Share

CHAPTER 5

Ilang minuto nang nasa loob ng sasakyan ni Lemuel si Jossa ngunit hindi pa rin siya makaimik. Pinanatili niya ang kanyang paningin sa harapan ng owner jeep kahit pa halos magkagulo na ang buong sistema niya dahil sa presensiya ng binatang nasa tabi niya lamang.

Gusto niya lang mapag-isa kanina at magpalipas ng hinanakit na nadarama para sa kanyang ama kaya siya nagtungo sa may dagat. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makikita niya roon si Lemuel. Hindi niya pa nga inasahan ang ginawa nitong paggiya sa kanya papasok sa pag-aari nitong owner jeep.

Nang magsimulang pumatak ang ulan, ang balak niya ay tumakbo na sana patungo sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Hindi niya nga lang nagawa sapagkat agad na siyang hinawakan ng binata saka inakay papasok sa owner jeep nito. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na sa may passenger's seat habang ang binata ay umikot sa may panig ng manibela.

Both of them were silenced for a while. Wari bang kapwa sila nakikiramdam sa isa't isa. Si Jossa ay itinuon lamang ang kanyang paningin sa harap ng daan habang si Lemuel ay maya't maya ang lingon sa kanya.

Kung tutuusin ay hindi pa gaanong malakas ang ulan at maaari na niyang takbuhin ang patungo sa kanyang sasakyan. Kung mabasa man siya ay walang kaso sa kanya. Pero kung bakit wari na siyang naipako sa kanyang kinauupuan ay hindi niya alam. She just stayed there... with him.

"Ano ang nangyari sa iyo? Bakit naiiyak ka nang lapitan kita kanina?" mayamaya ay narinig niyang sabi ng binata. Pati ang mataman nitong pagtitig sa kanya ay damang-dama niya.

"It's none of your business," saad niya sa mahinang tinig.

Narinig niya ang pag-ismid nito. "Nasa loob ka ng sasakyan ko, siguro naman ay maaari kong---"

Hindi nito natapos ang nais sabihin nang akma siyang lalabas ng owner jeep. "I can go back to my car."

"Hey," awat ng binata sabay hawak sa kanyang braso. "Hindi mo ba nakitang papalakas na ang ulan?"

"At hindi ka ba makaintindi na hindi ko gustong sagutin ang tanong mo?" asik niya pa.

"Okay... Okay," sumusuko nitong sabi. Binitawan pa nito ang braso niya upang itaas ang dalawang kamay. "Kung ayaw mong sagutin, eh, 'di huwag. Dama ko lang kasi na may mabigat kang dinadala diyan sa dibdib mo. Sabi nila, mas luluwag ang nararamdaman mo kung sasabihin mo iyan sa iba."

"To whom? Sa iyo? We are not even friends," wika niya dito. There was no rudeness on her voice. She was just stating a fact.

"Then, let us be friends," mabilis naman nitong suhestiyon.

Pagak siyang natawa. "You can't gain a friend that easily, mister. It takes time."

"It takes time... kung hindi ka marunong makisama. But, it would be easy for you to have friends, kung alam mo kung paano makisalamuha sa mga taong nakikilala mo. Panigurado, miss, madali mong makukuha ang loob ng ibang tao kung alam mo kung paano sila pakisamahan."

"Paano nga ba pakisamahan ang ibang tao, mister? All my life, I don't even know how to deal with my own father. Ibang tao pa kaya? Ama ko siya pero bakit hindi ko pa rin makuha ang loob niya?"

The words just slipped from her mouth easily. Dahilan pa nga iyon para matigilan ang kanyang katabi at mataman na lamang na napatitig sa kanyang mukha. Para namang bigla ay natauhan si Jossa at mabilis na himanig ang kanyang sarili. Hindi niya rin inaasahan na sasambulat na lamang nang ganoon ang damdamin niya. Iniwas niya ang paningin dito saka nagsalita.

"I'm going to my car. Salamat na lang sa pagpapasilong---"

"Iyon ang dahilan kaya ka naiiyak kanina," singit nito sa pagsasalita niya. "May problema kayo ng iyong ama?"

"Wala," tipid niyang sagot. "I must be the problem."

Sa loob ng ilang saglit ay hindi ito nagsalita. Marahas pa siyang napalingon dito ulit matapos mamagitan sa kanila ang ilang segundong katahimikan.

"May mga pagkakataon din na nagkakaroon kami ng tampuhan ng Tatay Simeon ko. Nakilala mo na siya, hindi ba?" anito na sinagot niya lamang ng isang marahang tango. "Sa tuwing napagsasabihan niya ako, alam ko sa sarili kong ako ang may mali. Normal lang ang ganoong senaryo sa pagitan ng magulang at anak."

Yes, it's normal. Alam niya naman iyon. Pero normal pa bang matatawag iyong mula pa nang maliit siya ay lagi na lang siyang sunod-sunuran sa kanyang ama para lang mapaluguran ito? Normal pa bang mistula na lang siyang isang robot at ang lahat ng naisin lang nito ang ginagawa niya? Ni wala nga siyang maalalang isang desisyon na siya mismo ang may gusto para sa sarili niya. Ito lang lagi ang nasusunod.

