공유

Kabanata 4

작가: Miss Prairie
last update 최신 업데이트: 2025-03-07 00:01:02

Nagtipon ang mga empleyado ng kompanya sa malaking function hall alas dos ng hapon. Halos lahat ay nandito na maliban na lang sa mga security guards at receptionists na hindi pwedeng umalis sa kanilang mga trabaho. Ilang minuto na lang din at magsisimula na ang meeting.

"May ideya ka ba kung anong pag-uusapan natin ngayon?" tanong ni Joyce kay Andrea.

"Hindi ko rin alam, eh," tugon ni Andrea. Bumaling siya sa akin. "May nasabi ba si Sir Jeff sa 'yo kung tungkol saan ang urgent meeting?"

Tumango ako.

"Tungkol saan daw?"

"Ayos talaga kapag boyfriend mo ang boss. Mauuna ka sa mga impormasyon," nakakalokong sabi ni Joyce. Napatawa si Andrea.

Hindi ako tumawa dahil napa-isip ako ng ilang sandali. Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sa kanila ang sinabi sa akin ni Jeff kanina at tsaka ayokong mapag-usapan ang kambal niya. "May ipapakilala daw sina Mr. and Mrs. Corpuz sa atin."

"Sino?"

Dikit na dikit na ang mga mukha ni Andrea at Joyce sa akin. Naghihintay ng sagot ko.

"Isa sa miyembro ng pamilya nila. May mataas daw na posisyon na ibibigay."

Naguluhan ang mukha ni Joyce. "Ha? Sinong miyembro naman?"

"Oo nga. May nakababata pa bang kapatid si Sir Jeff?"

Hindi ko na nasagot iyon nang pumasok na sila Mr. and Mrs. Corpuz sa hall kasunod si Jeff. Bumaling kami at ang ibang empleyado sa kanila.

"Good afternoon everyone!" masigla at nakangiting bati ni Mr. Corpuz. Si Mrs. Corpuz naman ay tahimik lang sa tabi niya na nagmamasid sa amin. "Sorry for the inconvenience. Alam kong may hinahabol kayong mga reports at may pa-urgent meeting pa kami," hilaw na tumawa si Mr. Corpuz.

Nakita ko namang seryoso si Jeff na nakatingin din sa amin. Nahanap niya ako at ilang segundo lang kami nagkatitigan at pagkatapos ay tumingin na ulit siya sa ibang empleyado.

"Don't worry. Since naabala namin kayo this afternoon Jeff decided to extend the deadline of reports."

Naghiyawan ang mga katrabaho ko dahil sa magandang balita.

"Hay, salamat naman," ani Andrea.

"Kahit i-extend pa wala na rin naman akong problema kasi natapos ko na ang mga responsibilidad ko," sabi naman ni Joyce. Sa aming tatlo siya ang mabilis matapos sa mga reports niya habang si Andrea naman ang pinakamatagal.

Nagpatuloy si Mr. Corpuz. "And we have prepared foods for you pagkatapos ng meeting."

Naghiyawan ulit. Ito ang nagustuhan ko sa kompanyang pinagtatrabahuan ko kasi galante sila. Nagpapakain sila sa mga empleyado kahit simpleng meeting lang.

"Wow naman. Parang hindi na ata ako mag-didinner pag-uwi," sabi ni Andrea. Sa aming tatlo siya ang pinamatangkad at may pinakamanipis na pangangatawan. Maliit lang din ang dibdib at pwet niya. Mi-ni-maintain niya ang katawan niya na ganoon ka slim.

"Ay, ako, mag-didinner pa rin ako. Baka nga magbalot pa ako mamaya ng tirang pagkain at iyon ang kakainin ko sa bahay."

Napatawa kami ni Andrea sa sinabi ni Joyce. Siya ang medyo malaman sa aming tatlo. Palaging may gana sa pagkain.

"Actually, our meeting for this afternoon is not about our accomplishment or any related topics of our company's performace for the past few months. We will schedule another meeting for that. What we are going to do right now is to announce to all of you a very important matter. An important person of our family that will be part in this company. I want you to welcome my other son, Jake Andrian Corpuz."

