Maraming salamat sa inyo guys! Thank you for reasing kahit painful ang story na ito. Sa iilang umulit, maraming-maraming salamat po.
Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk
Sa katahimikan at kadiliman ng gabi, pumailanlang ang tunog ng mga yabag at paghabol ng hininga ni Ellisa. 'Di niya alintana ang pagod at ang mga natamong sugat sa mga paa. Ang anging mahalaga lang sa kanya ay ang makalayo sa mga taong humahabol sa kanya.'Tiisin mo lang, Elisa.'Pagod man ang katawan subalit nanatiling alerto ang kanyang isipan. Mas nilakihan at binilisan niya ang paghakbang. Minsan pa ay lumingon siya. Sa kanyang likuran ay naaninag niya ang liwanag na nagmumula sa mga flashlights ng mga humahabol sa kanya.Malapit na sila.Pumaibabaw man ang frustrations ngunit sumasandal siya sa natitirang lakas.Pag-asa. Ang naramdaman niya nang matanaw ang highway.Pinalis niya ang luha sa mga mata dahil pakiramdam niya ay nagiging malabo ang kanyang paningin.Sa unahan ay natanaw niya ang liwanag na nagmumula sa headlight ng papalapit na sasakyan.'Makakalayo ka na rin, Elisa.'Iniharang niya ang katawan sa daan a
Ang malawak na tubuhang kanyang nararaanan ay tila nagsasalimbayan sa musikang nilikha ng marahang pag-ihip ng hangin. Napangiti si Elisa habang manaka-nakang tinatapunan ng tingin ang nararaanang berdeng kapaligiran.All things bright and beautiful.Kapag namamalas niya ang payapa at berdeng paligid, iyon kaagad ang nasasaisip niya. Lumang tula na laging sinasaulo ng ina niya noon kapag papatulog na sila.Kahit kailan, hindi niya pagsasawaan ang kagandahan ng lugar nila. Walang kahit anong halaga ng pera ang magpapabago sa desisyon niyang dito ilaan ang buhay niya dahil ang Hacienda Helenita ay di lang basta isang tanyag at mayamang lupain, para sa kanya isa itong tahanan.Nagsisilbing backdrop ng malawak na taniman ng tubo ang matatayog na bukirin. Very scenic, tila subject sa mga paintings ni Amorsolo.Ilang metrong layo mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na niya ang malaking gusali sa isang panig ng hacienda. Ito ang nagsisilbing pinakasentro n
"She is unbelievable!"Mas lumalim ang inis ni Lorenzo sa babaeng iyon. Mas naggatungan ang dati nang yamot."Who does she think she is?"Isang simpleng pinapasahod lang ng mga Samonte. The nerve of that woman.Mariin niyang nahawakan ang manibela. Kung hindi lang ito babae matagal na niya itong nasapak. Elisa is a nobody pero may kung anong masamang hangin ang babae at basta na lang siya sinasagot ng ganoon na lang. He is Lorenzo Santibañez for God's sake! Pinangingilagan siya ng mga kakumpetensya sa negosyo at hinahabol-habol ng mga babae. But that wicked woman."Sa 'yo na ulit ang kalsada, mahal na hari."Bakit ba kasi niya binigyang pansin ang kutong lupang 'yon?Kausap niya ang inang si Viviana kani-kanina lang nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng basta na lang nakaharang sa daan."How's my future daughter-in-law?"Hindi niya maaaring maitanggi ang interes na napukaw sa kanya
