Share

CHAPTER 3

Bryle P.O.V ( Ito yung nakaaway ni Jasmine)

(A/N: baka magtaka kayo itong Pov na 'to ay nung pagkatapos siyang sapakin ni Jasmine.)

Habang pauwi kami sa bahay iniinda ko parin yung sakit ng suntok. Babae ba 'yon?

"Pare masakit ba? Pfft." malokong tanong ni Theo.

"Oo. Bakit gusto mo bang maramdaman? Tara dito." naiiritang sagot ko sa kanya.

"Biro lang naman." nakangusong tugon nito.

"Pwes hindi ako nakikipagbiruan! Atsaka wag ka ngang ngumuso diyan, hindi bagay sayo! Parang bakla." sambit ko.

"Ang pangit muna tuloy pare HAHHAHAHAHA!"

"Hoy! Kahit na ilang galos pa ang nasa mukha ko, gwapo parin ako. Walang makakapantay doon! Kahit ikaw!" sigaw ko sa pagmumukha ni Andrei.

Ayan lang naman ang naririnig ko sa mga kaibigan ko, erase sa dalawang kapatid ko. Lima kase kami yung dalawa isama na ako tatlo na, Puro kalokohan kami, tapos yung dalawa masusungit.

"Tsk. Manahimik nga kayo diyan. Gusto niyong malaman kung masakit? Eh, kung suntukin ko kayo?" Naiinis na sagot ko sa mga tanong nila.

"Init naman ng ulo mo pre. Nagbibiro lang naman kami." sagot nila na sa malayo nakatingin.

"Pwes! Hindi bagay sa inyo!" sigaw ko sa kanila, tsk-ed ang papanget nilang lahat.

"Manahimik na nga kayo! Ang iingay niyo. Ikaw Bryle ha, may ikukwento ka pa samin ni Drixxon." narinig kong nagsalita ang isang masungit na pinaglihi ata ng nanay niya sa sama ng loob este nanay pala namin.

Nung nagsalita ang isang masungit nanahimik na kame habang papunta sa mansion.

Oo, naglalakad lang kami dahil malapit lang naman ang mansion sa pinagjoggingan namin.

"HELLO MAMITAAA!" masiglang bati ko sa aking pinakamagandang lola.

"Oh, hijo. Meron ka bang kailangan? Bakit ka ganyan umasta?"

"Mamita naman, hindi pa pwedeng maganda lang araw ko? Kailangan pa bang may dahilan?" Nakangusong sabi ko pero totoo naman talaga may kailangan ako ngayon.

"Maganda daw araw, pero nasuntok HAHAHAHHAHA!" tsk-ed pinagtitripan na naman ako nitong mga panget na 'to.

Nangunot ang noo ni mamita sa narinig. Ako naman na paface-palm,"Nasuntok? Sinong sumuntok sa apo ko? At bakit?"

"Mamita, sumuntok ako sa sobrang gwapo ko." nakayuko kong pagsusumbong sa kanya.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani nang sabihin ko 'yon. Umabot pa ng isang minuto bago may magsalita.

"HAHAHHAHAHAHAHA!"

"LT KA TALAGA BRYLE HAHHAHAA!"

"Tigil-tigilan mo nga Bryle ang pag-iimagine."

"Apo, kulang kaba sa gamot? Hindi mo na naman ba naimon? Kaya lumakas ang hangin?"

Napanguso ako dahil sa sinabi nito, "Pati ba naman ikaw, mamita?"

"Tara na nga nang makakain na." yaya ni mamita samin. Mabuti na nga yun dahil nararamdaman ko kumakalam na sikmura ko.

Nagtataka ba kayo kung bakit nagtatagalog kami eh mayayaman kami? Ganto kase yun may rules ( Mula pagkabata na dinala na namin sa pagtanda) kami na kapag nasa pilipinas kami magtatagalog lang kami pero pwede namang unting english basta hindi full pero kapag nasa ibang bansa kami ayun ding langguage gagamitin namin. Okay naba? Atsaka nasanay kami sa language na 'to. Hindi naman lahat ng mayayaman englishero, and we are one of them.

"KAINAN NA!" patay gutom na sigaw ni Andrei.

Habang kumakain binasag ko na ang katahimikan kase may kailangan nga pala ako.

"Mamita.." nakangiting pagtawag ko.

"Bakit apo?" tanong nito na tumigil saglit sa pagkain.

"Ahm, ganto kase 'yon, napag-usapan naming magkakapatid na tatry naming maging mahirap. Yung para bang 'yung mga damit namin hindi branded." paliwanag ko. Yung mga kapatid ko naman gulat na napatingin saken, kasama narin yung dalawang walang pakialam sa mundo. Sino ba naman kaseng hindi magugulat? Eh, hindi naman talaga namin napag-usapan 'yon.

"Totoo ba 'yun, mga apo?" tanong ni mamita sa lima kaya tinignan ko sila ng knowing look na agad naman nilang naintindihan.

"Opo mamita/Yes mamita." magkasabay na sabi nila andrei panget at mackie siraulo.

