"Grabe, ang galing mambola ni Sir Jake. Marami ang babaeng empleyado ang kinilig kahapon," natatawang sabi ni Andrea kinabukasan habang naglilinis siya ng lamesa niya.
"Pansin ko rin. Lalo na si Danika from HR department, ang lagkit kong makatingin. Kung ice cream lang si Sir Jake baka natunaw na 'yon," sabi naman ni Joyce habang umiinom ng kape. "Hindi mo rin siya masisisi kasi sobrang gwapo ni Sir Jake," kinikilig na sabi ni Andrea. "Akala ko ba ang pinakagwapong lalaki para sa 'yo ay ang boyfriend mo?" nakakalokong tanong ni Joyce. Napatawa si Andrea at hindi makasagot. Umagang-umaga ay si Jake kaagad ang pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Kahit naiinis ako pero hindi ko pinahalata iyon. "Ay, hindi na makasagot. Baka naman tama nga talaga ang hinala ko kahapon na may gusto ka kay Sir Jeff at sinasabi mo lang na si Sir Jake ang bet mo." "Tumigil ka na nga, Joyce. Hindi ba't sinabi ko na rin kahapon na mas malakas ang dating ni Sir Jake." Bumaling sa akin si Andrea. "No offense Mia, ah. Pero hindi ko magugustuhan si Sir Jeff. Natatakot nga ako sa kanya sa totoo lang. Para kasing hindi mo mabiro at parang hindi masaya sa buhay." "Grabe ka naman," natatawang sabi ko. Pati si Joyce ay napatawa na rin. Sa limang taon namin ni Jeff nakita ko naman siya na masaya pero minsan nga lang iyon dahil kadalasan ay seryoso siya. "Oo. Iyon ang nakikita ko. Ikaw naman kasi, eh. Kailan mo ba 'yon paliligayahin sa kama at para naman ngumiti 'yon kahit papaano." "Andrea!" saway ko. Malakas na napatawa si Joyce. Napailing na lamang ako. "Dahil palangiti si Sir Jake at parang masaya palagi ibig bang sabihin niyan ay palagi din itong maligaya sa kama? Tama?" natatawang tanong ni Joyce. Tumili si Andrea. Mabuti na lang at maaga pa at kami pa lang ang nandito kaya walang magtataka kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. "What if ganoon nga?!" Nagtawanan silang dalawa. Uminit ang pisngi ko at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aking sarili. Pumasok sa aking isipan ang makamundong ginawa namin ni Jake noong isang gabi. Nakaramdam ako ng inis sa aking sarili. Bakit ko iniisip 'yon? Natigil silang dalawa nang biglang bumukas ang glass door at pumasok si Jake. Suot ang kulay brown na long sleeve polo shirt pinaresan ng itim na slocks at itim rin na leather shoes. Kaagad siyang ngumiti nang makita kami. "Good morning, ladies!" "Good morning, Sir Jake," sabay na bati rin ng dalawang kaibigan ko. Naging mas malakas nga lang ang pagbati ni Andrea at parang may kasamang tili ang boses. Kaagad akong yumuko at inabala ang sarili sa paglinis ng lamesa ko kahit nagawa ko na kanina dahil sa akin na naman nakatingin si Jake. "Good morning, Mia," bati niya sa akin. Wala akong nagawa kundi batiin siya pabalik. "Good morning, Sir." Napansin niya sigurong hindi ko siya binati kaya naman ginawa niya iyon. Alam kong nang-iinis lang siya. Kung gugustuhin ko hindi ko siya papansinin pero ayaw ko rin na mahalata nina Joyce at Andrea na may kakaiba sa pakikitungo ko kay Jake. Kaya wala rin akong nagawa kundi ang balingan siya. "What snacks do you want para mamaya?" Iniisa-isa niya kaming tiningnan pero nagtagal sa akin. "Ay, manlilibre po kayo, Sir?" excited na sabi ni Andrea. "Yeah." "Pizza na lang, Sir. 'Yong hawaiian." Walang pag-dadalawang isip na tugon ni Andrea. "Okay. How about you, Joyce and...Mia? What do you want?" "Iyon na lang din po, Sir," tipid na sagot ni Joyce. Tumango na lang din ako para hindi na siya magtanong pa ulit. "Okay, magpapaorder ako." "Salamat, Sir Jake," malandi na pagkakasabi ni Andrea. Kumindat si Jake sa kanya. Napayuko ako at bumuntong hininga. Umagang-umaga nilalande niya ang mga empleyado niya. Hindi ko na siya binalingan pa ulit nang umalis na siya sa harapan namin. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwang. Halos mabali ang mga leeg ng mga empleyado habang tinitingnan si Jake sa loob cafeteria na kumukuha ng pagkain pagdating ng tanghali. Halos lahat ng tao doon ay binati niya especially ang mga department heads. "Parang tatakbo sa politiko si Sir Jake. Pinapansin ang lahat," kumento ni Joyce habang kumakain na kami. "I think hindi naman masama ang ginagawa niya," si Andrea. "Hindi ko naman sinabi na masama. Hindi lang ako sanay na makita ang boss natin na sumasabay sa natin dito sa cafeteria para kumain at bago rin sa mga mata ko ang pagiging pala-kaibigan ng boss sa mga empleyado." "Nasanay kasi tayo kay Sir Jeff na hindi palapansin. Hindi nga natin iyon nakita na umapak dito sa cafeteria kahit isang beses." Hindi ako nakaimik dahil totoo iyon. "Pero mabuti din naman iyon para irespeto siya ng mga empleyado niya. May boundaries ang boss at ang empleyado," seryosong sabi ni Joyce. "Tama ka din naman." "Tsaka may possibility pa na abusuhin ka ng mga empleyado mo kapag masyadong kang malapit sa kanila," dagdag ko. Nakita ko kasing nakipag-appear ang isang empleyado kay Jake na parang mag-tropa lang sila at nagkita sa isang kanto. Tumango-tango si Andrea. "May point ka din, Mia." Naninibago kami sa mga ginagawa ni Jake. Malaki ang pagkakaiba sa nakasanayan namin mula kay Jeff. Oo at palabiro din naman sa mga empleyado ang Daddy nila na si Mr. Corpuz pero parang nasobrahan naman ang kinikilos ni Jake. Parang hindi na siya boss kung umasta. May nakipag-selfie pa nga sa kanya na mga babaeng empleyado mula sa isang department. Napairap ako. Kahit sinong babae na lumalapit sa kanya ay hindi niya inaayawan. Malapit na kaming matapos nang biglang lumipat sa aming table si Jake. Natapos na siyang kumain ng lunch. Ice cream na lang ang kinakain niya na nakalagay sa isang maliit na plastic cup. Pwede lang kasi itong bitbitin kaya naman malaya niyang nagawa ang paglapit sa aming banda. Nagsisi ako kung bakit hindi ko binilisan ang pagkain ko. "Hello, ladies!" nakangiti niyang bati sabay upo. Sa harapan ko siya umupo since walang nakaupo doon. Magkaharap kasi sina Joyce at Andrea. Si Joyce ang katabi ko. "Hi, Sir Jake," masiglang bati ni Andrea kay Jake na siyang katabi na niya ngayon. Halatang kinikilig si Andrea kasi namumula ang magkabilang pisngi niya. Kami naman ni Joyce ay tipid lang na ngumiti. "Thank you po sa pizza kanina, Sir," patuloy ni Andrea. "Your welcome." Bumaling siya ulit sa akin. Yumuko ako dahil ayokong tingnan siya. Nakangisi na naman kasi siya at naiinis ako sa ganoong pagmumukha niya. "Ow, hindi ka pala kumakain ng union, Mia?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa kanya at nadatnan kong nasa plato ko na ang mga mata niya. Isa kasi sa mga ulam ay beef steak. Itinabi ko kasi ang mga sibuyas kasi hindi ko gusto ang lasa ng mga iyon. "Opo, Sir. Ayaw ni Mia ng sibuyas," singit ni Andrea. Siya na lang ang nagsalita kasi hindi ako umiimik. "Marami pa namang good benefits ang sibuyas. Sayang naman." Laking gulat ko nang biglang kunin ni Jake ang tinidor na ginamit ko mula sa plato ko at isa-isang tinusok ang mga sibuyas. Walang pagdadalawang isip na sinubo niya iyon sa kanyang bibig habang nakatingin sa akin. Nakatitig siya sa akin habang ngumunguya siya. Wala akong nagawa kundi ang lumunok na lamang sa ginawa niya. Marami akong narinig na pagsinghap mula sa paligid. Kadalasan mula sa mga babaeng empleyado. Maski sina Andrea at Joyce ay nagulat sa ginawa ni Jake. Nanatiling nakadilat ang kanilang mga mata at nakaawang ang mga labi. Akala ko sa umaga lang ako maiinis kay Jake pero ipinagpatuloy niya iyon ngayon. "Ang sarap," sabi niya pagkatapos ibalik sa aking plato ang tinidor. Inubos na niya ang ice cream na dala niya na parang wala siyang ginawang kakaiba. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang ibang empleyado na nag-bubulungan. Napabuntong-hininga ako. "Sir, sa susunod hindi ko na rin kakainin ang sibuyas ng beef steak ko," suhestiyon ni Andrea. Malakas na napatawa si Jake. Palihim akong umirap dahil naiinis akong tinitingnan siya na tumatawa. Pagkatapos niya sa amin ay lumipat na naman siya sa ibang lamesa para makipag-usap at makipagharutan sa mga babaeng empleyado na parang naiihi na ang mga pagmumukha dahil sa paglapit niya. Hindi ko matanggap na araw-araw ko na siyang makikita at araw-araw din akong maiinis sa pagmumukha niya. Pagdating ng hapon ay pumunta ako sa New Account Department, nagpasa ako ng mga official receipts ng mga bagong clients na nag-avail ng insurance program. Nadatnan ko si Jake doon na nakikipagtawanan sa isang empleyado. Dito na naman siya naghahasik ng lagim. May iilan pa akong napansin na makapal ang nilagay na make-up sa mukha. Nanibago ako kasi hindi ko naman napansin dati na nag-me-make-up ang mga ito. Ngayon pa lang at alam ko ang dahilan. Pagkatapos kong maipasa ang listings sa department head ay kaagad akong umalis doon. Naiinis na naman kasi ako. Hindi pa ako tuluyang nakakabalik sa department namin nang biglang may humila sa aking braso. Nagulat ako nang malaman kong si Jake iyon. May multo ng ngiti ang kanyang mga labi at kitang-kita ko sa pagmumukha niya na may binabalak siyang hindi maganda. Hinila niya ako sa isang hallway na walang tao. Isinandal niya ako sa ding-ding at inilapit ang mukha niya sa akin. Mabuti na lang at nakapag-isip kaagad ako ng gagawin kahit na lumalakas na ang tibok ng puso ko kaya naman malakas ko siyang naitulak palayo sa akin. Tumawa siya. "Just one kiss, Mia. Please." Akmang lalapitan niya ulit ako nang nauna ko nang hinampas ang dibdib niya kaya napaatras siya. "Ano ba? Nasa trabaho tayo." Hindi ako sumigaw dahil natatakot ako na may makarinig sa akin. "I missed that damn lips of yours," sabi niya habang titig na titig sa mga labi ko. Gusto kong magmura. "Pwede ba tumigil ka na sa mga ginagawa mo," banta ko. Umiling siya. Sinubukan niya ulit akong lapitan pero hindi niya nagawa iyon nang biglang sumulpot sa hallway si Jeff na masamang nakatingin sa aming dalawa. Hindi ko na alam kung paano pa ako nakatayo ng maayos gayong ang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa takot na nararamdaman.Naging maayos na ang pakikitungo sa akin ni Mrs. Corpuz pero hindi ko masasabing malapit na kami sa isa't isa. Tamang pakikitungo lang kunbaga. Nagpapansinan na kami kapag nagkikita kami pero hindi kami masyadong nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Minsan pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin. Mas malapit sila ni Isabel, iyong napangasawa ni Jeff. Noong kasal nga, napaiyak si Mrs. Corpuz at mahigpit silang nagyayakapan. Nag-usap sila at nagtawanan.Hindi naman ako naiinggit na ganoon sila, na mas malapit sila at mas makuwento ni Mrs. Corpuz sa kanya. Ang mahalaga sa akin ay hindi na galit sa akin si Mrs. Corpuz at tanggap na niya ako para sa anak niya. "I don't love her. This is just business after all."Iyon ang narinig kong sabi ni Jeff nang tanungin siya ni Jake kung may nararamdaman ba siya para sa babaeng naipakasal sa kanya. Iyon naman talaga ang palaging iniisip ni Jeff, ang negosyo. Hindi uso sa kanya ang umibig. Iyong sa aming dalawa noon, pag-ibig pa rin naman 'yon pero para
Simula nang lumipat kami ni Jake ay sa bahay na lang din siya nagtatrabaho. Araw-araw siyang may kausap sa cellphone at may ka-zoom meeting sa laptop. Madalang lang siya kung umalis at kung aalis man siya, sinisiguro niyang makakauwi siya sa gabi. Hindi niya ako hinahayaan dito sa bahay na mag-isa. Pero hindi naman talaga ako mag-isa kasi may may mga katulong naman at guards. Kaya lang hindi kampante si Jake kapag gano'n. Minsan nga kapag aalis siya buong araw ay pinapakiusapan niya sina Nanay at Tatay na samahan ako dito. Sinisiguro niyang may makakatingin sa akin habang wala siya. Gusto niyang ligtas ako.May plano na rin kaming magpakasal sa susunod na taon. Hindi na kasi kaya sa taon na ito dahil nasa ika-fourth quarter na at wala ng tamang panahon para mag-prepara. Tsaka ngayong taon na ito ikakasal si Jeff at ang fiancee niya kaya hindi rin kami pwede ni Jake dahil bawal 'yon base sa pamahiin ng mga matatanda.At ang isang dahilan, hindi pa kami nag-kakaayos ni Mrs. Corpuz..."I
