Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin mapakali si Marissa. Katabi nya ang kanyang anak na mahimbing na ang tulog. Pinipilit nyang matulog dahil malapit ng magmadaling araw. May naghihintay pang trabaho sa kanya kinabukasan.
Hindi mawala sa isipan ng dalaga ang nangyari kanina sa restaurant. Ang buong akala nya ay nakalimutan na siya ng lalaki, ngunit sa galaw at pananalita ni binata, alam nyang naaalala pa siya nito. "Mama?" narinig nya ang mahinang boses ng kanyang anak. Lumingon siya sa gawi ni Tristan. "Bakit? Hindi ka ba makatulog?" agad siyang lumapit sa kanyang anak. Inangat nya ang kanyang ulo at ginawa nyang sandalan ang kanyang isang kamay habang ang isa naman ay kinakamot ang likod ng bata. "Nakaka-ilang buntong hininga na po kasi kayo," sagot ng bata. "Hindi ka ba makatulog dahil dun?" malambing na tanong nya kay Tristan. Bahagya namang tumango ang bata bilang sagot. "Kakamotin ko na lang ang likoran mo para makatulog ka ulit," alok ni Marissa kay Tristan. "Pagpasensyahan mo na ang mama ha. May iniisip lang kasi ako," paghingi nya ng patawad sa kanyang anak. "Basta mama wag kayong magpupuyat. Masama po sa kalusugan yun. Tsaka ang payat-payat nyo na daw po sabi ni Ninang Diana," paalala ni Tristan. Bahagyang tumango si Marissa tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa. Mas madaling nakakatulog si Tristan pagkinakamot o hinahaplos ng kanyang ina ang kanyang likoran. Ilang sandali pa ay nakatulog na ulit ang bata. Kahit ipikit ni Marissa ang kanyang mga mata at pilitin ang sariling makatulog, ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. At dahil nag-aalala siyang magising ulit ang kanyang anak, dahil sa sunod-sunod niyang buntong hininga, bumangon na lang sya at lumabas ng kanilang bahay. Wala nang mga tambay sa labas. Sarado na rin lahat ng mga bahay. Ilaw na lamang ng street lights ang nagpapaliwanag sa paligid. Tanging ang mga kaluskos na lang ng mga pusa sa mga bubungan ang tanging maririnig. Sumilip siya ng bahagya sa wall clock na nakasabit malapit sa kanilang pintoan. Alas dose na. Hindi pa rin siya makatulog. Gising na gising pa rin ang kanyang diwa. Napabuntog hininga ulit siya tsaka napasandal sa pader. Napatulala na lamang siya sa kalangitan habang iniisip kung dapat ba niyang balikan ang lalaki at ipagtapat na may anak sila. Iniisip nya ang kanyang anak. Kung ipagtatapat nya kay Brandon na may anak sila, magiging panatag na siya sa kinabukasan ni Tristan. Hindi na nya kailangang tumanggap ng sandamakmak na labahin, magtrabaho kahit puyat at sagarin ang sarili nya. Habang nagmumuni-muni, nahagip ng kanyang mata ang isang headlight ng sasakyan. Kunot-noo niyang sinusundan ng tingin ang kotse. Napatuwid siya ng tayo nang biglang huminto ang sasakyan sa tapat nya. "Hatinggabi na pero lakas pa rin gumala ng babaeng 'to," napairap na lamang siya. Buong akala nya ay ang kaibigan nyang si Diana ang lulan ng kotse. Ngunit nagtataka siyang lumapit sa kotse. Alam naman kasi ni Marissa na hindi gumagamit si Diana ng itim na sasakyan na sobrang tinted. Pagbukas ng pinto ng sasakyan umaasa siyang si Diana ang lalabas doon na may baong tsismis. Ngunit nanlaki ang mata nya dahil hindi ang kaibigan nya ang kanyang nakita. Napako ang mga paa ni Marissa sa kanyang kinatatayoan. Hindi siya makagalaw at makaimik. Para siyang binuhusan ng semento at