Hindi niya kayang suwayin si Eduardo. Ginawa niya ang lahat ng naisin nito sapagkat wari bang natatakot siyang isang pagkakamali lang ang kanyang magawa ay kaya na siya nitong itakwil.

She heaved out a deep sigh. "Hindi mo ako maiintindihan. Magkaiba tayo ng sitwasyon."

Nagkibit ito ng mga balikat. "Siguro nga ay magkaiba tayo ng sitwasyon pero kaya kitang intindihan. Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang puno't dulo ng hinanakit mo sa iyong ama?"

She rolled her eyes upwardly. She knew it. Dinadaan lang siya nito sa ganoong usapan pero ang gusto talaga nito ay ang magbukas siya dito ng kanyang problema, bagay na hindi niya gustong gawin. For how many years, sinarili niya na ang ganoong trato sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya matagpuan sa kanyang sarili ang kagustuhang ibahagi iyon sa iba, kahit sa mga naging malapit sa kanya noong kolehiyo. Ngayon pa kaya at sa lalaking ito pa na kailan niya lang naman nakatagpo?

Nang mapansin nitong wala siyang balak na magsalita ay nagpakawala na lang ng isang buntong-hininga si Lemuel saka nagsalita.

"Maaari nating pag-usapan ang tungkol sa problema mo anytime---"

"Wala nang anytime dahil walang rason para magkita pa tayo," mabilis niyang putol sa mga sinasabi nito.

"Paano kung sabihin ko sa iyong mayroon?" naghahamon naman nitong bwelta. Akmang magbubuka pa siya ng kanyang bibig para sagutin ito nang maunahan na siya ng binata. "Nangako kang tutulong ka sa pag-aayos ng nasira naming bakod, hindi ba?"

Sukat sa mga sinabi nito ay agad na napaupo nang tuwid si Jossa. Of course, she remembered that. At totoo sa loob niya ang inialok na tulong. Hindi man ganoon kalaki ang nagawa niyang pinsala sa bakod ng mga ito ngunit nasira niya pa rin iyon. Handa naman siyang tumulong para sa pag-aayos.

"How much do I need to pay?"

"Tsk... Tsk..." napapailing nitong sabi. "Kung hindi ka abala bukas, dumaan ka sa amin para pag-usapan natin ang tungkol diyan. Doon ko lang masasabi sa iyo kung paano ka makakatulong sa pag-aayos ng bakod namin."

*****

AGAD na napatayo nang tuwid si Lemuel nang matanawan niya ang marahang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng kanilang shop--- ang sasakyan ni Jossa. Naihinto niya nga ang ginagawang pagpukpok sa mga nahati nang kawayan upang ipangpalit sa bakod nilang bahagyang nasira dahil sa pagkakasadsad doon ng sasakyan ng dalaga.

Hinintay niya pa muna itong makababa mula sa may driver's seat bago nilingon si Art na nang mga oras na iyon ay natigil din sa paggawa ng cabinet na bagong order sa kanila. Nagpalitan pa sila ng makahulugang tingin. Alam ng kaibigan niya na darating ngayon si Jossa. Halos hindi pa nga ito makapaniwala nang sabihin niya ang balak niyang gawin sa araw na iyon.

Kanina ay tinutulungan niya pa si Art sa ginagawa nito ngunit pagkakain sa tanghalian ay iniwan niya muna ang binata sa pagtatrabaho at mas pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos ng bakod nila. Hindi man kasi ganoon kalaki ang pinsala ay pangit pa ring tingnan ang parteng nabangga ng dalaga.

Kahapon nga nang magkausap sila ni Jossa. Labis pa siyang nabigla nang makitang nanunubig na ang mga mata nito dahil sa mga pinipigilang luha. Alam niyang may problema ito sa sariling ama, hindi man ito tuwirang nagkuwento ay parang iyon na rin ang pinapahiwatig ng dalaga.

At hindi na niya ito pinilit na buksan ang paksang iyon sa kanya. Ang gusto niya ay kusa iyong gawin ng dalaga. Mas makakagaan sa dibdib nito kung sa ganoong paraan nito iyon gagawin. Hindi iyong dahil sa kinulit niya.

Kaya naman, isang bagay ang agad na pumasok sa kanyang isipan. Kailangang masundan ang pag-uusap nila kahapon upang makilala niya pa ang dalaga. At kung sakaling makilala niya pa ito nang lubusan ay baka sakaling malaman na niya kung ano ang pinagdadaanan nito.

At iisa lang ang nakikita niyang maaaring maging rason para hindi maputol ang koneksiyon niya kay Jossa. Iyon ay ang naidulot nitong pinsala sa bakod nila.

"H-Hi..." alanganing saad ni Jossa nang makalapit ito sa kanya. Maging si Art ay binati nito na sinagot naman ng kaibigan niya ng isang pagtango. Muli ding pinagtuunan ng pansin ni Art ang ginagawa nito.

