Habang nasa cr si Emery ay nagsasalang na ako ng cd sa player namin. Manunuod kasi kami ng paborito naming korean drama bigla naman akong napatingin ako sa picture frame katabi ng aming TV. Tatlong mga batang magkaka-akbay na nakangiti ng sobrang lapad, Ako, Travis at si Emery. Napangiti naman ako nang maalala ko kung paano kami nagkakilala ni Emery.
Flashback
Batang Dahlia POV
Isang magarbong party ang gaganapin mamayang gabi sa Mansion ng Monte Cristo. Hindi ko alam kung para saan iyon, ang tangi’ng alam ko lang ay busy kami nila Nanay magluto at maglinis ng buong Mansion. Si Nanay kasi ang mayordoma roon. Bata palang ay namulat na ako sa mga gawaing bahay, tumutulong na rin ako sa kaniya kahit paunti-unti. Ayaw ko kasing mapagod ang Inay dahil minsan ay hinihika ito.
Nagsimula na ang party at pinagsuot ako ng Inay ng isang bulaklaking bestida. Regalo ito sa akin ng pamilyang Monte Cristo nang ako ay nagcelebrate ng aking kaarawan noong nakaraang buwan. Naglakad na kami papuntang mansion, dahil magsisimula na raw iyong party. Ako naman ay iniwan ni Nanay at pinaupo sa isang upuan katabi niya. Sila nanay kasi ay nakatoka sa mga nakahandang pagkain, parang isang catering kumbaga. Subo-subo ko ang isang lollipop habang pinapanuod ang mga bisit na kumukuha ng kanilang pagkain, Sunod-sunod na papuri ang aking natanggap mula sa kanila.
“Kay ganda naman netong bata,” sabi ng isa.
“Ang cute naman. Anak mo?” tanong naman ng isa kay Nanay. Agad naman siyang tumango.
Iyan ang palagi kong naririnig sa kanila. Ngumi-ngiti lang si Nanay sa mga bisita at ginaya ko na rin siya. Hanggang sa naburo ako at nagpaalam kay Nanay na kung maari ay payagan niya akong lumabas para makapaglaro. Hindi pumayag si Nanay sa una pero kalaunan sa aking pamimilit ay pinayagan niya ako basta wag lang daw ako lalabas ng Mansion.
Masaya akong lumabas at naglaro ng aking jolen. Maya-maya ay may narinig akong hikbi sa di kalayuan. Sinundan ko ito at may nakita akong isang batang nakaupo sa upuan. Nilapitan ko ito at tinanong kung bakit siya umiiyak.
“Hello bata, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” Agad naman siyang napalingon at umiyak ulit.
“Hala! Tahan na. Huwag ka ng umiyak,” pagaalo ko sa kaniya. Maya-maya ay huminto na siya sa pagiyak at malalim na huminga.
“S-si Daddy kasi *huk* ayaw niya akong bigyan ng lollipop,” sumbong niya sa akin.
“May lollipop ako rito gusto mo?” Nilabas ko ang kaisa-isa kong lollipop sa bulsa. Magiipon nalang ako ulit ng pera para makabili ng kendi.
“S-salamat.”
“Tara laro tayo ng jolen!” Pinakita ko sa kaniya ang hawak-hawak kong supot ng jolen. Bigla namang lumiwanag ang kaniyang mukha at tumango. Masaya kaming naglaro hanggang sa may isang matipunong boses ang tumawag sa kaniya.
“Emery,” tawag ng lalaki. Bigla naman kaming napatangin sa kaniya at bigla ring tumayo si Emery.
“Umuwi na tayo,” agad na tumalikod ang lalaki at sinundan naman ito ni Emery.
“Babalik ako bata, at maglalaro ulit tayo! Babye!” sigaw ni Emery sa akin.
“Dahlia ang aking pangalan!” sigaw ko rin sa kaniya.
“Okay Dahlia!” agad siyang tumakbo at sinundan ang kaniyang ama.