Napaismid ako nang malaman ko ang totoong pangalan niya. Nagulantang naman ang halos lahat nang pumasok ang kambal ni Jeff. Nakasuot siya ng kulay navy blue na long sleeve polo short na pinaresan ng itim na pantalon at itim na leather shoes. Tumayo siya sa tabi ni Jeff. Tama nga ang sinabi ng boyfriend ko na magkapareho sila ng tangkad at maski ang paraan ng tindig. Pero kahit na ganoon kitang kita ko pa rin ang kaunting pagkakaiba nilang dalawa. Magkaiba sila ng buhok. Mas maiksi at malinis tingnan ang kay Jeff samantalang mas mahaba ang sa kambal niya. Ganoon pa rin ang pagkakaayos ng buhok nito kagaya ng huli naming pagkikita.

Napairap ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. Sa dami ng empleyado sa hall ay nahanap niya ako kaagad. Nagkatitgan kami ng ilang sandali.

"My son Jake is obviously a twin brother of Jeff. Nawala siya sa amin noong bata pa siya. Isang iyong malaking pagsubok ng aming pamilya. Ilang taon din namin siyang hinanap." Hinawakan ni Mr. Corpuz ang kamay ng asawa niya. Dumaan ang lungkot sa mukha nila. Nagpatuloy si Mr. Corpuz. "But Jeff did his best para lang makita ang kambal niya and we are so happy because of that. Jake is now here with us. He will be part of us here in Corpuz Insurance Company." Bumaling si Mr. Corpuz sa mga anak niya na magkamukhang-magkamukha. Malapad na ngumiti si Jake habang si Jeff ay seryoso pa rin ang mukha. "I hope you welcome Jake warmly kagaya ng pagtanggap ninyo sa anak kong si Jeff," dugtong ni Mr. Corpuz.

Nagpalakpakan ang mga empleyado kahit na may bahid pa rin ng gulat sa kanilang mga mukha.

"Alam mo ba 'to, Mia?" tanong sa akin ni Joyce na halos hindi dire-diretso ang pagpalakpak.

"Kanina lang din sinabi sa akin ni Jeff na ipapakilala ang kambal niya."

Tumango-tango si Joyce.

"Omg! Mas bet ko si Sir Jake," nakangising sabi ni Andrea at kinagat kanyang ibabang labi.

"Hala huwag kang ganyan, Andrea. Same sila ng mukha ni Sir Jeff. Huwag mong sabihin crush mo rin si Sir Jeff." Bumaling sa akin si Joyce. "Naku, Mia, bantay-bantayan mo 'tong si Andrea. Parang may itinatagong pagnanasa sa boyfriend mo."

Tumawa si Andrea. "Hindi, ah. Malakas lang kasi ang dating ni Sir Jake para sa akin. Palangiti kasi siya at approachable tingnan hindi kagaya ni Sir Jeff na palaging seryoso at hindi palangiti. Hindi ba, Mia, tama ako?"

Tumango ako. Kahit na ako, sasang-ayon ako sa sinabi ni Andrea kasi totoo ang sinabi niya.

"Oh, 'di ba tama ako?" Muling bumaling si Andrea sa harapan. "Parang nakaka-excite naman pumasok araw-araw nito."

Napatawa si Joyce. "Bago pa lang naipakilala nangangati ka na diyan. Tsaka baka nakakalimutan mo, Andrea, may boyfriend ka."

Hinampas ni Andrea si Joyce. "Grabe ka naman sa nangangati, Joyce. Hindi ba pwedeng happy crush lang? Eh, boyfriend ko nga may crush din siya sa trabaho nila. Hindi naman ako nagagalit kasi alam kong admiration lang 'yon."

"Ay, ewan ko sa inyo. Hindi ko alam na may ganoon pala."

Napatingin ulit ako kay Jake at nadatnan ko na naman siyang nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at tumingin na lamang ako kay Jeff na kasalukuyang nakatingin sa Daddy niya na tinawag na ang mga department heads para ipakilala si Jake sa mga ito. Nagkamayan sila at nagkausap.

Habang nangyayari iyon ay kanya-kanya nang nagbulungan ang mga empleyado.

"Nakakagulat talaga ang balitang ito. Baka bukas pa ito mag-sink in sa utak ko," sabi ni Andrea.

"Oo nga, eh. Mabuti na lang at dumating na ang pagkain. Kahit papaano ay mapalitan ang gulat sa ating katawan ng pagkatakam," sabi naman ni Joyce habang doon nakatingin sa bandang likuran kung saan inihahanda na ang mga pagkain. Nakabuffet iyon.

Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa ako pero hindi ko magawa-gawa ngayon dahil nahuhuli ko na naman si Jake na sumusulyap sa akin.

Umiwas na ako ng tingin sa kanya at ginaya na lang si Joyce at sa pagkain na lang ibinuhos ang atensiyon.

