"You did... what?!"
Bahagyang nailayo ni Chrissa ang cell phone niya mula sa kanyang tainga dahil sa lakas ng pagkakatanong ni Daisy. She was talking to her over the phone while she's busy getting her things. "You heard me, Daisy. Magtatrabaho ako sa bahay ni Trace De la Serna," mariin niyang saad dito kasabay ng pagkuha pa ng ilang damit niya mula sa closet. Gamit niya ang kanyang kanang kamay sa pagkuha ng mga damit habang ang kaliwang kamay niya naman ay nakahawak sa kanyang cell phone. Pagkaalis na pagkaalis nga ni Trace kanina ay dali-dali siyang nagpaalam kay Kakay na uuwi muna para kumuha ng gamit. Binanggit niya rin sa babae ang kasinungalingang nauna na niyang nasabi kay Trace. Agad namang pinaniwalaan ni Kakay na may emergency ngang nangyari dahilan kung bakit nahuli siya ng dating sa bahay ng mga De la Serna at wala man lang bitbit na mga damit. She wanted to hate herself for fooling Kakay as well. Pero wala na siyang magagawa. Mahirap nang bawiin ang mga nasabi niya kay Trace. Nasimulan na niya ang pagsisinungaling na iyon kaya pangangatawanan niya na lamang. Pagkarating nga sa kanyang condo unit ay dali-dali na siyang nag-empake ng kanyang mga damit. Siniguro niya pang iyong mga simpleng kasuotan lamang ang kanyang dadalhin. Hangga't maaari ay kailangan niyang maging payak lamang sa pamamahay ng mga De la Serna. Hindi dapat mahalata ng mga itong nagmula rin siya sa may-kayang pamilya. At ginagawa niya nga ang pag-iimpake habang kinakausap sa kanyang cell phone si Daisy. Agad niya itong tinawagan at ipinaalam ang kinalabasan ng pagtungo niya sa bahay ng mga De la Serna. "Stop what you're planning to do, Chrissa. Baka mapahamak ka---" "Nangyari na, Daisy. Nagawa ko na," giit niya rito. "Hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko kay Trace De la Serna." "Hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo, Chrissa," wika nito sa tinig na halos kababakasan na ng pagkabahala. "I am telling you, stop it. Huwag ka nang bumalik sa bahay nila." Inihinto muna ni Chrissa ang kanyang ginagawa. Nasa ibabaw ng kanyang kama ang backpack na nilalagyan niya ng mga dadalhing damit. Sa halip na tapusin na iyon ay kinausap niya muna si Daisy. "I need to do this, Daisy. Ito lang yata ang paraan para mapalapit kay Trace---" "Sa tingin mo ay hindi ikagagalit ng lalaking iyon kapag nalamang nagsinungaling ka?" singit nito hindi pa man siya tapos sa pagsasalita. "Chrissa, natatakot ako riyan sa gagawin mo. Paano kapag napahamak ka?" "Hindi mangyayari iyan, Daisy." "At paano mo nasabi?" sansala nito sa kanya. "What if totoo ang mga usap-usapan noon na sangkot sa mga illegal na negosyo ang mga De la Serna? Hindi ka ba natatakot sa gagawin mo?" "Then, it could be a great break for MC Press," aniya. "Baka sakaling tayo ang makapaglabas ng totoong dahilan ng mga nangyari dalawang taon na ang nakalipas, Daisy. May tiyansang makabawi tayo sa kita." "Mas maigi nang hindi kung ikapapahamak mo lang." Chrissa heaved out a deep sigh. "Okay," sumusuko na niyang sabi rito. "Ilang araw lang akong mananatili sa mga De la Serna. Then, aamin din ako kay Trace. Sasabihin ko ang totoo, baka sakaling pumayag siya sa interview. Would that be okay?" "Are you nuts?" buwelta nito. "Sa tingin mo, papayag iyon matapos mong magsinungaling? Baka nga hindi ka na makalabas ng buhay sa bahay nila, Chrissa." "Don't be so exaggerated, Daisy," saad niya. Hindi niya pa mapigilang matawa dahil sa mga huling sinabi nito. "I just need to do this. Alam mo namang may kailangan pa akong patunayan sa mga magulang ko. Kung tuluyang mahihinto ang operasyon ng MC Press, ano na lang ang sasabihin ni Papa? Ipaggigiitan niya lang na mali ang pasyang