biglang nanigas. Lumabas sa sasakyan ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng asul na polo at itim na necktie. Hula ni Marissa ay katatapos lang ng binatang sumaglit sa bar kaya magulo ang kanyang buhok. Ngunit ang kanyang damit ay walang kusot. Hindi namumula ang kanyang mata at maayos din ang kanyang kilos. Limang taon na ang nakalipas ngunit hindi man lang kumupas ang kakisigan ng binata. "Mama?" Bumalik si Marissa sa ulirat ng marinig ang boses ng kanyang anak. Lumingon siya sa pintoan ng kanilang bahay at nakita ang batang naalimpungatan. "I-Is that child m-mine?" tanong ng lalaki habang nakatingin kay Tristan. Bumaling si Marissa sa gawi ni Brandon. Hindi nya aakalaing susundan siya ng lalaki. "I-Is that my s-son?" turo ni Brandon sa bata habang nakatingin kay Marissa. Hindi aakalain ni Marissa na ganoon ang sasabihin ng lalaki. Akala nya ay mandidiri ang binata sa kanya at aalis na. Lumapit si Brandon kay Marissa habang naghihintay ng kasagutan. Nakatingin siya sa bata na tumawag kay Marissa ng “Mama“. Doon nya nasiguradong totoo ang mga bali-balitang nabuntis ang anak ng mga Sandova at pinalayas ang dalaga. May kung anong tumusok sa puso ni Brandon sa pagkakataong iyon. Maliit at gawa sa pinagtagpi-tagping mga plywood at bubong ang tinutuloyan ni Marissa at ang hula nyang anak nya. "Mama sino po kasama nyo?" tanong ni Tristan. "A-anak-" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Brandon. "Oh my Lord! That's my child," hindi makapaniwalang sambit ng binata. Lumapit si Tristan sa kanyang ina at humawak sa kamay nya. Nang tumapat sa ilaw si Tristan ay laking saya ng puso ni Brandon ng masilayan ang mukha bata. Kakailanganin pa ba ng DNA test eh hindi maipagkakailang sa kanya nakuha ng bata ang kanyang mukha. "Mama tulog na po tayo," aya ni Tristan kay Marissa. "Why didn't you tell me?" bumaling si Brandon kay Marissa. Napakagat labi si Marissa habang nakayuko ang kanyang ulo. "A-alam ko kasing hindi ka m-maniniwala," sagot niya. Iyon kaya ang rason niya kaya nagkunwaring hindi sya kilala ng dalaga kanina? "You know what, come with me," umangat ang ulo ni Marissa nang bigla siyang lapitan ni Brandon. Hinawakan nya ang braso ng dalaga at akmang hihilain iyon. "No!" pigil ni Marissa. May kung anong ligayang naramdaman si Marissa ng hawakan siya ni Brandon. Nasigurado nya ring hindi lasing o nakainom ang lalaki dahil hindi siya amoy alak. Tanging ang pabango ng lalaki ang maaamoy niya kay Brandon. Binawi agad ni Marissa ang kanyang braso at humakbang paatras. Hinila nya ng bahagya ang kanyang anak. "Why not? You don't belong here," ani ng binata. "Baka kasi-," nahihiyang tumingin si Marissa sa mga mata ni Brandon. Para siyang hinihigop ng itim na mata ng lalaki. Pinipigilan nya lamang ang kanyang damdamin na bumigay sa binata, "maging abala pa kami sa'yo," sagot nya. "No. I promise. Come live with me," pilit na kinukumbinsi ni Brandon si Marissa. "Hindi pwede yun. Titira kami sa'yo?" medyo nagulat si Marissa dahil hindi nya aakalaing aalokin siya ng lalaki na tumira kasama siya. "M-may t-trabaho kasi ako t-tapos si T-Tristan nag-aaral," rason nya. "Pwede mo namang bisitahin si Tristan. K-kung gusto mo lang naman," sabi ni Marissa. "Mama inaantok na ako," bigla silang napalingon sa gawi ni Tristan. "B-bukas na lang. Papatulogin ko pa siya," binuhat ni Marissa ang bata tsaka pumasok sa kanilang bahay. Naiwan si Brandon sa labas. Hinintay nyang makapasok ang mag-ina sa kanilang bahay bago pumasok sa kanyang kotse. Habang nagmamaneho pabalik ng kanyang apartment, nag-iisip na siya kung paano nya kukunin ang kanyang mag-ina. Kailangan nyang makumbinsi si Marissa na tumira kasama siya. Matagal ng may nararamdamang kulang si Brandon sa kanyang sarili. Ngunit ng makita nya si Marissa at ang anak nya ay may kakaibang saya siyang naramdaman. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkabuo sa sarili. Kung kailangang araw-arawin nya ang pagbisita sa bata upang makumbinsi si Marissa, gagawin nya iyon. Hindi siya papayag na hindi nya makuha ang mag-ina.Tristan was getting ready to reunite with his bed. It was six in the morning and he hadn't slept yet. He was tired of understanding and reading all the papers that were given to him. Maya-maya lamang ay kailangan nya ng pumasok sa kanyang klase. Kaya mabilis niyang iniligpit ang kanyang mga gamit at tumungo sa kanyang sasakyan. Kahapon pa lamang siya doon sa kanyang opisina. Magmula nang pumasok sya doon ay hindi na siya lumabas. Wala ring tulog ang binatabkaya nagmadali na siyang umuwi. Pagkarating niya sa kanyang apartment, dali-dali siyang dumeretso sa kanyang kama. Wala nang ligo-ligo. Humiga siya agad sa kanyang kama at ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang saglit lamang, ang binatang kanina pa nananabik sa tulog ay humihilik na. At exactly 9:30 A.M., Cornelia was already in the parking lot of their university. She was waiting for Tristan. Last week, their Professor gave them homework. Each pair has a different topic for their lesson. Unfortunately, Cornelia was assigned wit
Years went by, and almost eighteen years have passed. The Karlsons and Sandovas were still searching for Brandon and Marissa. The last time they saw them was the day after Tristan's birthday.Walang ibang masisi si Mrs. Sandova sa pagkawala ng kanyang anak kundi ang sarili nya. After kasi ng party ni Tristan, she made Marissa signed a marriage contract by the help of Diana. Yeah, the paper that Marissa signed was not about business.Sa kagustohan nyang maikasal si Marissa kay Brandon sya na mismo ang gumawa ng paraan. The Karlson was also involved. They knew about her plan.Ngayon ay nagsisisi na sya sa kanyang ginawa. Ang kanyang teyorya sa pagkawala ni Marissa ay dahil napagtanto ng dalaga kung ano ang laman ng papel. Siguro ay nagtatago na siya sa kanyang ina. Nangako pa naman si Mrs. Sandova na hindi nya gagawin iyon dahil ayaw niyang mawala ulit ang kanyang anak.Ngunit kung iyon man ang rason, hindi iiwan ni Marissa ang kanyang anak. Isasama nya si Tristan kahit saan man sila ma
Maagang nagising si Brandon dahil susunduin nya si Tristan mula sa mansion ng mga Sandova. He was about to enter the private driveway of Sandova when he noticed a truck parked outside Sandova's property. He couldn't see the people inside of the truck. The glass windows were tinted.Nagsimulang magtaka si Brandon dahil wala namang nakakapasok na sasakyan sa property ng mga Sandova. Maliban lamang kung meron silang bisita.At dahil hindi siya mapakali doon, huminto sya sa tapat ng gate ng mansion. Bumaba siya sa kanyang kotse at linapitan ang truck sa gilid. Kumatok sya sa pinto ng driver.Ilang saglit pa ay dahan-dahang bumaba ang bintana ng driver. It revealed an unfamiliar bearded man that looks older than him. Besides him were two men who looks younger than him. Mahahalata mo agad na hindi sila taga doon dahil hindi sila mukhang Pilipino. Mestiso at asul ang kulay ng mga mata nila.Hindi sigurado si Brandon kung nakakaintindi sila ng tagalog ngunit sinubukan niyang tanongin ang mga
