Share

Chapter 22

last update Last Updated: 2025-03-12 19:21:30

Maagang Umaga – Sa Mansyon ng Montevista

Tahimik na tinanaw ni Althea ang papalayong sasakyan ni Zsa Zsa habang hinahatid ito ng driver patungo sa paaralan. Sa isip niya, magiging tahimik ang umaga ngayon. Pero bago pa man siya makaalis, napako ang tingin niya sa isang pigura sa veranda—si Xander.

Maaga itong nagising, pero imbes na kape ang hawak, isang baso ng alak ang iniinom nito. Nakasuot lang ito ng puting polo na bahagyang nakabukas ang ilang butones, kitang-kita ang matipuno nitong dibdib. Nang mapansin siya ni Xander, agad itong bumaba at lumapit sa kanya.

Nanatili lang si Althea sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung bakit, pero nang tumapat si Xander sa kanya, may kakaibang init ang dumaloy sa kanyang katawan.

Napangiti si Xander—hindi ang tipikal na mapanuksong ngiti, kundi isang bagay na mas banayad, mas malalim. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. "You're wearing white," bulong nito, tila naguguluhan kung bakit siya naaakit nang husto sa itsura ni Alth
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Runaway Wife   Chapter 109

    EPILOGUE – LIMANG TAON MAKALIPAS Third Person POV Maliwanag ang sikat ng araw. Sa isang hardin na pinalibutan ng puting bulaklak at hanging sariwa, isang masayang kasalan ang nagaganap. Simple lang—pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat ngiti, sa bawat sulyap, at sa bawat hakbang. Nakahawak si Althea sa braso ni Zsazsa, ngayon ay siyam na taong gulang, habang naglalakad sa aisle. Si Zsazsa ang nagsilbing flower girl at bridesmaid—proud na proud, may konting arte pa sa lakad, pero may kinikilig sa mata. Sa unahan, nakatayo si Xander. Hindi na siya ‘yung lalaking laging may bigat sa puso. Ngayon, isa na siyang ganap na asawa, ama, at lalaking natutong lumaban para sa pamilya niya. Habang naglalakad si Althea, dahan-dahan siyang tumingin kay Xander. Nandoon pa rin ang kilig, ang lungkot, ang kasaysayan ng nakaraan—pero sa lahat ng iyon, ang nangingibabaw ay pagmamahal. Sa tabi ni Xander, nakaupo si baby Liam—ngayon ay apat na taong gulang, nakasuot ng maliit na coat, at abala sa pag

  • His Runaway Wife   Chapter 108

    THIRD POV Lumipas ang mga araw sa pagitan ng lungkot at pag-asang bumabalot sa tahanan ni Althea. Unti-unti nang lumalaki ang kanyang tiyan, at bawat araw na dumadaan ay parang tinutulak siya ng panahon pabalik sa mga alaala nila ni Xander. Samantalang sa malayong lugar, isang lalaking punong-puno ng pag-aalala at pangungulila ang nakaupo sa labas ng isang lumang ospital. Si Xander. Namumugto ang kanyang mga mata, at tila ba nahulog ang buong mundo sa balikat niya. May tungkulin siyang kailangang tapusin—isang pangako sa nakaraan na matagal na niyang pinasan. At iyon ay si Lilia. Hindi niya kayang sabihin kay Althea ang katotohanan. Alam niyang masasaktan ito. Alam niyang mahirap itong ipaliwanag sa pamilya ni Althea, lalo na sa anak nitong si Zsazsa. Kaya pinili niyang manahimik, magsakripisyo, at muling itago ang sariling sakit. --- XANDER POV “Patawad, Althea…” bulong ko habang nakatanaw sa malamig na burol ng babaeng minsan kong inalagaan.* Lilia is gone. Tinup

  • His Runaway Wife   Chapter 107

    Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n

  • His Runaway Wife   Chapter 106

    Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b

  • His Runaway Wife   Chapter 105

    Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.

  • His Runaway Wife   Chapter 104

    Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status