Share

CHAPTER 2

Nung medyo malayo na ako dun sa mga lalaki huminto na ako. Habang sila Shantal hanggang ngayon pinipigilan parin ang tawa. Kaya sa sobrang inis ko nagsalita na ako.

"Huwag niyo ng pigilan 'yan baka mautot pa kayo." Pagkasabi ko nun nagsipagtawa sila't napahawak pa sa tyan.

"HAHAHHAHA LAUGHTRIP 'YON!"

"MAMAMATAY NA ATA AKO SA SOBRANG TAWA! HAHAHHAHAHA!"

"HAHAHAHAHAHAHHAA!"

"Dapat kase hindi muna pinapairal ang init ng ulo ayan-" hindi na natuloy ni Ryle ang sasabihin at tinuloy nalang ang pagtawa.

"Ba-bakit ba kase hindi mo muna pinakinggan ang paliwanag niya?" Pasigaw na pangaral sakin ni Ashley na galing din sa pagkatawa kaya nautal.

*Pout* "Syempre first kiss ko 'yon. Kaya magagalit agad ako." pagtatanggol ko agad sa sarili.

"Aish! Okay, Valid 'yan. Pero sa susunod na may mangyare na ganun, 'wag papairalin ang init ng ulo, ha?" Nakisali narin sa usapan si Precious na tapos na matawa.

Tumango nalang ako. Kung nagtatanong kayo kung bakit sila tumawa ng ganun kase ganyan talaga sila pero kapag may kailangan ang isa lahat kami dadamayan siya. Solid pagkakaibigan namin.

Habang naglalakad kami, oo naglalakad nalang kase magbabadminton na kami at hanggang 8 kang kami dito eh magseseven na.

"Sana hindi mayaman 'yung mga lalaki na 'yon, noh? Baka kase mapasabak pa tayo kung mayayaman 'yun. Mukha pa namang mamahalin yung mga suot." Pagbabasag ni Ashley sa katahimikan pero may point siya, paano nga kung mayayaman yung mga lalaki na 'yun? Aish! Dapat pala talaga hindi ko inuuna yung init ng ulo ko, kinakabahan na tuloy ako sa susunod pang mangyayare.

Magpupuyat na naman tuloy ako sa kaiisip na baka mapakulong ako. Baka pagdating namin sa condo namin na titirahan ay mayroong mga pulis na nandoon para hulihin ako.

Nang makarating na kami sa paroroonan naglabas na sila ng raketa. Sila lang kase ako wala, I mean sira na yung akin.

Nauna sila Shantal at Precious maglaro, magaling sila kaya matagal pa bago sila matapos- hindi pala sila natapos sinabihan lang namin na kami naman kase baka maubos oras.

Nagtuloy tuloy yung laro namin kaya sa sobrang enjoy, nung nageight na inayos na namin yung mga gamit at naglakad na paalis sa neo.

Habang pauwi na kwentuhan parin kami ng kwentuhan habang inieenjoy ang mga oras na nagdaraan.

"Bye, everyone," Paalam ni Ashley nung nasa tapat na kami ng bahay nila, sa kanila kase yung malapit kaya siya nauuna humiwalay.

Pagkatapos magpaalam sa kanya naglakad na ulit kami habang nagkukwentuhan. Nung nasa tapat narin kami ng kanya kanyang bahay nagpaalam narin kami sa isa't isa.

Nang makapasok sa bahay naisip ko agad yung pinagusapan namin kanina about doon sa mga lalaki.

Paano nga kung mga mayayaman 'yun? Paano kung mapakulong ako? Aish!

Ayoko muna isipin yun, magpapahinga nalang ako kaysa magisip ng magisip.

Nung inaantok na ako hindi ko na muli inisip yun at pinikit nalang ang mata.

