Agad napaupo nang tuwid si Chrissa habang nakatitig kay Kakay. Hawak pa rin nito ang telepono at nakatapat sa tainga nito. Waring pinakikinggan nito ang mga sinasabi ng nasa kabilang linya. At hindi mahirap hulaan na mula sa agency na pinagkukuhanan ni Trace ng babysitter ang kausap ngayon ni Kakay. Parang nahihinuha niya na rin kung ano ang sanhi ng pagtawag ng mga ito.
"S-Sige ho... tatawag na lang ho ako maya-maya para sabihin sa inyo kung ano ang pasya ng boss ko. Maraming salamat ho," wika na nito bago ibinalik sa cradle ang telepono. Walang sinayang na segundo si Kakay. Pagkabitiw na pagkabitiw nito ng telepono ay mabilis itong lumapit sa kanya at basta na lamang siyang hinawakan sa kanyang kanang braso. Chrissa didn't have a choice but to stand up. Napahakbang na rin siya nang igiya siya ni Kakay palayo sa kinaroroonan ni Mat-Mat. Dinala siya nito malapit sa may lanai. "Magsabi ka nga sa akin ng totoo, sino ka, huh?" pabulong na usisa nito habang napapasulyap pa kay Mat-Mat. Maging si Chrissa ay napalingon din muna sa bata. Nakaupo pa rin ito sa sofa at sa kanila rin ni Kakay nakatingin. May pagtataka pa sa mukha nito na para bang nabigla sa ikinilos nila ni Kakay. "K-Kakay---" "Magsabi ka sa akin ng totoo," singit nito dahilan para maitikom niya ulit ang kanyang bibig. "Sino ka, Chrissa? Taga-agency ang nakausap ko kanina at tumawag sila para ipaalam na hindi natuloy sa pagpunta rito ang babysitter na ipadadala sana nila para sa mga De la Serna. Pero narito ka, nagpakilala bilang babysitter... sino ka ba?" Nagpakawala pa muna ng isang malalim na buntong-hininga si Chrissa bago sumagot. "Totoong Chrissa ang pangalan ko, Kakay... Chrissa Bonifacio," aniya sa malumanay na tinig. "N-Naghahanap tagala ako ng... ng trabaho. Nang pagkamalan mo ako kanina, inisip kong pangatawanan na lang." She couldn't help but to bite her lower lip. Heto na naman siya't humahabi ng panibagong kasinungalingan. Patong-patong na ang kuwentong ginagawa niya. "Naghahanap ng trabaho? Dito sa subdivision?" hindi makapaniwalang saad ni Kakay. "Paano ka nakapasok dito, Chrissa?" "Mahabang kuwento pero maniwala ka, hindi ako masamang tao. Trabaho lang talaga ang gusto ko, Kakay. At pangako, iigihan ko ang pagiging babysitter ni Mat-Mat." "Anak ng tokwa ka naman, Chrissa. Malilintikan tayo kay Sir Trace nito," puno ng pagkabahalang sabi nito. "Hindi mo alam kung paano magalit iyon." Mariin siyang napalunok. Kahit sabihing kanina pa lamang sila nagkaharap ni Trace ay nakukuha niya kung ano ang ibig sabihin ni Kakay. Maging ang mga kasamahan niya sa MC Press ay parang ganoon din ang nais sabihin sa kanya kaya nga walang sino man sa mga ito ang nais magpresintang akuin ang paghingi ng interview kay Trace De la Serna. He's dangerous... dangerous in a lethal way. Dama niya iyon habang kausap niya ito kanina. Kahit sino ay mangingilag itong harapin. Kung hindi niya nga lang talaga kailangang makahanap ng bagong kapapanayamin para sa kanilang magazine ay hindi na niya pangangatawanan ang pagpanggap na sinimulan. Pero narito na siya. Nakapasok na siya sa bahay ng mga De la Serna. Hindi na niya gugustuhin pang umatras. Ang kailangan niya na lamang gawin ngayon ay ang mapahinuhod si Kakay na pagtakpan siya. "H-Hindi ako gagawa ng ano mang ikagagalit ninyo, Kakay... pangako," pangungumbinsi niya pa rito. "Kailangan ko lang talaga ng trabaho. Asahan mong aayusin ko ang pagbabantay kay Mat-Mat." Nabitiwan siya nito at napatuptop pa sa noo. "Paano kapag nalaman ito ni Sir Trace? Chrissa, ako ang mawawalan ng trabaho dahil sa iyo." Hindi niya maiwasang makadama ng awa para sa babaeng kanyang kaharap. Aminado naman siyang mali itong ginagawa niya. Maaari ngang madamay si Kakay sa pagsisinungaling niya. "Hindi ka mawawalan ng trabaho. Bago pa man ako mabisto ay aalis na ako, Kakay. Pangako," maya-maya ay totoo sa loob na saad niya rito. Hindi