"Kumusta ang fifth year anniversary ninyo kagabi, Mia?" nakangising tanong sa akin ng kasama ko sa trabaho na si Andrea na nakaupo sa kanang banda ko.
"Oo nga. Magkwento ka naman kung ano ang mga nakakakilig na ginawa ni Sir Jeff," segunda naman ni Joyce na nasa kaliwa ko. Magkakatabi ang mga tables naming tatlo dito sa opisina ng isang insurance company kung saan ako nagtatrabaho. Dito kami nagkakilala ni Jeff sa kompanyang ito. Anak siya ng may-ari at ako na simpleng empleyado lamang. Dalawang taon na rin simula nang maging CEO siya dahil bumaba na sa pwesto ang Daddy niya at sa kanya na ipinagkatiwala ang kompanya. Nagsimula kami bilang magkaibigan at inaamin ko na crush ko siya sa simula pa lang. Kalaunan ay nagkagusto siya sa akin at sobrang saya ko nang sabihin niyang gusto niya akong ligawan. Ilang buwan niya lang akong niligawan at sinagot ko kaagad siya. Sa una ay nilihim lang namin ang relasyon namin pero kalaunan ay nagdesisyon siya na kailangan na naming ipaalam sa mga magulang niya. At ayon nga at nalaman na rin ng lahat ng empleyado sa kompanya. Pero ang pagiging girlfriend ni Jeffrey Anthony Corpuz ay hindi madali. Marami akong narinig na masasakit na salita galing sa ibang empleyado. Maski na ang nga magulang niya ay ramdam ko ang disgusto nila sa akin. Alam ko naman kung bakit kasi hindi kami mayaman kagaya nila. Pero hindi ako sumuko at hindi ako bumitaw kasi mahal ko si Jeff at mahal niya rin ako. "Sige na, Mia, kwentuhan mo na kami," excited na sabi ni Andrea. Hindi pa naman working hours kaya may oras pa kaming magkwentuhan kaso nga lang parang wala ako sa mood na magkwento kung ano ang nangyari kagabi. Bumabalik kasi sa aking isipan ang estrangherong lalaki na kambal pala ni Jeff at ang n*******d nitong katawan. Inabala ko na lang ang sarili na maglinis sa aking table habang nag-iisip kung ano ang maaari kong sabihin sa aking mga ka-trabaho. "Rinig ko sa mamahaling restaurant daw kayo nag-celebrate, Mia?" tanong ni Joyce. Tumango lang ako habang inaayos ang mga ballpen ko sa lamesa. "Nakakainggit naman. Sana makapag-celebrate din kami ng boyfriend ko sa mamahaling restaurant." "Tapos anong nangyari sa dinner ninyo?" "May pasabog bang ginawa si Sir Jeff? May pa-fireworks ba?" Hindi ulit ako sumagot. Yumuko ako at itinapon sa basurahan na sana ilalim ng aking lamesa ang mga nagkalat na mga papel. "Baka naman ibang fireworks ang pinasabog kaya hindi makapagsalita itong si Mia," nakakalokong sabi ni Andrea kaya napabaling ako sa kanya. "Tama ako, no?" natatawa niyang sabi. Lumapit si Joyce sa kanya at pinaghahampas siya. Uminit ang pisngi ko dahil naalala ko ang mainit na nangyari sa amin ng kambal ni Jeff. Kung paano niya inangkin ang katawan ko at kung paano ako naganahan. "Hala, Mia?! Ginawa niyo na ba finally?" Hindi makapaniwala ang mukha ni Joyce. "OMG! Sa limang taon na paghihintay nadiligan ka na rin sa wakas!" Nagtawanan sila. Hindi ko magawang tumawa. Naging matalik na rin kaming magkakaibigan na tatlo kaya naman hindi na lihim sa kanila ang tungkol sa relasyon namin ni Jeff. Alam din nila na wala pang nangyayari sa amin pero ngayon akala nila mayroon na. "Ano, Mia?" Lumapit sa akin si Andrea at bumulong. "Malaki ba?" Hindi ulit ako sumagot. "Sumagot ka naman!" si Joyce na parang nanggigil na. "Malaki nga talaga kasi speechless ka," si Andrea na natatawa. Hinampas siya ulit ni Joyce. Sabay ulit silang nagtawanan. "Hindi siya nakarating sa anniversary namin kagabi," biglang sabi ko na nagpatigil sa kanilang dalawa. Kailangan kong sabihin iyon para maitama ko ang maling akala nila. "Ha?" si Joyce na nakadilat ang mga mata. "Seryoso?" si Andrea naman natatawa pa rin ng kaunti. Umupo na ako sa aking upuan at matamlay na bumuntong-hininga. "May importante siyang inasikaso tungkol sa pamilya nila," patuloy ko. Natahimik sila ng ilang sandali. "Pero okay lang 'yon. Ngayon lang naman na anniversary namin hindi siya dumating. Tsaka sabi niya babawi siya." Ngumiti ako sa kanilang dalawa at nakita ko sa kanilang mga mukha ang lungkot at pagkadismaya. Nagkibit balikat ako. "Ilang ulit siyang nag-sorry. Naiintindihan ko naman." "Kung ako