Bahala na sa mga susunod na mangyayare basta susunod na lang ako sa nakatadhanang mangyari. Pangit man 'to o hindi. Makakasakit man sa'kin ito o hindi. Basta may tadhana okay na 'yon. Tsk.

|~|~|~|

Pagkagising ko bumaba na ako sa kama at nagumpisa ng gawin ang aking morning routine.

Nang matapos na ako maligo't magbihis pumunta na ako sa kusina para magluto.

Habang nagluluto na isip ko bigla na ngayon nga pala kami magcocondo ng mga kaibigan ko para na rin hindi kami magkahiwalay-hiwalay.

Nang matapos na ako magluto kumain agad ako. Sa sobrang dami ng naiisip ko hindi ko manlang naramdamam na wala ng laman yung plato.

Pagkatapos kumain nagtoothbrush na ako.

Habang nagtotoothbrush narinig kong nagring ang phone ko.

"Oh, Lyre?"aww

["Jas, asan kana?"]

"Papunta na ako diyan. Bakit nga pala unregistered number gamit mo? Kaninong phone hawak mo?" tanong ko ng matapos nagtoothbrush at naglalakad na sa hagdan papuntang pintuan.

["Uh, kay-"] *tooth* tooth* tooth* nang marinig kong namatay ang tawag napailing nalang ako.

May ikukwento itong si Lyre samin

Sino naman kaya yung kasama niya? Or mas magandang itanong bakit niya 'to kasama kase I'm sure hindi 'yan isa sa kaibigan namin kaya baka lalaki kasama niya? Hays, sino naman kaya itong iniibig ng kaibigan ko?

Habang naglalakad papunta sa pag-aantayan kong sasakyan. Nasa kalawakan ang pag-iisip ko.

Napaisip ako na parang hindi na kami nagkakaroon ng mahabang time sa isa't isa ng nga kaibigan ko. Maliban nung sa jogging na magkakasama nga kami pero saglit lang naman tsaka kahit na magkakasama kami sa condo I'm sure unti parin time namin sa isa't isa kase kahit sa mapabahay man o condo busy parin kami.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad nang may bigla akong maisip- magandang ideyang naisip.

I dialed the number of one of my friend, Shantal.

*ring* ring* ring*

["Yes?"]

"Papunta na ako diyan, may maganda akong naisip."

["May isip ka pala? Just kidding."] malokong sabi nito sakin habang magkausap parin kami sa telepono.

"Letse ka talaga. Basta parating na ako, pakisabihin sila Precious. Bye."

I ended the call ng nakapagpaalam na kami sa isa't isa. Naghanap ako ng masasakyan papunta sa condo kaya ilang minuto ako ditong nagtagal dahil sa walang makita.

Nang makakita ako ng taxi tinaas ko ang aking kaliwang kamay para makita ako ng driver. Nang makita ay huminto na ang sasakyan saka ako pinagbuksan ng pinto kaya mabilis akong sumakay.

Inabala ko muna ang aking sarili sa panonood ng mga nakakatawang video sa youtube kaya hindi ako naboring sa biyahe.

Pagkadating ko sa paroroonan ko, sumakay agad ako sa elevator at naghintay na marating sa floor namin.

"Jas!"

"Namiss ka namin!"

"Woi!"

"Late ka na naman HAHAHHAHA!"

"Ang ganda ng outfit ni ateng ah. Pwede ba kitang yayain maka-date?"

Ayan agad ang sumalubong pagkabukas ng elevator.

"Kakakita palang natin kahapon, ha? Ganyan niyo ba ako kamahal?" Nakangising sambit ko.

Nagsipagsibangot naman sila ng mukha sa sinabi ko.

"Ay wala na."

"Uwian na, hindi na masaya."

"Tara na nga,"

"Wow! Ang lakas ng hangin banda dito."

Ang kaninang nakangisi kong mukha ay nawala ay napalitan ng pagkasimangot. Hindi talaga sila maganda kabonding. Hay nako ayaw talaga nilang tanggapin na miss agad nila ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status