Share

CHAPTER 5

"Hell-" hindi kuna natuloy ang dapat kong sabihin ng makita ko kung sino ang nasa labas ng pinto. Napaawang ang labi ko't nanlalaking matang napatingin sa nasa harap ko.

Nanlaki ang mata ko ng makita yung lalaking sinapak ko nung nagjojogging kami at yung mga kasama niya rin nun sa harap ng pinto ng condo namin.

Can't you believe it?! Nasa harap ko lang naman ang h*******k na nanghalik sakin at may backup pa siya ah.

Nang makita nila Shantal ang reaksyon sa mukha ko umalis agad sila sa sofa at tumakbo papunta dito. Nang makita rin nila ang nasa harap ng pinto nanlaki din ang mga mata nila sa gulat at pagtataka.

"Bakit kayo andito?" may pagkamataray na tanong ko ng makabawi sa pagkabigla.

Ngumiti ang mga nasa harap namin oo MGA kase five ata sila pero wala akong pake dun kailangan pa rin nila sagutin ang tanong ko.

"Dito na kase kami malapit sa inyo titira, for good." sagot ng lalaking singkit may manipis na labi at pointed nose in short gwapo. Back to topic tayo kahit na mga gwapo itong sa harap namin kailangan parin mag explain sila kung bakit kailangan ipaalaam samin as if we care noh.

Nang tignan ko mga kasama ko hindi naman sila na starstruck dito sa mga lalaking 'to buti naman. Akala ata nila maglalaway kami sa kanila gwapo lang sila, hindi kami marupok.

"Ano naman kung dito kayo titira sa harap ng condo namin? At bakit kailangan pang ipaalam samin?" aroganteng tanong ni Ashley.

"Uhm.. maybe because we want to? Hindi pa pwedeng ipaalam na dito kami titira kase gusto rin naming makipagkaibigan?" sagot naman nung lalaking matangkad (well, lahat sila matangkad) pero siya lang ang moreno.

Sa sobrang inis ata nila Precious sa mga sagot nila bigla niyang sinara ang pinto na nagpagulat sa saming lahat.

Nang masara ni Precious ang pinto babalik na sana kami sa sofa at hindi papansinin yung lima ng may marinig kaming parang nag-uusap sa labas.

Hindi rin naman kami makakanood ng maayos ng hindi nasasagot ang mga tanong namin kaya binuksan nalang namin ulit ang pinto.

Papapasukin kuna sana sila ng masagot na lahat ng tanong namin ng may mapansin ako.

"Bakit anim na kayo? Diba kanina lima lang kayo?" tanong ko sa kanila habang gumagala ang tingin para tignan kung sino ang bagong dating.

At nang makita ko ang aking hinahanap nahigit ko ang hininga ko kahit na nakita kuna siya nung nagjogging kami.

He's the man that have a baritone voice at siya rin yung lalaking may blankong mukha. Meron siyang fashionable brown hair, matangkad, matangos na ilong at manipis na mamula-mulang labi and last yung mata niya na kulay brown na parang wala man lang siyang nararamdaman. Yung mga mata niya na blanko talaga, hindi man lang nagbago ang expression niya nung nakita ko siya yesterday. Siya rin yung parang kinakatakutan nung sinapak ko. Syempre siya rin yung pinakamagwapo sa lahat, for me.

"Umalis lang kase si Drixxon para bumili ng pagkain namin. Ang kj kase." sagot nung lalaking moreno.

Nalipat sa kanya ang tingin ko at saglit na natulala dahil sa iniisip ko. Hindi nalang namin pinansin at pinapasok nalang sila. Umupo naman silang lahat sa sofa.

"Intoduction muna tayo." sabi ni Shantal kaya nagsikunot noo sila pero nagpakialala parin.

"I'm Bryle Lyriek Dizon." pakilala nung lalaking sinapak ko.

Napatingin naman kami sa lalaking nagtaas ng kamay na parang nasa recitation, "I'm Andrei Valtezar Dizon."