"Basta 'wag niyong papabayaan ang sarili niyo, ha? Magpaalam narin pala kayo sa mga magulang niyo. Dahil kahit na malaki na kayo at may mga sariling desisyon mga magulang niyo parin sila." sabi ni mamita na hinala kong pumapayag kaya nagtanong na ako baka mamaya mali pa hinala ko.

I asked, "Don't worry, mamita. I'll tell them. By the way, payag kana po mamita?"

Tumango lang ito sinabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Sa sobrang saya ko natapos kona agad ang pagkain ko.

Nang matapos na kaming lahat kumain papunta naman kaming lahat sa sari sariling kwarto namin pero bago ako makapunta sa kwarto ko dinala nila ako sa guest room na kami lang din gumagamit para kapag may paguusapan ng sama sama.

"Ano 'yon?" pambungad na tanong ni Andrei.

"Anong 'ano yon'?" I answer him with another question.

Mackie asked, "Bakit mo naman kami sinali sa kalokohan mo?"

"This is not kalokohan." sambit ko sa kanya.

Ang sunod naman na nagtanong ay si Rayzon na halatang hindi sang-ayon sa plano ko, "Bakit ba magpapanggap pa tayo?"

"Chill guys, magpapaliwanag ako."

Nang maintindihan nila ang sinabi ko nagsipag-upo sila sa sofa at nakadekwatrong upo.

"Ganto kase 'yon, mamanmanan natin 'yung mga babaeng nakita natin kanina." sambit ko.

Napatawa naman bigla si Andrei, "You mean, yung babaeng nanapak sayo? Saka 'yung mga kasama nun?"

I exclaimed, "Nadali mo, tol!"

"Pagkatapos nun?"

"Tapos ayun nga, mamanmanan natin sila." maikling sinabi ko.

"Laro lang ba 'to o totoo na?" tanong ni Leo kaya napatingin ako sa kanya.

Napangisi ako sa sinabi niya, "Tsk. Ano paba? Edi laro."

"Kung laro lang 'to. Bakit pa natin sila kailangan manmanan?" tanong ni Leo.

Lalong lumawak ang ngisi ko dahil sa tanong niya, "Nacha-challenge ako, eh. May fighting spirit siya, tol. Mukhang hindi easy to get."

Inilingan lang ako nito at hindi na nagtanong pa muli.

Pumito naman si Andrei sa sinabi ko at nagpusta-pustahan na sila.

"Anong pusta niyo? Ako mga ilang araw lang 'yan. Matinik 'yan si Bryle, eh." sambit ni Mackie kaya nagfist bump kami.

Naglabas naman ng limang libo si Rayzon at sumali sa pustahan, "Pusta ko ilang buwan bago mapasagot ni Bryle 'yung babae."

"We'll see." mayabang na sambit ko.

Napatingin naman ako kay Andrei na tinignan ang wallet at nagbigay ng dismayadong tingin samin, "Hindi ako makakasali sa pustahan. Tignan niyo, wala man lang kalaman-laman nitong wallet ko."

"Kayo? Leon at Drixxon?" pagtawag ko sa dalawang tahimik. Although alam ko naman na hindi sumasali sa ganitong pustahan si Drixxon tinanong ko parin. Si Leon naman nasa mood niya kung sasali siya o hindi.

Kinuha ni Leonic ang wallet sa bulsa ng pantalon niya at may nilabas na sampung libo, "Para sakin, mga taon mo siya mapapasagot." sambit nito kaya nabawasan ang ngisi ko. Nakakaoffend, ha. Parang sinasabi niya na mabagal akong kumilos.

"Ikaw, Drixxon?"

Biro lang sana ang pagtatanong ko sa kanya nun, kaso nabigla ako nung binuksan niya ang wallet niya at nilabas ang sampung libo, "I think, hindi mo siya mapapasagot." walang preno nitong sabi sabay lapag ng ten thousand sa mesa.

Hindi ko nalang pinahalata na na-offend ako dahil kasalanan ko rin kung bakit siya sumali sa pustahan.

"Back to topic. So, kaya tayo magpapanggap dahil gusto mong pagpustahan siya?" tanong ni Drixxon kaya napangiwi ako sa ginamit niyang word.

I said, "Grabe naman sa pagpustahan, 'diba pwedeng gusto ko siyang makilala ng lubusan?"

Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi ko at hindi na ako pinansin.

"Papayag ba kayo?" tanong ko na tinitignan sila isa't isa.

"May choice paba kami? Nakapagpaalam kana nga kay mamita, eh." sabay na sabay na sagot ng tatlong siraulo sa tanong ko.

"Kailan ba magsisimula?" tanong naman ni Andrei.

"Bukas." nakangiting sagot ko.

"BUKAS?!" sabay sabay na sabi nila na nanlalaking mata.

"Oo! Kaya mag-ayos na kayo ng gamit para BUKAS!" nagmamadaling umalis ako dun dahil baka may bagong pasa na naman ako paglabas.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status