"Don't you think kailangan na nating umuwi, Lorenzo?"Magkatabi silang naupo sa isang bench paharap sa Brooklyn Bridge habang nakasandal siya sa balikat ng asawa. Kagagaling lang nila sa ospital para sa karagdagang tests niya. Nagyaya ang asawa niya na tumambay muna sila sa Brooklyn Bridge Park. Isa ito sa mga pampa-relax niya. Ang sarap lang kasing maupo rito at titigan ang ilog at ang ibang namamasyal sa park. Isa sa mga patients na kasama niya sa isang support group para sa mga cancer patients ang nag-introduce sa kanya sa park na ito.Kalaunan, naging routine na rin nilang mag-asawa.“Naririnig mob a ako, Enzo?”Bumuntong-hininga ang asawa. It was a sigh of frustration. “Saan na naman ba galing ‘yan, Eli?”Ramdam niyang ayaw nito sa tinatakbo ng usapan. "Naaawa na kasi ako sa'yo."Tiningnan siya nito nang tuwid sa mga mata. "Don't be. I'm tough."He is, pero hindi niya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya nito, ng tapang. Hinaplos niya ang mukha ng asawa. "Akala mo ba
"Para saan 'yan?"Kaagad na inilapag ni Eli ang hawak na knitting stick at yarn. Gumagawa siya ng mittens matapos burdahan ang mga lampin. Sabi ni Lorenzo, pwede naman daw silang bumili ng ready-made pero ini-insist niyang gawin ito. Lahat ng magiging gamit ng kambal nila, may personal touch niya.Akmang tatayo siya mula sa pagkakaupo sa rocking chair ngunit sinenyasan siya nitong manatili."Don't bother."Lumapit ito at hinalikan siya at ang maumbok na niyang tiyan.Lorenzo looks so tired. Tuluyan na nitong niyakap ang pamamahala ng hacienda. Katwiran nito, dito sila masaya. Si Audrey na ngayon ang humalili sa binakante nitong pwesto. Thankfully, nagkabati rin ang mag-anak. Madalas ngang sabihin ni Audrey sa kanya na lahat ng magagandang nangyayari sa kanila ay siya ang dahilan. Sa papanong paraan ay di niya matukoy. And Caleb, how much he missed that boy, ang isa sa mga dahilan nang pagkakalapit nila ni Lorenzo."Ako ang mag-aalaga sa pinsan ko, Tita Eli," sa tuwina ay pangangako ni
Cali and Elixir were born eight minutes apart. A beautiful baby girl and a handsome baby boy. Kuhang-kuha ng kambal ang mga features ni Lorenzo.Complete family. Ganoon ang pakiramdam niya.Sa loob ng maraming taon na nabuhay siya, ngayon niya lang tahasang masasabing kumpleto ang pagkatao niya. Ang pagiging maybahay at ina ang epitome ng tinatawag na kabuuan ng pagkababe niya.She was more than happy.“Look at them.”Napangiti siya sa nakikitang tuwa sa mukha ng asawa. Kung may mas masaya man sa mga oras na ito, ang asawa na niya marahil.“They are beautiful, Eli.”Hindi matawaran ang saya ni Audrey habang buhat ang isa sa mga kambal. Ang buong hacienda yata ay nagdiriwang sa pagdating ng mga anak niya. Ang Daddy Manolo na kasalukuyang may iniindang karamdaman, halos ayaw nang ipahiram kay Viviana si Cali.“Manolo, ako na naman.”Nagkakangitian na lang sila ni Lorenzo habang naaaliw sa pag-aagawan ng mga biyenan sa mga apo ng mga ito. Naisisgurado niya na magiging busog sa pagmamahal
Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran.Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo.Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon.Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli.Napangiti siya.It feels like yesterday.Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno."Ha-ha-ha.!"At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapahalakhak.Napatingin siya sa paligid.This place screams of Elisa. The only woman he loves. His ultimate destiny. His soulmate. Ang tanging babaeng mamahalin niya sa habangbuhay."Dad, ang daya mo talaga. Kap