Then, Jossa looked at him again. Nasa mga mata nito ang nahihiyang eskpresyon dahilan para iiwas nitong muli ang paningin sa kanya. Mas pinagtuunan nito ang mga kawayang nasa harapan niya.

"Nagsisimula ka na palang gumawa," puna ng dalaga.

"Hindi ko inaasahan na darating ka talaga," wika niya, ni hindi pinansin ang unang mga sinabi nito.

Totoong hindi niya inaasahang darating ito. Nang sabihin niyang magtungo ito sa kanila upang pag-usapan ang tungkol sa pagpapaayos ng kanilang bakod ay nakita na niya ang pag-aalangan ng dalaga. Though, he could see her willingness to help, Lemuel knew that she was uneasy being with him. Kaya naman hindi na niya inaasahang pupunta nga ito ngayong araw.

"I told you, I am willing to help. Alam ko namang ako ang may kasalanan sa nangyari," narinig niyang sabi nito. Nagkibit pa ito ng mga balikat bago muling binigyan ng sulyap ang mga kagamitang nasa harapan nila. "So, nakabili na pala kayo ng mga kakailanganin."

"Ang ilang kawayan lang ang mga bagong bili ni tatay. Iyang ibang kahoy ay dati na dito sa shop namin," imporma niya dito.

"W-Where is he?" anito na ang tinutukoy ay ang kanyang Tatay Simeon.

"May kinailangan puntahan sa bayan."

She nodded her head. "O-Okay. How much did you spend for all of these? Isama mo na rin pati iyong para sa pagtatrabaho mo. I will pay for it."

Pagkawika niyon ay binuksan ng dalaga ang maliit na shoulder bag na nakasukbit pa sa kaliwang balikat nito. Akmang may kukunin ito na nahihinuha niyang pera pambayad sa kanila. Ngunit ang balak nitong gawin ay agad nang naawat nang magsalita siya.

"Huwag ka nang mag-abala pang kumuha ng pera, Miss. Hindi ko kailangan iyan."

"What?" naguguluhan nitong sabi. "You asked me to come here para pag-usapan natin ang tungkol sa nasira kong bakod, hindi ba? Nasabi ko na sa inyo na handa kong bayaran iyan---"

"At nasabi ko rin sa iyo kahapon na ngayon mo malalaman kung paano ka makatutulong sa pag-aayos nitong bakod namin."

"W-What... What are you trying to say?" nagigimbal nitong tanong na para bang nahuhulaan na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Lemuel just shrugged his shoulders. Marahan siyang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Art at mula sa mesang malapit lang dito ay kinuha niya ang isa pang martilyo. Nakipagpalitan pa siya ng tingin sa kanyang kaibigan. Bakas sa mukha nito ang hindi makapaniwala sa ginagawa niya.

Muli niyang binalikan ang kinaroroonan ni Jossa sabay abot dito ng martilyong kinuha niya.

"Gusto mong makatulong sa pag-aayos ng bakod na ikaw mismo ang nakasira, hindi ba?" aniya sa seryosong tinig. "Puwes, simulan na natin."

"Are you serious?" nabigla nitong sabi. Ni hindi man lang nito pinagkaabalahang kunin ang inaabot niya. "Mister, I can ask someone to help you. Ako na lang ang magbabayad para sa---"

"No... No... No," pailing-iling niya pang sabi. "Kung gusto mo talagang makabawi sa nagawa mo, ikaw mismo ang tutulong sa akin ngayon."

"Are you out of your mind? Sa suot kong ito?" bulalas nito. Saglit pa nitong niyuko ang sarili. "I am wearing a dress, mister."

Niyuko rin ni Lemuel ang kabuuan ng dalagang kanyang kaharap. Yes, she was wearing dress. Sleeveless iyon na ang haba ay lampas tuhod lamang. Mukha pa nga itong teenager kung titingnan dahil sa gayak nito ngayon. At hindi man gustong aminin ni Lemuel pero masasabi niyang bagay na bagay dito ang naturang kasuotan. Jossa was beautiful. Ang magandang mukha ng dalaga ang unang kapansin-pansin dito.

Tumikhim siya upang hamigin ang sarili. Ibinaba niya rin ang kanyang kamay na may hawak ng martilyo nang hindi pa rin iyon kunin ni Jossa.

"Kung hindi bukal sa iyo ang pagtulong ay makakauwi ka na. Alam ko namang---"

Hindi na niya natapos ang ano mang nais sabihin nang mabilis itong humakbang palapit sa kanya at marahas na kunin mula sa kanyang kamay ang martilyo. Nakalarawan pa sa mukha nito ang pinaghalong pag-aalangan at inis.

"Just tell me what to do dahil wala akong alam sa ganitong bagay," nayayamot nitong sabi.

Lemuel's lips slowly broke into a smile. Why, this woman was starting to get his interest!

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
Lemuel muh jossa dumada moves na...jan yan ng sisimula ei hmmm yung kunwari kuno...ayiee .........
goodnovel comment avatar
analyn Aguilar
sa ngayon mga asot pusa muna kaya,pero alam ko mpanakit to ei
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
tpos huli na nya nalaman n ngddalantao sya...hehee napahula lng po author
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status