Share

CHAPTER 4

last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-13 16:15:41

MARIING napalunok si Chrissa upang hamigin ang kanyang sarili. Tumayo rin siya nang tuwid at tuluyang humarap sa lalaking bagong dating. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam niyang si Trace De la Serna ang kanyang kaharap.

She did some research. Bago pa man tuluyang pumunta sa address na iyon ay sinubukan niyang maghanap ng ilang impormasyon tungkol sa mga De la Serna. Oo't wala siyang nahanap na ano mang detalye tungkol sa kontrobersyang nangyari dalawang taon na ang nakararaan. Sadyang nagawa ng mga itong ipabura lahat ng balita tungkol sa pangyayaring iyon. Ganoon pa man, Chrissa was able to see some photos of Marcelo and Trace De la Serna. Karamihan nga lang ay mga stolen shots lamang at galing sa mga business related events ng mga ito.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang matigilan nang makita nang malapitan ang lalaking sadya niya sa lugar na iyon. Nagkaroon siya ng pagkakataong makita nang malinaw ang mukha nito at hindi man gustong aminin ni Chrissa pero masasabi niyang isa na yata ito sa mga lalaking lubos na pinagpala ng Diyos kung pisikal na katangian ang pag-uusap.

She cleared her throat. Pilit niyang iwinaksi sa kanyang isipan ang pang-aanalisa sa panlabas nitong katangian.

"M-Mr. De la Serna---"

"Ayon sa nakausap ni Kakay na taga-agency ay mga alas-nueve ng umaga ka darating dito," maagap nitong sabi bago pa man niya matapos ang pagsasalita. "What happened? Bakit ngayon ka lang? It's almost two in the afternoon, Miss."

Napaawang siya ng kanyang bibig upang sana ay magsalita. May gusto sana siyang sabihin dito ngunit agad niya na ring inawat ang kanyang sarili. Muli niyang itinikom ang kanyang bibig at mariin na namang napalunok.

Hindi niya maiwasang mapaisip. It was so obvious that they're expecting for someone. Ayon sa babaeng nagpapasok sa kanya, si Kakay, ay kanina pa hinihintay ng mga ito ang babysitter na kinuha ng amo nitong si Trace. And they all thought that she was that babysitter? Talaga bang iyon ang dahilan kaya siya pinapasok agad ng mga ito?

Kung sakali kayang sabihin niyang siya nga ang babysitter na kinuha ng mga ito ay mananatili siya sa bahay na iyon? Mapapalapit siya sa mga ito? Maaari na siyang makakuha ng mga impormasyong kailangan niya?

Dahil sa mga kaisipang iyon ay hindi niya mapigilang mapangiti. Halos makalimutan niyang kaharap niya lamang si Trace.

"And you still have the guts to smile instead of answering me," he snapped at her.

Mabilis na hinamig ni Chrissa ang kanyang sarili. Sumeryoso na siya saka nagsalita rito. "Eh, n-nagkaroon lang ho ng emergency sa amin kaya... kaya ngayon lang ako nakarating," pagdadahilan niya rito.

Disimulado siyang humugot ng malalim na hininga. This is it! Hindi na niya maaaring bawiin pa ang mga sinabi niya. Tuluyan na nga siyang nagpadala sa agos ng mga pangyayari. Tuluyan niya na ngang sinakyan ang pag-aakala ni Trace na siya ang babysitter na kinuha ito.

She needed to do it for MC Press. Hindi niya gustong matigil ang operasyon niyon. May kailangan pa siyang patunayan sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ama. At kung ang paraan lang para magawa niya iyon ay ang makakuha ng panayam kay Trace De la Serna, so be it. She would deal with him, kahit na ang tanging daan para magawa niya iyon ay ang magtrabaho sa pamamahay nito.

"Emergency... yet, you're smiling?" paasik pa rin nitong saad.

"M-May... May naalala lang ho ako, Ser..." aniya, may pilit na ngiti sa mga labi. Sadyang nilagyan niya pa ng kakaibang accent ang pagsasalita at minali ang pagbigkas ng salitang 'sir'. She didn't want to be articulate in front of him. Kapag nagkataon ay mapapansin nitong lumaki rin siya sa marangyang buhay.

