Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 41.2: Back

Share

Kabanata 41.2: Back

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-03-06 19:58:32

Aurora's Point of View

Mauuna sa amin si Nexon para bisitahin sila Alted ngayong umaga at masiguradong nakahanda na ang lahat dahil ako lamang ang hinihintay nila para magsimula na ang lahat. Hindi ko alam ang buong plano pero nangako silang dalawa na magiging ligtas ang lahat sa pagdating ko.

Kahit alam kong kaya niya iyong gawin, hindi pa rin mawala sa puso ko ang pangamba. I couldn't make my heart safe now. Dahil alam ko, hindi pa man nagsisimula ang lahat, durog na ang puso ko.

The hardest slap comes from the reality. Pero hindi lang yata sampal ng reyalidad ang iginawad sa akin, suntok at tadyak na rin.

Natatakot ako. Hindi kay Candice, kung hindi kay Alted at sa mga bata.

Hindi ko alam kung dahil ba sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Elizabeth o sadyang mabilis lang talaga lumipas ang oras kaya natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa tapat nang malaking gate ng mansyon ni Alted. Mayroon guard doon noon pa man pero sa tuwing nakikita niya ang pamilyar na SUV na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
kinakabahan sa mangyayari
goodnovel comment avatar
MJ Pineda
Naeexcite ako.... Hindi na ako makapaghintay...
goodnovel comment avatar
peterlove gretchen
pati ako kinakabahan na nagbabasa lang naman ako ... first time ito author haha nadadala ako hahaha ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 21.3

    Jehan's Point of View Natapos kaming kumain ni Nicole pero hindi pa rin bumalik si Tita Lian. Iginiya niya ako papunta sa sala habang nagliligpit ang mga katulong. We talked about random things and I realized she’s a very random person. Minsan, kahit hindi naman kasali sa usapan namin ay bigla na lamang siyang magtatanong ng ibang bagay. Noong una, nagugulat ako, pero kalaunan hindi na ako nagtataka kung bigla-bigla na lamang siyang nagtatanong. Maybe she wasn't that organized even in a conversation. And maybe that's her way to continue the conversation between us. Lumipas pa ang isang oras bago bumalik si Tita Lian. Hindi niya kasama si Nexon. “I’m sorry ladies.” Aniya. “Kamusta? Nahanap niyo ba, Tita?” “Yes, yes, nasa ilalim pala ng drawer kaya hindi namin mahanap.” Naupo sa tapat namin si Tita Lian. Bumuntong-hininga siya at napailing, para bang napagod sa paghahanap. “Aalis din ba agad si Kuya Nexon?” Si Nicole ulit sa mababang tono. “Hindi ko alam, may tinitin

  • His Fake Wife   Kabanata 21.2

    Jehan’s Point of View There’s something wrong with me again. Alam ko naman na narito siya, dahil narinig ko ang sinabi ng kasambahay kanina, pero bakit nagugulat pa rin ako sa presensya niya? Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa direksyon niya at nakitang palapit na siya sa amin— sa mesa. “Kuya Nex.” Bati ni Nicole. Tumango si Nexon, ngunit saglit lamang ang naging sulyap kay Nicole dahil napatingin siya agad sa akin. Nagtama ang tingin namin at para akong sinipa sa dibdib nang makitang madilim na naman ang anyo niya. Galit na naman ba siya? O default expression niya ang pagiging malagim at malupit? “Kumain ka na ba, hijo? Join us. Nag-uusap pa kami ni Nicole at ni Jehan.” Tumigil sa dulo ng mahabang lamesa si Nexon. Ang tingin niya ay sa akin pa rin kahit na nagsasalita na si Tita Lian. Ako ang unang nagbawi ng tingin, parang hindi ko kayang tagalan ang madilim niyang mga mata. “Nasabi ng kasambahay na dumating ka nga, pero hindi ko maiwan ang mga bisita.” Napa