niyan, Mia, mag-tatampo ako," sabi ni Andrea sabay halukipkip. "Ako rin," segunda ni Joyce. "Okay lang talaga sa akin. Promise," sabi ko. "Dapat nagpasuyo ka pa. Hindi 'yong okay ka kaagad." "Ang problema kasi sa 'yo, Mia, masyadong kang mabait." "Ano ba kayo. Nag-sorry na nga siya, 'di ba?" "Hindi sapat ang sorry para sa akin." Umiling-iling akong natatawa. Sa ilang taon na pagsasama namin ni Jeff ayaw niyang matagal akong magtampo sa kanya, gusto niyang maging okay kami kaagad. Ayaw niyang nagagalit ako sa kanya kahit na minsan ay kasalanan niya. Tsaka parang wala akong karapatan na magalit sa kanya ngayon kasi may kasalanan ako. Ipinagkaloob ko ang katawan ko sa ibang lalaki at wala siyang kaalam-alam tungkol doon. Hindi ko pa alam kung kailan ko sasabihin sa kanya. Mag-iipon pa ako ng lakas ng loob at papalipasin ko na muna ang ilang araw o baka buwan... "Akala pa naman namin memorable ang nangyari sa inyong ikalimang taon na anibersaryo, Mia," si Joyce na nakasimangot na ngayon. Umupo na siya ng maayos sa harapan ng table niya. "At akala namin nadiligan ka na sa wakas pero tuyong-tuyo ka pa rin pala hanggang ngayon," si Andrea na umiinom na ng kape. Napatawa si Joyce habang ako ay napalunok ng wala sa oras. "Hindi pa rin pala nasisisid ang perlas mo." "At masikip pa rin 'yang kweba mo." Sabay ulit silang napatawang dalawa. Ilang sandali rin nila akong tinukso hanggang sa bigla silang natahimik at sabay kaming napatingin sa glass door nang pumasok doon si Jeff, ang totoong boyfriend ko. Seryoso ang mukha niya habang papalapit sa aking table. Suot ang puti na long sleeve polo shirt na naka-insert ang laylayan sa suot niyang itim na slocks na may itim na belt. May suot siyang necktie na magkahalong kulay puti at navy blue. Itim din ang suot niyang leather shoes na makintab. At ang hindi niya nakakalimutan isuot ang kulay ginto niyang rolex na relo sa palapulsuhan. Iyon ang hindi ko napansin sa kambal niya. Wala itong suot na relo nang magkita kami. Kung sana napansin ko kaagad na wala baka hindi niya ako naloko. Kaso hindi na iyon sumagi sa aking isipan... "Good morning, Sir," sabay na bati nina Joyce at Andrea kay Jeff. "Good morning," tugon ni Jeff habang sa akin nakatingin. Yumuko ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil nakaramdam ako ng kahihiyan sa ginawa kong kasalan sa kanya. Pati sa boses ay magkapareho si Jeff at ang kambal niya. Ang kaibahan lang ay ang mga salita na ginamit nila. Si Jeff ay seryoso ang bawat salita samantala ang kambal niya ay halos kabastusan ang lumalabas mula sa bibig. "Mia?" narinig kong tawag niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang bumaling sa kanya. "Can we talk a bit privately? In my office?" dagdag niya habang malungkot ang mukha. "Okay," tanging tugon ko. Ilang sandali pa niya akong tinitigan. Dahil sa ginawa niya doon ko pa lang nakompara si Jeff at sa kambal niya na nagkunwaring siya. Si Jeff ay palaging seryoso ang mukha samantalang ang kambal niya ay palangiti pero iyong klase ng ngiti na parang may masamang binabalak. Mas mahaba ang buhok ng kambal niya kaysa sa kanya. Wala namang pinagbago ang buhok ni Jeff, ganoon pa rin naman noong huli naming pagkikita dalawang linggo na ang nakakaraan. Si Jeff ay may nunal sa gilid ng kilay niya, hindi nga lang nakikita ng klaro kasi natatabunan ng buhok niyang matuwid. At ang pinagkaiba nilang dalawa ay ang mga mata nila. Ang mga mata ni Jeff ay parang inaantok palagi samantalang sa kambal niya ay kumikislap. Ngayong alam ko na ang kaibahan nilang dalawa hinding-hindi na ako magkakamali. "I'll go first. Sumunod ka," seryoso niyang sabi. Tumango ako bilang tugon. Pag-alis ni Jeff ay muling nagsalita sa aking tabi sina Andrea at Joyce. "Uy, mag-uusap daw kayo ni Sir Jeff sa room niya." "Ibig bang sabihin niyan hindi kayo pwedeng istorbohin?" "Baka naman 'yong bit ay maging a bit longer?" "Kasi hindi lang usap ang gagawin!" "Baka ngayon na babawi si Sir." Nagtawanan ulit silang dalawa. Napailing na lamang. Naglakad na ako papunta sa malaki at nakabukod na opisina ni Jeff kung saan nasa pinakadulo ng buong palapag. Nadatnan ko siyang seryosong naka-upo