Share

CHAPTER 15

last update Huling Na-update: 2025-09-29 19:15:26

“What do you mean na tatlong araw kang hindi papasok sa kompanya? Paano ang trabaho mo, Alvaro?” magkasunod na tanong ni Philip sa kanya mula sa kabilang linya. Kausap ito ni Alvaro sa kanyang cell phone habang nakatayo siya at nakatutok ang kanyang paningin sa malawak na dagat.

“There is nothing to worry, Uncle. I am still working on my laptop. What is the use of the internet anyway? Magagawa ko pa ring makipag-usap kay Baron,” wika niya rito sa magaan na tinig.

“How about our meeting with Carson Builders? Nakatakda tayong makipagkita sa kanila sa makalawa, Alvaro?”

“I cancelled it,” mabilis niyang saad dito.

“You what?!” gulat nitong reaksyon. “Why did you do it?”

Nagpakawala pa muna ng isang buntonghininga si Alvaro bago sumagot sa kanyang tiyuhin. “Hindi natin kailangang makisosyo sa kanila, Uncle. Savalleno Real Estate can stand without them. Besides, nakakukuha tayo ng mga kliyente kahit wala sila. If we merge with them, mas sila ang makikinabang kaysa sa tayo. We are doing busi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
EDEN
mukhang c phillip talaga ang kontrabuda dto ei
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 68

    Hindi na mabilang ni Alvaro kung ilang beses na siyang umusal ng panalangin habang pabalik-balik ng lakad sa tapat ng emergency room ng ospital na pinagdalhan nila kay Anie. Hindi niya maipaliwanag ang takot na nasa kanyang dibdib nang mga sandaling iyon. Iyon, sa totoo lang, ang unang pagkakataong nakadama siya ng ganoong uri ng takot.Dali-dali nga nilang dinala sa ospital si Anie matapos nitong magtamo ng tama ng baril. Maging si Archer ay siniguro rin nilang matitingnan ng doktor dahil sa mga pasang nakuha rin nito. Gusto niya ring patingnan sa eksperto ang kanyang anak para maiwasan na ring magdulot ng trauma rito ang mga nangyari.Siya at si Trace na ang nagdala sa kanyang mag-ina sa ospital. Si Lemuel naman ang sumama sa mga awtoridad para masigurong pagbabayaran nina Jewel ang ginawa nitong pagpapadukot kay Archer. Halos magmakaawa pa sa kanya ang dating kasintahan na tulungan niya itong maabsuwelto... na nagawa lamang daw ‘di umano nito ang bagay na iyon dahil sa labis na pag

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 67

    Dama na ni Anie ang sakit na dulot ng ginawa ng lalaki sa kanya. Ngunit sa halip na indahin niya pa iyon ay mas pinili niyang lapitan si Archer na nang mga sandaling iyon ay patuloy pa rin sa pag-iyak. Alam niyang labis nang natatakot ang kanyang anak at hindi maiwasang mabahala ni Anie na baka magdulot iyon ng trauma rito.“Stop crying, baby. Mama is here,” pagpapakalma niya rito kahit pa ang totoo, maging siya ay puno na ng kaba ang dibdib.Archer hugged her tight. Pinilit niyang tumayo at akma sanang bubuhatin ang kanyang anak nang mabilis na siyang hinablot ng lalaki. Marahas ang ginawa nitong paghila sa kanya dahilan para mabitiwan niya si Archer na mas tumindi pa ang pag-iyak. Nasisiguro niyang nasaktan ito nang hindi sinasadyang mabitiwan niya.“Ang lakas din ng loob mong manlaban kay Ma’am. Baka nakalilimutan mong nasa alanganin ka nang sitwasyon, Miss,” saad ng lalaki sa kanya.“Bitiwan mo ako,” mariin niyang sabi kasabay ng pagpupumiglas. Ngunit sa halip na pakawalan nito an

