His Heir, My Son

His Heir, My Son

last updateTerakhir Diperbarui : 2024-12-31
Oleh:  Calixto Cortez IIIOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
35Bab
1.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sinopsis

Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

Matiwasay at payapa sana ang pamumuhay ni Marissa kung hindi lang sa kanyang ina. Araw-araw siyang tinatalakan ng matandang iyon, kahit na may binibigay naman siyang pera. Ayaw nya sanang lumaki ang kanyang anak na ganoon ang mga nakikita at naririnig sa paligid ngunit ano pa bang magagawa nya? Wala naman siyang sapat na salapi upang bumukod. Ang sweldo nya sa pang-araw-araw ay hindi sapat sa kanila. Kahit pa tumanggap siya ng sandamakmak na labada ay hindi kakasya iyon. Lalo pa ay nagsimula ng mag-aral ang kanyang anak.

Tumatanggap na rin ng iba pang trabaho si Marissa, tulad ng pagma-manicure. Nag-aral na rin syang magluto ng mga putahe na kadalasang inihahanda pag may kaarawan o ano pa mang klase ng piging. Para sa kanya ay dagdag kita na rin iyon kung meron mang oorder. May mga araw na hindi na siya natutulog para lamang magtrabaho. Gusto nyang ibigay lahat ng kailangan ng kanyang anak kaya pinagtitiyagaan nya lahat ng hirap. Ayaw nyang matulad sa kanya ang batang hindi naman ginustong mailuwal sa mundo.

Sa katunayan, hindi naman magiging ganoon ang kanyang buhay kung hindi lang sana sya nagpabuntis. Maganda naman dati ang buhay ni Marissa. Noong nasa poder pa sya ng mga taong bumili sa kanya. Tama ang nabasa nyo, ibininta sya ng kanyang ina sa halagang tatlong daan libo. Mayaman ang mga bumili sa kanya. Maraming ari-arian. Marami ring mga negosyanteng kakilala. Mababait at maalaga ang mga taong iyon. Hindi nila binili si Marissa para may magsilbi sa kanila. Binili nila ang babae dahil matagal na silang naghahangad ng supling.

Binihisan, inalagaan, pinakain at pinag-aral nila si Marissa. Laking tuwa nya dahil kahit papaano ay hindi naningil ang mag-asawang bumili sa kanya. Tinuring siyang sariling anak ng mga ito. Sinasama rin siya ng mag asawa sa mga family business nila o mga out of town o kaya ay out of the country nila.

Masaya at walang problema ang kanyang buhay sa poder ng mag-asawang kumupkop sa kanya. Ngunit nang ika-labing-walo na kaarawan ni Marissa biglang pinagtapat ng kanyang adoptive mother na meron silang ipinagkasundo sa kanya. May kontrata silang iniabot sa kanya at pinabasa. Ang laman ng kontrata ay, sa kanyang ika-dalawampo't dalawa na kaarawan, naitakda siyang ipakasal.

Hindi niya alam kung anong gagawin sa kanyang buhay sa mga pagkakataong iyon. Noong walong taong gulang siya, siya ay ibinenta sa mga taong hindi niya kilala, sumunod naman ay ipapakasal sya sa taong di nya rin kakilala. Ganoon na ba ang buhay nya? Iyon na ba talaga ang kanyang tadhana?

Pagkatapos malaman ang hindi kaaya-ayang impormasyon, umalis sya sa bahay ng mag-asawang kumupkop sa kanya. Nagpakalasing sya hanggang sa di nya na alam kung anong mga pinag gagagawa nya.

Kinabukasan nito ay natagpuan nya na lamang ang kanyang sarili sa isang kwarto na hindi pamilyar sa kanya. Nagmadali siyang umalis sa bahay na iyon at hindi na bumalik pa.

Pagkalipas ng isang buwan, nalaman nyang buntis siya. Hindi na kasi siya dinadatnan at palaging nasusuka sa umaga. Nang malaman iyon ng mag-asawa ay pinalayas nila si Marissa. Hindi maipaliwanag ang galit at pagkadismaya ng kanyang adoptive mother. Halos isumpa na nya si Marissa sa mga pagkakataong iyon.

Bumalik siya sa kanyang totoong ina na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang buhay. Akala nya ay medyo nakakaluwag-luwag na ang kanyang ina dahil sa salaping kapalit ni Marissa. Pero hindi pala. Nalulong sa sugal at bisyo ang kanyang ina. Naubos sa loob ng isang buwan ang tatlong daan libo na pinagbentahan nya kay Marissa.

Nadismaya ang kanyang ina sa nalaman. Gusto na sana nyang umalis at iwan ang sariling ina, ngunit mas pinili nyang manatili sa bahay ng ina kesa naman matulog sila sa lansangan ng kanyang anak.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
35 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status