sa kanyang swivel chair habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Nakita na niya akong pumasok pero sumenyas siya na may ginagawa pa siya. Wala akong nagawa kundi hintayin siya habang naka-upo ako sa isang upuan sa harapan ng lamesa niya. Kalaunan ay binaba na niya ang cellphone niya at tumayo. Lumapit siya sa akin at pinatayo ako. Kaagad niya akong niyakap. "Hindi ka na ba galit sa akin?" tanong niya. Naamoy ko kaagad ang pamilyar niyang pabango. Pati ito hindi ko rin napansin sa kambal niya... Umiling ako. "That's good." Kumalas siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Babawi ako sa 'yo. I promise," bulong niya. Tumango ulit ako. "We will have our date next weekend. Magpapadala ulit ako ng dress na susuotin mo. Okay?" "Okay," nakangiti kong tugon. Hinalikan niya ako sa labi pero mabilis lang iyon. Hindi kagaya sa kambal niya na medyo matagal at malalim... Sinuway ko ang sarili. Bakit ikinukompara ko? Lumayo na sa akin si Jeff at bumalik na siya sa upuan niya. "We have an urgent company meeting this afternoon," pagbibigay alam niya. "Tungkol saan?" tanong ko. "Ipapakilala nina Mommy and Daddy ang twin brother kong si Jake since he will have a position here in the company." Napakurap-kurap ako. "Ha?" Hindi ko napigilan ang pagkagulat. "Yes. He will be here." "Mamaya na ba talaga?" "Why? May gagawin ka pa ba mamaya na mga reports?" "Kaunti na lang naman." "Do it tomorrow then. I'll extend the deadline." "Okay." Kahit na ganoon ang sinabi niya pero hindi ako nasiyahan dahil mas may iniisip akong ibang bagay. "Ipapakilala din kita personally sa kambal ko mamaya, Mia." Ngumiti ako ng pilit. "Hindi naman kailangan." Tinitigan ako ni Jeff. "Kailangan dahil magkamukhang-magkamukha kami. Even our physique is quite similar. Gusto kong ma-differentiate mo kami dahil ayokong mapagkamalan mo siya na ako." Lumakas ang tibok ng puso. Alam ko na ang pinagkaiba nilang dalawa pero parang huli na ang lahat dahil napagkamalan ko na ang kambal niya na siya at may nangyari na nga sa aming dalawa.Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Corpuz pero hindi ko masasabing malapit na kami sa isa't isa. Tamang pakikitungo lang kunbaga. Nagpapansinan na kami kapag nagkikita kami pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Minsan pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Mas malapit sila ni Isabel, iyong napangasawa ni Jeff. Noong kasal nga, napaiyak si Mrs. Corpuz at mahigpit silang nagyayakapan. Nag-usap sila at nagtawanan.Hindi naman ako naiinggit na ganoon sila, na mas malapit sila at mas makuwento ni Mrs. Corpuz sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay hindi na galit sa akin si Mrs. Corpuz at tanggap na niya ako para sa anak niya. "I don't love her. This is just business after all."Iyon ang narinig kong sabi ni Jeff nang tanungin siya ni Jake kung may nararamdaman ba siya para sa babaeng naipakasal sa kanya. Iyon naman talaga ang palaging iniisip ni Jeff, ang negosyo. Hindi uso sa kanya ang umibig. Iyong sa aming dalawa noon, pag-ibig pa rin naman 'yon pero para
Simula nang lumipat kami ni Jake ay sa bahay na lang din siya nagtatrabaho. Araw-araw siyang may kausap sa cellphone at may ka-zoom meeting sa laptop. Madalang lang siya kung umalis at kung aalis man siya, sinisiguro niyang makakauwi siya sa gabi. Hindi niya ako hinahayaan dito sa bahay na mag-isa. Pero hindi naman talaga ako mag-isa kasi may may mga katulong naman at guards. Kaya lang hindi kampante si Jake kapag gano'n. Minsan nga kapag aalis siya buong araw ay pinapakiusapan niya sina Nanay at Tatay na samahan ako dito. Sinisiguro niyang may makakatingin sa akin habang wala siya. Gusto niyang ligtas ako.May plano na rin kaming magpakasal sa susunod na taon. Hindi na kasi kaya sa taon na ito dahil nasa ika-fourth quarter na at wala ng tamang panahon para mag-prepara. Tsaka ngayong taon na ito ikakasal si Jeff at ang fiancee niya kaya hindi rin kami pwede ni Jake dahil bawal 'yon base sa pamahiin ng mga matatanda.At ang isang dahilan, hindi pa kami nag-kakaayos ni Mrs. Corpuz..."I