At doon nga nagsimula ang aming pagkakaibigan. Tuwing linggo ay pumupunta si Emery sa mansion kasama ang kaniyang Yaya para makipaglaro sa akin. Minsan din ay tinutulungan niya ako sa mga gawaing bahay. Una ay ayaw kong pumayag pero nagpumilit siya kaya napa-oo nalang din ako. Para raw madali akong matapos at makapaglaro na kami. Utak laro talaga iyong kaibigan ko.
End of Flashback
“Dahlia,” tawag sa akin ni Emery. Napalingon naman ako sa kaniya.
“Tapos ka na? Inihanda ko na iyong papanuorin natin.” Inistart ko na ang palabas at umupo na sa sofa katabi niya.
Matapos naming mapanuod ang paborito naming k-drama ay nagkwentuhan kami. Kwinento niya na mayroon siyang ex-boyfriend sa Korea, ang sanhi ng paghihiwalay nila ay dahil sa biglaang pag-uwi niya rito sa Pilipinas.
“Ano nga ba ang dahilan kung bakit bigla kang umuwi rito?” tanong ko sa kaniya.
“May offer kasi sa aking Big time, iyon ay maging model ng isang brand na ilalaunch ng isang sikat na kompanya rito sa Pilipinas. Hindi ko lang alam kung saang kompanya, bahala na iyong manager ko ang mag asikaso roon,” mahaba niyang litanya sa akin.
“Ahh kaya pala.”
“Ikaw? Kumusta ang buhay mag-asawa? May anak na ba kayo ni Travis? Magiging ninang na ba ako?” naeexcite niyang tanong sa akin. Bigla naman akong nalungkot sa tinanong niya.
“Hm. Heto masaya naman. Kaso noong nagdaang araw ay may hindi kami pagkakaintindihan ni Travis,” napabuntong-hininga naman ako.
“Oh my! Sa anong dahilan naman? Ikwento mo sa akin.” Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Naiiyak akong tiningnan siya at nagsimulang magkwento.
Kinwento ko lahat sa kaniya simula hanggang sa dulo. Wala akong tinagong sekreto. Napapaiyak nalang ako nang naalala ko lahat ng masasamang salita niya sa akin. Lalo na iyong baog at boring na akong asawa. Wala naman siyang magawa kung ‘di ay icomfort ako.
“Don’t worry bes, magkakaayos din kayo. Just give him some time baka naman sinasakal mo na siya, kaya nagkakagan’yan.” Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya.
“H-hindi naman. Never ko siyang sinasakal, lahat ng party at inuman nilang barkada ay pinapayagan ko siya. Ginagampanan ko rin naman ng maayos ang responsibilidad ko bilang asawa niya. Palagi ko siyang asikaso mula umaga hanggang gabi. Lahat ay ginagawa ko para mapadama ko na mahal ko siya at sapat ako para sa kaniya.” Napayuko ako ng may napagtanto sa isip ko.
“Oo nga asikaso mo siya buong gabi. Nararamdaman niya iyong pagmamahal mo,pero bes gusto niya ng anak. Kailangan niya ng anak at hanggang ngayon ay hindi mo pa siya nabibigyan.” Muli naman akong napahagulhol kasi tama siya. Asikaso ko nga siya pero hindi ko naman siya mabigyan-bigyan ng anak. Ano ba ang dapat kong gawin? Ba’t parang kasalanan ko pang hindi kami magka-anak?
“B-bakit parang ako lang ang nasasaktan sa aming dalawa? Akala niya ba ay wala akong pakiramdam? Akala niya ba hindi ako nageeffort para mabuntis ako. Araw-araw pinapanalangin ko na sana ay magka anak na kami, na sana habaan pa ni Travis ang kaniyang pasensya sa paghihintay.” Nagawa ko nalang ay ang humagulhol at yakapin si Emery
“Don’t worry Dahlia. Everything will be alright. Huwag ka nang umiyak.” Hinihimas-himas niya ang aking likod para patahanin ako.
Maya-maya lang ay nahimasmasan na ako.
