagabi dahil wala siyang kasamang umuwi. Sinadya niya rin na uminom ng kaunti bago matapos ang party kagabi para maisip ng kaniyang Tita Fatima na delikado na para sa kaniya ang magmaneho pauwi. Naging matagumpay naman siya dahil pinatulot siya sa isa sa mga guestroom ng villa. Samantalang tahimik na nakamasid at hin
"Hey, hey, don't act like you're a jealous husband." Ngumisi si CK na mas lalo lamang ikinaasar ni Silvestre."You have no feelings for Avi, no sense of responsibility, and you don't even trust her. Sa tatlong taon niyong pagsasama, wala ka namang ginawa kung hindi ang maging asawa sa papel, 'di ba? You have Arsen in your heart. And you're engaged with your childhood sweetheart now. So, what's wrong if I admired your ex-wife?"Nagtagis ang bagang ni Silvestre. Ikinuyom niya ang kaniyang palad at nanginig ang kaniyang kamay. Kung lasing na siya at wala nang kontrol, baka dumapo na sa mukha ni CK ang kaniyang kamao. Huling-huli nito ang inis niya."Dahil sa nangyari ngayong gabi, may na-realize ako... Whether she is Avi or Aeverie Cuesta, I will definitely chase her. Malas lang na una mo siyang nakilala. But actually, that's no big deal to me. She's just your wife in papers... hindi mo naman siya nagustuhan. Kaya wala naman sigurong kaso kung liligawan—""Shut up." Pinutol ni Silvestre