Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko.
Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na “Madame Abrazaldo”. “What made you think na maniniwala ako sa pinagsasabi mo?” tanong ko, without looking at her. Pero pasimple ko namang sinusulyapan ang kamay niyang kinuyumos ang laylayan ng damit niya. Rinig ko rin ang tawa niyang nayayamot. “Wow! Imposible kang matanda ka!” gigil at pabulong niyang sabi. Kumuyom na rin ang kamao niya. Para ngang gusto na akong suntukin. Hindi sadyang na tiim ko ang mga labi ko. Makasabi na matanda, parang uugod ugod na ako. Gusto ko tuloy siyang bigyan ng leksyon. Gusto kong supalpalin ang ngusong niyang kumikibot-kibot. “Do you think, may paki ako sa paniniwala mo?” “You!” Hindi ko na awat ang sarili at naduro ko na siya. Ang lakas ng loob na sagot-sagutin ako. “ ‘Wag mo akong you-you-hin! Kung kanina ay pumapayag ako na insultuhin mo, ngayon hindi na. Akala ko kasi magiging amo na kita. Kahit magaspang ang ugali mo, nagpasensya ako dahil sa malaki mong pasahod. Pero ngayon, wala na akong paki, malaki man ang pasahod mo, wala ka kasing modo!” “Sumusubra ka na!” Dinuro ka siya. Pero agad ko namang binawi ang daliri ko at naikuyom na lang. Tinalikuran ba naman ako. At ngayon ay kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya na parang pinipigil ang mapaiyak. “Bakit mo pa ba ako hino-hold dito?” Maya maya ay tanong nito, habang nakatalikod pa rin. Hindi ako sumagot. Isa rin siyang walang modo. Walang respeto na ang lakas ng loob na sagot-sagutin ang nakatatanda sa kanya, at ngayon ay kausapin akong hindi man lang ako nilingon. “Hayaan mo na lang po akong umalis. Maghahanap pa po kasi ako ng trabaho. ‘Yong trabaho na matino ang amo, at hindi walang modo!” Nakagat ko na lang ang labi ko. Damn! What a mess! Nakapanggigil. Ang sarap na niyang sakalin. Naikuyom ko na naman ang kamao ko. Ang hirap makipag-away sa bata. “You can’t leave, hangga’t hindi bumalik si Onse,” sagot ko. Madiin para tumatak sa utak niya na mas matigas kay sa akin. Speaking of Onse. Nasaan na kaya ang lalaking ‘yon? Basta na lang umalis na hindi muna nilinaw ang nangyayari ngayon. Hindi rin nag-re-reply. He prepared all this. Siya ang naghanap ng babae na maging fake wife ko. He made this mess. Ngayon, ang lakas ng loob na tumakas, at iwanan sa akin ang isip-bata na ‘to. Tama nga siguro ang desisyon niya na hindi muna humawak ng kaso. Baka magkalat lang ‘yon sa korte gaya ng ginagawa niya ngayon. Inabandona niya pa kami na client niya. “Bakit kailangan ko pang maghintay? Wala pa naman po akong nakuhang pera sa inyo. Wala akong napala sa pagpunta ko rito.” Napisil ko na lang ang noo ko at pigil na bumuga ng hangin. “Wala ka ngang nakuhang pera, but you’ve signed the contract. Technically, asawa na kita ngayon!” “Naman e!” Ginulo-gulo niya ang buhok niya, at saka ay tinakpan ang mukha. “Hindi ba’t mayaman ka naman po?! Kaya mong gawan ng paraan ang kontratang ‘yon. Pa void mo! At saka, kasalanan mo naman ‘to! Kung nag-explain ka po agad na marriage contract at agreement pala ‘yong pipirmahan ko, hindi sana ako pumirma. Hindi sana nangyari ang problemang ‘to.” Pabagsak siyang sumandal, at saka, pinadyak-padyak ang mga paa. “Tita Marie, naman e!” mangiyak-ngiyak nitong sabi. “Akala ko, trabaho ang ibibigay mo sa akin, problema pala ang mapapala ko.” Paulit-ulit niyang pinahid ang mga luha, kasabay ng pagsasalita na hindi ko na naintindihan ang iba. “Well you, please shut up?! Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa’yo!” sikmat ko habang pisil-pisil pa rin ang noo. “Kasi naman! Sana sinabi niya na mas hayop pa pala ang ugali ng magiging boss ko, kay sa aalagaan ko.” Pabulong niyang sabi. Pero rinig na rinig ko pa rin. Diin na diin pa nga ang pagkasabi. “Isang salita pa. Ikukulong kita sa C.R!” pananakot ko rito. Natakot nga yata sa banta ko. Nanahimik kasi, pero nakakaasar namang buntong-hininga ang pumalit. Alam ko, bagot na bagot na siya. Ako din naman. Bagot na bagot na. Gusto ko nang matapos ang kalokohang ‘to. “Ay, ewan!” pasikmat nitong sabi na ikinagulat ko pa. Tumayo rin siya at walang lingon na iniwan ako. Agad ko naman siyang hinabol, at mahigpit na hinawakan sa braso. “Hindi ka ba makaintindi? I said you can’t leave,” gigil kong sabi na sumabay rin sa pagpisil ko sa braso niya. Rinig ko ang pigil niyang daing. Pero wala namang takot na sinalubong ang matalim kong tingin. “Bitiwan mo na po ako!” Pinipilit niyang kalasin ang kamay kong hawak ang braso niya. Saka matapang akong hinarap. “Pabayaan n’yo na po ako. Sigurado kasing nag-aalala na ang Nanay ko! Kanina pa ako rito.” Sa wakas, nagawa niya ring hablutin