na ito tumugon pa. Mataman na lamang itong napatitig sa kanyang mukha na wari bang tinitimbang ang mga sinabi niya. Bakas pa sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon sa mga sinabi niya at kung ito lang siguro ang masusunod ay talagang ibibisto siya nito kay Trace. But then, after a while, Kakay heaved out a deep sigh. Taliwas sa ipinapakitang disgusto sa mukha ng dalaga ang mga salitang lumabas sa bibig nito. "Okay," sumusuko nitong saad. "Aayusin mo ang pagbabantay kay Mat-Mat, Chrissa. Siguraduhin mo ring wala kang gagawing hindi magugustuhan ni Sir Trace dahil kapag nagkataon, malilintikan talaga tayong dalawa." Hindi na siya nito hinintay pang makasagot. Agad na itong naglakad palapit sa mesang kinapapatungan ng telepono. Nakita niyang may binuklat pa itong maliit na kuwaderno na nasa ibabaw lang din ng mesa. May tiningnan lang doon si Kakay saka nagsimulang magtipa na ng numero. Bago pa man niya mahulaan kung sino ang tatawagan ng dalaga ay may sumagot na mula sa kabilang linya. "Yes, Ma'am... De la Serna's residence po," saad ni Kakay sabay sulyap sa kanya. "Tungkol po sa babysitter, hindi na ho kukuha ang amo ko. P-Pinapa-cancel na ho..." Unti-unting naglakad si Chrissa palapit sa mga ito. Tuluyan siyang lumapit sa kinaroroonan ni Mat-Mat at masuyong ngumiti rito. Hindi niya alam kung nauunawaan ng bata ang mga sinabi ni Kakay sa telepono. Pakiramdam niya ay hindi naman. Sa kanya kasi ito nakatitig at waring walang pakialam sa ibang bagay. Chrissa looked at Kakay again. Patuloy pa ito sa pakikipag-usap sa telepono pero panaka-naka pa ring sumusulyap sa kanya. Hanggang sa maya-maya, nang magtama ang kanilang mga paningin, Chrisaa mouthed the words 'thank you' to her. Salamat na lang talaga at napahinuhod niya ito. ***** SINUSUNDAN ni Chrissa ng tingin ang paglakad ni Mat-Mat habang hawak ito sa kamay ng babaeng ipinakilala sa kanya ni Kakay bilang guro ng bata, si Mrs. Calderon. The woman must be on her thirties. Medyo may katabaan ito, tama lang ang tangkad at may mahabang buhok na nakapusod pataas. Mula pa pagdating ay may matamis na itong ngiti sa mga labi lalo na nang makaharap na si Mat-Mat. Chrissa was following them. Patungo ito sa isang silid na sabi ni Kakay sa kanya ay study room ni Mat-Mat. Ang buong akala niya ay doon lang gumagawa ng mga school activities ang bata sa tuwing uuwi pagkagaling sa eskuwela. Iyon pala ay doon mismo nag-aaral si Mat-Mat at ang guro nito ang sumasadya sa bahay ng mga De la Serna. "Dito mo na lang siya sa labas hintayin, Chrissa. Mga tatlong oras lang naman ang klase ni Mat-Mat. Mamaya lang din ay lalabas na sila ni Mrs. Calderon," mahabang pahayag sa kanya ni Kakay. Marahan pa siya nitong hinila palayo sa naturang silid. "Talaga bang dito lang nag-aaral si Mat-Mat? Hindi ba siya hinahayaan man lang ni Tr--- ni Ser Trace na pumasok sa totoong eskuwelahan?" "Hindi," mabilis nitong tugon sa kanya. "Mahigpit si Sir Trace pagdating kay Mat-Mat. Mula nang mangyari---" Bigla itong nahinto sa pagsasalita at mariin siyang tinitigan. "Hindi ba't sinabi na sa iyo ni Manang Tess na hindi gusto ni Sir Trace ang matanong? Saka hindi natin pupuwedeng kuwestiyon ang gusto ni Sir Trace para sa anak niya." Pagkawika niyon ay nagpatiuna na sa paglalakad si Kakay. Halos mapabuntong-hininga na lamang si Chrissa. She has this feeling na kay Kakay talaga siya makakukuha ng impormasyon tungkol sa pamilya ni Trace. Kailangan niya na lang ng konting pasensiya pa sa babaeng ito. Sinundan niya na ito sa paglalakad. Dumiretso si Kakay sa kusina at doon ay nadatnan itong kumukuha ng tubig. "Talaga bang kayong dalawa lang ni Manang Tess ang kasama ng mag-ama rito? Napakalaki ng bahay na ito pero kayo lang ang kinuha nilang kasama?" disimulado niya ulit na pang-uusisa. Nagkunwari pa siyang iinom rin upang hindi mahalata ng dalaga ang kagustuhan niyang makakuha ng