“S-sorry ha, nasira ko tuloy ang bonding natin.” Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang aking luha.
“Wala iyon Bes. Basta kapag may problema ka ay tawagan mo ako. Okay?” Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang kaniyang screen at sinagot din naman niya ito kaagad.
“Hello? Oo pauwi na ako, pakisabi,” sagot niya sa tumatawag. Bigla naman niyang binaba ang tawag at napalingon sa akin.
“Dahlia, I have to go. Hinahanap na kasi ako ni Papang eh. Alam mo na iyon may pagkastrikto kung minsan. Pasensya na Bes ha,” paumanhin niya sa akin. Agad ko naman siyang nginitian.
“Okay lang iyon. Thank you for lending your ears to me. Ngayon ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan na ako ng problema. Baka mamaya ay sumabog nalang ako sa sakit kapag hindi ko ito inilabas.Buti ay naandito ka.” Mahaba kong paliwanag sa kaniya.
“Naku wala iyon. Sige na mauna na ako! Be strong Bes!” umalis siya at ako naman ay naiwan sa sala. Ihahatid ko pa sana siya ngunit nagpumilit siya na huwag nalang. Kailangan ko raw magpahinga dahil namamayat na ako.
Mag ga-gabi na rin naman, kailangan ko nang magsaing at magluto ng dinner. Uuwi kasi mamaya ang aking asawa galing trabaho baka magalit iyon kapag hindi pa ako nakakapaluto. Ayaw kong magkamali, ngayon ay sobrang ingat ko na sa aking mga galaw o gagawin baka kasi mamaya ay maisipan niyang hiwalayan ako. Hindi ko na nga siya nabibigyan ng anak tapos hindi ko pa magawa ang pagiging may bahay niya.
Alas otso na ng gabi ay wala pa si Travis, kanina pa ako naghihintay sa kaniya dito sa sala. Kanina pa ako tawag ng tawag pero hindi ko naman siya macontact. Ring lang ng ring ang cp niya. Nasaan na ba siya? Dapat ay kanina pa siya nakauwi kasi 5:30 ang out niya sa kompanya.
“Nasaan ka na ba Travis?” tanong ko sa aking sarili.
***
Princess Dahlia SofiaNapabuntong hininga akong napatitig sa isang malaking salamin, tinitingnan ang aking repleksiyon. Napangiti ako nang makitang nasa likod ko ang isang pigurang nakangiti. Sobrang ganda nito sa suot niyang puting gown.“Kumusta ang aming Bride? Mukhang kinakabahan ka, ah,” ngiting wika nito sa akin na ikinailing ko.“Kaya nga eh. Para bang first time kong ikasal.” Napailing ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinagpantay ang aming tingin.“Relax lang, Bestfriend, okay? This is your special day kaya enjoy-in mo. Sobrang ganda mo ngayon, kabog na kabog mo na ako,” natatawang saad ni Emery sa akin.Ilang linggo na ang nakalipas nang gumaling
Sinamahan ko muna palabas sina Dahlia at ang mga bata para makasigurong ligtas sila. Iyong mga babae naman ay binigyan namin ng tuwalya at kumot para kahit papaano ay matakpan ang kanilang katawang hubo’t-hubad.Nang makalabas sila ay siyang dating naman ng mga pulis at NBI. Mabilis akong bumalik doon sa bahay at hinanap si Emery. Rinig ko ang iyak sa di kalayuan kaya sinundan ko iyon.Nanlalaki ang aking mga matang makitang hinahalik-halikan ng isang lalaki ang babae. Nakapatong na ito ngunit may saplot pa naman ito. Mabilis kong hinila ang lalaking iyon palayo sa babae. Damn!Ang baboy at sama ng taong ito! Hindi ko napansing iba pala ang lalaking iyon. Akala ko si Mr. Ronaldo ngunit iba pala. Nakaramdam ako ng pagtutok sa aking ulo kaya agad akong huminto sa pagsuntok sa lalaki. 
