Share

Chapter 5

Penulis: Mar Mojica
last update Terakhir Diperbarui: 2022-08-03 11:00:33

Chapter Five

FEELING ni Maris ay tama naman ang mga sagot niya sa mga tanong ng tutor daw niya. Wala namang right or wrong sa mga general questions. Late bloomer siya pero hindi naman siya bobo. She failed last year's PD because she couldn't write any positive statement about her best friend. Akala yata ng guro niya ay nagbibiro siya o pinaglalaruan lamang ang sagot. Seryoso kaya siya na walang positive trait si Vookie! She also flunked the subject because she couldn't properly dress or walk wearing high heels during their final exam presentation. Like it’s really a big deal para makapasa siya. Saka what's wrong when she wrote who she likes?

Sinagutan niya ulit ang papel na binigay ni River. Maya-maya lamang ay tumunog ang phone niya. Ang papa pala niya ang tumatawag. Marahil upang kumustahin ang tutor niya na hayun at mukhang maagang nag-break time.

Tumpak ang kanyang hinala. Her father asked about River. Ano naman ang sasabihin niya tungkol dito?

"Mukha po siyang manyak, Papa. Pero okay lang naman iyon sa 'kin."

Kung siguro nasa harapan lamang si Maris ng papa niya, for sure naligo na siya ng kape dahil naibuga ng ama sa mukha niya. He's having his break while checking on his only daughter.

"Did River do something wrong? Tell me." His voice was extremely concern. Suspicious.

Naisip ni Maris na nakita man ni River ang buo niyang katawan, wala naman itong ginawang kamanyakan. "Iyon nga, Papa. Wala siyang ginawa kaya naiinis ako sa kanya..." Hindi man lang nito na-appreciate ang magandang katawan niya. Instead, he insulted her. Sayang naman ang ibabayad ng papa niya kung hindi naman pala pagbubutihan ng River na iyon ang trabaho niya.

"Maris, hindi siya nagtatrabaho sa akin," paliwanag ni Prof. "Estudyante ko siya. He failed my subject kaya kailangan niya ng special project. He needs to graduate."

"Teka, teka lang po," putol niya sa ama. Special project lang siya ni River? Baka naman eksperimentohan lang siya nito at kung ano ang ipagawa sa kanya? Wala pa naman sa tabi niya ang papa niya. "Special project, as in parang final exam? Bakit naman ako pa po ang kinasangkapan n’yo para maging project ng estudyante n’yo?" may himig ng pagtatampong tanong niya.

"Kung sana pinagbuti mo ang pag-aaral at hindi mo naibagsak ang mga subjects mo, Stella Maris! Puro lakwatsa ka kasi at sama diyan sa kaibigan mo!"

Umikot ang mga mata niya sa ere. Kung nandito ang papa niya, hindi niya magagawa kahit kumurap man lang. Malakas ang loob niya ngayon dahil nasa malayo ang ama niya.

Another five minutes had passed. She thought she'll be excused for three days from her father's sermons, but she's mistaken. Napasandal na lang siya sa silya nang matapos ang papa niya. Her life is really normal. Milagro kapag hindi siya napuna ni Prof ng isang araw. Tumayo siya at inisa-isa ang mga memo ng post it na nakaplaster sa fridge.

"Number one, homework. Number two, laundry. Number three, dishes, tapos maglalaba, magluluto, magpaplantsa... Manang Bola?" Binilugan niya ng pulang tinta ang pangalan ng old maid next door. Iyon muna ang uunahin niya. Nang may maasar naman siya pantanggal stress. Pagkakataon na niya dahil wala ang papa niya. Pilyang napangiti si Maris.

"Manang Bola, Manang Bola!" Malalakas na katok na tila magigiba sa kabilang pintuan.

"Maris! Ano’ng nangyayari?" May face mask na kulay itim ang mukha at may nakabalot na shower cap sa ulo nito.

"Si Papa, si Papa!" takot na takot sa sabi niya.

"H-Ha? A-Ano’ng nangyari kay Leandro?" Gumegewang ang mga balakang nito na halos takbuhin ang bahay nila. Lihim na natawa si Maris. Kung sana nakikita ngayon ni Prof ang epic na hitsura ng kapitbahay.

"Nasaan ka, Leandro. Oh, Leandro ko, narito na ako..." Nahawakan ni Maris ang tiyan niya. Ibig na niyang bumunghalit ng tawa sa madamdaming paghahanap ni Manang Bola sa papa niya.

Tinuro ni Maris ang kusina. "Diyan Manang Bola. Lumapit ka riyan! Bilisan mo."

Nagmadali lalo si Manang. Hindi magkandaugaga sa kakaikot at kakahanap kay Prof. "Leandro ko. Ako'y malasin mo, sinta ko..."