Trace slightly tilted his head while looking intently at her. Mataman at nang-uuri ang titig na iginawad nito sa kanya. Wari bang hindi ito kumbinsido sa mga sinabi niya at halos gusto pang mailang ni Chrissa dahil hindi lang sa kanyang mukha gumala ang paningin ng binata. Bumaba rin iyon sa kanyang kabuuan na para bang isa siyang specimen sa isang microscope na dapat nitong suriin.

Chrissa was just wearing a denim pants which she paired to a blue V-shaped neckline cotton t-shirt. Sa mga paa ay puting rubber shoes ang kanyang suot. Sadyang mga ganoong kasuotan lamang ang isinusuot niya sa tuwing mang-iinterview ng mga taong kailangan nilang kuhanan ng kuwento.

And she was just so glad that she's wearing simple outfit. Hindi mahirap papaniwalain ang mga De la Serna na siya nga ang babysitter na hinihintay ng mga ito. Kadalasan kasi, lalo na kapag papasok siya sa MC Press, casual dresses ang kanyang suot. Kahit pa sabihing mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang sarili, halata pa rin ang karangyaan sa kanyang mga pananamit.

"What is your name?" maya-maya ay biglang tanong ni Trace. Halos karinggan pa ng yamot ang boses nito nang magtanong sa kanya.

"C-Chrissa, Ser," alanganin niyang sagot. "Chrissa Bonifacio."

"Where is your resume? Ang sabi ni Kakay, ayon sa agency na pinagmulan mo ay ikaw na ang magbibigay ng resume mo sa amin."

Hindi niya maiwasang kagatin ang kanyang ibabang labi. Agad siyang nakadama ng pagkabahala. Totoong pangalan niya ang nasabi niya sa binata. Paano kapag inalam nito ang background niya? Paano kapag nalaman nitong nagsisinungaling lamang siya at anak siya ng negosyanteng nagmamay-ari ng isang construction company?

God, ano itong pinasok ko?--- saad niya sa sarili habang kagat pa rin ang pang-ibabang labi.

*****

TRACE swallowed an imaginary lump in his throat. He was still looking intently at the woman in front of him. Halatang wala itong maisagot sa kanya. Katunayan, kanina pa siya walang makuhang matinong sagot mula rito. At hindi niya pa maiwasang mapalunok habang pinagmamasdan ang dalaga na napapakagat sa ibabang labi nito.

Trace knew that she was doing it subconsciously. Hindi iyon pansin ng dalaga. Ni hindi sinasadya. But damn it, why did he find it... sexy?

"Stop that!" Hindi niya napigilang bulyawan ang dalaga na agad nitong ikinapitlag. Maang na napatingala sa kanya si Chrissa na wari bang hindi inasahan ang pagtaas niya ng tinig. Nahinto nga ito sa pagkagat sa pang-ibabang labi nito pero bahagya namang napaawang iyon dahil sa pagkagulat sa kanya. At halos mapamura na si Trace sa kanyang isipan dahil doon. Why, her slightly opened mouth was as if inviting a man to kiss her!

Tulad ng nabanggit niya kay Lemuel nang isang araw, hindi problema sa kanya ang babae. He may not have an official relationship with anyone but his life never run out of women. Kaya hindi na sana bago sa kanya ang nakitang ginawa ni Chrissa. Mga socialites na babae ang kadalasan niyang nakakasalamuha at ang ilan ay sadya pang umaakto nang ganoon sa kanyang harapan para maakit siya.

But this woman in front of him was different. Hindi sinasadya ang ikinilos pero sadyang nakakukuha ng atensyon. And her action, though unintentionally, turned out to look so seductive.

"Damn it!" he hissed. Hindi niya alintana kung narinig man nito ang pagmumura niya. Hindi niya mapigilang maisatinig iyon. Nagagalit na siya dahil sa tagal ng pagdating nito. Bakit nagawa niya pang pansinin ang ibang bagay tungkol sa dalaga?

"Stop ang alin, Ser?" maang nitong tanong pagkaraan ng ilang saglit. Bakas sa mukha nito ang pagkalito. Halatang hindi alam kung ano ang tinutukoy niya.

Trace composed himself. Iwinaksi niya sa kanyang isipan ang ibang bagay at muling pinagtuunan ang pakikipag-usap kay Chrissa.

