Share

Kabanata 2

Author: eveinousss
last update Last Updated: 2025-10-19 16:33:12

Nagkulong ako mag-damag sa kwarto ang paulit-ulit na inaalala ang mga nangyari kanina. Ganoon na lang ba talaga kagalit saakin si sir Eros dahil naistorbo ko sila? 

Kung nakamamatay lang ang tingin ay matagal na akong nabuwal sa kinakatayuan ko kanina. Siguro nga ay ganon talaga magalit si sir Eros. Mas gugustuhin mo na lamang maglaho kesa maranasan ang hagupit ng galit niya. 

"Analeia anak?" Rinig kong tawag ni mama saakin mula sa baba. 

Napatingin ako sa oras at alay-dyes na ng gabi. Ganon siya katagal mamasyal kasama ang nobyo niya? Kunot noo akong bumaba upang salubungin siya. 

"Mama? Nagabihan po ata kayo?" Tanong ko ngunit imbes na sagutin ako ay may kinuha siyang malaking paper bag at mabilis na inabot saakin. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang isang mamahaling champagne dress ang nasa loob. 

"Ma, ano po ito? Ano pong meron?" 

"Analeia. Engagement party bukas namin ni Eison. Kaya binilhan ka na namin ng damit dahil alam kong hindi ka bibili." Buong ngiting sagot ni mama. 

Padarag ko itong binitawan. Magkasalubong ang kilay ko habang tinitignan siya.

"May engagement party na kayo? NI hindi mo pa saakin napapakilala ang lalaking ipapagpalit mo kay papa." Asik ko. "Ma, sana naman po ay hinayaan ko munang kilalanin ang lalaking mapapangasawa niyo. Hindi naman po ako tutol kung mag-aasawa po kayo ulit. Ang saakin lang po ay sana naman nirespeto niyo ako bilang anak."

"Ayaw ko lang maistorbo ka sa trabaho anak. Sa wakas ay makakaahon na tayo sa kahirapan." 

"Ma! Hindi tayo mukhang pera! Sapat na ang sahod ko para mabuhay tayong dalawa."

"Nahihirapan ka na! At paano ako? Kailangan ko ng makakatuwang sa buhay. Hindi ako papayag na hanggang dito na lamang tayong dalawa." Mariing sambit ni mama. 

"Hindi pa ba sapat lahat ng ginagawa ko mama? Bakit kailangang biglaan ang lahat? Sana naman po ay inisip niyo ang mararamdaman ko dahil ako? Lagi ko po kayong iniisip at inuuna sa lahat ng bagay! Sana alam niyo iyan!"

Iyon ang huli kong litanya at bago siya tinalikuran. 

"Analeia! Mag-usap muna tayo. Ako ang naki-usap kay Eison na huwag na muna siyang magpakilala sayo. Makikilala mo rin naman siya bukas anak!" 

Umiling ako. Simula nang namatay si papa, nagbago si mama. Sa pakikitungo saakin, sa pananaw niya sa mga bagay-bagay. 

......

Sa takot kong makasalubong si sir Eros ay hindi ako lumabas ng department namin. Baka kapag nakita niya ako ay tuluyan na akong masisante sa trabaho. 

Napa-tap ako sa aking desk at binasa ang invitation card na iniwan kanina ni mama sa sala bago siya umalis at asikasuhin ang kanilang engagement party mamayang gabi. 

Kanina niya pa ako tinatawagan ngunit mas pinili kong hindi muna iyon sagutin. Mahal ko si mama ngunit sa desisyon niyang mag-asawa nang hindi manlang sinasabi saakin ay masakit sa damdamin. 

Lunch na nang tumayo ako saaking desk at naisipang pumunta sa cafeteria para kumain at mag-trabaho na naman ulit hanggang mamayang hapon. 

"Nako! Andamot hindi ka manlang mag-share anong nangyari kahapon sa office ni sir Eros!"  Pangungulit saakin ni Klare. 

"Nakita kong may kalampungan siya sa opisina niya. Nagalit siya saakin at sinabihan na ako na huwag nang magpapakita sa kanya." Diretsa kong sagot. 

