Share

Chapter 007

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-09-03 08:32:02

ZANIYAH

Halos mapamura ako habang patuloy kong binabasa ang kontrata.

Hindi lang tungkol sa pagbubuntis ang nakasulat doon. May mga patakaran tungkol sa pagkain ko, medical checkups, mga gamot na maaari at hindi ko maaaring inumin, at kung sinu-sino lamang ang maaaring makaalam ng tunay kong kalagayan.

Pero mas lalo akong nainis nang makarating ako sa bahagi tungkol sa seguridad.

Hindi ako maaaring lumabas nang walang bodyguard. Hindi rin ako maaaring umalis nang hindi nagpapaalam kay Aamon. Ka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 010

    ZANIYAHKinabukasan, alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Ilang beses akong nagising at hindi ko alam kung dahil naninibago lang ang katawan ko sa lugar o dahil hindi pa rin matahimik ang isip ko sa lahat ng nalaman ko kahapon.Pagbangon ko, inayos ko agad ang kama gaya ng nakasanayan ko sa bahay. Kahit may mga staff naman dito na siguradong gagawa niyon para sa akin, hindi ako sanay na iniiwan lang na magulo ang higaan ko. Pagkatapos, naligo ako at nagsimulang mag-ayos.Isang simple lang na pink halter-neck midi dress na may maliliit na floral prints ang pinili kong isuot. Ipinares ko iyon sa puting flat shoes na may maliit na bow. Hinayaan ko lang ding nakalugay ang buhok ko at naglagay ng kaunting make-up.

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 009

    ZANIYAHNapalingon ako nang marinig ko ang boses ni Aamon mula sa likuran.“Zaniyah, come here,” tawag niya habang nakatayo malapit sa hagdan. “Manang Luz will show you your room.”Hindi na ako nakipagtalo. Wala rin naman akong gana na manatili pa sa sala kasama si Megan matapos ang ibinulong niya sa akin.Lumapit sa akin ang isang babaeng mukhang nasa late fifties. Maaliwalas ang mukha niya at nakangiti nang bahagya.“Dito po tayo, Ma’am Zaniyah,” magalang na sabi niya habang itinuturo ang hagdan.“Zaniyah na lang po, Manang,” sagot ko bago ako sumunod sa kanya.Umakyat kami sa second floor at dumaan sa

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 008

    ZANIYAHPaglabas namin ng building, agad akong napahinto nang makita ang magkakasunod na itim na sasakyan sa harapan.May mga lalaking nakasuot ng itim na suit na nakabantay sa paligid, at nang makita nila si Aamon, agad silang tumindig nang maayos.Grabe.Hindi pa nga nagsisimula ang kontrata, parang isang malaking operasyon na agad ang paglipat sa akin sa villa niya.Binuksan ng isang bodyguard ang likod na pinto ng gitnang SUV.“Good evening, ma’am,” magalang nitong sabi habang bahagyang yumuyuko sa akin.Napatingin ako kay Aamon.“Ma’am agad?” tanong ko habang napapailing.

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 007

    ZANIYAHHalos mapamura ako habang patuloy kong binabasa ang kontrata.Hindi lang tungkol sa pagbubuntis ang nakasulat doon. May mga patakaran tungkol sa pagkain ko, medical checkups, mga gamot na maaari at hindi ko maaaring inumin, at kung sinu-sino lamang ang maaaring makaalam ng tunay kong kalagayan.Pero mas lalo akong nainis nang makarating ako sa bahagi tungkol sa seguridad.Hindi ako maaaring lumabas nang walang bodyguard. Hindi rin ako maaaring umalis nang hindi nagpapaalam kay Aamon. Kapag pupunta ako sa pampublikong lugar, kailangan kasama ko ang mga tauhan niya. At kung sakaling payagan akong lumabas, kailangan nasa villa na ako bago mag-alas otso ng gabi.Napatingin ako sa kanya at bahagyang itinaas ang kontrata.“Ano ’to?” tanong ko habang nakakunot ang noo. “Buntis ba ang kailangan mo o preso?”“That’s for security,” maikli niyang sagot habang humaharap sa akin.“Security?” ulit ko habang napapailing. “Twenty-four years old na ako, Aamon. Hindi ako bata para bigyan mo ng

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 006

    ZANIYAH“Sa natural na paraan natin gagawin iyon,” malamig na sabi ni Aamon habang diretso lang ang tingin sa akin.Ilang segundo akong napatitig sa kanya. Narinig ko naman nang malinaw ang sinabi niya, pero parang ayaw iyong tanggapin ng utak ko.Natural na paraan? Ibig sabihin, gusto niyang...Mabilis akong napaatras at niyakap ang sarili ko. “Hindi. Hindi ako papayag na gamitin mo ako sa paraang gusto mo. Siraulo ka ba? May asawa ka! Tapos gusto mo akong ikama,” mariin kong sabi habang umiiling.Hindi man lang siya natinag. Kinuha niya ang baso ng alak at marahang inikot iyon sa kamay niya bago muling tumingin sa akin.“I don’t need your opinion. Hindi mo naman kailangang pumirma ngayon,” kalmado niyang sabi. “Pero sasama ka pa rin sa akin.”Nanlaki ang mga mata ko. “Bakit naman ako sasama sa’yo?” tanong ko.Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palapit sa akin. Sa bawat hakbang niya, kusa naman akong umaatras papalayo sa kanya.“Do you have a choice?” tanong niya habang bahagyang

  • His Purchased Mistress: A Contract for an Heir   Chapter 005

    ZANIYAHParang hindi agad naintindihan ng utak ko ang sinabi niya. Mistress?Ibig sabihin, may asawa na siya at gusto niya akong maging kabit?Matagal na kaming wala. At wala akong karapatang magalit kung nagpakasal siya sa ibang babae.Pero paano naman ako?Habang hinihintay ko ang pagbabalik niya, may iba na pala siyang pinakasalan?Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. “Ano’ng sinabi mo? Gusto mo akong maging kabit?”“Oo,” agad niyang sagot.Napatawa ako at malamig ko siyang tiningnan.“Talagang nawala ka nang limang taon para bumalik at alukin ako ng ganito?” tanong ko. “Ano ako sa tingin mo, Aamon? Isang babaeng mabibili mo dahil lang marami kang pera?” Malamig na ngumisi si Aamon.“Galit ka dahil binili kita. Pero kung si Riven ang nanalo, baka ngayon ay nagmamakaawa kang sana ako na lang ang bumili sa iyo. Hindi ba?”Napakuyom ang mga kamay ko. “Putang ina mo,” mariin at seryoso kong sabi.Hindi man lang siya natinag sa mura ko. Kinuha lamang niya ang baso ng alak at tahimik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status