"So, you don't have your resume right now? Pati gamit mo ay wala kang dala? I mean, where are your things? Clothes?" magkakasunod-sunod niyang tanong dito nang mapansing maliban sa shoulder bag ay wala nang ibang dala ang dalaga.

Agad na nag-iwas ng paningin si Chrissa. Para bang naghahanap pa ito ng mga salitang isasagot sa kanya. And with that, he couldn't help but to be irritated again. Hindi ba nito alam kung ano ang dapat gawin? Hindi ba nito alam na kailangan nitong manatili sa bahay niya?

He was looking for a stay-in babysitter. Alam iyon ng agency kung saan siya nag-inquire. How come this woman didn't know about it? Paano nito mababantayan ang kanyang anak kung hindi naman ito sa bahay niya tutuloy.

"K-Kasi... Kasi, Ser, nagmamadali na ako kanina," anito na waring nagdadahilan na lamang. "Babalikan ko---"

"Babalikan?!" nauubos na ang pasensiyang saad niya rito. "Didn't the agency explain to you what you need to do? The kind of job that you are applying? How long have you been a nanny?"

Sa dami ng kanyang tanong ay hindi man lang nakaimik ang dalaga. She was just looking at him as if she didn't know what to do. Pakiramdam nga ni Trace ay nangingilag na ito sa kanya na humarap.

But then, after a few seconds, Chrissa composed herself. Mariin pa muna itong lumunok saka nagsalita.

"Ser, may emergency nga pong nangyari at pagkagaling sa pinuntahan ko, dumiretso na ako rito," saad nito. Gusto pang isipin ni Trace na may bahid na ng inis ang tinig nito. Hindi niya pa maiwasang mapataas ng isang kilay dahil doon. May lakas ng loob pa talaga itong sagutin siya gamit ang ganoong tono. "Ang importante po ay narito na ako. Aayusin ko ho ang trabaho ko. Promise!"

Trace almost cringed when he saw her raised her right hand. Para bang nanunumpa ito. Isang matamis na ngiti pa ang pinakawalan nito na kung sa ibang pagkakataon ay iisipin niyang pilit na ngiti iyon.

He was about to say something when his cell phone rang. Dahil nasa bulsa lamang iyon ng kanyang pantalon ay mabilis niya iyong nakuha. Nang makitang pangalan ni Lemuel ang nasa screen ay agad niya iyong sinagot. He didn't even excuse himself to Chrissa. Sa mismong harapan nito ay sinagot na niya ang tawag ng kanyang kapatid.

"Hello, Lemuel," bungad niya sa nasa kabilang linya. He's now listening to his brother but his eyes were still looking intently at the woman in front of him.

Sumeryoso na ang mukha ng dalaga. Napahawak pa ito sa strap ng nakasukbit na shoulder bag sa balikat nito habang naghihintay na matapos siyang makipag-usap sa tumawag sa kanya. Hindi pa maiwasang gumala ulit ang paningin ni Trace sa kabuuan ng dalaga. Dahil sa kaharap niya lang ito ay malaya niya itong napagmasdan.

Chrissa must be seven or eight years younger to him. Hindi ito katangkaran pero hindi rin naman masasabing mababa ang dalaga. Her height was just right for her body. She's slim and he has this feeling that he could measure her waistline with just his two hands. This woman could even pass as a model. At hindi maitatangging may gandang taglay ang dalaga. Sa ibang pagkakataon ay hindi niya iisiping pagkakatulong ang ikinabubuhay nito.

"Trace, are you listening to me?" maya-maya ay narinig niyang tanong ni Lemuel mula sa kabilang linya. Dahil sa paninitig kay Chrissa ay hindi na niya namalayang marami na palang nasabi ang kanyang kapatid.

"W-What did you say again?"

"Are you even listening to me?" he hissed at him. "Ang sabi ko ay nasa ospital na kami ngayon ni Jossa. Her water broke, at ano mang oras ay manganganak na siya."

"What? S-Saang ospital kayo naroroon? Pupuntahan ko kayo," mabilis niyang sabi. Tuluyan nang natuon ang pansin niya sa kanyang kapatid.