Ang ganda ng mood niya kanina ngunit may demonyong dumating at bumulahaw sa kanyang pananahimik at pamamahinga. Napaismid siya at kaagad na inilipat ang paningin sa unahan. Mas maiging ang malawak na sakahan ang tititigan kesa sa gwapo nga ngunit nakakasuya namang pagmumukha ng kanyang intuder.Sa akin ba nakatingin si Lorenzo?Himala yata iyon sa lahat ng himala. Dapat yata magpa-fiesta siya."What are you doing here?"Sa loob ng maraming taon ay hindi si Lorenzo ang tipo ng taong unang nagbubukas ng usapan sa kanya. He hates her. Sa di malamang dahilan ay mabigat ang kalooban nito sa kanya. Tingin nito sa kanya ay bacteria magmula noong mga bata pa lamang sila. At kapansin-pansin na mababa ang tonong ginamit nito sa kanya."Kumakain," sa mababa ring tono ay sagot niya. Saka niya sininop ang walang laman ng baunan at inilagay sa duffel bag niya."And of all places, dito pa talaga sa paborito kong spot."Nasorpresa siya sa nala
"Bakit mo pa ako kailangang isama doon?"May uneasiness siyang nararamdaman habang nakaupo sa kotse katabi ni Margaux. Patungo sila sa kabilang hacienda, sa mismong mansion ng mga Santinbañez. Katunayan ay nakakapangalahati pa lang sila ng nilalakbay."Relax. Hindi tayo magtatagal don. We will last not later than nine. Isa pa, we are going to the lion's den, alangan namang pababayaan mo akong mag-isa. Syempre, I need my pack.""Pupunta naman ang mga friends mo, ah, panigurado at saka, nandodoon din naman ang daddy mo."Nakapangalumbaba siya sa nakabukas na bintana at kasalukuyang tinititigan ang nakalatag na mga bituin sa langit. Ang ganda ng gabi pero natatabunan naman ng discomfort na nararamdaman sa puso niya.She was never comfortable around Lorenzo."Ano ka ba? I prefer your company over my so called friends. Si Dad naman, for sure, he and Lorenzo's father would discuss nothing but business."Napabuntunghininga siya.
Matuling lumipas ang mga araw. Mag-iisang buwan na rin simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Kapag sumasagi sa utak niya ang pangayayaring iyon, ‘di niya maiwasang lukubin ng pait ang kanyang dibdib. Sa buong buhay niya, sa pagkakataong iyon siya nakaramdam ng matinding humiliation. Labis-labis na pagpapahiya pa nga. She suffered this pain all alone, in silence. Ayaw niyang magsumbong kay Margaux. Ayaw niyang makagulo.Naipagpasalamat niya na hindi na nagpapang-abot ang mga landas nila ni Lorenzo. Hindi na rin ito madalas na napapagawi sa hacienda.Ngunit nang dumating 25th birthday ni Margaux, napipinto na naman niyang makakrus ng landas si Lorenzo. May engrandeng pagtitipon sa bahay. Imbes na sa isang hotel sa bayan o ‘di kaya ay sa Manila idadaos ang naturang pagtitipon gaya ng nakagawian, mas pinili ni Sir Deo na sa bahay na lang. As always, Margaux looks exquisite sa suot nitong Sherri Hill purple gown. Simple lang ang tabas ngunit lumalabas ang k
"Bullshit!"Nag-echo sa loob ng apat na sulok ng modernong opisina ni Lorenzo ang sunud-sunod na pagmumura niya. He is more than furious. Margaux is gone and nobody could tell where she is.Nasipa ni Lorenzo ang pa ang mesa at muntikan na niyang ibato sa kung saan ang cellphone. Kung hindi pa niya naisipang magpadala ng bulaklak sa tauhan para kay Margaux ay di niya malalamang umalis ito. Kabilin-bilinan niya sa tauhan na personal na iabot ang regalo sa dalaga at hindi kung kani-kanino lang.Niluwagan niya ang kwelyo. He felt his chest tightening. Suddenly, pinangangapusan siya ng hininga. A week since his engagement and his bride ran away. Malaking insulto sa buo niyang pagkatao ang nangyari. Naikuyom niya ang kamao. He has to get to the bottom of this."Cancel all my appointments," utos niya sa assistant at mabilis na tinung