Share

CHAPTER 16

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-01 16:22:25

Hawak ni Chrissa sa kamay si Mat-Mat habang bumababa sila ng hagdan. Hapon iyon at kagigising lang ng alaga niya mula sa pagsi-siesta. Hindi pa sana sila bababa kung hindi lang umakyat si Kakay at sinabing pinapababa sila ni Trace dahil may bisitang dumating--- ang panganay na kapatid ng binata kasama ang pamilya nito.

Sa durasyon ng pananatili niya sa bahay nina Trace ay ngayon niya pa lamang makikita ang kapatid nito. Kahit nga ang ama ng binata ay hindi niya pa nakakaharap. Isa pa naman si Marcelo De la Serna sa mga importanteng dapat maging parte ng panayam niya kay Trace. Ayon sa mga kasamahan niya sa trabaho, si Marcelo talaga ang usap-usapang parte ng illegal na negosyo na siyang naging sanhi ng pagkamatay ng dating kasintahan ni Trace. Kung totoo man ang napabalitang iyon ay hindi niya sigurado. Hindi rin naman nakumpirma ng media at mga awtoridad.

“Nasa may hardin sila Chrissa. Doon na kayo dumiretso,” wika ni Kakay. Hindi na ito sumama pa sa kanila at sa halip ay nagtungo na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 59

    “Let me help you,” saad ni Chrissa sa malumanay na tinig kasabay ng pagkuha niya ng kutsara at tinidor mula kay Mat-Mat. Ni hindi ito umangal at hinayaan lamang na siya na ang maghati ng karneng nasa pinggan nito.Chrissa tried her best to smile at the kid. Napatingala kasi ito sa kanya matapos ng ginawa niya at gusto niyang iparamdam ditong maayos na ang lahat. Mula kasi nang mangyari ang ginawang pagpadukot sa kanila ni Daniel ay dama niyang nag-iba na naman ang bata. Hindi naman ito tumigil sa pagsasalita at nakikipag-usap naman sa kanila pero pigil ang bawat kilos nito na para bang takot na ano mang oras ay may mangyayaring masama.And it has been almost two months since that happened. Matulin na lumipas ang mga araw at sa ngayon ay halatang-halata na ang kanyang tiyang halos paapat na buwan na. It has been two months, yet Chrissa could feel that Mat-Mat finds it hard to move on. Nasa dibdib pa rin nito ang takot dahil sa mga nangyari.At iyon ang rason kung bakit sa tuwing magkas

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 58

    Maagap na kumilos si Trace para hawakan ang mga kamay ni Chrissa. Mahigpit na ikinulong ng binata sa mga palad nito ang dalawa niyang kamay saka muling naupo sa kanyang tabi. Puno pa ng pagsusumamo ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya kasabay ng muling pagwika.“Listen to me, baby,” wika nito sa masuyong tinig. “Those people that I had killed... that the organization had killed, masasamang tao ang mga iyon. They were also part of a syndicate and also doing illegal things. Hindi kami pumapatay ng mga inosenteng tao.”“Mga tao pa rin sila, Trace,” mariin niyang saad sabay bawi sa kanyang mga kamay na hawak nito. “Kahit pa sabihin mong gumagawa rin sila ng masama, hindi niyon mabubura ang katotohanang nakapatay ka na. Nakagawa ka na ng krimen. Ano ngayon ang kaibahan mo sa mga taong iyon na sinasabi mong masasama?”“Okay, yes,” he said in frustration. “I had done a lot of crimes, Chrissa. Hindi ko itatanggi ang mga iyon. We sold drugs, illegal weapons... even women. You want me t

