Share

His Suffered Wife
His Suffered Wife
Author: iampammyimnida

Chapter 1

Katok na malalakas sa aking kwarto ang gumising sa aking diwa. Minulat ko ang aking mga mata at nakita ang papalit na sinag ng araw sa bintana. Agad akong napabalikwas at agad agad na bumangon sa kama para buksan ang pintuan.

“Ba’t ang tagal mong buksan ang pinto!? Hindi ba sabi ko saiyo hindi ka dapat maglo-lock ng pintuan? Bilisan mo at maghanda ng pagkain, nagugutom na ako!” singhal na bungad sa akin ng aking asawa. Nakasuot na ito ng damit na kadalasan niyang suot papuntang kompanya.

“O-oo,” utal na sabi ko sa kaniya.

“Bilisan mo!” sigaw niya sa akin at nagsimulang maglakad palayo.

Siya ang aking asawa—si Travis. Siya ay isang CEO ng Monte Cristo Inc. Ito ay kompanyang pagmamay-ari ng kaniyang pamilya. Ako naman ay isang housewife, anak ng katulong sa kanilang mansion. Kababata ko si Travis, mabait siya at marespeto sa kapwa, kaya naman ay agad akong nahumaling at sinagot siya nang siya ay nanliligaw pa lamang noong kami ay nasa kolehiyo.

“Dahlia!!” sigaw ng aking asawa na nagpabalik sa akin sa realidad.

“Oo pababa na!” sigaw ko rin sa kaniya at dali-daling tumakbo pababa ng hagdan.

Hinga-hingal akong nakarating sa kusina. Nakita ko agad ang galit na mukha ng aking asawa na nakaupo sa harap ng lamesa. Agad ko namang binuksan ang aming refrigerator at naghanap ng mailuluto. Nang makuha ko na ang mga sangkap na aking gagamitin ay nagsimula na ako sa aking gagawin. Omelet rice ang niluto ko sa kaniya dahil ito ang paborito niyang kainin. Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na sa mesa ang kaniyang pagkain. Uupo na sana ako nang may inutos siya sa akin.

“Kunin mo nga ang suitcase at pakiayos na rin ng kama ko sa taas,” sabi niya at nagsimulang kumain.

“P-pero nagugutom-“ Naputol din agad ang aking sasabihin nang tiningnan niya ako ng masama. Agad akong natakot at tumango na lamang.

Hangga’t maari ay iniiwasan kong magalit siya sa akin. Sa bawat galit niya kasi ay katumbas na masasakit na salita ang inihahatid niya. Tanga, bobo, losyang at marami pang iba. Iniisip na lang na maswerte pa nga ako dahil HINDI PA niya ako sinasaktan ng pisikal. Nagugutom man ay kailangan kong sundin ang gusto niya, mahal ko siya eh, sobra, kahit sabihin pa ng iba na ang tanga ko na.

Pumasok ako sa kwarto niya at naglinis. Sa pagliko, nakita ko ang isang picture frame na basag sa ilalim ng kama. It was our wedding picture, ang ganda ng mga ngiti namin dito, nakahawak siya sa aking bewang at ang lapad ng ngiti niya. Parang kailan lang, ang saya naming dalawa, ngayon ay hindi ko na alam. Muling sumariwa sa akin ang nangyari noong nakaraang lingo. Ang dahilan kung bakit kami nagkaganito. It was our very first argument.

Flashback

Nagaala ako dahil hanggang ngayon ay wala pa ang aking asawa sa bahay. Alas sais ay dapat naandito na siya pero mag a-alas dose na ng gabi ay subalit wala pa siya. Kanina pa ako tumatawag sa kaniya pero out of coverage naman ito.

Sobrang nagaalala na ako at hindi na mapakali. Paano kung may nangyaring masama sn'ya? Hindi ko ata iyon makakaya. Bigla akong nabuhayan ng loob nang may sasakyang pumarada sa harap ng aming bahay. Sinilip ko ito sa bintana at hindi nga ako nagkamali, ang asawa ko nga ang dumating. Salamat sa Diyos at okay siya.

Pumasok siya ng bahay na pasuray-suray ang lakad. Agad ko siyang inalalayan, amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa kaniya. Mabaho man para sa akin ay tiniis ko na lamang ito. Mas mahalaga ay maasikaso ko ang asawa ko.

“Bakit ka kasi naglasing? Hindi mo naman pala kaya. Sana ay dito ka na lang uminom para naman ay maasikaso kita,” sermon ko sa kaniya.

“Paki mo ba!?” Bigla akong nagulat sa sinabi niya.

“May paki ako dahil asawa mo ako.” Pinaupo ko siya sa kama namin at hinubad ang kaniyang sapatos at medyas.

“Oo nga asawa LANG kita.” Kumirot ang aking dibdib nang sinabi niya iyon sa akin. Anong lang? Hindi ko siya maintindihan.

“May problema ba, Love? Bakit ka gan'yan?” tanong ko sa kaniya. Pinipilit kong maging matatag kahit na naiiyak na ako.

“Ikaw! Ikaw ang problema ko!” Dinuro-duro niya ako.

“Ha? Bakit naman ako? Anong ginawa ko saiyo?” naiiyak kong tanong.

“Ha! You’re a boring wife! Ang losyang mo na. Akala mo ba hindi ko iyon napapansin? Hindi mo rin ako mabigyan-bigyan ng anak! Ilang taon na tayong kasal Dahlia ba’t wala pa!? Pagod na pagod na akong maghintay! Nahihiya na rin ako dahil sa pangungutya sa akin ng mga kaibigan ko! Sila tatlo na ang anak, tayo wala pa ni isa!” mahaba niyang litanya sa akin.

