Share

His Pet Nanny
His Pet Nanny
Author: sweetjelly

Kabanata 1

Author: sweetjelly
last update publish date: 2024-05-21 11:40:34

CHARMAINE

“Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy, matalik kong kaibigan.

Kapapasok lang nito sa bahay, at heto’t tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong iyon.

Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako.

Medyo inggit nga ako sa kanya. Dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho.

“Akin na nga ‘yan!” Binawi niya ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, saka ako tinulak papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!”

Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina.

Nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganito. Ang lakas-lakas niya dati. Lahat ng trabaho kinakaya. Hanggang sa magkasakit siya. Kidney failure.

“Oo na nga, aalis na,” sagot ko naman kay Daisy, sabay pagmano kay Nanay. “Alis na po ako, ‘Nay,” paalam ko rito.

“Mag-ingat ka, Anak. Gabayan ka sana ng Diyos,” nakangiting sabi nito, at hinaplos pa ang pisngi ko.

“Good luck, besty!” sigaw pa ni Daisy habang papalayo na ako.

Ngiti na lang ang sagot ko, kasabay ang mabilis na paghakbang. Sumulyap din ako sa relo ko. Agad na nagpara ng taxi.

Kailangan ko nang mag-taxi. Tiyak na ma-le-late na ako kapag nagpunta pa ako sa terminal.

Ang sabi pa naman ng mama ni Daisy ay kailangang dumating ako twenty minutes before ang usapang oras.

Dapat kasi ay kanina pa ako umalis. Kaya lang, hindi ko naman maiwan si Nanay na walang magbabantay, kaya hinintay ko muna si Daisy. Natatakot kasi ako na mag-seizure na naman siya at mabagok ang ulo.

“Kuya, maraming salamat po,” sabi ko sa driver at agad na bumaba ng taxi.

Takbo-lakad naman ang ginawa ko para marating agad ang opisina kung saan naghihintay ang kikitain ko. 

Kumakabog na rin ang dibdib ko, hindi lang dahil sa pagod kundi dahil late na ako ng sampung minuto. Naipit kasi kami sa traffic at alam ko na hindi valid ang rason na iyon pagdating sa trabaho.

Ngayon, nandito na ako sa tapat ng opisina. Nagdadalawang-isip naman akong kumatok. Paano kung pagalitan ako? Paano kung hindi na ako qualified dahil late ako?

Tinapik-tapik ko ang dibdib ko. Hindi puwedeng umatras ako. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. 

Hindi puwedeng masayang ang puting midi dress na pinahiram sa akin ni Daisy para maging presentable ako sa magiging boss ko. Hindi puwedeng babahag ang buntot ko.

Sandali muna akong pumikit at bumuga ng hangin. Para kay Nanay, laban, Charmaine!

“What took you so long?”

Napanganga ako at hindi agad nakasagot. Naiwan din sa ere ang kuyom kong kamao dahil sa biglang pagbukas ng pinto, kasabay ng pabulong na sikmat ng lalaking kaharap ko.

Hindi ko alam kung galit siya o nagulat din. Kumunot kasi ang noo niya habang titig na titig sa mukha ko.

Maya maya ay napakurap-kurap ako. 

Ako rin kasi ay napatitig sa kanya. Nakusot ko pa nga ang mga mata ko. Kasi naman, para akong nakakita ng artista.

Ang gandang lalaki ng kaharap ko. Grabe. Ang kinis ng mukha. Sa sobrang kinis, parang pati alikabok ay mahihiyang lumapat sa balat niya.

“I told you to come early!” dagdag niya, sabay lingon sa loob ng opisina.

Maang na naman akong napatitig sa kanya. Gwapo sana, lutang naman.

Ngayon ko lang naman siya nakita.

Pero teka… baka si Tita Marie ang kausap niya. Naalala ko rin kasi ang paalala sa akin ni Tita na kailangan maaga ako.

Pigil na lang akong bumuga ng hangin. Akala pala nitong gwapong lalaking kaharap ko ay ako ang kausap niya.

“I’m sorry, sir…”

“Save it! Just get inside and don’t say anything stupid, kung ayaw mong mapalayas agad-agad. Bakit ka kasi late—”

“Onse, I’m out of patience! Anong oras na? Darating pa ba ang hinihintay natin?!”