Sunod naman naming tinignan 'yung tahimik lang sa isang tabi.

"My name is Francis Mackie Dizon." sambit nito na binigyan pa kami ng isang ngiti.

Sunod namang nagpakilala ang isang lalaki kahit hindi pa namin tinatanong. Oh, well, "Erick Leon Dizon." pagpapakilala nito na nakatitig kay Lyre.

Napatingin ako sa isang lalaki sa isang sulok na halatang hindi komportable sa presensya namin.

"What's your name?" I asked nung lumapit ako sa kanya.

Napatingin tingin siya sa paligid at tinuro ang sarili. Nginitian ko naman siya at tumango, "Chase Rayzon Dizon is my name." pakilala niya at umalis sa harapan ko para lumapit sa kanyang mga kasama. Parang hindi siya mahilig makipag-socialize sa iba.

Bumalik na ako sa pwesto ko at napatingin sa isang lalaking hindi pa nagpapakilala, "And your name is..?"

"Drixxon Zuane."

"Oh.. okay, bakit puro dizon surname niyo? Huwag niyo sabihin-" hindi na natuloy ni Shantal ang tanong niya dapat, nang sila na mismo ang nagdugtong.

"Magkakapatid kami. Obviously." sabay sabay na sabi nila.

"Yeah, yeah. How stupid I am to asked that right? It's so obvious." ani Shantal at may iritableng mukha nang umalis.

And now it's Lyre time to asked, "Pwede ba kaming magtanong-tanong sa inyo? Pwede ba? Pwede? Hmm?" paulit-ulit nitong tanong. Halatang nag-aantay ng positive answer.

"Of course. You can ask anything beside makikipag-FRIENDS kami sa inyo." sagot naman ni Erick na kakaiba ang kislap ng mata pero pinagsawalang bahala ko nalang. Parang may hinanakit siya nang sabihin niya ang salitang 'Friends' dahil ramdam na ramdam ko ang pagkakadiin ng pagkasabi niya nun. Kinibit-balikat ko nalang 'yun.

"Bakit kayo conyo?" tanong ni Ryle na naunang magtanong 'diko nga alam kung ayan ba talaga itatanong niya or nabothered lang siya.

Nakita ko pang nagtinginan yung anim na para bang nanghihingi ng permiso sa isa't isa kung pwedeng sabihin.

*fake cough*

Dumating na si Shantal pero hanggang ngayon hindi parin nila kami sinasagot. Nainip ata si Shantal sa pagaantay kaya nagpeke na siya ng ubo at nagtanong.

"Hindi niyo ba sasagutin 'yon?" tanong ni Shantal na naiirita na.

Kung hindi niyo kase naitatanong si Shantal ang mainipin samin, si Lyre naman ang friendly, medyo maypagka friendly rin si Precious pero mahiyain siya unti, si Ashley naman medyo madaldal, si Ryle naman mataray pero makulit din, ako naman well mahiyain ako pero madaldal ako kapag close tayo, minsan din masungit ako.

Back to topic tayo nang mahalata nila na nagtagal pala sila sa pagtititigan sinagot narin ang tanong ni Ryle.

"Well, bawal kami magenglish ng mahaba sa pilipinas kase-" hindi na natuloy ni Andrei ang iba pa niyang sasabihin ng tignan siya ng makahulugan ng mga kapatid niya na nagpakunot ng noo namin.

"Ehem, ehem." halatang nagpeke ng ubo si Chase para hindi matuloy ang sasabihin nung Andrei.

Nagsalita naman si Erick na lumapit pa kay Andrei, "To much information, andrei."

"Kase?" nagaantay na tanong ni Precious.

"Kase *ehem* pwedeng 'wag ko ng sabihin? Baka matalo ako." nangungusap na matang sabi ni Andrei.

Nagkatinginan naman kaming magkakaibigan at nagkaintindihan kahit sa tingin lang. May rule kase kami na if personal na yung usapan hindi nalang namin papansinin. Baka personal 'yun kaya bawal ipagsabi.

"Okay."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status