Kalaunan ay sinabihan na kami ni Mr. Corpuz na pwede nang kumain kaya naman kumuha na kami ng pagkain. Habang kumakain kami ay lumilibot si Jeff sa mga lamesa ng mga empleyado kasama si Jake, nagpapakilala siya. Kasama na doon ang pagpapa-cute sa mga babaeng empleyado na halata naman na nasisiyahan lalo na at ngumingiti siya ng malapad.

Tiyempo naman na tapos na akong kumain nang makarating na sila sa lamesa na inuukupa namin nila Joyce at Andrea.

Naunang lumapit sa akin si Jeff at hinawakan ako sa kamay. Iginiya niya ako palapit kay Jake. Nakita ko naman kung paano nakasunod ang mga mata ni Jake sa akin.

"Jake, this is Mishana Aletheia Sanchez, my girlfriend," pakilala ni Jeff sa akin.

Nagkunwari naman na hindi ako kilala ng kambal niyang si Jake. Ipinakita ni Jake na nagulat ang mukha niya. "Ah, really? Iyong nai-kwento mo na matagal mo nang girlfriend? Five years na kayo, right?" Sa paraan ng pagtanong niya na parang hindi siya sigurado kahit na alam kong alam niya.

Nasagot kahit papaano ang isang tanong ko kung paano nalaman ni Jake ang tungkol sa amin ni Jeff. Naikwento pala ni Jeff ang tungkol sa relasyon naming dalawa.

Pero hindi pa rin nasasagot ang tanong ko kung bakit nagkunwari si Jake bilang si Jeff?

Iyon ang kailangan kung alamin.

"Yes," tugon ni Jeff sa naging tanong ng kambal niya. "You can call her Mia. That's her nickname."

Ngumiti si Jake na siyang ikilabot ko. "Hi, Mia? Nice meeting you."

Tipid lang akong ngumiti. Kung hindi pa lang nakatingin sa akin si Jeff ay baka hindi na talaga ako ngumiti kahit kaunti.

Kumindat pa sa akin si Jake nang napatingin si Jeff sa aming gilid kung saan palapit ang iilang department sa aming banda.

Umirap ulit ako dahil hindi ko gusto ang mga ginagawa niya. Imbis na tumigil siya ay mas lalo siyang ngumiti dahil alam niyang naiinis ako sa ginagawa niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • His Pretentious Love   Kabanata 65

    Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Corpuz pero hindi ko masasabing malapit na kami sa isa't isa. Tamang pakikitungo lang kunbaga. Nagpapansinan na kami kapag nagkikita kami pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Minsan pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Mas malapit sila ni Isabel, iyong napangasawa ni Jeff. Noong kasal nga, napaiyak si Mrs. Corpuz at mahigpit silang nagyayakapan. Nag-usap sila at nagtawanan.Hindi naman ako naiinggit na ganoon sila, na mas malapit sila at mas makuwento ni Mrs. Corpuz sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay hindi na galit sa akin si Mrs. Corpuz at tanggap na niya ako para sa anak niya. "I don't love her. This is just business after all."Iyon ang narinig kong sabi ni Jeff nang tanungin siya ni Jake kung may nararamdaman ba siya para sa babaeng naipakasal sa kanya. Iyon naman talaga ang palaging iniisip ni Jeff, ang negosyo. Hindi uso sa kanya ang umibig. Iyong sa aming dalawa noon, pag-ibig pa rin naman 'yon pero para

  • His Pretentious Love   Kabanata 64

    Simula nang lumipat kami ni Jake ay sa bahay na lang din siya nagtatrabaho. Araw-araw siyang may kausap sa cellphone at may ka-zoom meeting sa laptop. Madalang lang siya kung umalis at kung aalis man siya, sinisiguro niyang makakauwi siya sa gabi. Hindi niya ako hinahayaan dito sa bahay na mag-isa. Pero hindi naman talaga ako mag-isa kasi may may mga katulong naman at guards. Kaya lang hindi kampante si Jake kapag gano'n. Minsan nga kapag aalis siya buong araw ay pinapakiusapan niya sina Nanay at Tatay na samahan ako dito. Sinisiguro niyang may makakatingin sa akin habang wala siya. Gusto niyang ligtas ako.May plano na rin kaming magpakasal sa susunod na taon. Hindi na kasi kaya sa taon na ito dahil nasa ika-fourth quarter na at wala ng tamang panahon para mag-prepara. Tsaka ngayong taon na ito ikakasal si Jeff at ang fiancee niya kaya hindi rin kami pwede ni Jake dahil bawal 'yon base sa pamahiin ng mga matatanda.At ang isang dahilan, hindi pa kami nag-kakaayos ni Mrs. Corpuz..."I