"Nako! Wrong timing ka, Analeia! Nabitin 'yon!" 

"Klare, ano ba? Hinaan mo nga iyang boses mo." Pagpapatahimik ko sa kanya at pumasok na kami sa loob ng cafeteria. 

Strawberry cake ang pinili kong kainin. Aalis na sana kami ni Klare nang magkagulo sa dulong bahagi ng cafeteria.

"Nako yong bata nabulunan!" Kinakabahang anunsyo ng isang empleyado.

Mabilis kong binitawan ang nabiling pagkain at patakbong nagtungo sa kinaroroonan ng insidente. 

"Excuse me po!" Pagsingit ko sa kumpulan at doon nakita ang batang nangingisay at nangingitim ang labi. Nakita ko sa kanyang gilid na umiiyak ang kanyang yaya. 

Agad kong binuhat ang bata at pinatalikod ito saakin. Niyakap ko ito at kinuyom ko ang aking kamao malapit sa kanyang sikmura at tinulak ko iyon gamit ang aking isang kamay. Tatlong beses kong inulit iyon at inubo ng bata ang pagkaing nakabara sa kanyang lalamunan. 

"Cloud hijo!" Sigaw ng yaya niya at agad itong niyakap. Ngunit mas nagulat kami sa lalaking kararating at halos buwagin ang buong canteen.

"Cloud! Are you okay now?" Nag-aalalang tanong ng isang lalaking matangkad at lumuhod kaagad sa bata. 

Linibot ko ang aking mata at halos mawalan ako ng hangin nang makitang papalapit si sir Eros mula saaming direksyon! Matalim ang kanyang mga titig saakin kaya napayuko na lamang ako. 

"Nigel, it's better if we send your brother to the hospital." Pag-tawag ni sir Eros sa lalaking umaalo sa batang lalaki. 

Matagal silang nag-usap at dumating na rin ang medical staff para i-check ang bata. Aalis na sana ako nang biglang lumapit saamin ni Klare yong Nigel na tinawag ni sir Eros kanina.

"Miss? Can we talk?" Maagap niyang tanong habang nakatingin saakin. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Ganon na lamang ang kaba ko nang papalapit kami kanina sa kinatatayuan ni sir Eros. 

"We saw what you did earlier. Nagpapasalamat ako na tinulungan mo yong kapatid ko. If you are not there maybe we lost him a while ago." Pagsisimula ni Nigel. 

"By the way, you are skilled. Saan mo natutunan mag-first aid?" Pasunod niyang tanong. 

"Nag-nursing po ako ng two years kaso hindi natapos dahil masyado pong mahal ang tuition f*e." Sagot ko.

Nakita kong nagsalubong ang makapal na kilay ni sir Eros at tumalim ang kanyang mga titig saakin. 

"Sayang. You want to be my scholar? I'm willing to send you to college again." Masiglang usal ni Nigel. "Anyway, you are?" Nakangiti niyang tanong. 

"Analaeia Cervantes po." Pagpapakilala ko. 

"Enough with that." Putol ni sir Eros. "Let's go Nigel we have an important event tonight." Mariin niyang saad at mabilis siyang naglakad palayo. 

.....

Masama man ang loob ko kay mama ay pinili ko pa ring pumunta sa kanyang engagement party. Ngunit hindi ko sinuot ang gown na binili niya. Isang simpleng floral dress lang ang isinuot ko at hinayaang nakalugay ang light brown kong buhok na mermaid curl.

Pumara ako ng taxi at itinuro ang venue na pupuntahan. Isang intimate engagement party ang mangyayari ayon sa nabasa kong invitation. Napatawa ako ng walang saya, engagement party ni mama ngunit wala akong kaalam alam. 

Agad akong nakapasok sa venue at totoo nga, isang intimate event ito.Mas pinili kong pumwesto sa dulo dahil ayoko ng atensyon. Ngunit hindi nakatakas saakin ang mga usap-usapan. 

"I'm sure na pera lang ang habol ng babae, yes gwapo pa rin si sir Eison pero yaman talaga ang gusto!" 

"Sa pagkakaalam ko ay mahirap lang yong babae! Pera pera na lang talaga!" 

Napakuyom ako, ito na nga ba ang sinasabi ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang magsalita ang MC at sinabing mag-uumpisa na ang event. 

Nakita kong naglakad si mama kasama ang kanyang fiancee sa gitna. Nakangiti ito na parang walang nasaktang anak. 

"And please may we call on the stage, the only heir of sir Eison, Engr. Eoulus Rossue Freniere! Sir Eros please come to the stage." Halos mabuwal ako saaking kinatatayuan nang marinig ang pangalan ni sir Eros.

Ang chairman ng Moreau Corporation ay siyang mapapangasawa ni mama? At si sir Eros Freniere ay magiging stepbrother ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 18

    Nang makapasok kami sa loob ay napaharap ako kay sir Eros. "Sir, hindi niyo po dapat binayaran ang apartment. Kaya ko naman pong magbayad e. Kunin ko na lang po ang bank account at number niyo." At nilahad ko ang aking kamay at masungit siyang napatingin roon."Alright." At binigay niya.Nang ma-transfer ko na ang pera ay pinapupo ko muna siya sa maliit naming sala. "Pasensya kana sir, maliit lang itong apartment namin." Nakita kong inilibot niya ang kanyang paningin sa buong sala. "Ano pala ang sinasabi kanina ng landlady mo? Inaabangan ka ng mga tambay doon? And still you want to live here?" May inis sa tono ng boses niya."May mga gwardiya naman diyaan sir, wala lang sila ngayon kaya kala mo open area itong saamin." Sagot ko. Dahil iyon naman ang totoo. Iniwan ko siya muna sa baba at umakyat ako para kunin ang mga kailangang gamit. Ilang araw lang naman ako roon kaya iilang damit lang ang dinala ko. Pati na rin ang mga files sa trabaho ay isinama ko na. Nang pababa ako ay nakita

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 17

    Hindi ako nakatulog buong gabi hanggang sa oras ng flight namin. Nakita ko na bagong ligo si sir Eros na para siyang bagong tao. Hindi na ito lasing at naka-damit ng maayos. Hindi na katulad ng postura niya kagabi na lasing, magulo ang damit at tuliro ang mga mata. Busy ito sa kanyang cellphone. Mukhang nakaka-usap niya nga si Katherine. Baka magbabalikan pa sila. Hindi nakatakas sa mata ni Klare ang hitsura ko. "Puyat na puyat ah!" Sita niya at kiniliti ako sa bewang. "May tinapos akong report." Dahil iyon naman ang totoo. Hindi na ako makatulog dahil sa lintek na halik ni sir Eros kaya naman naghanap na lang ako ng makakapagabalahan. "Siguro pinuyat ka ni Leo no! Aba! Callmate mo siguro?" At humalakhak ito. Nakita kong napatingin sina sir Larce at sir Eros sa direksyon namin. "Hindi nga, Klare. May insomnia lang talaga ako.""Imbento ka! Nagka-insomnia ka nong nakita mo ex mo? Oyyy hindi pa nakaka-move on." At hinampas hampas pa ako. "Kaya hindi nakatulog yan kasi nagkiss mu

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 16

    Napatango-tango na lamang ako. Siguro ay mahal pa talaga ni sir Eros si Katherine kaya hindi pa siya nagse-seryoso. Ayaw ko rin namang tanungin kay Larce ang dahilan ng break ng mga ito."Sana pala sinabi mo muna bago ko siya make-up-an. Nakakaiya rin kasi 'yong ginawa ko. Parang nagimbala ko ang privacy niya." Seryoso kong saad.Nahihiyang ngumiti saakin ito. "Sorry, Analeia, nextime hindi na kita hahatakin. Gusto ko lang ma-confirmed kung naka-move on na si sir at mukhang hindi pa talaga." "Tara na guys! Let's dance! Deserve natin ito! Woooh! Uuwi na rin sa wakas!" At hinila kami ni Klare.Lakad takbo kaming pumunta sa may bonfire. Naroon na ang mga tutugtog pati na rin ang mga staff na sasayaw. Nakita kong nakaupo si sir Eros at pinapagitnaan niya ng mga babae. May hawak siyang baso ng whiskey at nakakalahati niya na ito.Mas magandang iiwas ako sa kanya. Iba ang galaw nito kapag nakainom siya. Na para bang katauhan niya iyon na hindi dapat makita ng sinuman. Napatingin siya sa

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 15

    Malalim akong napalunok bago nakapagsalita. "Ah, yes po sir. Civil naman po ang pakikitungo namin sa isat-isa. We are good po sir Eison." I gave him the assurance para hindi niya na kami alalahanin ni sir Gabriel. "I'm glad to hear that hija. Pwede bang pag-uwi niyo galing Iloilo sumabay ka na kay Eros dito sa mansion? Gusto ko sanang mag-stay ka muna rito hanggang sa formal event ng engagement namin ng mom mo, is that okay to you, Analeia?" "Huwag po kayong mag-alala sir Eison. Sasabay na po ako kay sir Eros pagbalik po diyaan." Magiliw na sagot ko.Nang matapos ang tawag ay agad ko naman binigay kay sir Eros ang cellphone niya. "Here's the deal. We must pretend na we are sweet and caring sa isa't-isa. Dalawa lang ang babae saaming magpipinsan, all are men. You can bond with the girls and stay away from the boys." Utos niya."Pati sina sir Nigel at sir Tres, iiwasan ko po?" "Of course. The big event will happen in just three days. So stop messing around, Analeia. Maybe I don't

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 14

    Akala ko ay papakawalan niya na ako pagkarating namin sa tapat ng unit niya ngunit hindi nangyari iyon."Sir Eros!" Tawag ko sa kanya nang bigla niya akong hinila papasok sa kanyang unit.Noon pa man, noong unang araw kong magtrabaho sa Moreau, iba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko siya kayang titigan nang matagal at lalong hindi ko kayang makasama siya sa iisang lugar lamang. Iba ang nararamdaman ko at mas lumala iyon ngayong nagkakaroon na kami ng interaksyon dahil saaming mga magulang. "Shh. Stop shouting, Analeia. We are going to talk into something. I think parehas tayong magkikinabang." At natitigan ko ang malalim niyang. Ang mga mata niyang napaka-misteryoso. Para akong kinihila nito. He is hypnotyzing me and I'm afraid that I'm half giving in."Makikinig po ako sir." Maikling kong sagot. Imbes na tumayo lamang siya saaking harapan ay dahan-dahan siyang humakbang papalapit saakin dala-dala ang baso ng kanyang whiskey. Hindi siya nakuntento at umikot pa ito saakin. Pakira

  • His Ruthless Revenge: Eros Freniere My CEO Stepbrother    Kabanata 13

    "Sir. Nag-aalala lang po iyon sa presentation namin bukas. Syempre kapag may nangyaring masama saakin, e diba sayang ang project?" Pag-deny ko sa akusasyon ng kausap ko. "Analeia, ayos ka lang ba? Muntik nang magpatawag ng rescue team si sir Eros dahil may masamang panahon tapos stranded pa kayo sa isla." Nasa ganoon kaming pag-uusap nang biglang dumating si sir Eros. "Analeia, come with me." Malamig niyang utos. Tatayo na sana ako ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang maramdaman kong binuhat ako ni sir Eros. Pati sina Klare at sir Larce ay nagulat sa nakita. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni sir Eros. Kaya sa sobrang ka ba ay hindi na ako humihinga."You can breath. Dadalhin ka namin sa clinic." Paliwanag niya. Nang maipasok niya ako sa loob ng clinic ay agad kaming sinalubong ng isang doctor."Sir, please dito niyo na lang po ipaupo ang girlfriend niyo." Utos ng doctor.Babawiin ko na sana ang sinabi ko ngunit binuhat ulit ako ni sir Eros at dinala sa kabilang bed. Nang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status