Yakap-yakap pa ako ni Jake sa puntong iyon nang biglang nakawala ang matandang lalaki mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Tumakbo siya palapit sa amin at walang pag-aalinlangan na binaril si Jake. Tumigil ang mundo para sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Nagwala. Humagulhol ng iyak. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako. Sumisikip na ang dibdib ko.Napapikit ako habang nagmamakaawa sa Panginoon. Huwag niyo pong kunin sa akin si Jake...Parang awa niyo na...Jake...Jake!Nagising ako bigla. Umiiyak pa rin ako at nagwawala. Sinisigaw ko ng paulit-ulit ang pangalan ni Jake. Pero sa pagkakataong ito ay nasa ibang silid na ako kung saan puti lahat ang pintura. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama.Kasalukuyan akong niyayakap ni Jake."Mia, please calm down. You are safe now. Please."Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi habang hinahalikan ang ulo ko. Umiiyak pa rin ako kasi akala ko totoo na ang nangyari. Akala ko totoong nabaril si Jake. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahilan k
Nagising ako dahil sa malakas na paghampas ng isang bagay na hindi ko mawari kung ano.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit ang pagmulat ay nahihirapan ako. Ramdam ko rin ang pagod at panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko naibukas ng mabuti ang aking mga mata dahilan kung bakit hindi ko halos makita ng maayos ang nasa harapan ko. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang gumagalaw na braso hawak ang isang bote ng alak. Naibaba ang bote sa isang lamesa at pagkatapos ay gumalaw ulit ang braso. Paulit-ulit iyon na nangyari hanggang sa dumilim ulit ang paningin ko.Sa pangalawang pagkakataon na nagising ako dahil sa malakas na paghampas sa aking balikat."Hey! Wake up!" narinig kong sigaw ng isang boses. Ngayon ay naimulat ko na ng maayos ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero. Hindi ko makita ng mabuti ang mga mata niya pero pamilyar iyon sa akin."Finally, nagising ka na," nakangisi niyang sabi. Akmang h
Mag-iisang linggo na kami dito sa bahay kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jake na umuwi na bukasan. Excited na rin akong bumalik sa trabaho para makita sina Andrea at Joyce. Tinawagan ko sila noong isang araw para kumustahin sila. Connecting calls ang ginawa ko para makausap ko rin si Joyce."Alam mo ba, Mia, itong si Andrea parang ewan. Umiyak kasi nalaman niyang may jowa pala 'yong crush niya," kwento ni Joyce ss akin."Ay, talaga? Akala ko ba single 'yon?""Akala nga din niya. Pero may girlfriend naman pala. Hindi lang ata niya nakita-""Eh, wala naman talaga! Kasi sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng building ay wala siyang kasama," putol ni Andrea habang may sinasabi si Joyce."Kung nasa labas ng building, ibig sabihin no'n may hinihintay.""Eh, hindi ko nga nakikita na may sumasalubong sa kanya-""Paano mo malalaman? Nasa loob tayo ng building-""Tuwing nakikita ko nga siya sa labas ay wala-"Napailing na lamang ako nang magtalo na silang dalawa. Kahit dalawang linggo pa
"Careful," bulong sa akin ni Jake habang nakapikit ako at nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko. Nakasuporta naman ang isang kamay niya sa baywang ko para hindi ako matumba sa paglalakad. Nakarating na kami sa sinabi niyang lugar kung saan surpresa raw niya iyon para sa akin. Na-eexcite ako habang nag-iisip kung ano bang lugar itong inihanda niya. "Malayo pa ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ilang hakbang na kasi ang nagawa ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang takip sa aking mata at tsaka gusto ko na rin kasing makita ang lugar."Malapit na."Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa pinatigil na niya ako."Dito na?" Ang boses ko ngayon ay parang sumisigaw na sobrang excitement.Kasabay ng pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko ay siya rin namang pagmulat ko.Tumambad sa amin ang isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon na yari sa salamin ang naglalakihang mga dingding. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya naman nakikita ko kung ano ang nasa loob. May malaking livin