Here's the pahabol na update. Don't worry magkakaroon ng interaksyon ang ibang mga characters. HAHAHAHA
"What are you doing here?" Si Lucinda ang unang nakabawi. Sa tuwing nakikita niya ang babaeng ito ay kinakabahan siya, tila isang bagyo si Aeverie, mapamuksa ito! Gulo lamang ang dala nito sa kaniyang pamilya.Kaya para sumulpot ito ngayon sa kanilang meeting ay nagdududa siya kung ano ang pakay nito. "To play golf, Miss Galwynn?" Sagot ni Aeverie sa babae. Ngumiti siya at naglakad palapit. Nagliliyab naman sa galit ang mga mata ni Lucinda habang pinupukol ng nakakamatay na tingin si Aeverie. Ano na naman ba ang pinaplano nito? Hindi pa ba ito tapos sa panggugulo sa kanila? Nakaawang pa rin ang bibig ni Fatima dahil sa gulat. Hindi siya makapaniwala na kahit saan ay sumusulpot na lamang bigla ang babaeng ito. Hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan. Nanatili siyang nakatulala sa babae. Si Mrs. Ye naman ay nabighani sa magandang binibini. Hindi niya ito kilala, ngunit may kung ano sa kaniyang puso ang biglang sumigla nang makita ito. She looks like a living doll. Bulong
Inaanyayahan naman ni Bartolome si Mayor Ye na maglaro habang abala ang mga kababaihan sa pag-uusap sa mga bagay na wala silang interes. Nakasunod si Fatima, Lucinda at Mrs. Ye sa kanilang likod, hindi matigil ang kwentuhan.Nagmamasid si Mayor Ye habang naglalakad sa malawak na bermuda. Ang mga mata nito ay nakapako sa magandang tanawin."It's really an honor for me that you joined us here today, Mayor Ye." Nakangiting saad ni Bart, pilit na binubuksan ang magaang usapan."Malaki ang pasasalamat namin sa'yo dahil sa kooperasyon mo at suporta sa pag-secure ng proyektong hahawakan ng asawa ko."Lumingon saglit sa kaniya si Mayor Ye. Ang singkit nitong mga mata ay lalo pang naging singkit nang ngumiti ito sa kaniya. Half Chinese si Mayor Ye, ngunit kung titingnan ang mukha at pangangatawan nito ay mapagkakamalang full blooded chinese."This is not the first time that we work together in a certain project, Bart. Malaki ang tiwala ko sa kompanya ninyo. Alam ko ang kapasidad ninyo."Mataga
Upang maisulong ang proyekto sa Ilocos Province, inimbitahan ni Bartolome si Mayor Ye at ang asawa nito na maglaro ng golf sa Manila Southwoods and Country Club. Hindi palaging marami ang tao sa lugar na ito, ngunit upang makasigurado na walang makakaisturbo sa kanilang pag-uusap ay nirentahan ni Bartolome ang bahagi sa kanluran ng golf course para sa kanila lamang. Ibinilin niya pa sa mga security personnel na huwag hahayaan na may makalapit sa kanila sa oras na naglalaro na sila ng golf ni Mayor Ye. Gusto niyang maging payapa ang kanilang pag-uusap tungkol sa mahalagang proyektong ito na mag-aangat kay Fatima sa mataas na posisyon sa kompanya. Wala naman talagang alam si Fatima sa paglalaro ng golf, pero nalaman niyang iyon ang hilig ni Mayor Ye kaya pinilit niya ang kaniyang asawa na anyayahan ang mag-asawang Ye sa isang sikat na golf course para magpakitang gilas. Pinaghandaan niya ang araw na ito. Isang mamahalin at magandang golf suit ang kaniyang suot. Purong puti ang
Kinabukasan, nasa opisina si Silvestre kasama si Gino. Hawak-hawak niya sa isang kamay ang malamig na tasa ng kape habang pinagmamasdan ang tanawin sa harap ng bintanang floor-to-ceiling. Nakatayo sa harap ng kanilang kompanya ang matatayog na mga gusali na kung titingnan ng mabuti ay napakaganda at nakakawili sa mata. Ngunit ang totoo, wala sa magandang tanawin ang atensyon ni Silvestre. "Ano nga ba ang pinaplano ni Sir Bart?" Mahinang tanong ni Gino mula sa kaniyang likod. Hawak nito ang panukalang appointment letter para kay Fatima bilang Vice Chairman ng Board of Directors. "Mrs. Fatima Galwynn is already part of your family, Sir. Pero tingin ko hindi tama na umaasa siya sa impluwensya ng kaniyang asawa para maka-secure ng mataas na posisyon sa kompanya. Anong kakayahan niya sa pamumuno? Anong magiging kontribusyon niya sa kompanya? Bakit siya ang gagawing Vice Chairman ng Board of Directors?" Marahas na bumuntonghininga si Gino at bumagsak ang kaniyang balikat. "Kung siya an
Mas lalong nalukot ang mukha ni Arsen. Gusto niyang burahin ang ngisi ni Drake at palitan iyon ng ibang ekspresyon— kagaya ng pagkayamot. Ngunit hindi niya iyong kayang gawin, lalo pa't wala siyang kalaban-laban sa malaking dayuhang ito. Kaya nagtiiim-bagang na lamang siya."My family is not as good as before, where can I get the amount you're asking from me?!" May diin sa kaniyang tono.Ikiniling bahagya ng lalaki ang ulo nito at tiningnan siya ng mataman."Oh, darling. I know that you don't have it in your pocket, but your fiancé, Mr. Galwynn surely does."Naglalaro sa mga mata nito ang pananabik at pagnanasang makamtan ang halagang hinihingi. Sa tuwing pera ang pinag-uusapan ay parang may mga bituin sa mga mata nito na agad na nagniningning."That's only a small amount of his net worth, right? And you claim that he's head over heels with you, he loves you so much... how can he not give it to you if you ask?"Namula a
Ngumiti ng masuyo si Drake at muli nitong pinagapang ang isang kamay sa kaniyang bewang at hinapit siya palapit. Nanindig na naman ang kaniyang balahibo at bago pa muling lumapat ang labi nito sa kaniyang labi ay ibinaling na niya sa kaliwa ang kaniyang mukha. Maiwasan niya ang akmang paghalik nito."What's wrong, baby? Don't you miss me too?" May panunudyo sa boses nito.Why would I miss you? Nagtagis ang bagang ni Arsen dahil sa pagkairita."Tell me what you really want from me. Don't lure me with your sweet words." Mariin niyang sabi, sa ibang direksyon pa rin nakabaling ang mukha."I want you..." Bulong nito sa kaniyang tainga. Gumalaw ang labi nito para sa isang ngiti bago muling bumulong. "Give me some money to spend."Halos mapamura si Arsen. Tama nga siya! Pera na naman ang dahilan para hanapin na naman siya ng bastardong ito. Pera lamang ang dahilan kaya nangugulo ito!Tiningnan niya ang lalaki at sa nangangalit na ngipin ay nagsalita. "I already gave you enough money when w