ginawa ko. Kailangan nating makabawi sa kita para magpatuloy ang trabaho natin." "But at your expense?" mabilis nitong sabi. "Chrissa, gagawin mo ang lahat para lang may mapatunayan sa mga magulang mo? Kahit na ang kapalit niyon ay ang mapahamak ka?" Alam ni Daisy ang nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at kanyang ama. Katunayan, alam din nitong nagmamay-ari ang kanilang pamilya ng isang construction company. Hindi lang ito, actually. Maging ang iba nilang kasamahan sa MC Press ay alam din ang kanyang pinagmulan. "Hindi ako mapapahamak, Daisy," paninigurado niya pa. "Bago pa man may magawa sa akin ang mga De la Serna ay aalis na ako sa poder nila." "Pero, Chrissa---" "Just trust me," putol niya rito. "Mag-iingat ako." Ilang saglit na hindi nakapagsalita si Daisy mula sa kabilang linya. Alam niyang hindi pa rin ito sang-ayon sa pinaplano niyang gawin. Hanggang sa maya-maya ay narinig niya na lamang ang pagpapakawala nito ng isang malalim na buntonghininga saka muling nagwika. "Paano ang pagpasok mo sa MC Press? Kung magtatrabaho ka sa mga De la Serna, hindi ka makapapasok sa MC Press, Chrissa." "I will send an email to Ma'am Myrna. I will file an indefinite leave. Mag-iisip pa ako ng idadahilan ko," saad niya rito. "Kina Kaye naman at Arthur, ikaw na ang bahalang magsabi ng totoo." Hindi na rin tumagal ang pakikipag-usap niya kay Daisy. Maya-maya lang ay nagpaalam na rin siya rito. Nang tuluyang matapos ang pag-uusap nila ay agad niya na ring inayos ang mga gamit na dadalhin niya sa pag-alis. Kailangan na niyang makabalik sa bahay ng mga De la Serna bago pa man makauwi si Trace. Iyon ang bilin nito. Nang masigurong maayos na ang mga dadalhin niya ay tuluyan na siyang lumabas ng kanyang condo unit. Maliban sa mga damit at ilang personal na gamit ay dala niya rin ang kanyang laptop. Kailangan niya pa rin iyon kahit nasa bahay siya ng mga De la Serna. Bahala na kung paano niya iyon maitatago sa mga makakasama niya sa bahay na tutuluyan niya ngayon. ***** "A-Anak siya ni Ser Trace?" hindi makapaniwalang saad ni Chrissa habang matamang nakatitig sa limang taong gulang na si Mat-mat, ang batang ipinakilala sa kanya ni Kakay... ang anak ni Trace De la Serna. "Oo, anak siya ni Sir Trace at siya ang babantayan mo mula sa araw na ito," imporma naman ni Kakay habang hawak pa sa kanang kamay ang bata. Pagkabalik na pagkabalik niya sa bahay ng mga De la Serna ay agad siyang dinala ni Kakay sa silid na ookupahin niya sa bahay na iyon. Ipinasok niya lang doon ang kanyang mga gamit saka siya inaya na nitong umikot sa buong kabahayan. Kakay showed her the whole house. Kailangan daw kabisaduhin niya ang bawat parte niyon para kung sakaling may iutos sa kanya ang boss nilang si Trace ay hindi na siya magtanong nang magtanong. Ipinakilala rin siya nito sa ilang security guards na nakatalaga sa araw na iyon. Hindi niya pa lubusang maintindihan kung bakit ganoon na lang karami ang bantay sa bahay ng mga De la Serna. Matapos niyon ay sinundo ni Kakay si Mat-Mat mula sa silid nito at dinala sa may sala. Doon ay ipinakilala nito sa kanya ang bata. Chrissa smiled at him. Bahagya pa siyang yumuko upang magpantay ang kanilang mga mukha. "Hi... Ako si Chrissa, ang bago mong tagapagbantay," she said with gentleness. Sa kabila ng pagkukunwaring gagawin niya, hindi niya maitatangging totoong pagkamasuyo ang ipinapakita niya sa bata ngayon. Hindi niya rin namang gusto idamay pa ito sa pagpapanggap na gagawin niya. As much as possible, she wanted to be true to him. She was still smiling while staring at him. Inaantay niya itong magsalita pero hindi man lang umimik si Mat-Mat, dahilan para muli siyang nagwika. "Kumusta