Buo at halatang nababagot na boses ang agad na nagpahinto sa pagsasalita ng gwapong kaharap ko, na Onse pala ang pangalan.

“Bro,” masiglang sagot ni Onse, kahit halatang natataranta.

Hindi kasi ito mapakali. Hindi alam kung sisilip ba sa loob o kakausapin muna ako.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa loob ng opisina at sa mukha ko. Hindi ko alam kung nabighani ba siya sa ganda ko o baka tingin niya sa akin ay masyado akong bata para sa trabahong papasukin ko.

“Halika na nga,” sabi niya, sabay hawak sa pulsuhan ko at hinila ako papasok sa opisina.

Napakagat-labi na lang ako habang sumusunod sa kanya. Hinila ba naman agad ako; hindi man lang nagtanong kung sino ako at ano ang pakay ko.

‘Yong kabang nararamdaman ko kanina ay mas tumindi pa. Parang gusto ko na lang umatras at maghanap ng ibang paraan para sa dialysis ni Nanay.

“She’s here, bro,” sabi ni Onse nang marating namin ang mesa ng lalaking hindi man lang nag-abalang tingnan kami.

Nagkibit-balikat lang ito, sabay itsa ng clip folder sa harap ko. “Sign it!” malamig na sabi nito.

Napaawang na naman ang labi ko. Sign? Wala man lang usap? Walang interview? Pirma agad-agad? Ibig sabihin ba ay tanggap na ako?

Naiinis ako sa magaspang na ugali ng lalaking pagsisilbihan ko, pero hindi ko mapigilan ang mapangiti. May trabaho na ako sa wakas. Kaya lang, kahit natutuwa ako, yong kaba ay nangibabaw pa rin.

Parang ang hirap pakisamahan ang boss kong ito. Ang sungit.

Matapos kong titigan ang nakayukong soon-to-be boss ko, napatingin naman ako kay Onse na mukhang hindi rin nagustuhan ang inaasta ng kaibigan niya.

Sa bagay, pareho lang naman silang walang modo. 

Si Onse ay bigla na lang akong hinila papasok, at itong lalaking masungit, gusto naman ay pumirma agad ako.

Medyo nailang pa ako nang mahuli ako ni Onse na nakatingin sa kanya.

Tipid siyang ngumiti nang magtama ang paningin namin, saka nilingon ang kaibigan niya.

“Bro, ayaw mo ba munang i-discuss sa kanya ang laman ng agreement?” tanong niya, sabay sulyap sa akin.

“Monthly salary of one hundred thousand pesos is sure enough for her to sign the agreement,” sabi nito, na nagpabilog sa mga mata ko.

One hundred thousand pesos? Hindi ako makapaniwala. Hindi lang puso ko ang tumitibok, pati utak ko ay pumipintig.

Ang laking halaga noon. Sa wakas, mapapagamot ko na si Nanay.

Napangiti na lang si Onse, pero umiling habang nakatingin sa kaibigan niyang mayaman nga pero hindi naturuan ng magandang asal.

Hindi marunong makipag-eye contact sa kausap. 

Walang modo.

Maski sulyap man lang ay hindi nito ginawa. ‘Yong kilalanin man lang ang bagong empleyado niya, kahit mukha ko lang, wala. Panay kalikot lang sa cellphone.

Inabot na lang ni Onse ang folder at ballpen sa harap ko. Binuklat niya iyon at inabot sa akin.

“Here, make sure to read it first before you sign it,” mahinahong sabi niya, may makahulugang tingin.

Pansin ko. Kanina pa siya tingin nang tingin sa mukha ko. 

Parang may pag-aalala.

Tipid akong ngumiti. Tinanggap ko ang folder at binuklat iyon. “Saan po ako pipirma?” tanong ko.

“Hindi mo ba babasahin muna?” gulat na tanong ni Onse.

“Hindi na, po,” sagot ko, sabay iling.

Bakit ko pa babasahin? Alam ko na kung gaano kalaki ang sasahurin ko. Mag-iinarte pa ba ako? Hindi na.