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 57

    “You should eat a lot of fruits and vegetables for your child. Makabubuti ito para sa inyo,” banayad na wika ni Victoria kay Chrissa habang nagbabalat ng orange. Nakaupo ito sa silyang katabi ng kanyang higaan habang nakalagay sa kandungan nito ang isang platitong pinaglalagyan nito ng nabalatang prutas.Hindi maiwasang mapangiti ni Chrissa sa kanyang ina. Nakaupo lamang siya sa ibabaw ng kama at nakasandal pa ang likod sa headboard niyon habang pinagmamasdan ito sa ginagawa.Simula nang mailipat siya sa pribadong silid na iyon kagabi ay hindi pa umaalis ang kanyang ina. Ito, kasama si Trace, ang nagbantay sa kanya sa ospital. Naroon din kanina ang kanyang ama na kinailangan lamang umalis dahil sa maraming trabahong kailangang harapin sa Bonifacio Construction Company.Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kanyang ina. Nagbibigay pa ito ng bilin sa kung ano ang dapat niyang gawin para mapabilis ang pagbalik ng kanyang lakas matapos magtamo ng tama ng baril. Naririnig niya ito ngunit halos

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 56

    Ni walang inaksayang oras si Trace at agad na tinawid ang distansiya nila ni Chrissa. Sa malalaking hakbang ay agad niya itong nalapitan at halos sumalampak sa tabi nito. Sinapo niya ang batok ng dalaga at bahagyang iniangat ang ulo nito kasabay ng marahan niyang paghaplos sa pisngi nitong may pasa pa.“B-Baby...” sambit niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan nito at halos magtagis ang mga ngipin niya nang makita ang sariwang dugong umaagos sa kaliwang balikat nito.“T-Trace,” narinig niyang saad nito sa napakahinang tinig. “O-Our baby... our baby, Trace.”Chrissa sobbed. Pinaghalong takot at pag-inda sa sakit ang lumarawan sa mukha nito. Marahas pa itong napaigtad nang maya-maya ay nakarinig pa sila ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Out of instinct, he grabbed her and hugged her tight for protection.Agad siyang napalingon kay Alvaro nang mapunang dito nanggaling ang dalawang putok kanina. Nakatutok pa ang baril na hawak nito sa kanyang likuran na nasisiguro niyan

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 55

    Chrissa swallowed hard as she tried her best to hold her tears. Ngunit kahit anong pigil niya na huwag nang umiyak ay patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha habang nakatitig kay Trace. Nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ang binata. Nakatiim ang mukha nito dahil sa labis na galit na alam niyang laan para kay Daniel.Hindi niya inaasahang agad itong pupunta. Tama ang mga sinabi ni Daniel kanina. Sadyang mabilis ang pagdating ni Trace. Nahihinuha niyang dahil iyon sa labis na pag-aalala nito para kay Mat-Mat at marahil ay dahil na rin sa kanya at sa dinadala niya.Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Chrissa ang mas pagdilim ng mukha ni Trace nang mapatitig sa kanya. Alam niyang nakita nito ang bakas ng pananakit sa kanya ni Daniel. Hindi niya kailangang tumingin sa salamin para masabi niyang may pasa ang sulok ng kanyang bibig. Nakadarama siya pananakit sa bahaging iyon kaya alam niyang nag-iwan ng bakas doon ang ginawa ng lalaki.“D-Daddy...!” malakas na bulalas ni Mat-Mat nan

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 54

    Kabadong napatitig si Chrissa kay Daniel na ngayon ay nakatiim-bagang na nakatunghay din sa kanya. Hawak nito sa kanang kamay ang pag-aaring cell phone na kung bakit kaydaling natapos ang tawag na natanggap kanina ay hindi niya alam. Hindi niya inaasahang babalik din ito agad sanhi para hindi siya nangambang saguting ang tanong ni Mat-Mat.Definitely, she was not coming with him. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para magpahinuhod sa gusto nito. Sadyang hindi lang siya nagbigay ng ano mang negatibong reaksyon sa mga sinabi nito kanina dahil gusto niyang makita si Mat-Mat. Sa kabila ng sitwasyong mayroon sila nang mga oras na iyon ay mas mapapanatag ang loob niya kung kasama niya ang bata.Kanina pa siya nangangamba sa kung ano ang kalagayan ni Mat-Mat. Hindi lingid sa kanya ang pagnanais ni Daniel na saktan ito sanhi para hindi mawala ang pag-aalala sa kanyang dibdib. It was the reason why she thought of playing a trick. Baka sakaling mapaniwala niya si Daniel upang kahit si Mat-Mat ma

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status