detalye mula rito. Ininom muna ni Kakay ang tubig na inilagay nito sa baso bago siya sinagot. "Hindi gusto ni Sir Trace ng maraming tao rito sa bahay niya. Katunayan, ang pamilya lang nina Sir Lemuel ang dumadalaw dito. Hindi tumatanggap ng bisita si Sir dito sa bahay niya." "Ser Lemuel?" aniya na sadyang napukaw ang interes sa mga sinabi nito. "Kapatid ni Sir Trace, iyong tumawag sa kanya nang isang araw. Bagong panganak ang asawa niya, si Ma'am Jossa." "E-Eh, ang mga magulang nila? Hindi rito nakatira?" tanong niya pa. "Hindi," sagot nito habang hinuhugasan na ang basong pinag-inuman. "May sariling bahay si Sir Marcelo, ang ama nila. Ang kanilang ina naman ay matagal nang sleeping beauty." "Sleeping beauty?" nalilito niyang ulit. "Matagal nang patay," anito. Halos pandilatan na siya nito ng mga mata. "Ang dami mong tanong, Chrissa. Pinagtatakpan na kita kina Sir Trace at Manang Tess, ah. Hindi ko sinabi sa kanila na hindi ka galing sa agency, kaya sana sumunod ka rin sa mga sinabi ni Manang. Bawal ang matanong dito." Tumango-tango siya. Hindi niya lang kasi maiwasang magtaka. Ang laki ng bahay ng mag-ama pero sina Manang Tess at Kakay lamang ang kasama ng mga ito. Ang dalawa lamang ang naghahati sa mga gawaing-bahay. Mas marami pa nga ang security guard sa lugar kaysa sa kasambahay. May itinatago nga kaya talaga ang mga De la Serna? Kaya ba ayaw ni Trace ng ibang tao sa pamamahay nito? She heaved out a deep sigh. Dala niya ang kaisipang iyon hanggang sa mga sumunod na araw. Pilit pa rin siyang maghahanap ng ibang impormasyon tungkol sa mga ito. Hangga't kaya niya, aalamin niya ang lahat ng sikreto ni Trace De la Serna.“Let me help you,” saad ni Chrissa sa malumanay na tinig kasabay ng pagkuha niya ng kutsara at tinidor mula kay Mat-Mat. Ni hindi ito umangal at hinayaan lamang na siya na ang maghati ng karneng nasa pinggan nito.Chrissa tried her best to smile at the kid. Napatingala kasi ito sa kanya matapos ng ginawa niya at gusto niyang iparamdam ditong maayos na ang lahat. Mula kasi nang mangyari ang ginawang pagpadukot sa kanila ni Daniel ay dama niyang nag-iba na naman ang bata. Hindi naman ito tumigil sa pagsasalita at nakikipag-usap naman sa kanila pero pigil ang bawat kilos nito na para bang takot na ano mang oras ay may mangyayaring masama.And it has been almost two months since that happened. Matulin na lumipas ang mga araw at sa ngayon ay halatang-halata na ang kanyang tiyang halos paapat na buwan na. It has been two months, yet Chrissa could feel that Mat-Mat finds it hard to move on. Nasa dibdib pa rin nito ang takot dahil sa mga nangyari.At iyon ang rason kung bakit sa tuwing magkas
Maagap na kumilos si Trace para hawakan ang mga kamay ni Chrissa. Mahigpit na ikinulong ng binata sa mga palad nito ang dalawa niyang kamay saka muling naupo sa kanyang tabi. Puno pa ng pagsusumamo ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya kasabay ng muling pagwika.“Listen to me, baby,” wika nito sa masuyong tinig. “Those people that I had killed... that the organization had killed, masasamang tao ang mga iyon. They were also part of a syndicate and also doing illegal things. Hindi kami pumapatay ng mga inosenteng tao.”“Mga tao pa rin sila, Trace,” mariin niyang saad sabay bawi sa kanyang mga kamay na hawak nito. “Kahit pa sabihin mong gumagawa rin sila ng masama, hindi niyon mabubura ang katotohanang nakapatay ka na. Nakagawa ka na ng krimen. Ano ngayon ang kaibahan mo sa mga taong iyon na sinasabi mong masasama?”“Okay, yes,” he said in frustration. “I had done a lot of crimes, Chrissa. Hindi ko itatanggi ang mga iyon. We sold drugs, illegal weapons... even women. You want me t