Ang swerte ko nga at ako ang na-recommend ni Tita Marie sa lalaking ito. Kahit magaspang ang ugali, malaki naman magpasahod. At para ito kay Nanay.

Pahapyaw na tawa ang sumabay sa pagpirma ko, at maya maya ay tumayo ang lalaking masungit.

“As expected,” pabulong nitong sabi na parang hinahamak ang pagkatao ko.

Nanliit ang mga mata ko. Humaba ang nguso ko.

Bahala siya kung ano ang isipin niya. Wala akong pakialam kung mukhang pera ang tingin niya sa akin. Ano'ng masama kung pumirma agad ako? Serbisyo ko naman ang binabayaran niya, hindi ang pagkatao ko.

“Danreve, bro, you can’t leave yet. Marami pa kayong dapat pag-usapan,” pigil ni Onse sa kaibigan niyang nasa tapat na ng pinto.

“Ikaw na ang bahala sa kanya, bro.”

Pahapyaw na tumawa si Onse at saka tumayo. 

Hawak pa rin niya ang folder na pinirmahan ko.

“What do you mean, na ako ang bahala? Tinulungan lang kita sa problema mo, bro. I’ve done my part!” asar niyang sabi habang naglalakad palapit sa kaibigan.

Buntong-hininga lang ang sagot ni Danreve, pero matalim ang tingin kay Onse.

“Now that you both signed the contract, labas na ako sa totoong eksena. Hanggang dito na lang ang tulong na gagawin ko for you, bro!” Inangat niya ang clip folder at pahapyaw na tumawa. “The rest, ikaw na ang kumilos!” dagdag niya, sabay hawak sa door handle, pero muli munang hinarap si Danreve.

Ako naman ay napakamot na lang sa ulo. Naguguluhan na ako sa dalawang ito. Ang daming arte. Ang simple lang naman ng gagawin kong trabaho, ginagawa nilang komplikado.

“I’ve done my part as your best friend, bro. Now, do your part as her husband, okay?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you so much to everyone for taking the time to read this story. Your support means the world to me. I’d love to hear your thoughts, so please don’t hesitate to leave a comment and share your feedback. Your opinions and suggestions will help me grow and improve as a writer!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Pet Nanny   Special Chapter

    (Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it

  • His Pet Nanny   Kabanata 99 (Wakas)

    The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay

  • His Pet Nanny   Kabanata 98

    For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba

  • His Pet Nanny   Kabanata 97

    “Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna

  • His Pet Nanny   Kabanata 96

    “Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na

  • His Pet Nanny   Kabanata 95

    His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H

  • His Pet Nanny   Kabanata 73

    Tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napaluhod na lang ako habang tanaw ang papalayong si Onse, hanggang sa nanghihina akong umupo na parang batang humagulgol.Ang bigat-bigat ng kalooban ko. Ang sikip-sikip ng puso ko. Bigo ako na tuparin ang lahat ng pangako ko sa asawa ko. I failed as a

  • His Pet Nanny   Kabanata 72

    Sandali akong napatitig sa mga mata niya, pero hindi ako sumagot. Binaklas ko ang kamay niya na mas humigpit pa ang pagkapit sa batok ko. Nagmatigas pa siya. Ayaw akong bitiwan. "Nag-usap na tayo, Golda. I thought, nagkakaintindihan na tayo; hindi mo na ipipilit na maging tayo. Ano na naman ‘to?”"Da

  • His Pet Nanny   Kabanata 71

    “Danreve, tama na ang mukmok. Let’s enjoy the night!” bulong ng medyo tipsy nang si Golda. Ngayon ay nakatayo na nga ito sa harap ko at sumasayaw-sayaw, at inilahad ang kamay nito sa akin, pero paulit-ulit akong umiling-iling bilang sagot ko, sabay lagok sa wine na hawak ko.“No, no, no. You're not a

  • His Pet Nanny   Kabanata 70

    “I didn’t expect to see you here.” Matapos ang sandaling titig sa mga mata ko, nagawa rin ulit na magsalita ni Golda, at ngayon ay mabagal nang humahakbang palapit sa kinatatayuan ko. “How are you, Danreve?” tanong nito, ngayong nasa malapit ko na siya. Bakas pa rin sa labi ang parang nahihiyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status