ka? Okay lang naman sa iyo na ako ang madalas mong makakasama mula ngayon, hindi ba?" The boy didn't show any reaction on what she said. Nakamasid lang ito sa kanya at sa totoo lang ay hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. "Hindi siya nagsasalita, Chrissa," narinig niyang sabi ni Kakay na naging sanhi para kumunot ang kanyang noo. "P-Pipi siya?" "Hindi," tugon ni Kakay sabay akay kay Mat-Mat palapit sa sofa. Pinaupo nito ang bata roon bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nagsasalita talaga itong alaga namin. Katunayan, bibo ito noon. Nagsimula lang siyang hindi magsalita noong namatay si Ma'am Liezel." "M-Ma'am Liezel?" alanganin niyang tanong. Alam niyang iyon ang pangalan ng kasintahan ni Trace, ang ina ni Mat-Mat. Nabanggit na sa kanya nina Arthur ang pangalan ng babae. Nagtanong lang siya sapagkat gusto niyang udyukan si Kakay na magkuwento pa. May pakiramdam si Chrissa na may makukuha siyang impormasyon mula rito. "Oo, si Ma'am Liezel. Siya ang ina ni Mat-Mat at namatay---" "Kakay..." Bigla ay nahinto sa pagsasalita si Kakay nang may tumawag sa pangalan nito. Magkasabay pa silang napalingon sa may pasilyong patungo sa komedor at doon ay nakita si Manang Tess. Naipakilala na rin ito ni Kakay sa kanya kanina at mainit naman siyang binati ng matandang babae. Hindi niya lang maunawaan ngayon kung bakit waring may galit siyang nasilip sa mukha nito habang nakamasid sa kanila ni Kakay. "Maya-maya lang ay pauwi na si Trace. Tulungan mo na akong maghanda ng hapunan," saad pa nito bago siya binalingan. "Ikaw na ang bahala kay Mat-Mat. Ngayon ang simula ng trabaho mo bilang tagapagbantay niya." "O-Opo..." mahina niyang saad dito. "Oh, dito ka na kay Ate Chrissa mo, ah. Behave ka sa kanya," wika naman ni Kakay kay Mat-Mat na ni hindi man lang nagbigay ng reaksyon sa tinuran nito. Chrissa smiled and was about to walk towards the boy when suddenly, Manang Tess spoke again. "Dalawang bagay lang ang nais masiguro ni Trace sa mga pumapasok bilang babysitter ni Mat-Mat, Chrissa," wika sa kanya ng matandang babae. Napalingon dito si Chrissa kasabay ng kanyang pagtanong. "A-Ano ho iyon?" "Una, ang maalagaan nang maigi si Mat-Mat. Wala kang gagawing gawaing-bahay. Kami ni Kakay ang bahala roon. Ang tanging prioridad mo lang ay ang lahat ng pangangailangan ng bata mula pagkagising niya hanggang sa pagtulog." Saglit itong huminto sa pagsasalita at mataman siyang pinagmasdan. "Pangalawa, hindi pinahihintulutan ni Trace ang pag-uusisa tungkol sa mga bagay na konektado sa pamilya nila. Kung sakaling narinig niya ang usapan ninyo kanina ni Kakay, siguradong hindi niya iyon magugustuhan." Chrissa couldn't help but swallowed. Iyon marahil ang dahilan kaya waring galit kanina ang matandang babae. Hindi nito nagustuhan ang paksang pinag-uusapan nila ni Kakay. Pero bakit ganoon na lang kadisgusto ni Trace na pag-usapan ang tungkol sa pamilya nito? Bakiy ayaw nitong may nang-uusisa tungkol sa bagay na iyon? May ayaw ba itong ipaalam sa iba? "Hindi na ho mauulit, Manang Tess..." Si Kakay ang sumagot dito dahil sa hindi siya nakaimik. "Sumunod ka na sa akin sa kusina, Kakay," muling aya rito ni Manang Tess. "Ikaw na ang bahala kay Mat-Mat. Maaari mo siyang samahan sa playroom niya. Itinuro ko na iyon sa iyo kanina, hindi ba?" Tumango lang siya kay Kakay habang may matamis na ngiti sa mga labi. Hindi pa rin siya makaapuhap ng ano mang sasabihin sapagkat hindi niya maiwasang mapaisip. May pakiramdam siyang ang mga tao sa bahay na kinaroroonan niya ngayon ay kayraming bagay na itinatago. And she couldn't wait to know more about them. Sisiguraduhin niyang aalis siya sa bahay na iyon na marami nang alam