Share

Kabanata 5

Penulis: sweetjelly
last update Tanggal publikasi: 2024-05-28 13:33:50

CHARMAINE

Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse.

Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko.

Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience.

Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina.

Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari. 

Ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. 

Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mapagmataas.

“Come with me!”

Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko.

Ang mapagmataas na si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang pagmamay-ari niya ako.

Ang kilos at tingin niya ay parang nagsasabi na sumama ako sa kanya at bawal akong tumanggi sa kung ano ang gusto niyang gawin.

“A-ano ba? Bakit na naman po ba?” kabado kong tanong habang hila-hila na niya ako.

Nagmatigas pa ako. 

Sinubukan kong hindi humakbang. Pero walang silbi. Hindi kaya ng lakas ko ang lakas niya.

“Sir, teka lang naman po. Ano na naman ba ang kasalanan ko? Bakit na naman po ba?”

Hawak ko na ang kamay niya, at pilit kinakalas ang mga daliri niya na parang mga lintang dumikit sa balat ko.

Imbes na sagutin ang tanong ko. Binuksan nito ang pinto ng kotse at nilingon ako, sabay sabi, “Get inside. Let’s talk!”

Umiling-iling ako. “Ayoko po,” mahina at nanginginig kong sabi.

Takutin ba naman ako. Mukha niya. Sinong sira-ulo ba ang gustong kausapin siya? Kahit pangarap ko pa na sumakay sa magarang kotse, kung siya lang naman ang kasama, ‘wag na, oi!

“Pasok na…” gigil naman nitong sabi.

Pag-iling pa rin ang sagot. Gusto kong sabihin sa pagmumukha niya na bumili siya ng makakausap at ‘wag ako ang gambalain niya. Pero hindi ko masabi-sabi. May pagkakataon talaga na nawawala ang tapang ko.

“Ayoko nga po, sabi!” pagmamatigas ko.

Tumiim naman ang labi niya. Nanliit din ang mga mata na parang gusto na akong buhatin at ibalibag sa loob ng kotse niya.

Mas tumindi pa ang kabang nararamdaman ko. Nagsisimula na ring uminit ang mga mata ko. Hirap na akong huminga dahil sa malakas na kabog ng puso ko.

Bakit ba ako minamalas ng ganito? Nawala na nga sa amin ang lahat. Nagkasakit si Nanay. Nahinto ako sa pag-aaral, tapos ngayon, nakilala ko pa itong mapagmataas at bayolenteng si Danreve.

“Ang tigas ng ulo mo! Mag-uusap nga lang tayo!” gigil na gigil siya habang sinasabi ‘yon.

Sandaling tumigil ang tibok ng puso ko. Gusto kong magsalita. Gustong makiusap, pero nawalan na ako ng lakas. 

Ang higpit kasi ng paghawak niya sa pulsuhan ko. Sa puntong namanhid na ang kamay ko.

Nakapanghina na rin ang tibok ng puso ko na parang may karambola sa loob ng dibdib ko.

“Bitiwan mo na ako. Masakit po…” sabi ko, na pinipigil ang mapahikbi.

Kumurap-kurap siya. Sandaling tumitig sa mga mata ko, at saka bumuga ng hangin. “I’m sorry!” sabi niya. Sabay bitaw sa kamay ko, at itinaas naman ang dalawang kamay niya na parang sumusuko sa laban. “I know, natakot ka. I’m being rude. Kanina pa. Hindi sana kita kinaladkad nang gano’n.”

Hindi ako sumagot sa putol-putol niyang paliwanag na parang nagkabuhol-buhol ang dila. 

Pinahid ko ang luhang namuo sa mga mata ko at tumalikod na.

“I have a proposal for you—”

Sabi niya na sumabay sa mabagal kong paglalakad. 

Pero nagpatuloy pa rin ako.

“Sabi mo, you need money? Kailangan mo ng trabaho para mapagamot ang nanay mo, hindi ba?”

Awtomatikong huminto ang paghakbang ko at nilingon ko siya. 

Pero tumitig lang ako sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Tingin ko sa kanya ay kumalma at hindi na bayolente.

“Kapag pumayag ka, ako na ang bahala sa pagpapagamot sa nanay mo,” sabi niya nang nasa tapat ko na siya.

“Anong trabaho?” Malamig ang boses ko.

Kaagad naman siyang napangiti sa tanong ko. Habang ako, dismaya pa ring tumitig sa kanya.

