Pinilit kong kumawala sa pagkakasabunot ni Emery pero nahihirapan ako. Nakakalmot na rin niya ang aking mukha.
"Stop it Emery. Bakit ka ba nagkakaganiyan!" sigaw ko sa kaniya
"Sa akin lang si Travis! Akin lang siya!" sigaw nito
"Emery! Anong ginagawa mo?
Napalingon naman ako at si Travis pala iyon kasama si Tristan
Agad na lumapit si Travis sa amin at hinila si Emery paalis sa akin. Nang makalaya na ako ay iniwan niya ito at ako naman ay niyakap.
"Tristan, awatin mo muna si Emery, please." sabi ni Travis. Lumapit naman si Tristan kay Emery at inawat siya
"Travis sa akin ka nalang! May gusto ko naman sa akin 'di ba? Naghalikan pa nga tayo sa bar eh! Alam naman na ni Dahlia kaya wala na tayong dapat itago pa," sabi nito sa akin
Napalingon naman si Travis sa akin at napaiwas ako ng tingi
"Stop it Emery
Nagising ako sa tunog ng shower sa banyo. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.Umaga na pala. Naginat-inat naman ako ng aking katawan at napahikab pa.Rinig ko naman na huminto na ang tunog ng shower sa cr at maya-maya lumabas na ang aking asawa."Goodmorning my beautiful wife!" bati nito sa akin."Goodmorning," bati ko sa kaniya at napahikab ulit.Lumapit naman ito sa akin at tinitigan ako. Tiningnan ko naman siya na parang sinasabi kong "Ano ang problema mo?""Iyong goodmorning kiss ko," napanguso naman ito sa akin.Napatawa naman ako sa kaniya. Agad ko naman siyang hinalikan pero dampi lang saka tumakbo na papuntang cr."Madaya," sabi nito sa akin.Napadila naman ako sa kaniya bago ko isinara ang pinto.
Kasalukuyan kaming naghahanda ni Travis para sa paparating na Welcome Party ni Emery.Ayaw pa sana naming pumunta dahil magkakagulo lang pero panay ang tawag sa amin ni Mommy, tinatanong kung pupunta pa raw kami. Nakahanda na raw doon at kami nalang nila Emery at Travis ang hinihintay.Nagsuot lang ako ng simpleng dress at tinernohan ito ng sandals. Si Travis naman ay shirt at shorts lang.Nang makarating kami sa mansion ay nagsisimula na ang party. Naandon na rin si Emery kasama si Mommy na nagtatawanan. Napatingin naman si Mommy sa amin kaya naman ay mas lumawak pa ang kaniyang ngiti. Lumapit naman kami sa kanila na nakahawak kamay."Oh! Here's come the lovely couple! Buti ay dumating kayo," sabi ni Mommy sa amin."Hello, mommy," bati ko sa kaniya at niyakap siya. Niyakap niya rin ako ng mahigpit at hinaplos ang aking buhok. Nang kumalas kami ay na
Travis POVNagising ako sa nalalanghap kong aroma na sa palagay ko'y adobo. Napabalikwas naman ako nang makapa ko na wala na sa tabi ko ang aking asawa.Agad naman akong napangiti ng mapagtanto kong iyong nalalanghap kong adobo ay luto niya. Ang sarap talaga kapag may asawa ka. Iyong pag-uuwi ka ng bahay ay may naghihintay sa'yo at paghahainan ka ng paborito mong ulam. Kapag ka naman sa pagising sa umaga ay aasikasuhin ka.Bumaba naman ako para batiin ang aking magandang asawa. Sa pagbaba ko ay kita ko na alas sais palang ng umaga. Napangiti ako ng makita ko siyang nakatalikod na abalang-abala sa pagluto.Nang magsasandok na siya ng adobo ay lumapit na ako sa kaniya."Goodmorning, mahal! Ako na," sabi ko sa kaniya. Ramdam ko ang pagkakagulat niya sa ginawa ko. Kinuha ko naman sa kaniya iyong sandok."G-gising ka na pala," s
Dahlia PovDumating ang araw ng pag-alis ng aking asawa. Gustuhin ko mang sumama ay hindi puwede. Wala naman kasi akong gagawin doon talagang mababagot lang ako. Isa pa, hindi naman niya ako maasikaso dahil nasa trabaho siya lagi. Subalit nangangamba ako, dahil kasama niya si Emery. Natatakot ako na sa oras na umuwi ang aking asawa baka makalimutan niyang ako ang asawa niya. Pero may tiwala ako kay Travis, panghahawakan ko iyong pangako niya sa akin na hindi na niya ako pagtataksilan at lolokohin.Kasalukuyan siyang nagiimpake ng kaniyang mga gamit ako naman ay tinutulungan siya."Huwag na lang kaya akong umalis?"Basag niya sa katahimikan. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya."Hindi puwede ikaw ang CEO bawal kang mawala roon," sabi ko sa kaniya."Mamimiss kita, Dahlia. 2 weeks is like a year for me." Umupo naman ito na parang nahihir