Yakap-yakap pa ako ni Jake sa puntong iyon nang biglang nakawala ang matandang lalaki mula sa pagkakahawak ng mga pulis. Tumakbo siya palapit sa amin at walang pag-aalinlangan na binaril si Jake. Tumigil ang mundo para sa akin. Sumigaw ako ng napakalakas. Nagwala. Humagulhol ng iyak. Pakiramdam ko mamamatay na rin ako. Sumisikip na ang dibdib ko.Napapikit ako habang nagmamakaawa sa Panginoon. Huwag niyo pong kunin sa akin si Jake...Parang awa niyo na...Jake...Jake!Nagising ako bigla. Umiiyak pa rin ako at nagwawala. Sinisigaw ko ng paulit-ulit ang pangalan ni Jake. Pero sa pagkakataong ito ay nasa ibang silid na ako kung saan puti lahat ang pintura. Nakahiga na ako sa isang malambot na kama.Kasalukuyan akong niyayakap ni Jake."Mia, please calm down. You are safe now. Please."Iyon ang paulit-ulit niyang sinabi habang hinahalikan ang ulo ko. Umiiyak pa rin ako kasi akala ko totoo na ang nangyari. Akala ko totoong nabaril si Jake. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahilan k
Nagising ako dahil sa malakas na paghampas ng isang bagay na hindi ko mawari kung ano.Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kahit ang pagmulat ay nahihirapan ako. Ramdam ko rin ang pagod at panghihina ng buong katawan ko. Hindi ko alam kung bakit.Hindi ko naibukas ng mabuti ang aking mga mata dahilan kung bakit hindi ko halos makita ng maayos ang nasa harapan ko. Ang tanging klaro lang sa akin ay ang gumagalaw na braso hawak ang isang bote ng alak. Naibaba ang bote sa isang lamesa at pagkatapos ay gumalaw ulit ang braso. Paulit-ulit iyon na nangyari hanggang sa dumilim ulit ang paningin ko.Sa pangalawang pagkakataon na nagising ako dahil sa malakas na paghampas sa aking balikat."Hey! Wake up!" narinig kong sigaw ng isang boses. Ngayon ay naimulat ko na ng maayos ang aking mata at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero. Hindi ko makita ng mabuti ang mga mata niya pero pamilyar iyon sa akin."Finally, nagising ka na," nakangisi niyang sabi. Akmang h
Mag-iisang linggo na kami dito sa bahay kaya naman napagdesisyunan na namin ni Jake na umuwi na bukasan. Excited na rin akong bumalik sa trabaho para makita sina Andrea at Joyce. Tinawagan ko sila noong isang araw para kumustahin sila. Connecting calls ang ginawa ko para makausap ko rin si Joyce."Alam mo ba, Mia, itong si Andrea parang ewan. Umiyak kasi nalaman niyang may jowa pala 'yong crush niya," kwento ni Joyce ss akin."Ay, talaga? Akala ko ba single 'yon?""Akala nga din niya. Pero may girlfriend naman pala. Hindi lang ata niya nakita-""Eh, wala naman talaga! Kasi sa tuwing nakikita ko siya sa labas ng building ay wala siyang kasama," putol ni Andrea habang may sinasabi si Joyce."Kung nasa labas ng building, ibig sabihin no'n may hinihintay.""Eh, hindi ko nga nakikita na may sumasalubong sa kanya-""Paano mo malalaman? Nasa loob tayo ng building-""Tuwing nakikita ko nga siya sa labas ay wala-"Napailing na lamang ako nang magtalo na silang dalawa. Kahit dalawang linggo pa
"Careful," bulong sa akin ni Jake habang nakapikit ako at nakatakip ang isang kamay niya sa mga mata ko. Nakasuporta naman ang isang kamay niya sa baywang ko para hindi ako matumba sa paglalakad. Nakarating na kami sa sinabi niyang lugar kung saan surpresa raw niya iyon para sa akin. Na-eexcite ako habang nag-iisip kung ano bang lugar itong inihanda niya. "Malayo pa ba?" nakangiti kong tanong sa kanya. Ilang hakbang na kasi ang nagawa ko pero hindi pa rin niya tinatanggal ang takip sa aking mata at tsaka gusto ko na rin kasing makita ang lugar."Malapit na."Ilang hakbang pa ang ginawa ko hanggang sa pinatigil na niya ako."Dito na?" Ang boses ko ngayon ay parang sumisigaw na sobrang excitement.Kasabay ng pagtanggal ng kamay niya sa mga mata ko ay siya rin namang pagmulat ko.Tumambad sa amin ang isang malaking bahay. Dalawang palapag iyon na yari sa salamin ang naglalakihang mga dingding. Nakabukas ang lahat ng ilaw kaya naman nakikita ko kung ano ang nasa loob. May malaking livin