NAKAHANDA ba ang puso mong masaktan para lang makasama ang taong lihim mong minamahal? Kung oo, then, grab it! Isang malaking pagkakamali ang pagpapakasal ni Azeah Gwen sa lalaking hindi siya mahal at sa loob ng dalawang taon sa piling nito'y wala itong ginawa kundi ang pasakitan siya. Hindi matanggap na sa isang tulad lamang niyang dukha ito matatali at hindi sa girlfriend na mahal na mahal nito. May pag-asa pa kayang maging maayos ang kanilang pagsasama? Paano kung isang sekreto ang mabubunyag na tiyak na lalong ikagagalit ng kaniyang asawa? Matanggap pa kaya siya nito?
Lihat lebih banyakNAALIMPUNGATAN si Gwen sa mainit na nakadantay sa kaniyang katawan. Sapo ang ulo nang unti-unti siyang magmulat. Inaninag ang paligid ngunit hindi niya matandaan ang lugar na kinaroroonan. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pag-ungol at naramdaman ang pagyakap sa kaniya ng kung sinuman. Napamulagat siya. Napagtanto niyang kapwa sila walang saplot sa katawan. Maingat niyang hinigit ang kumot at itinakip iyon sa kaniyang hubad na katawan.
"Good morning, bab--" Lalong lumaki ang pagkakadilat ng dalawang bilugang mata niya. Her bestfriend Zabrina's standing in front of her. Girlfriend ito ng lalaking... unti-unti niyang ibinaling ang paningin sa umungol at ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang mapagtantong si Gian ang katabi niya. Si Gian ang boyfriend ng bestfriend niya. "Uhm," muling ungol nito at niyakap siya na ang mga binti niya ang nahagilap nito. Napatitig siya kay Zabrina hanggang sa may bigla pang sumulpot sa likuran nito na lalo niyang ikinagulat. "What--" Hindi na nagawang sundan ng ginang ang iba pang sasabihin dahil itinulos na ito sa kinatatayuan. Ina ito ni Gian. Bagama't mabait ang ipinakikita nito sa kaniya'y ewan lang niya kung magiging mabait pa ba ito sa kaniya ngayon. Wala na siyang mukhang maihaharap pa. Ano ba ang kaniyang nagawa? Namura niya ang sarili dahil sa kagagahang nagawa. Napapitlag siya nang maramdaman ang malakas na paghampas ng ginang sa natutulog na binata. "What the f**k?!" angil nito at dahan-dahang nagtaas ng ulo. Naihilamos pa nito ang kanang palad sa mukha ngunit nanatiling nakapikit ang mata. Nang mapagtanto yata na nito ang kasalukuyang sitwasyon ay mabilis itong nagmulat ng mata. "What the--what are you doing here, Gwen? And what--" "What are you doing, Gian Carlo McCollins?" Nakita ni Gwen ang pag-igting ng panga at ang matatalim na mata nito. "What are you doing here, Mom?" mariing tanong nito kasunod ang dahan-dahang pagpihit sa ina, subalit, napanganga ito nang makita ang nakatayong nobya. "B-babe?" Payak na ngumiti si Zabrina. "H-hi, babe!" bati nito habang nakatuon ang paningin sa kaniya. Akward! Naihiling niya na sana'y lamunin na lang siya ng lupa o kaya ay maglaho na parang bula. Umuga ang kamang kinauupuan niya nang biglang tumayo si Gian. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ng ina nito at ni Zabrina nang malamang wala itong panloob. "Shit!" angil nitong muli. "What did you do, Gwen?" biglang tanong nito sa kaniya kasabay ang paghila sa kumot na nakabalabal sa kaniya. Humantad ang dibdib niya at nagawa na lang niyang itakip ang dalawang braso roon upang maging sanggalang sa mga matang nakatitig sa kaniya. "God! Anak, itinatanong mo kay Gwen kung ano ang ginawa niya sa iyo? Now, what have you done? Both of you!" nanggagalaiting sigaw ng ginang na halos lumabas na ang litid sa leeg nito. "Mom, I-I don't know--" Natigil ito sa pagsasalita nang batukan ito ng ina. "You don't know? You really don't know, Gian?" Umigting ang panga ng binata at matalim na tinitigan siya kaya't mabilis siyang nagbaba ng paningin. "Mapapaaga yata ang araw ng kamatayan ko sa iyo, Gian." Hinilot ng ginang sentido. Huminga ito ng malalim. "Magbihis muna kayong dalawa, saka natin ipagpatuloy ang pag-uusap. Now na!'' Hinila nito palabas si Zabrina. Walang pakundangang tumayo si Gian, tinungo nito ang cr. Siya nama'y tumayo kahit nanginginig ang tuhod. Mabilis na naglandas ang luha sa magkabilang pisngi niya. Daig pa niya