  • His Fake Wife   Kabanata 21

    Sobrang hiya ko na ganoon ang nangyari sa akin sa harap nila, kaya naghinay-hinay na ako para hindi na mabulunan kung sakaling may sabihin na naman si Tita Lian na nakakabigla. “How about your eldest sister, Jehan, is she already married?” Magaan na tanong ni Tita Lian. Sabi ko, maghihinay-hinay na ako para hindi na ako mabulunan, pero inabot ko pa rin ang tubig dahil parang may nagbabara na naman sa lalamunan ko. Napabaling ng tingin sa akin si Nicole at kuryusong tumingin. Pinilit kong ngumiti. “Am… Ate Lisanda’s not married yet.” Mahina kong sagot. Kumunot ang noo ni Nicole. “Wala pang nagpapakasal sa inyo?” Marahan akong umiling, mas lalong kinakabahan na sa akin na ngayon ibinabato ang mga tanong. “Wala pa.” Paos kong bulong. Tumango si Nicole, ganoon din si Tita Lian, at mukhang naniwala naman sila kaya ibinalik ko ang tingin sa pagkain. Nga lang, parang nawalan na ako ng gana. Pero hindi ko iyon pwedeng ipahalata. Mula sa bulwagan ng dining table, pumasok ang isang

  • His Fake Wife   Kabanata 20.3

    Jehan’s Point of View Hindi naman ganoon kalayo ang mansion ng mga Dela Fuente kaya ilang minuto lang ay natanaw ko na ang pamilyar na malaking gate. Mataas pa rin iyon, mukha mang luma ay halatang matibay pa rin. Ang guwardiyang nakalagi sa guardhouse ay agad na lumapit para buksan ang gate nang makita nito si Nicole. Nakababa kasi ang salamin sa bintanang katabi nito kaya kita agad siya sa loob. “Good morning, Senorita Nicole.” Bati nito sabay ngiti. “Good morning.” Bati pabalik ni Nicole. Nang malaki na ang pagkakabukas ng gate ay at kasya na ang sasakyan ay pinaandar nang muli ni Nicole ang sasakyan. Nakapasok kami at dire-diretso na siyang nagmanahe papunta sa rotunda, sa tapat lamang ng mansion ng mga Dela Fuente. Hindi pa ganoon katagal nang makapunta ako rito. Naaalala ko pa ang intricate exterior design ng mansion, pero ngayon ay nakatulala na naman ako at parang nalululala naman sa rangya ng tahanan. Mayaman ang mga Gazalin. Malaki ang mansion nila at bawat sulok ng t

  • His Fake Wife   Kabanata 20.2

    Jehan's Point of View True to Nicole’s words, siya na ang nagpaalam para sa amin kay Madame Sole. At may pakiramdam ako na hindi kayang hindian ng matanda si Nicole kaya pumayag ito sa pag-alis namin. Nicole's wearing a white open-knit long-sleeved crop-top. Ang panloob niya’y itim na sports bra. And pang-ibaba niya’y itim na midi-skirt na may mahaba at malaking slit sa kaliwang hita kaya nakikita ang maputi at mahahaba niyang legs. Pinaresan niya iyon ng puting sneakers. At bilang accessory, nagsuot siya ng gintong pulseras at gintong relo. Sa balikat niya’y nakasabit ang itim na shoulder bag na kung hindi ako nagkakamali ay may tatak na LV. She looks chic. Simple lamang ang suot, ngunit sobrang ganda. “Come on, Jehan.” Tawag niya sa akin nang makitang pababa na ako ng hagdan. Tumayo siya galing sa sofa kung saan nilalaro niya kanina ang mga pamangkin. Gising na rin kasi si Zia at kandong ito ngayon ni Daisy. Si Zeke ay naglalaro ng mga laruang cars sa coffee table. Kahit paano

  • His Fake Wife   Kabanata 20

    Jehan's Point of ViewThe next morning, si Daisy, Clad, at ang anak nilang si Zeke ang naabutan kong nag-aalmusal. I wasn't particularly early or late. Napagtanto ko rin na hindi sila maagang nagigising dito. Ala syete y media ay gising na ako, pero ngayong alas otso lang ako bumaba para mag-almusal na. “Good morning, Tita Jehan.” Ngiting bati ni Zeke nang makita ako. Tinutulungan siyang kumain ng Mommy niya. Sabay na nag-angat ng tingin si Clad at Daisy sa akin. “Good morning, Jehan.” Si Daisy na agad ang pagguhit ng ngiti. Parang nakakahiyang tumawag ng Ate kay Daisy. Kahit na iyon naman ang tawag sa kaniya ni Nicole at ni Nicolas. Mas matanda nga siya marahil sa amin, pero nakakahiya pa rin ang tumawag ng ate. Siguro hindi rin kasi ako sanay na mag-address ng ate kahit sa mga nakatatanda sa akin kasi hirap din akong tawaging ate… si Veda. “Good morning.” “Sumabay ka na sa amin mag-almusal, Jehan.” I smiled politely. Naglabas naman agad ng pinggan at kubyertos ang kasambah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status