Share

Kabanata 2

Penulis: sweetjelly
last update Tanggal publikasi: 2024-05-21 11:40:49

“Ano?!” bulalas ko, sabay tayo.

Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero iyong sinabi ni Onse, intinding-intindi ko kahit English pa iyon. 

Hindi puwedeng hindi ko maintindihan ang simpleng salitang iyon.

“Ano po bang kalokohan ito?!” naguguluhan kong tanong. Medyo tumaas din ang boses ko.

Ayoko kasi ng ganito. 

Oo, mahirap nga ako, pero hindi ako iyong taong payag lang na paglaruan. Lalong ayaw kong inaapakan ang pagkatao ko at magmukhang tanga sa harap ng mga lalaking ito. 

Kahit mayaman pa sila, hindi ako papayag na gawin nila akong katawa-tawa.

“Don’t raise your voice on us!” Dinuro ako ni Danreve.

Sa unang pagkakataon. Nasilayan ko ang pagmumukha niya. Nagsusumigaw din ang kagandahang lalaki, pero umaalingasaw naman ang masamang ugali.

“Wala kang karapatan!” dagdag pa nito at akmang lalapitan pa ako.

Hinawakan naman siya ni Onse sa balikat, sabay sabi, “Bro, kalma.” Nasa akin na rin ang tingin niya. Tingin na parang naguguluhan at hindi na naman mapakali.

“Alam ko po na wala akong karapatang magsungit, lalo’t nandito ako sa opisina ninyo.” Mahinahon kong sabi sabay lingon sa desk nameplate na pangalan ni Onse ang nakatatak.

“Pero po, hindi nga nakatutuwa iyong narinig ko. Gusto ko po ng matinong paliwanag.”

Kaya lang, mas naguguluhan naman ako sa nakikita ko. Bakas din kasi ang pagkalito sa mga mukha nila dahil sa tanong ko, dahil sa inaasta ko. Lalo na si Onse na ngayon ay hindi makapagsalita at napanganga pa.

“Don’t pretend that you don’t know anything!” Sikmat naman ni Danreve matapos ang sandaling pananahimik.

Si Onse naman ay parang nabulunan at paulit-ulit na lumunok.

“Saan mo ba napulot ito, bro?” tanong naman nito kay Onse, na ang tingin ay nasa akin pa rin at duro-duro pa ako.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Ano ba itong napasukan ko? 

Trabaho ang ipinunta ko rito, hindi ang mag-asawa.

Ang bata-bata ko pa. At saka, kung mag-aasawa man ako, doon sa ka-edad ko, hindi dito sa masungit na lalaking halos tito ko na!

“Mga sir, puwede po ba, huwag ninyo naman po akong ginu-good time ng ganito. Oo, kailangan ko ng pera. Pero matino akong tao na nagpunta rito para mag-apply ng trabaho. Tratuhin ninyo naman po ako nang tama,” matino kong pakiusap.

“Unbelievable!” bulalas ni Danreve na may kasabay pang palakpak. “Iba itong nakuha mo, bro! Ang bata-bata pa, pero ang galing um-acting. Saan mo ba ito nahanap?” nangungutyang tanong naman nito na nagpatiim na lang ng labi ko.

Halos hindi ko na kasi masikmura ang mga sinasabi niya. 

Sakit na sa ulo, sakit pa sa puso.

Si Sir Onse naman ay hindi pa rin sumagot. Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha nito. Parang umiiwas pa na mapatingin sa akin. Maya maya ay dinukot nito ang cellphone sa bulsa at nag-dial.

Pambihira. Siya ang naghatak sa akin papasok sa opisina niya, pero ngayon wala man lang siyang masabi. Hindi man lang niya magawang sitahin ang kaibigan niyang hindi makain ng aso ang ugali.

“Iba talaga kapag professional gold-digger!” madiing sabi ni Danreve na may ngiting nanghahamak pa rin.

“Gold-digger?!” ulit ko sa sinabi nito. English na naman iyon, pero naiintindihan ko. 

Ang sakit nga. Kahit hindi totoo, tumarak pa rin sa puso ko ang talim ng salitang iyon.

Mapait akong ngumiti. Ang dali naman nitong humusga; hindi pa nga niya ako kilala. 

Hindi pa nga namin alam kung bakit naging ganito ang sitwasyon.

Marami na akong nakaharap na mayaman dahil sa business namin ng nanay ko noon, at lahat sila ay mabait. Ito lang talagang matandang ito ang magaspang ang ugali.

“Tama ka po, bata pa nga po ako. Pero hindi ako um-acting at lalong hindi ako gold-digger!” Madiin ang bawat bigkas ko sa mga salitang iyon. Pero ang tingin ko naman ay kay Sir Onse na ngayon ay nagmamadaling lumabas ng opisina.

“Sir Onse! Huwag mo po akong iwan dito!” sigaw ko at agad siyang sinundan. Kaya lang, ang bilis niyang narating ang elevator.

“Sir Onse! Akin na iyang pinirmahan ko! Ayaw ko nang magtrabaho sa mga gaya ninyo na matapobre!” talak ko habang hinahabol siya.

Wala na akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga tao. 

Ang gusto ko ay mabawi ang pinirmahan ko.

Ang malas. Pera na, naging bato sa nangyari ngayon, pero ayokong matali sa isang taong walang modo.

“Sir Onse, hintayin mo po ako!” sigaw ko na sumabay sa pagpasok niya sa elevator.

“Ano ba?!” Halos maiiyak ako habang paulit-ulit na pinipindot ang elevator button. Hinampas-hampas ko pa iyon sakaling magbukas uli.