ang binabalatan ng buhay sa tagpong iyon. Matapos makapagsuot ng damit ay pinilit niyang lumabas ng silid. Humugot muna siya ng malalim na hininga. Inihanda na niya ang sarili sa dalawang taong nag-aabang sa silid. Muli siyang napahinga nang maratnan ang dalawang nag-uusap. Pansin niya ang tila naluluhang si Zabrina. Pinilit niyang ihakbang ang mga paang tila nakapagkit sa semento. Ngunit, bago pa siya tuluyang makalapit ay naitulak na siya ni Gian na halos ikatumba niya. "Gian!" "Nakaharang kasi, Mom." "Hindi kita pinalaking walang galang sa babae, Gian!" Hindi na sumagot pa ang binata. Matalim lang siya nitong tiningnan. "Now, puwedeng i-explain niyo kung paanong nangyari ang lahat ng ito!" ma-awtoridad na sabi ng ginang. "Mom, wala lang yung nakita niyo kanina. Hindi ko alam ang nangyari. I-I really don't know what will happened. Nalasing ako--" Isang sampal ang nagpatigil sa pagsasalita ni Gian. Sampal mula sa girlfriend nito. "Hindi mo alam kung ano ang nangyari? Really, Gian?" "Babe, nalasing ako at--" "I-I'm s-sorry, Z-zabrina. Huwag mo nang sisihin s-si Gian," nagkakakandautal niyang sabi. "At sino ang dapat kong sisihin? You? Ikaw na kaibigan ko. Ikaw pa pala ang aahas sa akin!' Napakagat-labi siya at nagbaba ng paningin. "I'm sorry. A-aalis na lamang ako. Aalis ako't hindi na lang magpapakita sa inyo." Pagkawika niya'y napasinghap siya nang tumama ang palad nito sa kaniyang pisngi. Unti-unti siyang nagtaas ng paningin. Itinutok niya iyon sa kaibigang tila nagulat din. Mabilis na dumaloy ang luha sa kaniyang pisngi. Nagsusumamo ang mata niya rito. Ang gulat sa mukha ng kaibiga'y napalitan ng galit at pagkamuhi. "Hindi ka aalis, iha!" tinig na nagpapitlag sa kaniya. "Kung may nangyari na sa inyo, magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon." "Po?" "Mom?" Panabay nilang banggit. Medyo napalakas pa ang boses niya. "That is my final answer." "Mom, I have Zabrina." "Then, why? Bakit mo niloko si Zabrina ? If you really love her, hindi mo ito gagawin kahit lasing na lasing ka pa!" Hindi man siya makatingin sa gawi ni Gian, alam niyang natigilan ito sa sinabi ng ina. Bigla siyang nakonsensiya. "You have to marry her!" giit ng ginang. "No!" "Yes!" Sabay na napatutok ang paningin nila kay Zabrina. "Babe, no, please." "Tama si Tita, Gian. Kung mahal mo ako, hindi mo ako lolokohin. At hindi na rin maibabalik ang tiwala ko sa iyo. Sinira mo na." "Zab, you don't have to do this." Napa-iling siya nang ilang beses. Tinapunan siya ng nagbabagang titig. Bago pa ito makapagsalita ay tumakbo na siya palabas at dahil nakayuko siya'y hindi niya pansin ang isang babae. Bukod sa nakayuko ay hindi na rin niya napigil muli ang pagdaloy ng luha. "Oh my God! Are you okay, Miss?" tanong nito sa kaniya, nasa mukha nito ang pag-aalala. "P-pasensiya na po, h-hindi ko kayo napansin." Agad siyang nagbaba ng paningin. Lalapitan sana siya nito pero naagaw ang pansin niya nang marinig ang pagtawag ng binata sa pangalan niya. Halatang galit ito. Kaya't kumaripas na siya ng takbo. Hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng hotel. Agad siyang pumara ng taxi. Kung saan siya pupunta ngayon, iyon ang hindi niya alam. Si Zab, kaibigan niyang matalik ito simula nang nasa grade school pa sila. Mayaman ito, samantalang siya'y isang dukha lamang pero hindi hadlang iyon sa kanila. Mabait ito sa kaniya at halos ito na ang naging sandalan niya noong gipit na gipit siya at maging noong nag-aaral pa siya. Ito na halos ang gumastos sa pag-aaral niya. Long boyfriend nito si Gian, ang binatang lihim din niyang minamahal. Alam naman niyang hindi siya papansinin ng binata dahil mahal mahal nito ang kaibigan niya. Pinahinto niya ang sasakyan sa tapat ng baybaying dagat. Doon ay malaya niyang pinagmasdan ang hampas ng alon. Umahon bigla ang inis niya para sa sarili. "Kung sana'y hindi ko pumayag. Kung sana ay matigas ako, wala sana ako sa sitwasyong ito. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito," aniya at saka'y tumingala."GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen