Nagsanhi ng malakas na ingay ang ginawang pagbato ni Eduardo sa kopita ng alak. Tumama iyon sa sementadong dingding bago bumagsak sa sahig at nagkapira-piraso. Tumilapon din ang natitirang inumin na nasa loob niyon."Damn it! Talaga bang lahat kayo ay walang silbi?! Para saan pa't binabayaran ko kayo kung hindi niyo magawa ang iniuutos ko?!" bulyaw niya sa tatlong tauhang nasa loob ng kanyang opisina.Pawang mga nakayuko lamang ito at hindi makaapuhap ng isasagot sa kanya. Ang tatlo ang itinuturing niyang pinakapinagkakatiwalaan sa lahat ng tauhang mayroon siya. Sa tuwing may ipapagawa siya ay ang mga ito ang kinakausap niya. Ang tatlo rin ang haharap sa kanya kung sakaling palpak ang ginawang plano ng mga ito.Katulad na lamang ngayon. Ang tatlo ang sumalo ng galit niya dahil, tulad ng mga naunang plano, palpak na naman ang tauhang pinadala ng mga ito para sundan si Brix. Sa mga nakalipas na taon ay makailang beses na siyang nag-utos na sundan ng mga ito si Brix sa tuwing babalik ng
Marahang naglakad si Lemuel patungo sa bahay na bagong nilipatan nina Jossa at Lianna. Bitbit niya pa ang ilang plastic bags na naglalaman ng grocery items na pinamili niya para sa kanyang mag-ina.Kahapon nang tuluyang umalis ang mga ito sa bahay nina Trace. Hindi niya na pinigilan pa ang nais ni Jossa. Sa tulong ni Brix ay may nahanap agad itong malilipatan at kahit pakiramdam niya ay iniiwasan na siya ng dalaga ay iginiit pa rin ni Lemuel na ihatid ang mga ito sa bagong tirahan.The house was nice. Maayos naman at tamang-tama lamang para kina Jossa at Lianna. Naroon na rin sa naturang bahay ang ilang gamit ng mag-ina na maingat na kinuha ni Brix mula sa dating inuupahan ng mga ito. Siniguro pa ng binata na walang nakamanman sa dating apartment nina Jossa bago nito kunin ang ilang gamit ng mag-ina. Ang ilang hindi na masyadong importante ay iniwan na lamang roon.Pinindot na niya ang doorbell habang matamang nakatitig sa entrada ng bahay. Alas-siyete pa lang ng gabi kaya nasisiguro
Kulang ang salitang gulantang para ilarawan sa nadarama ni Jossa nang mga sandaling iyon. Halos mapaawang ang kanyang bibig habang nakatitig kay Lemuel. Gusto niya pang isipin na pinaglalaruan lang siya ng kanyang pandinig, na baka mali lang ang pagkakaintindi niya sa mga sinabi nito. But Lemuel spoke again when she remained silent. Inulit nito ang mga sinabi na wari bang mas pinauunawa sa kanya."You heard me, Jossa," wika nito. "It has been years pero mahal pa rin kita. Sa loob ng sampung taon, akala ko'y tuluyan nang natalo ng galit ang pagmamahal ko para sa iyo, but it didn't. Gustuhin ko mang kamuhian ka dahil sa mga nangyari noon ay hindi ko magawa. Mas nangingibabaw pa rin iyong pagmamahal kaysa sa galit."Jossa swallowed an imaginary lump in her throat. Dama niya ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata dahil sa mga narinig mula sa binata."W-What... What are you talking about, Lemuel? I-Ikakasal ka na kay Masha. You proposed to her, right? Bakit---""I didn't," mabilis nit
Agad na napatayo nang tuwid si Lemuel nang makita niyang naglalakad na si Masha pabalik sa kanyang kinaroroonan. Tapos na itong gumamit ng banyo at agad pang napangiti nang makita siyang naghihintay dito. Mag-isa na lang siya at wala na ang doktor na nakausap niya kanina. Nagpaalam na ito dahil sa may kailangan pang gawin.Kahit nakaalis na ang naturang doktor ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi nito. Totoong ikinabigla niya ang mga nalaman. Tatlong buwan na ang nasa sinapupunan ng kanyang kasintahan gayong isang buwan pa lang mula nang may namagitan sa kanila.He swallowed hard. His face hardened. Kung totoo man ang mga sinabi ng doktor, isa lang ang ibig sabihin niyon--- hindi siya ang ama ng pinagbubuntis ni Masha. Hindi niya anak ang nasa sinapupunan nito. She cheated! Napakalinaw na ganoon nga ang nangyari."Where do you want to eat? Gusto mo bang sa dati na lang nating kinakainan?" wika ni Masha nang makalapit sa kanya."Let's just go to your place. Ihahatid
Nakatiim ang mukha ni Masha habang naglalakad. Kasalukuyan siyang nasa isang hotel at tinatahak ang pasilyong patungo sa isang silid. Nang makita na ang numero ng hotel room na kanyang sadya ay napabuga pa muna siya ng isang malalim na buntong-hininga. Then, she reached for the doorknob. Agad na niya iyong binuksan at hindi na kumatok pa.Nang makapasok ay agad na niyang nakita ang lalaking katagpo niya sa lugar na iyon--- si Ryle. Naabutan niya pa itong abala sa cell phone nito. Nahinto lang ang binata sa kung ano mang ginagawa nang nakita ang kanyang pagdating. Mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ay mabilis na itong napatayo at nilapitan siya. Basta na lang nitong inilapag ang cell phone sa ibabaw ng bedside table."You're on time," anito saka may pilyong idinagdag. "Did you miss me, Masha, kaya ikaw na ang humiling na magkita tayo? Sa tuwing ako ang tumatawag o text sa iyo ay halos ipagtabuyan mo ako, ah. Ano ang nangyari at malaking himala yatang ikaw ang may gustong magkita tayo
"You will make yourself ill, Jossa. Uminom ka muna ng tubig," nag-aalalang sabi ni Brix sabay haplos sa kanyang likod. Inilapit din nito sa kanya ang isang basong tubig ngunit hindi niya man lang iyon pinansin.Hindi maawat ni Jossa ang kanyang sarili sa pag-iyak magmula pa kaninang napansin nilang nawawala si Lianna. Nabalot siya ng kaba at takot. Hindi niya mapigilang labis na mag-alala para sa kalagayan ng kanyang anak. Kung may kinatatakutan man siyang mangyari ay ito iyon, ang posibilidad na baka mapahamak si Lianna ano mang oras.She was sitting on the sofa. Katabi niya si Brix na agad na dumating nang tawagan niya kanina para sabihing nawawala si Lianna. Malakas ang kutob niyang sakay ng kotseng nakita niya kanina ang kanyang anak. Kung sino man ang sapilitang nagpasakay roon kay Lianna ay hindi pa malinaw sa kanila.Sinubukan nila ni Lemuel na habulin ang mga ito. Sakay ng sariling sasakyan ng binata ay sinundan nila ang daang tinahak ng mga kumuha kay Lianna. Halos paliparin
Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Jossa habang marahan siyang naglalakad palapit sa isang napakataas na gate. Sarado iyon at dahil mataas din ang bakod ng buong solar ay wala siyang masilip sa loob. She knew the place. Nang bata siya ay minsan na rin siyang nakapunta roon.It was one of the properties owned by her parents. Nang umalis sila ng Sta. Monica ay doon muna sila unang tumuloy bago nanirahan na sa Maynila. The house was located somewhere in Laguna. Malaki iyon at halos naging bakasyunan lamang nila noon.Matagal na siyang hindi nakapupunta sa naturang lugar. Nang lumipat na sila sa Maynila, lalo na noong nagkasakit na ang kanyang ina, ay inakala niyang naibenta na ang bahay na iyon. Hindi niya na rin kasi naririnig na pinag-uusapan iyon ng kanyang Daddy Eduardo at Mommy Lucille. Ikagulat niya pa nang malamang doon dinala ng kanyang amain si Lianna. Hindi niya alam na pag-aari pa nito ang lugar na kinaroroonan niya ngayon.Ilang hakbang bago tuluyang makalapit sa gate ay d
Mabilis na kumilos si Lemuel. Agad niyang niyuko ang baril na kanina ay inilapag niya sa sahig. Kinuha niya iyon saka itinutok kay Eduardo. Gustuhin niya man itong gantihan dahil sa ginawang pamamaril kay Brix ay hindi niya agad nagawa. Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata nang makitang itinutok din ng matandang lalaki ang baril na hawak-hawak nito kay Lianna na nang mga oras na iyon ay wala nang humpay sa kaiiyak."No!" malakas niyang sigaw kasabay ng pag-alpas ng takot mula sa kanyang dibdib. Isipin pa lang kung ano ang maaari nitong gawin sa kanyang anak ay labis nang nagpakaba sa kanya.Hindi niya naman magawang patamaan si Eduardo sapagkat sinadya ng matandang lalaki na iharang sa harapan nito si Lianna. Waring nahuhulaan nitong kukunin niya ang baril at gaganti ng putok kaya mabilis nitong hinatak ang kanyang anak.For the first time in his life, Lemuel felt that kind of fear as he saw Eduardo pointed the tip of the gun to Lianna's head. Nanlamig ang kanyang buong katawan nang