tungkol sa mga De la Serna. Tuluyan na sanang pupunta ng kusina ang dalawa nang biglang tumunog ang teleponong hindi kalayuan sa sofa na kinauupuan ni Mat-Mat. Dahilan iyon para maudlot ang pagsunod ni Kakay kay Manang Tess. "Susunod na lang ho ako, Manang. Sasagutin ko lang ho ang telepono." Manang Tess just nodded her head. Isang nagpapaintinding tingin pa muna ang iniwan nito kay Kakay bago tuluyan nang magtungo sa kusina. Si Kakay naman ay mabilis nang lumapit sa mesang kinapapatungan ng telepono at agad na iyong sinagot. Narinig niya pa ang pagbati nito sa kung sino mang tumawag. While Chrissa walked towards Mat-Mat. Naupo siya sa tabi nito saka nagsalita. "Gusto mo bang samahan kita sa playroom mo? Gusto mo bang maglaro?" The boy didn't answer. Pinagmasdan lamang siya nito na mistula bang kinikilala siya. Akmang uulitin ni Chrissa ang mga sinabi niya nang maawat iyon dahil sa mga sumunod niyang narinig na sinabi ni Kakay. May kausap pa rin ito sa telepono pero ngayon ay sa kanya na nakatitig. "A-Ano ho ang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Kakay. "Hindi ho matutuloy ang babysitter na ipapadala niyo sana rito sa mga De la Serna?" Because of what Chrissa heard, her heart suddenly skipped a beat. Unang araw niya pa lang sa mga De la Serna, mabubuko na ba siya agad?“Let me help you,” saad ni Chrissa sa malumanay na tinig kasabay ng pagkuha niya ng kutsara at tinidor mula kay Mat-Mat. Ni hindi ito umangal at hinayaan lamang na siya na ang maghati ng karneng nasa pinggan nito.Chrissa tried her best to smile at the kid. Napatingala kasi ito sa kanya matapos ng ginawa niya at gusto niyang iparamdam ditong maayos na ang lahat. Mula kasi nang mangyari ang ginawang pagpadukot sa kanila ni Daniel ay dama niyang nag-iba na naman ang bata. Hindi naman ito tumigil sa pagsasalita at nakikipag-usap naman sa kanila pero pigil ang bawat kilos nito na para bang takot na ano mang oras ay may mangyayaring masama.And it has been almost two months since that happened. Matulin na lumipas ang mga araw at sa ngayon ay halatang-halata na ang kanyang tiyang halos paapat na buwan na. It has been two months, yet Chrissa could feel that Mat-Mat finds it hard to move on. Nasa dibdib pa rin nito ang takot dahil sa mga nangyari.At iyon ang rason kung bakit sa tuwing magkas
Maagap na kumilos si Trace para hawakan ang mga kamay ni Chrissa. Mahigpit na ikinulong ng binata sa mga palad nito ang dalawa niyang kamay saka muling naupo sa kanyang tabi. Puno pa ng pagsusumamo ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya kasabay ng muling pagwika.“Listen to me, baby,” wika nito sa masuyong tinig. “Those people that I had killed... that the organization had killed, masasamang tao ang mga iyon. They were also part of a syndicate and also doing illegal things. Hindi kami pumapatay ng mga inosenteng tao.”“Mga tao pa rin sila, Trace,” mariin niyang saad sabay bawi sa kanyang mga kamay na hawak nito. “Kahit pa sabihin mong gumagawa rin sila ng masama, hindi niyon mabubura ang katotohanang nakapatay ka na. Nakagawa ka na ng krimen. Ano ngayon ang kaibahan mo sa mga taong iyon na sinasabi mong masasama?”“Okay, yes,” he said in frustration. “I had done a lot of crimes, Chrissa. Hindi ko itatanggi ang mga iyon. We sold drugs, illegal weapons... even women. You want me t