Nakabihis na at handa ng pumasok sa kanyang trabaho si Marissa. May hang over pa siya ngunit kailangan nyang pumasok. Bibili na lang siya ng gamot para sa hang over nya mamaya. Hindi naman ganoon karami ang kanyang nainom na alak kagabi ngunit grabe ang hang over na nararamdaman nya ngayon. Nahihilo at sumasakit ang kanyang ulo. Hindi na sana siya babangon kanina dahil doon, ngunit naramdaman nyang naduduwal siya. Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan. Balak nya sanang mag-almusal muna ngunit hindi na kaya ng oras nya. Male-late na siya sa kanyang trabaho. Ang pinakaayaw ni Marissa sa lahat ay ang nahuhuli siya sa kanyang trabaho. Kaltas na nga sa sahod mapapagalitan pa ng manager. Pagkababa nya mula sa kanyang kwarto ay sinalubong siya ng kanyang ina. Nag-aalala si Mrs. Sandova sa itsura ni Marissa. Pagiwang-gewang kung maglakad ang dalaga at hindi pa nya maidilat ng maayos ang kanyang ng mata. "Marissa, my dear. What are you doing? Why are you walking like that? What happened?" n
Malapit nang maghating gabi. Nasa bar pa lang sila Marissa. Nakakaramdam na siya ng pagkahilo dahil sa kalasingan.Bago siya pumunta sa bar nangako sya sa sarili nya na hindi siya maglalasing. Ngunit sadyang makulit ang kanang kaibigan.Malakas uminom si Diana. Iyon ang noon pa'y hindi na kayang sabayan ni Marissa.Dahil sa nakakaramdam na ng pagkahilo si Marissa, napagpasyahan nyang umupo na lamang sa gilid. Habang nakaupo doon ay pinapanood nya naman na sumayaw si Diana sa dance floor.Matagal na silang costumer ng bar na pinuntahan nila, kaya alam niyang safe sila doon. Maraming mga bouncer na nakapalibot sa paligid. Ayaw din ng may-ari sa mga taong adik, kaya hindi basta-basta nakakapasok ang mga party drugs sa loob.Ilang saglit pa lang ay napansin na ni Diana na wala na sa tabi niya ang kanyang kaibigan. Hinanap ng kanyang paningin si Marissa. And not that long she saw her friend sitting on their table.Marissa's eyes were barely opened, which was a sign of dizziness. Her head w
Tristan could only feel happiness. His eyes twinkled from the moment he saw the room full of decorations. He won't drop his smile anymore. All of Marissa's plans were successful. It turned out perfect. She was so proud of herself. She just made her son happy on his birthday. Tristan's friends were there to witness his 6th Birthday celebration. His teachers and even their neighbors from Kalye Narra attended too. They brought gifts and cards for the birthday boy. It was Tristan's happiest birthday. Hindi niya inasahang magkakaroon siya ng ganoong kaing-grandeng birthday. Ayos na sa bata ang simpleng handaan. Ang importante lang sa kanya ay andoon ang pamilya niya. He didn't expect a room full of decorations and a huge cake that can feed all the people inside the venue. Habang naglalakad papunta sa upuan na nakahanda para sa kanya, isa-isa niyang nilapitan ang kanyang mga kaibigan. Nakangiti sila habang inaawitan ng "Happy Birthday" si Tristan. Ang iba ay nag-abot ng regalo at card