Labis akong nababahala at natatakot dahil sa nakita ko sa loob ng box. Nanginginig ang aking mga kamay at hindi mapakali.Agad kong binuksan ang aking laptop at skype app upang matawagan ang aking asawa. Kailangan kong makausap ito.Nakita ko namang offline ito pero tinawagan ko pa rin siya ng ilang beses. Nang ako'y magsawa ay nagtype nalang ako ng message sa kaniya habang pasulyap-sulyap sa profile niya baka mag appear doon ang green light na nangangahulugang online na siya.Naisend ko na ang aking sasabihin at naghintay pa sa kaniya, nagbabakasaling tumawag siya. Pero ilang oras na rin ako naghintay ay wala pa rin ito. Napabuntong hininga naman ako. Hindi na ako kumain dahil ayokong lumabas ng kwarto, natatakot ako baka may taong sumulpot sa likod ko at bigla nalang akong saktan.Napapikit naman ako ng mariin para pigilan ang mga masasamang eksenang naiimagine ko sa aking isipan.&n
"Mommy," sambit ko nang makita siya sa aking likuran."Anong ginagawa mo rito iha? At bakit may dala-dala kang bagahe? Nag-away ba kayo ng aking anak?" sunod-sunod na tanong ni Mrs. Monte Cristo, ina ni Travis."Hindi po mommy, nasa New York kasi si Travis. Hindi niyo po ba alam iyon?""Hindi iha, wala namang sinabi ang aking asawa." Napakunot naman ang kaniyang noo."Ah baka hindi lang nasabi ng aking asawa't anak sa akin. Alam mo naman hindi ko naman kasi pinapakialaman ang kanilang negosyo." Tawa nitong sabi sa akin."O-opo," sagot ko naman."Halika na iha sa mansion, ba't hindi ka nagtawag sa akin nakapaghanda sana ako ng merienda saiyo at ang kwarto mo gamitin mo muna iyong kwarto ni Travis," sabi sa akin ni Mommy.Aangal na sa ako nang hinila niya ako papunta sa loob at pumasok sa kwarto ni Travis. 
Alas kwatro na ng hapon nang makauwi kami ni Mommy Carmela sa mansion, natagalan kami ng uwi dahil nag grocery pa kasi kami at nagshopping. Binilhan niya rin ako ng mga damit at sandals. Sobrang hiyang-hiya ako dahil ang dami niyang pinamili. Tambak iyong shopping bag sa likod ng kotse, pati na rin sa front seat, parang bibilhin na nga ni Mommy Carmela iyong mall sa rami ng pinamili namin.Hindi naman ako makatanggi sa kaniya baka magtampo naman iyon sa akin. Minsan kasing binigyan niya ako ng mga damit ngunit tumanggi ako sa alok niya kaya naman ay sobra ang pagtatampo niya sa akin noon at nadamay pa si Travis na aking asawa.Hirap kong binitbit ang mga shopping bags buti nga’t nilapitan ako ni Nanay Lilet para tulungan. Si Mang Julian naman ay kinuha ang mga shopping bags na dala ni Mommy Carmela/Mrs. Monte Cristo.“Ang rami naman nito, anak. Kaya pala ang tagal niyong dumating. Parang binili niyo na iyong mall sa rami ah,” bulong na sa
Nagising ako sa malakas na katok na nangangaling sa labas ng kwarto. Napakusot naman ako ng aking mga mata at nakita ang aking laptop na naka-off na. Dali-dali kong binuksan ang pintuan para malaman kung sino ang tao sa labas.“Magandang gabi, Ms. Dahlia. Pinapababa na ho kayo ni Mrs. Monte Cristo para kumain.” Nagulat naman ako nang marining ang bati niya. Gabi na pala, ang dali naman ng oras. Bumaba kaagad ako at pumuntang dining area.“Dahia, anak. Kain na,” sambit ni Mommy Carmela nang makita ako. Umupo naman ako sa upuan na katabi ng aking Nanay Lilet.Lahat ng malalapit na katulong sa kanila ay kasabay naming kumain. Ganito talaga ang mag-asawang Monte Cristo, mababait at hindi mata-pobre. Tingin nila sa aming mga mahihirap at kasambahay ay kapamilya na. Tuwing gabi lang kami nagkakasabay-sabay kumain dati, kapag kasi almusal at pananghalian ay busy ang mga tao sa mansion. Kapag gabi naman ay hindi, dahil wala nama