“You should eat a lot of fruits and vegetables for your child. Makabubuti ito para sa inyo,” banayad na wika ni Victoria kay Chrissa habang nagbabalat ng orange. Nakaupo ito sa silyang katabi ng kanyang higaan habang nakalagay sa kandungan nito ang isang platitong pinaglalagyan nito ng nabalatang prutas.Hindi maiwasang mapangiti ni Chrissa sa kanyang ina. Nakaupo lamang siya sa ibabaw ng kama at nakasandal pa ang likod sa headboard niyon habang pinagmamasdan ito sa ginagawa.Simula nang mailipat siya sa pribadong silid na iyon kagabi ay hindi pa umaalis ang kanyang ina. Ito, kasama si Trace, ang nagbantay sa kanya sa ospital. Naroon din kanina ang kanyang ama na kinailangan lamang umalis dahil sa maraming trabahong kailangang harapin sa Bonifacio Construction Company.Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kanyang ina. Nagbibigay pa ito ng bilin sa kung ano ang dapat niyang gawin para mapabilis ang pagbalik ng kanyang lakas matapos magtamo ng tama ng baril. Naririnig niya ito ngunit halos
Ni walang inaksayang oras si Trace at agad na tinawid ang distansiya nila ni Chrissa. Sa malalaking hakbang ay agad niya itong nalapitan at halos sumalampak sa tabi nito. Sinapo niya ang batok ng dalaga at bahagyang iniangat ang ulo nito kasabay ng marahan niyang paghaplos sa pisngi nitong may pasa pa.“B-Baby...” sambit niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuan nito at halos magtagis ang mga ngipin niya nang makita ang sariwang dugong umaagos sa kaliwang balikat nito.“T-Trace,” narinig niyang saad nito sa napakahinang tinig. “O-Our baby... our baby, Trace.”Chrissa sobbed. Pinaghalong takot at pag-inda sa sakit ang lumarawan sa mukha nito. Marahas pa itong napaigtad nang maya-maya ay nakarinig pa sila ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Out of instinct, he grabbed her and hugged her tight for protection.Agad siyang napalingon kay Alvaro nang mapunang dito nanggaling ang dalawang putok kanina. Nakatutok pa ang baril na hawak nito sa kanyang likuran na nasisiguro niyan
Chrissa swallowed hard as she tried her best to hold her tears. Ngunit kahit anong pigil niya na huwag nang umiyak ay patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha habang nakatitig kay Trace. Nakatayo ilang hakbang mula sa kanila ang binata. Nakatiim ang mukha nito dahil sa labis na galit na alam niyang laan para kay Daniel.Hindi niya inaasahang agad itong pupunta. Tama ang mga sinabi ni Daniel kanina. Sadyang mabilis ang pagdating ni Trace. Nahihinuha niyang dahil iyon sa labis na pag-aalala nito para kay Mat-Mat at marahil ay dahil na rin sa kanya at sa dinadala niya.Hindi pa nakaligtas sa paningin ni Chrissa ang mas pagdilim ng mukha ni Trace nang mapatitig sa kanya. Alam niyang nakita nito ang bakas ng pananakit sa kanya ni Daniel. Hindi niya kailangang tumingin sa salamin para masabi niyang may pasa ang sulok ng kanyang bibig. Nakadarama siya pananakit sa bahaging iyon kaya alam niyang nag-iwan ng bakas doon ang ginawa ng lalaki.“D-Daddy...!” malakas na bulalas ni Mat-Mat nan
Kabadong napatitig si Chrissa kay Daniel na ngayon ay nakatiim-bagang na nakatunghay din sa kanya. Hawak nito sa kanang kamay ang pag-aaring cell phone na kung bakit kaydaling natapos ang tawag na natanggap kanina ay hindi niya alam. Hindi niya inaasahang babalik din ito agad sanhi para hindi siya nangambang saguting ang tanong ni Mat-Mat.Definitely, she was not coming with him. Hindi pa siya nasisiraan ng bait para magpahinuhod sa gusto nito. Sadyang hindi lang siya nagbigay ng ano mang negatibong reaksyon sa mga sinabi nito kanina dahil gusto niyang makita si Mat-Mat. Sa kabila ng sitwasyong mayroon sila nang mga oras na iyon ay mas mapapanatag ang loob niya kung kasama niya ang bata.Kanina pa siya nangangamba sa kung ano ang kalagayan ni Mat-Mat. Hindi lingid sa kanya ang pagnanais ni Daniel na saktan ito sanhi para hindi mawala ang pag-aalala sa kanyang dibdib. It was the reason why she thought of playing a trick. Baka sakaling mapaniwala niya si Daniel upang kahit si Mat-Mat ma