“Hindi ba sabi ng Doctor ay may pag-asa pa naman? Parehas naman tayong healthy eh, wala namang problema Love, wag ka naman sanang sumuko,” paliwanag kong sabi sa kaniya.

“Kailan pa Dahlia!? For 5 years of marriage kahit isa wala tayong nabuo! Siguro tama iyong sinabi ng mga kaibigan ko, na baog ka! Kaya hindi mo ako mabigyan ng anak dahil baog ka!”

Tumulo ang aking luha sa mga sinabi niya. Paano niya nasabi iyon? Gayong sabi ng doctor sa amin ay pareho naman kaming malusog. Mag tiyaga lang ay mabibiyaan din naman kami.

“A-alam mong hindi totoo iyan, Travis. Malusog ako.”

“So sinasabi mo ako ang may komplikasiyon? Ako ang baog sa atin?”

“W-wala akong sinabing gan’yan, ang akin lang ay hindi ka dapat magsalita ng gan’yan. Tiyaga lang Travis, kaya natin ito. Malalampasan natin ito. Mahal naman natin ang isa’t-isa diba? Makakabuo rin tayo. Bastang wag lang tayong susuko.” Nilapitan ko siya at yayakapin sana pero tinulak niya ako sanhi ng pagkalagapak ko sa sahig. Masakit ito dahil nauna ang baywang ko, pero pinilit kong tumayo para aluhin siya. Subalit nakakatakot na sigaw ang pinakalawan niya sa kwarto.

Pinaghahagis niya ang vase at lamp shade sa sahig, ako naman ay tinatakpan ang aking tenga at umiiyak. Hanggang sa napagod siya at nahiga. Nakatulog na ata sa kalasingan.

End of Flashback

“DAHLIA!” sigaw ng asawa ko na nagpabalik sa akin sa realidad. Agad akong tumakbo sa baba at nakita ko siyang naghay sa pintuan.

“Nasaan na ang suitcase ko? Napakakupad mo talaga kahit kelan! Nakakawala kang gana sa umaga!”

“H-heto na. Pasensiya na.” Binigay ko sa kaniya ang case at bigla niya itong hinablot sa akin.

“Alis na ako,”

“W-wait Love. Ingat ka, I love you!” pahabol ko sa kaniya. Siya naman ay dire-diretsong lumabas ng bahay at pinaharurot ang kotse. I sighed. Hanggang kailan ba kami ganito?

Hindi ko alam kung bakit niya nagagawa sa akin ito. Sabi niya ay mahal niya ako at hindi sasaktan nangako siya sa akin sa harap ng altar. Nakalimutan niya na ba iyon? Siguro hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ni Travis sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa asawa ko. Paano nga ba maibabalik ang dating pagsasama namin?

Biglang nag ring ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nabuhayan ako ng loob nang makita ko ang pangalan ng aking best friend na si Emery.

“Hello? Emery!?” Masigla kong sagot sa tawag niya.

“Hi Bes! I miss you. Kumusta na ang aking magandang kaibigan?” Puring tanong niya sa akin.

“Heto okay lang. Ikaw?”

“Im fine! Guess what?? Im here in the Philippines! Actually, papunta na ako riyan sainyo. Can’t wait to see you and Travis!” excited niyang sabi sa akin.

“Omg! Naandito ka na? I’m so happy! Wait, maghahanda lang ako ng snacks natin mamaya. Bye!” Sabi ko sa kaniya at in end na ang call after she bid goodbye.

Naghanda na ako ng pagkain namin. Kahit papaano ay nawaksi ang aking isipan sa pagiisip sa problemang kinakaharap namin ni Travis at dahil iyon sa pagbabalik ng aking matalik na kaibigan na si Emery. Maya-maya ay may biglang nagdoor bell sa aming gate. Baka si Emery na iyon! Kaya naman ay mabilis akong naglakad palabas para salubungin siya. Hindi nga ako nagkamali.

“Emery Bes!” tili ko sa kaniya at mahigpit kaming nagyakapan.

“Bes!! I miss you!” tili rin naman nito.

Bigla namang may sumingit sa amin na nagsanhi ng pagkakalas ng yakap namin sa isa’t-isa.

“Ma’am, mamaya na po muna kayo magyakapan. Iyong bayad po ni ma’am sa akin ay wala pa.” Bigla naman kaming nagulat at napatawa. Naiiling at napakamot ang driver sa amin saka kinuha ang isang libong pamasahe ni Emery sa Taxi.

“Keep the change, manong. Salamat!” Nasiyahan ang driver at agad na nagpaalam sa amin.

“Halika pasok na tayo.” aya ko sa kaniya.

Nang kami ay makapasok sa aming bahay ay palinga-linga naman ito, na tila ba may hinahanap sa loob.

“Wala si Travis, nasa opisina,” sabi ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

“T-tangeks! Hinahanap ko iyong cr niyo. Naiihi na kasi ako. Saan ba iyon?” nauutal na tanong niya sa akin.

Tinuro ko ang direksiyon ng aming cr sa kaniya at siya namang pagpunta niya roon. Napabuntong-hininga ako. Sana naman ay nakamove on na siya. Ilang taon na rin ang nakalipas nang maikasal kami ni Travis. Siguro ay nakahanap na siya ng iba kasi ayaw ko nang maulit muli iyong nangyari sa amin dati.

***

Comments (4)
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Hello wala po pa siyang publish book. Salamat po sa pagbabasa ...️
goodnovel comment avatar
iampammyimnida
Will put it on English version soon ...️ Thank you for reading!
goodnovel comment avatar
Heizle Suarez Dela Cruz Borras
my book po ba ito?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status