"Kaunti pa, Manang. Mga two to three steps pa," utos niyang muli hanggang tumapat si Manang sa refrigerator nila. "Stop, Manang!" Agad namang napahinto ang old maid na parang isang sundalo.

"Dito ba, Maris?" tanong sa kanya.

Marahan niyang nilapitan si Manang at itinuro ang nakabilog ng pulang tinta ng ballpen. "Singilin daw kita, utos ni Papa." Napasinghap si Manang at natakpan pa ng palad ang bibig. Umikot ang mga mata nito na parang zombie at saka nagmamadaling tumakbo. Muntik pa ngang mabangga sa sofa nila.

"May niluluto pa pala ako! Sorry, Maris!" dahilan nito na biglang nawala ang pagkamakata.

"Teka lang po, Manang Bola!" pigil niya rito. "Paano ang utang n’yo?"

Ngunit hindi na siya nilingon pa ng matandang dalaga. Narinig pa niya ang malakas na pagsarado ng kabilang pintuan.

Natampal ni Maris ang noo niya. Kapag tungkol sa papa niya, si Manang Bola ay nagiging makata. Pero kapag singilan na ng utang, para na itong natatae at naghahanap ng arinola! Pinapaupahan kasi nila ang kabilang bahay. Pag-aari iyon ng papa niya at nakakatulong sa panggastos nila. Kaso lang, hindi regular magbayad si Manang Bola. Naiintindihan naman iyon ng papa niya dahil online shop lang ang pinagkukuhanan nito ng income. Nagbebenta si Manang ng mga lingerie online. Hindi kalakasan ang benta lalo na at maraming kompetisyon. Kaya hayan, pamintis-mintis ang pagbabayad ng upa.

Isasara na sana ni Maris ang pintuan na naiwan ni Manang Bola na nakabukas nang may pumaradang pamilyar na kotse sa tapat niya. Napataas ang mga kilay niya nang makilala kung sino ang driver. The return of the living dead. It's River. Baka naman nag-yosi lang or kinita ang girlfriend. Her forehead frowned thinking that he has a girlfriend. That's possible dahil napakaguwapo naman ni River. Para nga itong artista na nakatambal na ng napakaraming leading lady.

Bahagya siyang napaatras nang mamataan ang kulay lilang naglitawan na mga ugat sa leeg ni River. He rapidly walked towards her and yanked her arm. "What did you tell your father?" he interrogated her. "Ano ang sinabi mo kay Professor Pulumbarit na ginawa ko sa ‘yo?"

Namutla si Maris. Sobrang nagtalunan ang mga ugat niya. Pati na ang mga atay at balumbalunan niya. She should be furious because he's like accusing her of something she didn't do. But his warm hands cultivated a deep crater inside her. A hole that could only be blanketed by an entity she couldn't explain. And his dark eyes looking directly at her as if they are enveloping her heart. My god that’s so deep!

"W-Wala—"

"Ano’ng wala? Kakatawag lang sa 'kin ni Prof. Ano’ng isinumbong mo sa kanya?" mariin nitong tanong.

"W-Wala nga..." Wala naman talaga? Wala siyang matandaan. Nalilito siya. Ano ba itong nararamdaman niya?

"Wala?" Nahigit ni Maris ang hininga niya nang inilapit nito ang mukha sa kanya. Halos magdikit na ang labi nila. He looked at her eyes, going down her lips and back to her scared eyes again. "Nothing? Really? You told him I'm a sex maniac, Maris."

Napakurap-kurap siya. The way he say her name was like magic she couldn't move. Gumalaw ang mga daliri niya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Na para bang sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang nerbiyos na nararamdaman niya.

"You don't know me. And you might watch your words or I'll show you how I can be excessive and obsessive when it comes to sex."

Napalunok si Maris. Lalo na nang muling bumaba ang mga mata nito sa labi niya. At unti-unting lumapit.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • His Professor's Daughter   Epilogue

    MALAKAS ang palakpakan nang umakyat ng entablado si Maris. Mabuti nga at nakahabol siya kahit hindi na siya nakapagbihis. Tinanggap niya ang kanyang diploma at iwinagayway iyon sa harap ng mga manonood. Mas umingay ang mga tao dahilan sa lahat ng inimbitahan nila kanina ay nagsunuran din sa kanila ni River.Binitbit ng isa niyang kamay ang mahabang laylayan ng kanyang trahe de boda at dahan-dahan na bumaba ng entablado. It was the first time that her University allowed such ridiculous idea in attending a graduation. Mabuti na lang at malakas ang mga Andrada at siyempre, matunog pa rin ang pangalan ni Professor Pulumbarit. And besides, she's a cum laude and earned the seventh place on the latest Civil Engineering Board Exam. Sigurado siya, masayang-masaya ang yumaong ina para sa kanya. She looked up the sky and uttered to herself, "Thank you, Mama." Saka siya umusal ng maikling dasal at pasasalamat sa Maykapal dahil sa tinatamasang biyaya na akala niya ay hindi na niya mahahawakan kail