Hindi ko nakalimutan ang sinabi ko kanina sa loob ng opisina. Ayaw kong maging amo ang katulad niyang walang modo. Wala akong pakialam, malaki man ang pasahod niya.

Kaya lang, desperado na kasi ako. Ang sabi nga kasi ni Daisy kanina ay inatake na naman si Nanay. At ang sinasabi nitong atake ay seizure. Patunay na lumalala na ang sakit niya. Nagkaroon na siya ng ibang komplikasyon. Natatakot ako na magkaroon pa siya ng ibang impeksyon.

Kailangan na siyang ma-dialysis bago pa magmanas ang mga paa niya at hindi na rin kayanin ng katawan niya ang iba pang komplikasyon, o worse, hindi na rin kakayanin ng katawan niya ang dialysis.

“As my pet nanny…” kaagad nitong sagot na nagpakislap ang mga mata ko. “And my wife—”

Mapaklang tawa ang sagot ko. Sasagot na sana ako ng malaking oo, kaya lang may pahabol pa.

“Baliw ka ba? Sa mga sinabi mo sa akin kanina, tingin mo, papayag na maging asawa mo?”

“Bukod sa pagpapagamot sa Nanay mo, do-doblehin ko rin ang sahod mo. Two hundred thousand a month or more, depending on performance mo. Lahat ng kailangan mo. Needs, wants. Ibibigay ko. All you have to do ay gampanan ang papel ng mabuting maybahay in front of my family at sa mga event na kailangan ang presensya mo. At siyempre, you have to take care of my baby.”

Umangat ang mga kilay ko. Talagang ayaw niyang tumanggi ako. Kaya mas ginandahan ang offer. Gusto ko nang um-oo. Mapagamot lang ang nanay ko, sapat na sa akin ‘yon.

Pero hindi muna ako nagsalita. Inobserbahan ko muna ang mukha niya. Baka kasi gino-good time na naman ako nito, porke't alam niya na kailangan ko ng pera.

“’Wag kang mag-alala. Mag-asawa lang tayo sa papel. Hanggang doon lang. Ipapa-revise ko agad kay Onse ang marriage agreement natin. Kung may gusto kang idagdag na mga kondisyon, sabihin mo agad.”

Napahimas ako sa pulsuhan kong hindi pa rin nawawala ang pamamanhid.

“Kahit anong gusto kong idagdag?”

“Kahit ano. Basta hindi makaapekto sa mga plano ko. But you have to make sure, hindi ka mahuhuli. Hindi tayo mahuhuli.”

Sandali kong nakagat ang labi ko. Pakiramdam ko kasi, hindi lang ako ang desperado na mapagamot ang nanay ko.

Siya rin ay gano’n. Desperado rin siya gaya ko kaya niya ginagawa ‘to.

“Bakit mo ba ginagawa ‘to? Sa status mo, sa yaman mo, hindi ka mahihirapan na maghanap ng babaeng nababagay sa’yo. I’m sure, maraming magkakandarapa na pakasalan ka. At saka, bakit ako? Bakit ang isang batang kagaya ko ang napili mong maging fake wife mo?”

Mapait siyang ngumiti, saka ako dinuro. “I hire you to be my fake wife. Hindi para panghimasukan ang buhay ko at pakialaman ang mga desisyon ko.”

Pumikit ako, sabay ang buntong-hininga. “‘Yon na nga po. Magiging fake wife mo na ako. So, dapat alam ko ang mga dahilan mo at kung ano ang rason mo na gawin ang lahat ng ‘to, para hindi ako magmukhang tanga sa harap ng pamilya mo.”

“You mean, payag ka na?” Umangat ang mga kilay niya habang tinatanong ‘yon.

“Handa ka na bang sabihin sa akin ang mga dahilan mo?”

“Fine!” Napipilitan nitong sabi, sabay lahad ng kamay niya. 

“Deal?” dagdag tanong niya.