  • His Pretentious Love   Kabanata 63

    Yakap-yakap pa ako ni Jake sa puntong iyon nang biglang nakawala ang matandang lalaki mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Tumakbo siya palapit sa amin at walang pag-aalinlangan na binaril si Jake. Tumigil ang mundo para sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Nagwala. Humagulhol ng iyak. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako. Sumisikip na ang dibdib ko.Napapikit ako habang nagmamakaawa sa Panginoon. Huwag niyo pong kunin sa akin si Jake...Parang awa niyo na...Jake...Jake!Nagising ako bigla. Umiiyak pa rin ako at nagwawala. Sinisigaw ko ng paulit-ulit ang pangalan ni Jake. Pero sa pagkakataong ito ay nasa ibang silid na ako kung saan puti lahat ang pintura. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama.Kasalukuyan akong niyayakap ni Jake."Mia, please calm down. You are safe now. Please."Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi habang hinahalikan ang ulo ko. Umiiyak pa rin ako kasi akala ko totoo na ang nangyari. Akala ko totoong nabaril si Jake. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahilan k

  • His Pretentious Love   Kabanata 62

    Nagising ako dahil sa malakas na paghampas ng isang bagay na hindi ko mawari kung ano.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit ang pagmulat ay nahihirapan ako. Ramdam ko rin ang pagod at panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko naibukas ng mabuti ang aking mga mata dahilan kung bakit hindi ko halos makita ng maayos ang nasa harapan ko. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang gumagalaw na braso hawak ang isang bote ng alak. Naibaba ang bote sa isang lamesa at pagkatapos ay gumalaw ulit ang braso. Paulit-ulit iyon na nangyari hanggang sa dumilim ulit ang paningin ko.Sa pangalawang pagkakataon na nagising ako dahil sa malakas na paghampas sa aking balikat."Hey! Wake up!" narinig kong sigaw ng isang boses. Ngayon ay naimulat ko na ng maayos ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero. Hindi ko makita ng mabuti ang mga mata niya pero pamilyar iyon sa akin."Finally, nagising ka na," nakangisi niyang sabi. Akmang h

  • His Pretentious Love   Kabanata 61

    Mag-iisang linggo na kami dito sa bahay kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jake na umuwi na bukasan. Excited na rin akong bumalik sa trabaho para makita sina Andrea at Joyce. Tinawagan ko sila noong isang araw para kumustahin sila. Connecting calls ang ginawa ko para makausap ko rin si Joyce."Alam mo ba, Mia, itong si Andrea parang ewan. Umiyak kasi nalaman niyang may jowa pala 'yong crush niya," kwento ni Joyce ss akin."Ay, talaga? Akala ko ba single 'yon?""Akala nga din niya. Pero may girlfriend naman pala. Hindi lang ata niya nakita-""Eh, wala naman talaga! Kasi sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng building ay wala siyang kasama," putol ni Andrea habang may sinasabi si Joyce."Kung nasa labas ng building, ibig sabihin no'n may hinihintay.""Eh, hindi ko nga nakikita na may sumasalubong sa kanya-""Paano mo malalaman? Nasa loob tayo ng building-""Tuwing nakikita ko nga siya sa labas ay wala-"Napailing na lamang ako nang magtalo na silang dalawa. Kahit dalawang linggo pa

  • His Pretentious Love   Kabanata 60

    "Careful," bulong sa akin ni Jake habang nakapikit ako at nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko. Nakasuporta naman ang isang kamay niya sa baywang ko para hindi ako matumba sa paglalakad. Nakarating na kami sa sinabi niyang lugar kung saan surpresa raw niya iyon para sa akin. Na-eexcite ako habang nag-iisip kung ano bang lugar itong inihanda niya. "Malayo pa ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ilang hakbang na kasi ang nagawa ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang takip sa aking mata at tsaka gusto ko na rin kasing makita ang lugar."Malapit na."Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa pinatigil na niya ako."Dito na?" Ang boses ko ngayon ay parang sumisigaw na sobrang excitement.Kasabay ng pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko ay siya rin namang pagmulat ko.Tumambad sa amin ang isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon na yari sa salamin ang naglalakihang mga dingding. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya naman nakikita ko kung ano ang nasa loob. May malaking livin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status