Share

Chapter 7

Penulis: Writer Zai
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-14 17:11:52

HINDI ipinagkalat ni Gwen ang nangyari nang unang gabi bilang mag-asawa nila ni Gian, kahit kay Sylvia. Masakit para sa tulad niyang babae ang nangyari, lalo na't asawa siya nito. Alam niyang hindi siya mahal ng asawa, pero sana man lang ang i-respeto siya bilang isang babae.

Magkagayunpaman, ipinagsawalang-bahala na lang niya iyon. Sa harapan ng ginang ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya, ngunit kapag nakatalikod na, daig pa niya ang isang kriminal sa mata nito. Sa iisang silid na rin sila natutulog, ngunit hindi sa iisang kama. Sa malamig na semento siya natutulog na nilalatagan niya ng manipis na sapin at nasa pinakasulok ng silid. Sabi ng asawa niya, dapat ay malayo siya sa tutulugan nito. Kaya't heto siya, daig pa ang basang sisiw, sa sahig natutulog.

Sinabihan siya nito na dapat tuwing umaga bago ito magmulat ng mata'y wala na siya sa silid. Kaya nama'y inaagahan niyang gumising, tulad nang umagang iyon. Alas kuwatro pa lang ay gising na siya. Matapos maisayos ang tinulugan, pagkalagay niya ng gamit sa kabinet ay maingat na niyang binuksan ang pinto. Ingat na ingat siyang huwag makagawa ng ingay 'pagkat tiyak niyang se-sermunan siya nito. Sa tuwing lumalabas siya ng silid ng asawa ay saka pa lamang siya nakakahinga ng maluwag.

Wala pang ilaw sa buong kabahayan nang makalabas siya ng silid. Kinapa niya ang switch sa may hagdan at nagtungo na sa kusina. Sanay naman siya sa gawaing bahay kaya siya na ang nagluto ng almusal nang oras na iyon. Matatapos na siyang magluto nang dumating si Tina. Ito kasi ang tagapagluto roon. Ang isa pang kasambahay ay tagalinis ng mansyon. May isa ring driver si Sylvia.

"Ang aga mo namang gumising!" puna nito. Tinapunan nito ng tingin ang niluto niya at umawang ang bibig.

"Hindi kasi ako makatulog, e," dahilan niya.

"Hindi makatulog o dahil kay Gian?"

Napahinto siya sa ginagawang paghalo sa nilulutong fried rice. Napatuon ang mata niya rito. May pag-aalala namang nilapitan siya ni Tina.

"Alam ko, Gwen. Alam ko kung bakit ka nagkakaganiyan. Kung bakit takot ka sa asawa mo. Mabuti na lang at nandito si Ma'am Sylvia at hindi masamang lumaban. Asawa ka niya hindi alila." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.

Isang ngiting walang kabuhay-buhay ang gumuhit sa kaniyang labi. Mabuti na nga lamang dahil nandito ang ginang, dahil kung hindi'y tiyak na bugbog na ang katawan niya sa trabaho at masasakit na salita mula sa asawa.

Matapos ang pagluluto ay nagpunta na siya sa harden upang magdilig naman ng halaman. Maliwanag na ang paligid, kaya't hindi na niya kailangan pang gumamit ng ilaw. Napangiti siya nang makitang namumukadkad na ang rose. Kapag ang magaganda at iba't ibang uri ng halaman ang kaniyang kaharap ay gumagaan ang pakiramdam niya. Kinakausap iyon na para bang nagkakaintindihan sila.

Natapos na siya sa pagdidilig. Minabuti niyang mag-stay muna roon para mapagmasdan ang paligid at mga bulaklak. Papasok na lamang siya kapag nakaalis na si Gian. Tiyak naman niyang hindi siya nito gustong makita. Ngunit, maya't maya pa ay tinawag siya ni Glenda, ang isa pang kasambahay roon. Pinapatawag raw siya ni Slyvia. Gusto sana niyang tumanggi, pero mapilit ito, agad na rin naman siyang sumunod dito. Humantong sila sa hapag-kainan na kung saa'y naabutan niyang nag-aalmusal na ang kaniyang asawa. May pagdadalawang-isip kung tatabi ba siya rito o hindi, dahil kaharap nila ang ginang. Sa huli ay pinili na lamang niya ang tunguhin ang kaharap na silya nito, ngunit hindi naman niya magawang sulyapan man lamang ang asawa.

"Iha, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag ka nang gumawa ng gawaing bahay," pukaw ni Sylvia. "Hindi ka katulong rito, asawa ka ng anak ko at ayaw kong isipin mo na ginagawa ka naming alipin."

Ngumiti siya sa ginang. "O-okay lang po. Sanay naman ho ako sa gawaing bahay."

"Kahit na. Tingnan mo si Tina. Nagtatampo sa iyo. Inagawan mo raw siya ng gagawin," sabi pa nito sa paraang pabiro habang napapangiti pa.

Napahagikgik naman siya. Nakalimutan niyang kaharap nga pala niya ang masungit na asawa. Nabaling na lamang ang atensiyon niya sa kaharap matapos marinig ang pagkahulog ng kutsara sa pinggan.

"What's wrong, anak?"

"Si Gwen ang nagluto nito?"

Mabilis siyang nagbaba ng paningin. Alam niyang hindi ito nasiyahan sa nalamang siya ang nagluto ng almusal, idagdag pa ang munting pagtawa niya. Kinasusuklaman talaga siya nito. Pakiramdam niya'y lahat ng gagawin niya'y mali sa paningin nito.

"Why? Is there any problem, Gian?"

"N-nothing, Mom. I'm full." Tumayo na ito kahit may natitira pang pagkain sa pinggan nito.

"Gian, set down!" mariing sambit ng ginang.

"What, Mom? May meeting pa ako," iritang tugon nito.

"You have to finish your food."

"But, Mom--"

"No more buts, Gian!"

Napahinga ito ng malalim at napahilot sa sentido. "I lost my apetite, Mom. Aalis na ako." Iyon lamang at walang lingon-likod na nilisan ang dining area.

Naiwan siyang hiyang-hiya sa narinig. Hindi na yata siya nito mapapatawad. Sukdulan sa langit ang galit nito. Kahit anong gawin niya'y masama pa rin ang tingin nito sa kaniya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
hillary
yan na ang paghihirap mo gwen
goodnovel comment avatar
Felisse Gabrielle
saklap ng buhay
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Painful Love   Finale

    "GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab

  • His Painful Love   Chapter 132

    "SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga

  • His Painful Love   Chapter 131

    HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b

  • His Painful Love   Chapter 130

    NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd

  • His Painful Love   Chapter 129

    TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas

  • His Painful Love   Chapter 128

    "NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status