“Para kay Nanay. Deal!”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Laging una magkomento(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡(⁠~⁠ ̄⁠³⁠ ̄⁠)⁠~
goodnovel comment avatar
Nan
WOW!Ang Ganda Ang kwentong ito, at excited Ako sa magaganap na pagkungwari nyang fake na Asawa. Dahil sa kailangan nya Ang pira para mapagamot Ang kanyang Ina ,Kawawa naman
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Pet Nanny   Special Chapter

    (Third POV) **DAISY**Nakatayo si Daisy sa gilid ng reception hall, watching Charmaine and Danreve share their first dance as husband and wife. Sa wakas, nakita niya rin ang kaibigan niyang nakasuot ng wedding dress, mga bagay na hindi naranasan nito noon. At masaya siya para sa kanyang kaibigan. Naging saksi nga kasi siya kung paano nagsimula ang kanilang relasyon—the fake marriage, the lies, the eventual heartbreak. Lahat ng ‘yon ay nakita niya. Hindi nga siya makapaniwala, sa kabila ng mga nangyari ay magkabalikan pa sila. Naalala pa ni Daisy, ang sinabi niya noon sa kaibigan na maliit lang ang palad ng unggoy, baka kapag kumuyom ay mahalin nila ang isa’t-isa. Nangyari nga ‘yon, pero sinubok naman sila ng panahon.She recalled the nights Charmaine cried over Danreve, nang maghiwalay sila. Daisy had held her, promising things would get better, though she wasn’t sure she believed it herself. It had been a long road for her friend, and now, watching them together with their son, it

  • His Pet Nanny   Kabanata 99 (Wakas)

    The morning sunlight filtered through the curtains, casting a golden glow on Danreve’s face. Hindi ko naman mapigil ang mapangiti habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha.Ang gaan kasi sa pakiramdam—ang saya sa pakiramdam na gumising katabi ang mahal ko—pakiramdam na akala ko, hindi ko na muling maramdaman at mararanasan.Ang nangyari sa amin kagabi is a beautiful reminder of the love that had always existed between us, despite sa mga trials na aming naranasan. Napigil ko sandali ang hininga ko nang gumalaw si Danreve, his arms tightening around me as he opened his eyes. His gaze met mine, saka matamis siyang ngumiti. “Good morning, my star,” sabi niya, sa inaantok na boses.Matamis naman akong ngumiti, “Good morning, my heart,” sabi ko, at niyakap din siya ng sobrang higpit.We lay there for a few moments, savoring the peaceful intimacy of the morning. “Mommy, Daddy." Sabay kaming bumangon, at agad isinuot ang aming mga damit nang marinig ang masiglang pagtawag ni Chad, kasabay

  • His Pet Nanny   Kabanata 98

    For almost a month, I had been shielding my heart with anger and fear. Gusto kong protektahan ang sarili ko sa sakit na maaring maranasan ko ulit. Pero dahil sa tiyaga ni Danreve, tuluyan na ring bumigay itong puso ko. Nawala ang takot at nangibabaw ang totoo kong nararamdaman.“Totoo, uwi tayo sa bahay?" maang na tanong ni Danreve kasabay ang pagtayo. “Sa bahay natin? Sa villa?" tanong nito ulit na parang naguguluhan pa rin. Hindi nga nito alam kung ngingiti na ba o hindi. “Ayaw mo yata…” Tatalikuran ko na sana siya, pero agad-agad niyang niyapos ang baywang ko at ngumiti."Wait! Gusto ko, syempre. Ito na nga ang pinakahihintay ko." Naglabas siya ng pera sa wallet at iniwan sa lamesa. “Let’s go, my star.” Ngiting-ngiti nitong sabi, habang ang kamay ay marahang pumipisil-pisil sa baywang ko. At Kung kanina ay parang tanga siya na hindi maintindihan ang sinasabi ko, ngayon ay kulang na lang buhatin na ako, marating lang namin agad ang parking area. “My star, uwi ka na talaga sa ba

  • His Pet Nanny   Kabanata 97

    “Hi, my star," nakangiting bungad ni Danreve, paglabas ko ng clinic. Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa malambing nitong bati.Paano ba naman kasi, naunahan na naman ako ng tili nitong assistant kong kilig na kilig pa rin sa mga banat ni Danreve.“Dok, mauna na po ako. Sir Danreve…fighting!” bilin pa nito na pamatay na kindat naman ang sagot nitong ama ng anak ko.Ganito lagi ang ginagawa niya. Tuwing hapon ay sinusundo niya ako, at hindi pwedeng wala siyang dalang rosas—isang pulang rosas na tanda raw ng pagmamahal niya. “Gutom ka na ba?" tanong nito, at pinagbuksan ako ng pinto. “Medyo," tipid ko namang sagot. Kasabay na rin ang pagpasok ko sa kotse. "Let me…" Ikakabit ko na sana ang seatbelt ko, pero siya na naman daw ang magkakabit. Para namang hindi ko alam na pumaparaan lang siya para makalapit ng todo sa akin. Kulang na nga lang ay ilapat nito ang labi sa akin, at hindi lang ‘yon, sinasadya niya pang bagalan ang kilos na sumabay sa malagkit nitong titig na parang tumutuna