TravisExcited akong pumunta sa bahay ng aking asawa na si Dahlia, ngayon kasi ang aming bonding time. Saturday ngayon at ngayon ang bonding time naming magpamilya. Sabi rin sa akin ni Dahlia ay may importanteng sasabihin siya sa akin. Hindi ko alam pero sobrang na-e-excite ako, siguro ay sasagutin na niya ako. Minsan lang mangarap lulubos-lubusin ko na.Kung tutuusin, gusto ko ngang sa iisang bahay na lamang kami ngunit ayaw ko namang pangunahan ang desisyon ng aking asawa. Hangga’t maari ay siya ang masusunod, baka kasi masamain niya ang pag-aaya ko sa kaniya na sa iisang bubong na lamang kaming tumira. Sabihin niyang masiyado akong excited, hindi pa naman nga niya ako sinasagot. Hangga’t maari ay careful ako sa aking sasabihin at gusto. Ayaw kong ma-turn off siya at makagawa ulit ng kasalanan o hindi kaaya-aya sa paningin niya. Ganiya
“Love, hinahanap ka ni Mommy, gusto ka raw makita, okay lang ba na kunin ko ang mga bata sa mansion at iuwi sa bahay? Daanan mo na lang sila since hinahanap ka naman ni Mommy, miss ka na raw kasi,” saad ni Travis sa kabilang linya. Kasalukuyan akong nasa trabaho nang mapatawag siya sa akin. Ilang araw na ang lumipas nang makarating kami sa Pilipinas.“Okay, may balita ka na ba kay Emery?” tanong ko sa kaniya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya nang tanungin ko iyon.“Wala pa nga, love eh. Hindi ko rin siya ma-contact. Nag-aalala ako para sa kaniya at para sa kaniyang anak,” saad niya sa akin.Ilang araw na kasing hindi umuuwi si Emery sa kaniyang condo kaya as a friend ay nag-aalala rin kami sa kaniya. Inaasikaso na rin namin ang mga ebedinsiyang nakalap namin
Napahinga ako ng malalim at napangiti. Okay na kami nila Nanay at Isabella. Ayaw kong magtanim ng galit sa kanila dahil ako lamang ang ma-i-stress. Isa pa, mahal na mahal ko sila at sila na lamang ang aking pamilya kaya hindi ko rin naman sila matiis. Oo, nasaktan ako pero mas pina-mature ako ng panahon. Natuto akong magpatawad at intindihin ang mga tao sa paligid ko.Kanina ko pa hinahanap si Travis dahil kaninang umaga pa siya hindi nagpapakita sa akin. Nasaan na kaya ang asungot na iyon, kailangan ko rin siyang makausap para pag-uwi namin ay okay na kaming dalawa. Handa na akong harapin siya at handa na rin akong lumaban lalong-lalo na sa taong sumira sa aming dalawa.Nilibot ko na ang palasyo ngunit wala pa rin, napakunot ako ng noo nang makitang kausap pala ni Nanay si Travis. Bigla akong kinabahan, hindi ko inaasahang magkakakausap sila. Sana
“Mommy, uuwi na ba tayo sa Philippines? Sabi kasi ni Daddy, uuwi na po tayo,” malungkot na tanong ni Mathilda sa akin.“ Yes baby, uuwi na tayo dahil marami pang aasikasuhing work si Mommy roon sa Philippines. Doon na rin tayo maninirahan kasama si Daddy,” saad ko sa kanila. Hindi ko alam kung nasaan si Travis bigla na lang itong nawala sa kwarto ng kambal. Dito kasi siya natulog at ako naman ay dati kong kwarto.Naging matiwasay ang gabi ko dahil naging okay kami ni Tristan. Hindi ko nga alam kung bakit ang dali kong mapatawad ito. Siguro hindi pa ganoon kalala ang nararamdaman ko sa kaniya.“ Matthew, nakita mo ba ang Daddy mo?” tanong ko sa aking anak na kasalukuyang naglalaro sa kaniyang tablet.