“You should eat a lot of fruits and vegetables for your child. Makabubuti ito para sa inyo,” banayad na wika ni Victoria kay Chrissa habang nagbabalat ng orange. Nakaupo ito sa silyang katabi ng kanyang higaan habang nakalagay sa kandungan nito ang isang platitong pinaglalagyan nito ng nabalatang prutas.Hindi maiwasang mapangiti ni Chrissa sa kanyang ina. Nakaupo lamang siya sa ibabaw ng kama at nakasandal pa ang likod sa headboard niyon habang pinagmamasdan ito sa ginagawa.Simula nang mailipat siya sa pribadong silid na iyon kagabi ay hindi pa umaalis ang kanyang ina. Ito, kasama si Trace, ang nagbantay sa kanya sa ospital. Naroon din kanina ang kanyang ama na kinailangan lamang umalis dahil sa maraming trabahong kailangang harapin sa Bonifacio Construction Company.Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kanyang ina. Nagbibigay pa ito ng bilin sa kung ano ang dapat niyang gawin para mapabilis ang pagbalik ng kanyang lakas matapos magtamo ng tama ng baril. Naririnig niya ito ngunit halos
Ni walang inaksayang oras si Trace at agad na tinawid ang distansiya nila ni Chrissa. Sa malalaking hakbang ay agad niya itong nalapitan at halos sumalampak sa tabi nito. Sinapo niya ang batok ng dalaga at bahagyang iniangat ang ulo nito kasabay ng marahan niyang paghaplos sa pisngi nitong may pasa pa.“B-Baby...” sambit niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan nito at halos magtagis ang mga ngipin niya nang makita ang sariwang dugong umaagos sa kaliwang balikat nito.“T-Trace,” narinig niyang saad nito sa napakahinang tinig. “O-Our baby... our baby, Trace.”Chrissa sobbed. Pinaghalong takot at pag-inda sa sakit ang lumarawan sa mukha nito. Marahas pa itong napaigtad nang maya-maya ay nakarinig pa sila ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Out of instinct, he grabbed her and hugged her tight for protection.Agad siyang napalingon kay Alvaro nang mapunang dito nanggaling ang dalawang putok kanina. Nakatutok pa ang baril na hawak nito sa kanyang likuran na nasisiguro niyan
Chrissa swallowed hard as she tried her best to hold her tears. Ngunit kahit anong pigil niya na huwag nang umiyak ay patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha habang nakatitig kay Trace. Nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ang binata. Nakatiim ang mukha nito dahil sa labis na galit na alam niyang laan para kay Daniel.Hindi niya inaasahang agad itong pupunta. Tama ang mga sinabi ni Daniel kanina. Sadyang mabilis ang pagdating ni Trace. Nahihinuha niyang dahil iyon sa labis na pag-aalala nito para kay Mat-Mat at marahil ay dahil na rin sa kanya at sa dinadala niya.Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Chrissa ang mas pagdilim ng mukha ni Trace nang mapatitig sa kanya. Alam niyang nakita nito ang bakas ng pananakit sa kanya ni Daniel. Hindi niya kailangang tumingin sa salamin para masabi niyang may pasa ang sulok ng kanyang bibig. Nakadarama siya pananakit sa bahaging iyon kaya alam niyang nag-iwan ng bakas doon ang ginawa ng lalaki.“D-Daddy...!” malakas na bulalas ni Mat-Mat nan
Kabadong napatitig si Chrissa kay Daniel na ngayon ay nakatiim-bagang na nakatunghay din sa kanya. Hawak nito sa kanang kamay ang pag-aaring cell phone na kung bakit kaydaling natapos ang tawag na natanggap kanina ay hindi niya alam. Hindi niya inaasahang babalik din ito agad sanhi para hindi siya nangambang saguting ang tanong ni Mat-Mat.Definitely, she was not coming with him. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para magpahinuhod sa gusto nito. Sadyang hindi lang siya nagbigay ng ano mang negatibong reaksyon sa mga sinabi nito kanina dahil gusto niyang makita si Mat-Mat. Sa kabila ng sitwasyong mayroon sila nang mga oras na iyon ay mas mapapanatag ang loob niya kung kasama niya ang bata.Kanina pa siya nangangamba sa kung ano ang kalagayan ni Mat-Mat. Hindi lingid sa kanya ang pagnanais ni Daniel na saktan ito sanhi para hindi mawala ang pag-aalala sa kanyang dibdib. It was the reason why she thought of playing a trick. Baka sakaling mapaniwala niya si Daniel upang kahit si Mat-Mat ma