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 66

    Halos maikuyom ni Anie ang kanyang mga kamay na nakahawak sa laylayan ng suot niyang t-shirt habang naglalakad siya papasok ng isang malawak na bakuran. Palinga-linga pa siya sa paligid at hindi maiwasang mapakunot-noo dahil sa nakikita sa naturang lugar.It was the address that the caller gave her. May kalayuan na iyon sa apartment na kanilang tinitirhan ngunit hindi iyon alintana ni Anie makita niya lang ulit ang kanyang anak.The place was like an abandoned warehouse. Malawak ang bakuran na walang halos nakikita kundi mga pira-pirasong bakal na ang iba ay mga kalawangin na, sanhi marahil ng tagal nang nakaimbak doon. Nagkalat din ang mga tuyong dahoon na nagmula sa matatandang punong-kahoy na nasa loob ng bakuran. Duda pa siya kung may nagmamantini pa ng lugar. Para kasing hindi nalilinisan iyon.Mula sa paggala ng kanyang paningin sa kinaroroonan niya ay biglang natigilan si Anie. Isang malakas na lagitnit ang kanyang narinig mula sa may entrada ng warehouse. Gawa sa bakal ang sli

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 65

    Mula sa hindi na mabilang na pagpapabalik-balik ng lakad sa may sala ng kanilang apartment ay agad na natigilan si Anie nang makita ang pagdating ng ilang kapulisan. It was Alvaro who called the authorities and reported what happened to their son a while ago.Halos ilang oras pa nga ang inilaan nila sa parke sa pag-asam na mahanap si Archer. Naikot na nila ang buong lugar. Maging ang mga kalapit na establisyemento ay pinuntahan din nila sa pagbabaka-sakaling pumunta roon ang kanyang anak.Ngunit ilang oras na ang lumipas at nakailang beses na silang nagpabalik-balik sa paghahanap pero hindi nila nakita si Archer. And it was something that really brought worries to Anie. Kilala niya ang kanyang mga anak. Likas na may kakulitan ang mga ito, lalo na si Ava, pero hindi ugali ng dalawa na gumawa ng bagay na alam ng mga itong ikagagalit niya.And Anie knew very well that Archer won’t go anywhere. Alam nitong hindi niya gustong nagpupunta ang mga ito kung saan-saan lang. Their safety was her

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 64

    “Sa tingin niya ba ay ganoon lang talaga kadali iyon? Na dahil sinabi niyang ikaw ang gusto niya ay magiging maayos na ang lahat sa inyong dalawa?” magkasunod na tanong sa kanya ni Patty. Puno pa ng inis ang tinig nito nang magsalita sa kanya.Anie heaved out a deep sigh and darted her gaze to her kids. Hindi nga siya nakasagot sa mga sinabi ni Patty at napatitig na lamang sa kanyang mga anak. Nasa hindi kalayuan nila sina Ava at Archer at abalang naglalaro kasama si Betsy.Nasa isang park sila malapit lamang sa PJ Studio. It was weekend, at kapag ganoong wala silang pasok sa trabaho ay naglalaan talaga siya ng oras para sa kambal. At sinabi niya sa kanyang kaibigan ang lakad nilang mag-iina. Nang malaman nito iyon ay agad itong nagpaabiso na darating para magkausap silang dalawa. Nabanggit niya rin kasi rito sa pamamagitan ng isang text message ang tungkol sa naging huling pag-uusap nila ni Alvaro. Patty was so curious about it. Ngayon nga ay halos ikorner siya nito para matanong ng

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 63

    Matuling lumipas ang isang linggo mula nang mamatay ang kanilang ama. Nailibing na si Marcelo sa mausoleum ng mga De la Serna at ang libing nito ay dinaluhan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan ng kanilang pamilya. Maging ang mga empleyado ng DLS Corporation at ng shop ng kanyang Kuya Lemuel ay nakiramay din sa kanila.Isang linggo na ang dumaan ngunit hindi pa rin makapaniwala si Anie na wala na ang kanilang ama. Hindi man siya lumaking kasama ito, hindi niya pa rin maiwasang makadama ng pagdadalamhati.Pero katulad nga ng sabi ng nakararami, ‘life must go on’. At kasama sa pagpapatuloy niya ng buhay ay ang tuluyang pagtanggap sa posisyong inaalok sa kanya ng mga De la Serna sa kompanya ng mga ito. Hindi niya alam kung paano sisimulan pero hindi na niya matanggihan pa ang kanyang mga kapatid. She couldn’t even help but felt guilty for not doing it while their father was still alive. Kung sana ay ginawa niya na iyon nang nabubuhay pa ang kanilang ama ay nasisiguro niyang ikagagalak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status