  • His Professor's Daughter   Chapter 101

    "SORRY, bes. Nadulas ako. Iyang asawa mo kasi. May Press Con daw kaya tuloy..."Hindi makapaniwala si Maris. Paglabas nila ng bulwagan ay naghihintay na roon ang kanyang ama. Kasama si Manang Bola, si Nurse Lita at Vookie."Ano na naman ito, Stella Maris?"Sa halip na sagutin ang ama ay si Vookie ang hinarap ni Maris. "Gabing-gabi na. Paano kung may mangyari kay Papa?" Hinarap din niya sina Manang Bola at Nurse Lita. "At kayo? Hindi n'yo man lang naisip na mapapagod si Papa?""Si Prof kaya ang may gustong sumugod dito..." dugtong pa ng kaibigan."Ako ang nagpumilit na pumunta rito nang malaman kong kasal ka na!"Ngunit hindi niya pinapansin ang ama. "Vookie mooo!" nagpipigil sa galit na sabi niya."Vookie mo rin, bes!"Napapikit na lang siya. At unti-unti ay napangiti siya. Panahon na upang aminin niya sa ama ang tunay niyang nararamdaman. Hindi na siya bata. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang i

  • His Professor's Daughter   Chapter 100

    HALOS matapilok si Maris sa pagtakbo. Ibig niyang makaalis agad mula sa lugar na iyon. Hindi niya kayang harapin ang kahit sino. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Mahal niya si River. Mahal na mahal. Mas masakit aminin ngayon kung gaano niya ito kamahal kumpara noon. Dahil ngayon ay dobleng sakit ang kapalit nito. Dinudurog nito ang kanyang puso.Isang hakbang bago siya makalabas ng bulwagan ay may humagip sa kanyang palapulsuhan. Sobrang higpit ng kapit nito sa kanya kaya't napahinto siya. She looked whoever it was who stopped her from leaving away. Only to find out it was River with his endangering eyes. "And where do you think you're going?" humihingal nitong tanong sa kanya. Halatang sinugpong nito ang kanilang pagitan upang maabutan siya.Napalunok siya. Hindi niya matagalan ang mga titig nito sa kanya. "R-River..." Nangatal ang labi niya at napayuko na lamang. Naroroon pa rin ang mga tao na tila hinihintay na tuluyan na siya

  • His Professor's Daughter   Chapter 99

    "HELLO, River. It's been a long while."River turned around to check where the voice came from. Wala siyang reaksyon na pinagmasdan si Amelia Yap. Tumanda na ang hitsura nito. Alam niya kung gaano nito itinatago sa pamamagitan ng mga kolorete ang mga gitla sa maamong mukha. He couldn't find her angelic face like what he saw with her years ago. Wala na siyang alam tungkol dito. Noong umalis siya sa Pilipinas at tumungo sa Norway, iisang babae lamang ang hinahanap ng kanyang mga mata. The angel with the poisonous venom that killed him so many times in his dreams. Yet he's still longing for that woman to see."It's you," he said. He doesn't have any idea what Amy is still doing in his property. He remembered not inviting any of the Yap's family in any of Andrada's entities. "Just saying hello to an old-time friend," she told him. "Why don't you sit here?" It was Tristan. Trying again to be friendly. Habang nanahimik naman sina Hawk at Hero.

  • His Professor's Daughter   Chapter 98

    THE huge hall was dark. But darkness filled with dancing lights. Nakasisilaw ang mga iyon sa tuwing tatama sa mga mata ni Maris. Maingay din ang tugtog. Hindi niya halos marinig ang tinig ni River na mahigpit ang hawak sa kanyang mga kamay."Don't go anywhere! Just hold my hand. I don't want to lose you," River nearly yelled for her to hear.May imi-meet lamang daw ang asawa at pagkagaling dito ay pupuntahan nila ang mga magulang na nasa pinakaitaas ng floor sa mismong gusali na iyon. Hindi nga niya maintindihan kung bakit isinama pa siya nito sa party na iyon dahil hindi naman siya imbitado.River was smiling very wide while greeting his friends. Napapatingin ang mga nakakakilala rito sa kanya. But he didn't mention anything about her or about their sudden marriage. Akala niya ay ilalantad siya nito sa mga kaibigan? Mali ba ang narinig niya?Malayo pa lamang ay tanaw na niya ang pamilyar na mga kaibigan ni River. Si Hawk Salazar ay guwapong-guwap