Nagkulay kahil ang maitim na kalangitan. Ang apoy na nagmumula sa sunog sa malawak na tubuhan ay lumikha ng kakaibang tanawin- it created a beautiful contrast against the pitch black sky. Kung sana ay spectacle iyon pero hindi lang iyon basta tanawin, kabuhayan iyon na pinanday ng amang si Deogracias at ng mga ninuno niya sa loob ng mahabang panahon.Sa isang iglap lang ay nagbabantang magiging abo ang lahat. Napalingon siya sa paligid. Ang lahat ng mga tauhan sa hacienda ay may hawak na timba ng tubig, magkatulong na inapula ang apoy na sa ilang saglit lang ay kakalat at tutupok sa lahat ng madantayan. Paroo't-parito ang mga iyon. Incoherent words are coming from each of them.Ang tunog ng paglamon ng apoy sa mga pananim na humalo sa hiyawan at sigawan ang prominenteng ingay na namayani sa paligid. It was defeaning.Nakakasakit ng kalooban ang namamalas sa ngayon. It was too heartbreaking.Her eyes are directed to that one man na sa unang pagkakataon ay kakikitaan ng pagsuko at pagk
Sa katahimikan at kadiliman ng gabi, pumailanlang ang tunog ng mga yabag at paghabol ng hininga ni Ellisa. 'Di niya alintana ang pagod at ang mga natamong sugat sa mga paa. Ang anging mahalaga lang sa kanya ay ang makalayo sa mga taong humahabol sa kanya.'Tiisin mo lang, Elisa.'Pagod man ang katawan subalit nanatiling alerto ang kanyang isipan. Mas nilakihan at binilisan niya ang paghakbang. Minsan pa ay lumingon siya. Sa kanyang likuran ay naaninag niya ang liwanag na nagmumula sa mga flashlights ng mga humahabol sa kanya.Malapit na sila.Pumaibabaw man ang frustrations ngunit sumasandal siya sa natitirang lakas.Pag-asa. Ang naramdaman niya nang matanaw ang highway.Pinalis niya ang luha sa mga mata dahil pakiramdam niya ay nagiging malabo ang kanyang paningin.Sa unahan ay natanaw niya ang liwanag na nagmumula sa headlight ng papalapit na sasakyan.'Makakalayo ka na rin, Elisa.'Iniharang niya ang katawan sa daan a
Ang malawak na tubuhang kanyang nararaanan ay tila nagsasalimbayan sa musikang nilikha ng marahang pag-ihip ng hangin. Napangiti si Elisa habang manaka-nakang tinatapunan ng tingin ang nararaanang berdeng kapaligiran.All things bright and beautiful.Kapag namamalas niya ang payapa at berdeng paligid, iyon kaagad ang nasasaisip niya. Lumang tula na laging sinasaulo ng ina niya noon kapag papatulog na sila.Kahit kailan, hindi niya pagsasawaan ang kagandahan ng lugar nila. Walang kahit anong halaga ng pera ang magpapabago sa desisyon niyang dito ilaan ang buhay niya dahil ang Hacienda Helenita ay di lang basta isang tanyag at mayamang lupain, para sa kanya isa itong tahanan.Nagsisilbing backdrop ng malawak na taniman ng tubo ang matatayog na bukirin. Very scenic, tila subject sa mga paintings ni Amorsolo.Ilang metrong layo mula sa kinaroroonan niya ay tanaw na niya ang malaking gusali sa isang panig ng hacienda. Ito ang nagsisilbing pinakasentro n
"She is unbelievable!"Mas lumalim ang inis ni Lorenzo sa babaeng iyon. Mas naggatungan ang dati nang yamot."Who does she think she is?"Isang simpleng pinapasahod lang ng mga Samonte. The nerve of that woman.Mariin niyang nahawakan ang manibela. Kung hindi lang ito babae matagal na niya itong nasapak. Elisa is a nobody pero may kung anong masamang hangin ang babae at basta na lang siya sinasagot ng ganoon na lang. He is Lorenzo Santibañez for God's sake! Pinangingilagan siya ng mga kakumpetensya sa negosyo at hinahabol-habol ng mga babae. But that wicked woman."Sa 'yo na ulit ang kalsada, mahal na hari."Bakit ba kasi niya binigyang pansin ang kutong lupang 'yon?Kausap niya ang inang si Viviana kani-kanina lang nang mahagip ng kanyang mga mata ang babaeng basta na lang nakaharang sa daan."How's my future daughter-in-law?"Hindi niya maaaring maitanggi ang interes na napukaw sa kanya