ang braso niya na sinadya kong luwagan ang paghawak. Ang lakas talaga ng loob nitong batang ‘to. Kahit kita sa maluha-luha nitong mga mata ang takot, lumalaban pa rin. “Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa’yo? Hindi ka nga pwedeng umalis!” gigil kong sabi. “Alam mo, sir. Ikaw naman ang dahilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon.” Paninisi nito. “Ang saya-saya ko na kanina e! Kahit kabado ako. Late kasi ako.” Muli pa siyang bumuga ng hangin matapos sabihin ‘yon. Hinihimas-himas niya rin ang braso niya habang nakatingala sa akin. “Pero dahil kailangan ko nga ng trabaho, Kailangan ko ng pera, ‘yong kaba ko, isinantabi ko.” Sinadyang tawa ang ginawa niya matapos sabihin ‘yon. Habang ako, hindi pa rin makapagsalita. Tumitig na lang sa kanya. Pahilamos niya ring pinahid ang mga luha niya, at saka muling sinalubong ang tingin ko. “Sana, hindi na ako tumuloy. Hindi sana doble-dobleng dismaya ang napala ko. Hinamak n’yo na nga ang pagkatao ko! Hino-hold n’yo pa ako, againts my will. Illegal detensyon na po ‘tong ginagawa n’yo, sir!” Hindi pa rin ako sumagot. Pinapanood ko lang ang kada galaw niya. Kada buga ng hangin habang pinipilit na namang kalasin ang kamay ko na hawak na naman ang braso niya. Aalis na naman kasi sana siya matapos mailabas ang sama ng loob. “Sir, naman e!” Kitang-kita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Saka tumigil na rin siya sa pagbaklas sa kamay ko. Ewan ko ba sa sarili ko. Wala na akong maisagot. Sa unang pagkakataon, ang isang Danreve Abrazaldo ay napatahimik ng babae. Hindi ko alam kung nakokonsensya ba ako sa mga masakit sa salitang binato ko sa kanya kanina o naawa na ako dahil sa mga sinabi niya. “Pwede na po ba akong umalis, sir?” Pakiusap na naman niya. “Hindi ka nga pwedeng umalis.” Sa wakas, nagawa ko na ring magsalita habang ang mga mata ay hindi na maalis sa dismaya nitong mukha. Ngayon ko lang siya napagmasdang mabuti. Yes, she’s pretty, young, and looks innocent. And wala nga sa hitsura niya ang pagiging isang gold-digger. Hindi siya bagay maging fake wife ko. Hindi ang kagaya niya ang ipapakilala ko sa mga magulang at sa Lolo, bilang asawa ko. “Mayaman nga po kayo. Kayo na po ang gumawa ng paraan? Please, hayaan n’yo na po ako—” Nahinto ang pagsasalita niya nang biglang bumukas ang pinto. Ang kaibigan kong si Onse ang pumasok. Lukot ang mukha habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. “Bro!” Paulit-ulit nitong nakamot ang ulo, kasabay ang sulyap sa fake kong asawa na kahit maluha-luha pa rin ang mga mata, halata namang naiirita na. “I’m sorry, bro! This is all wrong!” Nakamot naman niya ang ulo. At saka ay nilapag ang papel sa lamesa. “She’s not the girl na kausap ko. Mapaklang tawa ang sabay nagpalingon sa amin ni Onse. “Ngayon po, malinaw na. Hindi ako gold-digger!” singit nito. Pinagdidiinan pa ang salitang gold-digger. “Pwede na po ba akong umalis?” “I’m sorry! Seeing you kanina, alam kong may mali na. Ang bata-bata mo pa kasi. Pero hinatak pa rin kita.” Bumuga ng hangin si Onse at hinarap ako. Parang sinasabi nito na humingi ako ng sorry sa babae. “Hindi mo deserve ang treatment na pinakita sa’yo nitong kaibigan. I’m at fault. Aayusin ko ‘to.” “Ano ba kasi ang nangyari, bro? Bakit hindi dumating ang kausap mo?!” inis kong tanong na sumabay sa pagbukas ng pinto. Nagmamadaling umalis ang babae na parang takot na takot na pigilan ko na naman siya. Napabuga na lang ako ng hangin at sumabay naman no’n ang pagtunog ng cellphone ko. “Mom?” sagot ko. “Danreve, where are you? Nagkamalay na ang Lolo mo at hinahanap ka!” pabulong, pero pasikmat na sabi ni Mommy. Naipikit ko naman ang mga mata ko matapos marinig ang balita mula kay Mommy. Narinig ko kasi ang nanghihinang boses ni Lolo. Lagi ko raw pinapasama ang loob niya. Ako raw ang papatay sa kanya. “Where are you going, bro,” tanong ni Onse na sumabay sa paglabas ko ng opisina. Hindi ko na nagawang sagutin ang kaibigan ko. Nauukupa na ang utak ko sa sinabi ni Lolo. Parang kinurot ang puso sa sinabi niyang ‘yon. Kailangan may gawin ako para maibsan ang sama ng loob niya sa akin. Kailangan kong mapasaya siya sa natitirang buhay na mayro’n siya ngayon. “Come with me!” madiin kong sabi sa fake wife ko nang datnan ko siyang nag-aabang ng masasakyan sa labas ng building.(Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it
The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay
For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba
“Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna
“Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na
His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H