  • His Pet Nanny   Kabanata 96

    “Danreve, nakikiusap ako, pakawalan mo na ako. Bitiwan mo na ako. Sa ginagawa mong ‘to, lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon. Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo.” Matapos ang ilang minutong pagkaparalisa ng buong katawan ko, dahil sa yakap ni Danreve, nagawa ko ring magsalita. Nagawa ko ring sabihin ang nilalaman ng utak ko. Oo, utak ko lang ang pinapagana ko ngayon. Kasi itong puso ko, hindi ako sigurado kung saan ako dadalhin.“Sige na, Danreve. Bitiwan mo na ako, please," muli kong pakiusap. Pasimple ko ring pinahid ang mga luha ko. Pinipilit na ‘wag pumiyok ang boses ko, habang nagsasalita. Paulit-ulit na pag-iling ang sagot niya. Ramdam ko kasi ang paggalaw ng ulo niya, dahil sa mukha niya na bumaon sa batok ko.“Charmaine…” Pumiyok ang boses niya na sumabay sa lalong paghigpit ng yakap niya. “‘Wag ka munang umalis. Makinig ka lang sa sasabihin ko. Wala akong pakialam kung maniniwala ka o hindi, but please, hayaan mo lang akong magsalita. Hayaan mo akong sabihin lahat na

  • His Pet Nanny   Kabanata 95

    His words echoed in my mind. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Hindi ako makagalaw at parang natuod sa kinatatayuan ko. Nakakasakal ang katahimikan na namamagitan sa amin, at ang mga salitang hindi namin masabi ay parang mabigat na mga bato na dumadagan sa dibdib ko. Kung sa mga nakaraang araw na nagkikita kami ay iniiwasan ko ang mga titig niya, ngayon ay hindi na. Wala akong kurap na tumitig sa mga mata niya. Gusto ko ng confirmation. Gusto kong alamin kung totoo ba ang sinasabi niya.“We’re still married?” Sa wakas, nagawa ko ring magtanong; pabulong, ngunit alam kong malinaw niyang narinig.Bumuga siya ng hangin, tumango-tango, “Yes, Charmaine.” Ang kalmado ng boses pati ng mukha niya habang sinasabi ‘yon. Habang ako, nag-iinit na, hindi lang ang ulo ko, kung hindi buong katawan ko. Para na akong bulkan na malapit nang sumabog. “Ikaw lang ang pumirma ng divorce papers, Charmaine. Ikaw lang ang gustong matapos ang mayro’n tayo. I never wanted to end everything between us.”H

  • His Pet Nanny   Kabanata 83

    “What do you mean, Charmaine? Anong masaya ka na sa bago mong buhay?” Naipikit ko sandali ang mga mata ko at mapait na ngumiti. Naiinis kasi ako sa hitsura niya na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. Naiinis ako sa pagtanga-tangahan niya. “Seriously, Danreve, hindi mo maintindihan ang sinasabi

  • His Pet Nanny   Kabanata 82

    “Let go of me!” Matapos ang sandaling pagkagulantang at paninigas ng buong katawan ay nagawa ko ring magsalita kasabay ang tangkang pagbaklas sa mga kamay ni Danreve na lalong humigpit ang pagyakap sa baywang ko. “No, I won’t let you go ever again, my star.” "My star?" tanong ko sa sarili. Ang la

  • His Pet Nanny   Kabanata 81

    ((Charmaine)) “Anak, cheer up!” Pinisil ni Mommy ang pisngi ko na agad ko namang inawat. Kanina pa kasi ako nakasimangot—actually, kahapon pa. Hindi ko naman kasi alam na kasama pala ako sa auction. Ang sinabi lang sa akin ni Ms. Mona, last part ng auction ay kailangan daw ang partisipasyon ko. Like

  • His Pet Nanny   Kabanata 80

    "Charmaine Lazaro?" Kanina ay wala akong pakialam sa kung sino man ang guest speaker na ipinakilala ng host. Puro yuko at buntong-hininga lang ang ginagawa ko, pero ngayon, awtomatikong napaangat ako ng tingin nang marinig ang pangalang Charmaine. Parang malakas na kampana ang umalingawngaw sa bulwa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status