  • His Professor's Daughter   Chapter 97

    NASA sala si River at kampanteng nakaupo sa malambot na sopa. Naka-de kwatro pa ito habang nanonood ng TV."Hindi ka ba papasok sa work?" tanong ni Maris. Nakabihis na siya ng simpleng puting t-shirt at maong shorts.Lumandas ang mga mata ni River sa katawan niya. Pakiramdam tuloy niya ay may gumapang sa kanyang buong katauhan. The way he looked at her was so intense. With a lecherous touch. As if he's removing her clothes piece by piece."Not today..." he asserted. "Come sit with me." Tinapik nito ang bakanteng eapasyo sa tabi. The ef! Ibig magmura ni Maris. Panay na naman kasi kabog ng dibdib niya. Pero sinunod naman niya ito.Parang nanigas siya nang dumantay ang braso nito sa kanyang katawan. Inakbayan siya nito at bahagya pang hinapit palapit. Napasinghap siya nang idikit ni River ang ilong sa kanyang basang buhok. "Ang bango mo..." he mumbled. Her body shivered. Kaya napapikit tuloy siya. "I want to eat you. I want to sme

  • His Professor's Daughter   Chapter 96

    MINSAN pang sinipat ni Maris ang sarili. Wala siyang suot habang nakahiga pa rin sa kanyang kama at natatabingan lamang ng puting kumot ang katawan. Nangyari na ang gusto niya. Ibinigay niya ang sarili kagabi ng buong-buo kay River. Nahagip ng kanyang kamay ang unan sa tabi at doon sumigaw. Umaalon ang kanyang dibdib sa paghingal. She's not anymore a virgin. She's now married to River. Last night was unforgettable. Hindi niya narinig na sinabi ni River na mahal siya nito. But heck! He adored every bit of her. The way he touched her body, the way he kissed and whispered words to her, it was memorable. Sa totoo lang, namamaga pa siya. Hindi niya akalain na ganoon kalaki, kataba at kahaba ang pumasok sa kanya kagabi. She couldn't believe it fit her tight womanhood. She's ashamed to think that she has nothing to hide from River anymore. Dahil dinaanan ng labi nito halos lahat ng parte ng katawan niya. Ilang ulit nitong hinagkan ang maseselang bahagi ng kanyang katawa

  • His Professor's Daughter   Chapter 95

    HINDI malaman ni Maris kung saan ibabaling ang paningin. Sa matipuno at mamasel ba na katawan ni River o sa kagandahan ng silid nito? May mga pictures pa, oh. Ganda! The ef! Sinong niloko niya?She's nervous to death. Kung kanina ay handa siyang maghubad sa harapan nito, ngayon naman ay parang dinadaga ang dibdib niya. Totoo ba talaga na kasal na sila? Pag-aari na siya talaga ni River? 'Til death do us part na ba talaga? Tumayo siya at umiwas dito ng tingin. "M-Magsha-shower lang din ako..."Humakbang siya patungong banyo ngunit mabilis ang kamay ni River na pinigilan siya sa braso."I see you're scared, my beloved ducky. Akala ko ba, you're ready to pay me? You owe me. And it's time. We're legally married. Hindi gaya kanina na gusto mong pagsamantalahan ang katawan kong lupa..."Napanganga siya. "A-Anong sabi mo? B-Bakit naman kita pagsasamantalahan?" natatarantang sabi. Halos magdikit na ang mukha nila ni River."Oh,

  • His Professor's Daughter   Chapter 94

    WALANG reception o anomang selebrasyon. Para nga silang dumaan lamang sa tindahan at may binili sandali. Maging ang kaibigan nitong si Hawk ay nagmamadali silang iniwan pagkatapos nitong pumirma ng kontrata. Ngayon ay pabalik na sila sa condo ni River. At mag-asawa na sila.The ef!The ef!The ef again!Hindi malaman ni Maris kung ano ang gagawin o kanyang iisipin. Tama ba ang nagawa niya? Totoo ba ang nangyari? She's now married to River Andrada? Oh my good, gracious, glory, effin soul!Panay ang talon ng puso niya habang nagmamaneho si River sa kanyang tabi. Walang kibo, walang reaksyon ang mukha. Hindi niya malaman kung natutuwa ba ito o napipilitan lamang. Kaya ngayong nakaparada na ang magarang puting kotse nito ay hindi pa rin siya bumababa. Paano naman kasi ay nagsasalimbayan ang mga tanong sa isip niya. Where is she going to start? Where will she stay? Dito? Sa condo ni River? Sa kama nito? Oh her soul! She's not even his girlfrie

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status