“Stop it!” pabulong na sikmat ni Danreve, sabay hawak sa kamay ko at patulak akong binitiwan.

Sa lakas ng pagbitiw niya, tumilapon ako. Natamaan ko pa ang water dispenser na muntik nang matumba.

Dahil sa gulat at takot, napalakas ang hikbi ko. Ayaw kong umiyak. Lalo na sa harap pa ng taong mapanghamak, pero ang sakit ng balakang ko. Idagdag pa ang nakakatakot na hitsura ni Danreve.

“Don’t make a scene here!” gigil pa nitong sabi. “Hindi ang gaya mo ang sisira sa pangalan ng kaibigan ko!”

Ang layo ng agwat namin kanina, pero ngayon nasa malapit ko na siya at duro-duro na naman ako. 

Tiim ang bagang nito at nagbabaga ang tingin sa akin.

Napatingala at napatitig na lang ako sa kanya. Gusto kong lumayo, pero dahil sa dispenser na nasa likuran ko, hindi ko magawa. 

Hindi ako makagalaw.

Ang tapang-tapang kong babae, pero ngayon parang naduduwag ako. Para akong nanliit sa kinatatayuan ko. 

Gusto ko na lang mawalan ng malay para hindi ko na makita ang pagmumukha ng matandang ito.

“Come with me!” Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at marahas akong hinila.

“B-bitiwan mo ako! M-masakit!” reklamo ko. Pinilit kong huwag humakbang. Ayokong sumama sa kanya. Natatakot ako.

“Masakit, huh?” sabi niya, at hinatak ako nang sobrang lakas. Sa lakas ay bumangga ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

Gusto ko siyang itulak. Gusto kong lumayo. 

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero nanghihina na ako dahil sa takot.

Bukod sa ang laki niya, mayaman pa siya. Lahat magagawa niya gamit ang pera. At ako, kahit anong tapang ko, madali lang sa kanya na i-dispatsa ako.

Sumabay ang pagpatak ng luha ko sa muling paghatak niya sa akin pabalik sa opisina ng kaibigan niya, at saka niya ako itinulak paupo sa sofa.

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Puro iyak na lang ako. Kahit anong gawin ko, wala akong laban. Nasa teritoryo niya ako.

Umupo siya sa harap ko. Bakas ang pagpipigil sa galit habang tinititigan ako. “Cut the act, damn it! Kahit anong gawin mo. Kahit lumuha ka pa ng dugo, I won’t fall for your drama. I won’t fall for a gold-digger like you!”

Awtomatikong lumipad ang nanginginig kong kamay sa pisngi niya. “Sira-ulo ka! Paulit-ulit ka! Sinabi nang hindi ako gold-digger!” Marahas kong pinahid ang mga luha ko.

Siya naman ay napahawak sa pisnging sumalo ng sampal ko. 

Pinaikot-ikot pa niya ang dila sa loob ng bibig niya.

“Oo, mahirap lang ako. Kailangan ko ng pera para sa nanay ko, pero never kong ipagpapalit ang dangal ko para lang sa pera!” matapang kong sabi na nagpaangat sa sulok ng labi niya.

“Lalong hindi ko pangarap na makasal sa lalaking halos doble na sa edad ko!”

Kung kanina ay umangat ang sulok ng labi niya, ngayon ay tumigas naman. Nagsalubong pa ang makapal nitong mga kilay. “Ayaw mo, then why did you show up? Why did you sign the contract?!”

“Sinabi ko na nga po kanina pa, pero hindi kayo naniniwala!” Bumuga ako ng hangin at tumayo na. 

“Nandito ako para mag-apply ng trabaho. Trabaho bilang pet nanny at hindi ang magpakasal sa matanda at matapobreng gaya mo!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Pet Nanny   Special Chapter

    (Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it

  • His Pet Nanny   Kabanata 99 (Wakas)

    The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay

  • His Pet Nanny   Kabanata 98

    For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba

  • His Pet Nanny   Kabanata 97

    “Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna

  • His Pet Nanny   Kabanata 96

    “Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na

  • His Pet Nanny   Kabanata 95

    His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H

  • His Pet Nanny   Kabanata 94

    ((Charmaine))Kadarating ko lang at hindi pa nakapasok sa hospital room, but my heart pounded so much sa puntong pati ang galit ko ay naglaho na. Onse called me in panic. Sabi niya, naaksidente si Danreve and was in critical condition. Despite everything that had happened between us—despite all the p

  • His Pet Nanny   Kabanata 93

    Ang sakit ng katawan ko kanina, pero ngayon, parang wala na akong maramdaman. Parang namamanhid ako bigla. Hindi ko rin alam kung paano mag-react o kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang, kanina pa ako nagpipigil ng hininga at itong puso ko, parang tatalon na mula sa dibdib ko. Utak ko gulong-

  • His Pet Nanny   Kabanata 92

    Sandali kong napigil ang hininga ko. Parang tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. “Chad is my son? Our son—Charmaine’s and mine?” Gusto kong sabihin ‘yon ng malakas, kaya lang hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Parang may bumara sa

  • His Pet Nanny   Kabanata 91

    ((Danreve))Wala sa sariling humakbang ang mga paa ko, palapit sa kanila. Si Charmaine, hindi maitago ang kabang nararamdaman nang makita ako. Si Onse naman ay napatulala; hindi alam kung kanino titingin, sa akin ba o kay Charmaine na ngayon ay hindi pa rin nagawang tumayo habang yakap-yakap ang bata

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status