Agad ding sinabi ni Lemuel ang ospital na pinagdalhan nito kay Jossa. Hindi nga nagtagal ay nagpaalam na siya rito at muling tinitigan si Chrissa. Wari bang naghihintay lang ito ng ano mang sasabihin niya.

"Kakay!" malakas niyang tawag sa isa niyang kasambahay. Dali-daling itong lumapit sa kanila mula sa kusina.

"Yes po, Sir Trace..."

"Kailangan kong umalis. Manganganak na si Jossa at pupuntahan ko sila ni Lemuel sa ospital," imporma niya rito. Agad pang kinabakasan ng tuwa si Kakay dahil sa ibinalita niya. Dahil sa madalas din naman sa bahay niya ang pamilya ng kanyang kapatid ay naging malapit din kay Jossa sina Kakay at Manang Tess.

"Ipaliwanag mo kay Chrissa lahat ng dapat niyang gawin. Then, introduce her to Mat-mat," patuloy niya sa pagsasalita bago si Chrissa naman ang binalingan. "You can go to get your things. Siguraduhin mo lang na narito ka na bago pa ako makauwi mamayang gabi."

Pagkawika niyon ay agad na siyang tumalikod upang umalis nang wala man lang paalam sa mga ito. Nakailang hakbang na siya nang sumagot si Chrissa.

"Yes, Ser, narito na ako bago lumubog ang araw sa kanluran."

Trace instantly stopped walking. Hindi niya alam kung sadyang ganoon lang ito magsalita o talagang hinuhuli nito ang pikon niya.

He harshly turned to look at her and caught her following him with her stares. "It's 'sir', Chrissa, not 'ser'," iritable niyang wika bago tuloy-tuloy nang humakbang paalis.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
mycaptain❤️
sunget mo ser wahhahahaha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   AUTHOR'S NOTE

    Paano kung sa kagustuhan ni Anie na makilala ang kanyang totoong ama ay sa lalaking may matinding galit para sa kanyang kapatid siya mapunta?Alvaro Savalleno--- the man who hates her brother, Trace, so much... the man who would make her regret that she was connected to the De la Sernas. Could she ever escape... HIS RUTHLESS HEART?HIS HEART SERIES 3: HIS RUTHLESS HEART (Alvaro and Anie’s story)SOON...STORIES UNDER HIS HEART SERIES:*HIS HEART SERIES 1: HIS SCARRED HEART (Lemuel and Jossa)*HIS HEART SERIES 2: HIS STONE HEART (Trace and Chrissa)SOON ON GOODNOVEL:*HIS HEART SERIES 3: HIS RUTHLESS HEART (Alvaro and Anie)*HIS HEART SERIES 4: HIS TAINTED HEART (Lianna’s story [Lemuel and Jossa's eldest child])*HIS HEART SERIES 5: HIS COLD HEART (Mat-Mat and Darlene’s story)...other stories included on this series will be announced soon...

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 64

    Masayang pinagmamasdan ni Chrissa ang lahat ng bisita nilang dumating para sa araw na iyon. Ang lahat ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan habang bakas ang saya sa mukha ng mga ito. Naroon ang mga taong mahalaga para sa kanila ni Trace at nakikisaya sa kanila sa okasyong iyon.It was their engagement party. Simpleng kasiyahan lang iyon na dinaluhan ng ilang piling bisita lamang. Ang mga naroon ay mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ng mga De la Serna at mga Bonifacio. Dumalo rin sa nasabing okasyon ang ilang empleyado ng DLS Corporation, maging ng construction company na pag-aari ng kanilang pamilya.Hindi pa sana ganoong pagdiriwang ang gusto ng ama ni Trace na si Marcelo. The old man wanted an upscale gathering. Iyong gaganapin sa malakihang venue at dadaluhan ng napakaraming bisita. Bagay iyon na magalang nilang tinanggihan ni Trace. Both of them decided to have a simple and solemn celebration of their engagement. Sa isang malaking function hall ng hotel ang napili nilang pag

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 63

    Nanunubig ang mga matang tinitigan ni Chrissa ang mukha ni Trace. Nakakulong pa rin siya sa mga bisig nito habang halos hindi na makakilos sa kanyang kinatatayuan matapos niyang marinig ang mga sinabi nito kanina. Gusto niya pang isiping baka namali lang siya ng rinig dahilan para ulitin niya ang pagtanong.“M-Marry you, Trace?” sambit niya sa mahinang tinig. “Y-You will marry me?”Nagusot ang noo nito dahil sa naging tanong niya. Ni hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang naaaliw na ekspresyon sa mga mata ng binata. For some reasons, it seemed that what she asked amused him.“What kind of question is that, baby?” napapangiti nitong balik-tanong sa kanya saka sinulyapan ang halata na niyang tiyan. Bahagya pang humiwalay sa kanya si Trace kasabay ng pagbaba ng mga kamay nito sa tiyan niya at marahan iyong hinaplos. “You are carrying my child and you are still asking me if am I marrying you?”Chrissa looked at him intently. “S-So, you are marrying me just because I am carrying your c

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 62

    “You can’t be serious, Papa? Are you telling us na anak mo nga ang babaeng iyon?” magkasunod na tanong ni Trace sa kanilang amang si Marcelo. Gimbal at hindi makapaniwalang pinagmasdan niya pa ito habang prenteng nakaupo lamang sa kanilang harapan.It was already seven in the evening. Ang plano niyang makapaghapunan na kasama ang kanyang pamilya ay tuluyan nang hindi natuloy dahil sa mga nangyari kanina. He couldn’t believe what he learned a while ago. Nagpakilala bilang isang De la Serna ang babaeng tinulungan niya kanina... ang babaeng nahuli ni Chrissa na titig na titig di umano sa kanya noong dumalo sila sa anibersaryo ng Grace and Love Foundation. At nang tanungin niya kung ano ang koneksyon nito sa kanyang pamilya ay iisa lang ang isinagot nito--- anak ito ni Marcelo, ng kanyang ama!Now, he fully understood why the woman was staring at him just like what Chrissa said. Kilala siya nito at nang araw pa lang nang anibersaryo ay alam na nitong magkapatid sila.He asked Anie about e

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 61

    Tuloy-tuloy ang pagpirma ni Trace sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa niya. It has been days since he became so busy on his work. Gusto niya kasing matapos ang lahat ng mga kailangang gawin bago pa sumapit ang katapusan ng buwan na iyon, dahilan kung bakit sa ibang pagkakataon ay naglalaan siya ng ilan pang oras sa kanilang kompanya para lang magtrabaho.Isinubsob niya nga ang kanyang sarili sa mga gawain nitong mga nakalipas na araw dahil sa iisang rason--- dapat ay hindi na siya masyadong abala sa susunod na buwan. Sa ganoon, mailalaan na lamang niya ang kanyang buong oras at atensyon sa binabalak niyang gawing sorpresa para kay Chrissa. It was the reason why he was trying his best to finish everything that he needed to do. Gusto niya namang ibigay ang mga susunod niyang araw para sa kanyang pamilya.He heaved out a sigh as he finished what he was doing. Sinalansan na niya ang mga naturang dokumento sa kanyang mesa saka inilapag na rin doon ang ballpen na ginamit. Ang sekretarya

  • His Heart Series 2:His Stone Heart   CHAPTER 60

    “Is there something wrong?” narinig ni Chrissa na tanong ni Trace nang mapansin nitong natahimik na siya sa kanyang kinauupuan.Isang sulyap pa ulit muna ang ibinigay niya sa dalagang nakaagaw ng kanyang pansin bago niya nilingon ang binata. Mataman nang nakatitig sa kanya si Trace na bakas sa mukha ang pagtataka. Dahil nga doon ay hinayon pa ng mga mata nito ang tinitingnan niya. Itinuon din nito ang paningin sa direksyon ng babaeng pinagmamasdan niya kanina.The woman was still standing there while holding the tray. Ngunit hindi na ito nakatitig kay Trace. May katabi na itong isa pang babae roon na sa hinuha niya ay katulad din nitong nagsisilbi sa foundation. Parehong nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon ang dalawa na para bang nagsisilbing uniporme ng mga nagtatrabaho sa naturang lugar.Mataman niya ring pinagmasdan ang dalagang una nang nakakuha ng atensyon niya. Nakikipag-usap na ito sa kasamahang babae pero napapansin niya pa rin ang disimulado nitong pagsulyap kay T

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status